Spectacular: Five
5.
Sabado. Ang araw ng pag decision.
Alam ni Dad na niyaya ako ni Melanie Aragon sa meeting nila ngayong araw. Nasabi niya yon sa dinner kagabi. Noong mga oras na yon ay fixed na ang isip ko na wala akong ano mang sasalihan. Pero dahil sa nalaman ko, nagbago ang lahat ng ito.
"Totoo ba na ininvite ka sa general meeting nila?"
"Yes, Dad." tanging sagot ko habang nasa gitna ng pag cut ng steak.
"So, anong oras ka pupunta?"
"I'm not going." I said firmly yet calmly. "I told you, hindi ako sasali sa kanila."
"You're wasting a rare opportunity. Hindi madali ang makapasok sa isang Student Council. Lalo na sa partylist na nasa mismong position. Madami ang gustong makuha ang chance na meron ka pero hindi sila kasing palad mo."
Napahinto ako sa pag cut ng karne. "You're right, Dad. They are not me. And I'm not them. They may want this, but I don't. So how can I feel privilege?"
Lumingon si Mama sa direction ko na para bang tinatanong kung may sakit ako.
"Hindi ako sila, o kayo, o si Melanie Aragon. So this may not be as important to me as to you or everyone you know who will love to have this opportunity." Tumikhim ako para itago ang masamang pakiramdam na bumara sa lalamunan ko. "Please, understand, Dad."
Pinagmasdan lang ako ni Dad. Tila ba sinusubukang basahin ang nasa isip ko. "Okay then. Just focus on your studies." Dad said with a firm tone.
"Hindi niyo ba tatanungin kung ano ang gusto ko?" I asked.
This time kumunot na ang noo ni Mama. "Isabelle, napag usapan na natin ang tungkol doon, hindi ba?"
Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Gavin. Trapped. Hindi mo na alam kung paano lumabas.
"Yes." Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring nagpatuloy sa pagkain. "And I don't remember agreeing with you."
—-
Hindi ako nakatulog. Nanatili akong nakahiga sa bed at nakatingin sa ceiling habang inaalala ang huling sinabi ni Dad noong dinner. Kung ano man ang gusto kong mangyari ay mabuti pang kalimutan ko na. Dahil wala itong maidudulot na maganda para sa akin.
But unfortunately, this time wala akong pakialam. Pareho lang. Magkakamali rin lang ako sa mga bagay na hindi ko naman ginusto, kaya mas mabuti nang magkamali sa pinili kong decision.
—-
Saturday morning, lumabas ako sa kwarto ko at bumungad sa akin ang tahimik na bahay. Maaliwalas ang paligid at maliwanag. Walang tao dahil kahit Saturday ay may pasok si Mama at Dad.
Bumaba ako sa kusina at natigilan nang makita si Nana Lourdes. Isa siya sa mga kasama namin sa bahay na halos nagpalaki na sa akin. "Good morning, Nana." bati ko. "Anong oras ka nakauwi?"
Nitong nakaraang lingo kasi ay nagpaalam siya kina Mama para bisitahin ang mga kamaganak niya sa Aurora na ilang taon ding hindi nakikita. Tumigil siya sa pagpupunas ng sink nang marinig ang boses ko.
"Kaninang madaling araw, hija. May mga pasalubong pala ako sayo. Gusto mo ng buko pie?"
Ngumiti ako. "Later, Nana. Pagdating ko."
Pinagmasdan niya ako. "May lakad ka?" tanong niya nang napansin ang ayos ko.
I'm wearing faded jeans, red Vans, and a dark blue printed shirt that says 'Team Awesome', with my hair in a messy bun. Dala ko din ang maroon na backpack ko. Umupo ako sa isa sa mga stool sa counter kung saan nakaharap ako sa kusina. "Actually meron."
Pinunasan niya ang kamay sa apron na suot niya bago humarap sa akin. "The Arcadian? Saturday. Starts at ten o'clock?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mo nalaman, Nana?" tanong ko. "I don't remember telling you—"
"Nakita ko ang flier noong dinala ko ang mga bagong labang damit sa kwarto mo kaninang umaga. Hindi mo iuuwi o itatago yon kung wala kang interest. Gusto mong ipaghanda kita ng baon?"
"No need, Nana."
Napa-paused siya sa ginagawa. "Alam ba ito ng Dad mo?"
Natigilan ako at umiwas ng tingin. "Am I a bad daughter?" I asked. "Nana, am I rebellious for doing something I want without their approval?"
Napakurap si Nana at tila ba nabigla sa naging tanong ko. "Hija, hindi naman sa ganoon."
"I just wanted to try..." I run my fingers absentmindedly on the wooden counter top. "You know Nana, this is one of the rare times I wanted to try something not for the grades or credentials but for the sake of trying it."
I don't know how to explain this but I crave for the experience of doing things with meaning, things that are important to me base on my standard and not of someone else. It's like the feeling I get whenever I sketch or write.
You are aware of passage of time but not worried. Because what you are doing is for yourself. It's like consciously feeling you are alive. Maybe that's what I crave for— to get out of this routine, to feel a bit more alive.
Bumuntong hininga si Nana. "Hija, hindi masama na gawin ang mga bagay na mahalaga para sayo na hindi makita ng ibang tao." sinabi niya. "Siguro kaya sila nabibigla ng ganyan ay dahil hindi ka nila kilala."
