Spectacular: Fourteen
14.
Sa pangalawang araw ng Foundation Day, nagkaroon muna kami ng mabilis na meeting sa office bago pumunta sa kanya kanya naming task. Mas madami ang mga activities ngayong araw dahil nagsimula na ang mga mini sports competition at university wide race.
Si Lawrence at Pia ang naka assign na magcover doon dahil ito ang isa sa mga pinakanakakapagod. Isa yong race kung saan may mga challenges at clues na nagkalat sa buong university at sa downtown.
There are task like finding something in the wet market, riding a jeep to the next location, searching for building signage, at kung ano ano pa. Kailangan nilang masundan ang progress ng race para makuha ang buong story ng kung sino man ang mananalo.
Nagtagal ang race ng buong umaga. Balita ko mula sa College of Engineering ang nanalo. Habang nasa race si Pia at Lawrence at nasa ibang events ang iba pang members, katatapos ko namang magcover ng event sa College of Nursing. Isang university version ng game na Who Wants to be a Millionaire.
Hindi na ako nagtaka nang mangaling sa College of Business and Accountancy ang nanalo. Tatlo ang nakarating hangang sa final question. Nagbigay ang winner ng maikling interview. Alam niya din galing ako sa CBA kahit hindi ako nakauniform. Nagtaka siya na maliban kay Pia na kasalukuyan niyang kaklase, may iba pang member ang Arcadian na mula sa college namin. Sinabi ko na bago lang ako kaya ngayon niya lang nakita.
Hapon na ang susunod na event. Kumain muna ako sa labas ng university since napakaraming kumakain sa cafeteria ngayon. Tinext ko ang mga kasama ko kung kamusta sila sa mga task nila.
Pia sent a crying emoji and Rhea sent a picture of her and Charlie inside the multi-purpose hall in the College of Education with the caption: “get us out of here!” Nasa isang talk or mini seminar siya with Charlie dahil required na pumunta ang mga students sa college nila.
Stephen sent me a picture of the dreary sky with the caption: "Uulan pa yata." Napatingin ako sa labas ng bintana ng fast food kung saan ako kumakain. And true enough, ang makulimlim na langit kanina ay mas dumilim pa. Mabuti na lamang at patapos na ang race at this time. Ang inaalala ko ang mga booths. Kung anong init kahapon, yon naman ang kulimlim ng langit ngayong araw. Nang patapos na akong kumain nagtext sa akin si Gavin.
“Babes, start na ng program.”
Bigla kong tiningnan ang orasan sa phone ko. One o’clock. Oh crap. Nagmadali kong inubos ang kinakain ko. Naka assign kaming dalawa ni Gavin sa event ng Ms. Foundation na gaganapin sa gymnasium ngayong hapon. Dumaan muna ako sa comfort room bago lumabas. Halos manlumo ako nang makitang tuluyan ng umulan sa labas. Muli kong tiningnan ang phone ko. May text ulit si Gavin.
“Babes, san ka na?”
Napakagat ako sa labi ko habang nagrereply. “McDo sa labas ng uni. Papunta na ako.”
Agad siyang nagreply habang naglalakad ako papunta sa pintuan ng establishment. “May payong kang dala?”
Bumuntong hininga ako at nag type. “Wala.”
Bumungad sa akin ang basang paligid paglabas ko. Walking distance lang ang university at halos tanaw ko ang sidewalk na may shed papunta sa main gate sa kinatatayuan ko. Plano ko sanang takbuhin na lamang ito. Subalit natigilan ako nang makitang may tumatawag sa phone ko. It’s Gavin.
“Babes, nandyan ka pa?” ang bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
“Uh, yes. Palabas na ako—“
“Hwag kang aalis dyan. Hintayin mo ako.” sinabi niya bago ni-end ang tawag.
Pinagmasdan ko ang screen ng phone ko. Wala akong nagawa kundi maghintay sa labas ng building na hindi naabot ng ulan. Ganoon din ang ilan sa mga kalalabas lamang at walang dalang payong tulad ko. Karamihan sa mga kumakain dito ay estudyante dahil isa ito sa pinakamalapit sa university.
Bahagya akong tumingala para pagmasdan ang ulan. Lumipas ang ilang minuto at tinignan ko ang phone ko. Siguradong nagsimula na ang event. Muling nagsend si Rhea ng picture. This time ang nangangawit niyang binti. Its caption: “Been sitting for four hours naaa. Help me!” Napangiti ako habang nagrereply. Nang masend ko ang reply ko, muli kong ini-angat ang tingin ko at napansin ang isang familiar na lalakeng tumatawid sa daan papunta sa direction ko.
May hawak itong itim na payong. Nakasuot din siya ng faded jeans and gray hoodie kung saan nakasiksik ang isang kamay niya sa harapang bulsan nito habang naglalakad. Nang tuluyan itong makatawid, nagtama ang paningin namin. Ngumiti ako at bahagyang kumaway. Nag frown siya. Napalingon ako sa mga kasama kong naghihintay wondering kung ako ba ang sinisimangutan niya.
Nang makalapit si Gavin, huminto siya sa tapat ko. Nakasimangot parin siya. Pakiramdam ko tuloy galit siya. Maya maya pa bigla niyang pinitik ang noo ko. Napakurap ako. “Aray.” reklamo ko saka hinimas ito.
“Hindi nagdadala ng payong, ng hoodie, ng cap.” sinabi niya na inisa-isa ang mga bagay na madalas kong makalimutan at siya ang nagpo-provide. Ngayon alam ko na kung bakit siya mukhang galit.
Nginitian ko siya. “Sorry na.”
Hindi kasi ako nasanay na nagdadalawa ng mga ito. Since iilang lugar lang sa university ang pinupuntahan ko dati. I can even count them with one hand. CBA Building. Library. Cafeteria. Quadrangle. School gates. At madalas sinusundo pa ako mula doon. So I don’t exactly need those stuff.
“Hwag mo akong dinadaan sa ngiti, babes.”
“Hindi ko na kakalimutan sa susunod.” sinabi ko nang makita ang seryoso niyang mukha. Just then muli kong napansin ang nakasulat sa wrist niya na may hawak ng payong.
12.6.MD
Bahagyang kumunot ang noo ko. Iba ito sa nakita ko kahapon. Narinig ko na bumuntong hininga si Gavin.
“Pasalamat ka, babes.”
Muling nawala ang attention ko sa bagay na yon. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. “What?”
Napangiti lamang siya at bahagyang napailing. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin na hindi na siya mukhang galit.
“Tara na nga.”
Umakbay siya sa akin tulad ng nakasanayan niyang gawin. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagshare kami sa payong na dala niya. Napansin kong napatingin sa amin ang ilang mga naghihintay din sa labas. Hindi gaanong malakas ang ulan pero may parte parin sa amin ang nababasa.
Nang makatawid kami, isang sasakyan ang dumaan malapit sa amin dahilan para matigilan si Gavin. Hinila niya ako palapit gamit ang kamay niyang nasa balikat ko upang hindi ako maabutan ng pag saboy ng tubig. Halos mabanga ako sa kanyang dibdib.
Nag angat ako ng tingin para magpasalamat sa kanya, pero bahagya akong lumayo nang mapansin ang magkalapit naming mukha. Napansin kong nakatitig si Gavin sa akin.
“Dapat pala babes, dalawang payong ang dinala ko.” sinabi niya. Bahagya siyang humalakhak bago ibinalik ang tingin sa daan. “Baka makagawa ako ng kasalanan sayo.”
—-
Nagsimula na ang program noong dumating kami. Pang tatlong contestant na ang rumarampa sa stage. They are wearing alternative gowns na gawa sa mga recycled objects tulad ng CDs at mga empty juice packs. I have to hand it to whoever made those gowns dahil napaka creative nila.
Nasa bandang harapan kami ni Gavin. Nangunguha siya ng pictures habang ako naman ay nagta-take down ng notes. Madaming tao sa gym tulad ng inaasahan. Makulay ang mga palamuti na bubungad sayo sa pintuan palang. Ang ibang mga estudyante ay napiling manood muna habang pinapatila ang ulan. May ilang mga booths na nanatili sa labas. Ang iba naman ay napili munang magsara hangang hindi tumitila ang ulan.
Kinunan din ng picture ni Gavin ang mga judges. One of them is the President of the school and Mayor of this town. Naging maayos ang program kahit umuulan. The candidates are beautiful with their styled hair and made up faces. Nagkaroon din ng swimsuit competition sa final five at Q&A sa final three. HRM, CBA, at College of Nursing ang nasa final three.
“Ang gaganda nila ‘no?” sinabi ko habang pinapanood ang paglalakad nila sa stage para sa Q&A.
Sa sulok ng mga mata ko napansin ko napalingon sa akin si Gavin. Tinapat niya ang camera sa mukha ko at narinig ko ang mahinang click nito. I frown at humarap sa kanya.
“Yong stage ang kunan mo.” sinabi ko saka hinawakan ang camera at muling tinapat ang lens sa makulay na stage.
Bahagya siyang natawa bago muling binalik ang focus sa mga contestants. “Mas maganda ka, babes.”
—-
Tumagal ang program ng dalawang oras. Tinanghal na Ms. Foundation ang candidate ng College of Nursing. Naghintay kami na matapos ang program bago pumunta sa backstage para sa maikling interview.
Nakasandal kami sa pader sa bungad ng backstage at pinagmamasdan ang bawat taong lalabas doon. Isang estudyante ang nag-approach sa amin at sinabi na maghintay kami dahil madaming ginagawa ang bagong Ms. Foundation.
Lumipas ang kalahating oras at nakatayo parin kami doon. Halos wala ng tao sa gym at tanging mga staff na lamang at mga tagalinis ang natira. Maging ang ilang mga contestants na kasali kasama ang mga wardrobe and makeup teams nila ay nakaalis na.
Napatingin ako sa phone ko. It’s almost four o’clock in the afternoon. Tumila na ang ulan sa labas. Napalingon ako kay Gavin na nakatayo lamang sa tabi ko habang nakasandal sa pader. Naka harap siya sa kanyang phone at busy na nagta-type. Bahagyang natatakpan ng kanyang medyo magulong buhok ang noo at kilay niya kapag nakatungo.
“Sa tingin mo nandito pa sila?” tanong ko.
Tumango siya. May kinuha siya sa kanyang bulsa. His headset. Sinaksak niya ito sa phone niya. Binalik ko ang tingin sa madilim na hallway sa side namin kung saan makikita sa backstage. Maya maya pa naramdaman ko na may nilagay siya sa tenga ko. Bumungad sa akin ang isang familiar na kanta.
She said "I've gotta be honest,
You're wasting your time if you're fishing round here."
And I said "you must be mistaken,
I'm not fooling... this feeling is real."
She said "You gotta be crazy,
What do you take me for? Some kind of easy mark?”
"You've got wits, you've got looks,
You've got passion, but I swear that you've got me all wrong."
Tahimik kaming naghintay sa hallway habang nakikinig ng parehong kanta. It’s a strange kind of silence. No one dared to speak. But it was not empty. It’s actually comfortable. Nakasandal kami sa pader habang naghihintay at hinayaan na lumipas ang oras.
I'll be true, I'll be useful
I'll be cavalier. I’ll be yours my dear.
And I'll belong to you.
If you'll just let me through.
This is easy as lovers go,
So don't complicate it by hesitating.
And this is wonderful as loving goes,
This is tailor-made, what’s the sense in waiting?
Napatingin ako kay Gavin. Nakasandal ang ulo niya sa pader, nakatingala, at bahagyang nakapikit. Nang maramdaman niya na nakatitig ako, lumingon siya at pinagmasdan ako. Saka siya ngumiti. A lazy, slow yet so-Gavin smile. Napangiti din ako.
And I said "I've gotta be honest
I've been waiting for you all my life."
For so long I thought I was asylum bound,
But just seeing you makes me think twice.
And being with you here makes me sane,
I fear I'll go crazy if you leave my side.
You've got wits... you've got looks,
You've got passion but are you brave enough to leave with me tonight?
Kalahating oras pa ang lumipas bago muling lumabas ang estudyante na nasagbing maghintay kami. Tinawag niya kami para papasukin sa dressing room ng bagong Ms. Foundation. Pagpasok namin doon namin nalaman kung bakit nagtagal ang pagpapapunta sa amin. Mukhang nagkaroon pa ng mini celebration sa loob base sa mga kalat tulad ng boxes ng pizza, containers ng soft drinks, mga natirang cakes at kung ano ano pa. Madami ding bouquets ng bulaklak at mga gift ang nakalagay sa sulok.
Tumagal ang interview ng twenty minutes. By the time we are finished nagte-text na si Pia kung nasaan kami.
“Guys, where are u?”
“Yohoo! We’re in the main booths.”
“We’ll wait for you here.”
Balak ko sanang magreply pero hinila lamang ni Gavin ang kamay ko at patakbo kaming lumabas ng gym. It’s nearly five o’clock in the afternoon at napakatingkad ng paligid dahil sa papalubog na araw matapos ang ulan. May mga lugar parin na basa pero muli ng nakabukas ang lahat ng booths sa university at muling bumalik ang masayang atmosphere sa paligid.
Nakita namin sina Pia at iba pang kasama namin sa harap ng booth ng College of Engineering. Dalawa sa kanila nakaharap sa phone siguradong nagtetext din para tanungin kung nasaan kami. Si Charlie ang unang nakakita sa amin. Kumaway ito. Natawa naman ako sa reaction ng iba nang makita kami. They did an exaggerated version of “Oh my God, guys. We’ve been waiting for like forever!”
Nakahalupkip si Lawrence at tina-tap ang sapatos sa semento na akala mo galit na tatay. Stephen acted to check the watch on his wrist kahit wala naman siyang suot na relo. Pia motioned her hands in the air as if praising the heavens dahil sa wakas dumating na kami.
Napatingin ang ibang tao sa kanila. In their eyes they are a bunch of weird college students. But that’s what I love about them. They are weird. They are awesome. Awesome weirdos.
Mas lalo akong natawa nang makalapit kami. They tried to act mad but failing. Alam kasi nilang sa interview kami natagalan.
“What the heavens, guys?” ang bati ni Pia. She sounded like a strict EIC. Though tumatakas ang ngisi sa mga labi nila.
“Alam niyo bang nag aalala kami ng Nanay niyo.” sinabi ni Lawrence dahilan para humakhak si Gavin at mapalingon si Pia kay Lawrence. “Mahirap na nga ang buhay natin pinapabayaan niyo pa ang mga kapatid niyo sa kalye—“
Tumigil si Lawrence nang abutin ni Pia ang ulo niya para sapakin. “Leche ka, Lawrence!”
Nagtawanan kami at mas lalong napatingin sa amin ang mga taong nasa paligid.
“Dahil dyan manlibre kayo.” sinabi ni Stephen.
“Yes! Kanina pa ako gutom since seminar.” sinabi ni Rhea saka kumapit sa braso ko. “Di ba, Isabelle?”
Ngumisi ako at nag nod.
“Tara na sa HRM booths.” announce ni Lawrence. “Food trip na ito.”
Natatawa kaming sumang ayon. Naglakad kami papunta sa mga booths na puno ng pagkain. Habang naglalakad, nagbabangayan parin si Lawrence at Pia, nakaakbay si Stephen kay Charlie na tila ba hindi na makatayo nang maayos sa kakatawa, nagkwento si Rhea sa akin ng nangyari sa seminar kanina. At naglalakad sa likod namin si Gavin na nakangiti habang pinagmamasdan kami.
A song is blaring on the mighty speakers on the background.
Long live the walls we crashed through
How the kingdom lights shined just for me and you
I was screaming long live all the magic we made
And bring on all the pretenders
One day, we will be remembered.
Napangiti ako. “We will be remembered.”
We are in the midst of people going to and fro, people who know what they want and how to achieve it. People with concrete direction. And here I am. I still don’t know what I want or how to get there, or maybe I already did.
But right here, right now, I know one thing. This is the only moment we have. And it wouldn’t last as long as we want. But the important thing is we are living it, we are young, we are carefree.
People say to have a better future you need to sacrifice the now. But to sacrifice the present for a promise of happiness in the future is the greatest thief of life. You will never get the same moment twice. You will never be as young as you are right now.
Maybe true fulfilment is not about the material things that you will own in the future. It’s not about the society’s idea of a successful life. Maybe it’s about who you are. It’s creating a life base on you and what makes you happy and living every moment without regrets.
***
Gavin’s song: As Lovers Go by Dashboard Confessional
Song on the speaker: Long Live by Taylor Swift
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top