Hindi kilala? "But they are my parents."
Marahang ngumiti si Nana. "Pero minsan iniisip nila na hindi mo pinag iisipan ang decision mo. Dahil hindi pumasok sa isip nila na gusto mo ito at hindi lamang dahil salungat ito sa gusto nila."
I tried to smile with Nana's encouraging words. "I wonder if it's too late for them to know."
—-
Kinakabahan ako. Nandito ako sa building kung saan matatagpuan ang office ng Arcadian at kinakabahan ako. Pumasok ako sa loob. Nakita ko ang pintuan ng office nila sa dulo ng hallway at naglakad ako papunta doon.
It's Saturday after all. Walang gaanong tao sa university maliban sa mga members ng organization tulad ng Arcadian. Masyadong tahimik. I was expecting to hear their noises from the hallway. Late na ba ako? Napatingin ako sa wrist watch ko. Yep, I'm fifteen minutes late.
Halos nasa tapat na ako ng pintuan nang makarinig ako ng mga ingay. Pero hindi ito mula sa office na nasa harapan ko.
"Oo na! Kukunin na! Napaka amasona mo talaga!" Nakarinig ako ng tawanan. Napalingon ako sa dinaanan ko kanina at napakurap nang makita sila.
"Whoa, anong ginagawa ng isang magandang binibini sa office namin?" tanong ng isang matangkad na lalake. Nakasuot ito ng cap, green na jersey, at puting T-shirt. Ngumiti ito, the kind of smile that made his eyes shrink.
May sumunod sa kanya mula sa likod. Magsasalita sana ito nang makita niya ako. Napakurap ito na tila ba hindi ako inaasahan saka ito ngumiti. Half smirk, half amused smile.
"Look who's here. Nakalaya ang prinsesa sa tore." biro nito.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. How can he be such a jerk and be deep as a placid river at the same time? Ah, the world and its mysteries.
"Hoy! Hoy! Ano yan?!" narinig kong tanong ni Pia mula sa hallway. Halos mag echo ang boses niya sa tahimik na building.
"Makasigaw ang babaeng 'to akala mo nakalunok ng microphone." natatawang bulong ng lalakeng naka jersey. "Tara na nga." nginitian ako nito bago binuksan ang pintuan sa likod ko.
Pumasok sila ni Gavin na humahalakhak. Ngayon ko napagtanto na sila yong napansin ko noon sa cafeteria na kung tumawa akala mo wala ng bukas. Bago tuluyang makapasok, sandaling napalingon sa akin si Gavin. He smiled. And this time, it's as if he's sincere.
"Anong sinabi nila sayo?" tanong ni Pia na nakakunot ang noo nang tumabi sa akin. "Bwisit talaga ang dalawang yon."
Bumalik ang tingin niya sa akin, na ngayon ay may malapad na ngiti. Muntik akong matawa sa mabilis na pagbabago ng mood niya.
"So, Isabelle! You're here!" excited na sabi nito. "Sabi ko na nga ba, darating ka. Ang galing ng instincts ko." natatawang sabi niya.
"Sus! Nag emotional breakdown ka nga kanina." Biro ng lalake na ngayon ay may dalang kahon. Ganoon din si Gavin.
Lumabas sila mula sa office bago sinarado ang pinto gamit ang pagsipa dito. Inabot ni Pia ang ulo niya para masapak. Natatawa naman na umiwas ang lalakeng naka-jersey.
"Sinabi ng hwag sinasara ng ganoon ang pintuan!" singhal ni Pia. "Pumunta na nga kayo sa sasakyan." I tried hard to keep a straight face habang pinapanood sila.
"Oo na, Boss." Lumabas ang dalawa sa building na rinig ko parin ang tawa.
Bumuga ng hininga si Pia sabay ayos ng bangs niya. "Pasaway." reklamo nito bago tumingin sa akin. Ngumiti ito at hinawakan ang braso ko. "Isabelle! Buti dumating ka. Tara na sa meeting!"
Napatingin ako sa office sa likod ko. "Ang akala ko dito ang—"
"Naku, masyadong formal pag dito. Sa bahay tayo nila Stephen."
Oh, I was not informed about that. I don't even know who Stephen is. Napansin ni Pia ang uneasiness ko. Bahagya niya akong pinat sa balikat. Pero dahil masyado siyang malakas halos mapaubo ako.
"Don't worry, malapit lang yon. Tsaka may libreng pagkain." tumawa ito at naglakad habang nakahawak parin sa akin.
Nang makarating kami sa labas ng back gate ng university, napansin ko ang isang minivan na nakaparada sa harapan. It was pale blue with the colorful logo of The Arcadian on the side.
"Sa Mama ni Stephen ang minivan." sabi ni Pia nang mapansin na tinitingnan ko ito. "Dati itong ginagamit sa business nila pero naging official service na ng grupo kaya hinayaan na sa amin. Two years na ito sa amin." proud na sabi nito.
Ilang tao ang nakapaligid sa minivan. Dalawa sa kanila ay nagpapasok ng kahon sa bandang likod nito. Si Lawrence at Gavin. Ang isang lalake ay nakatayo malapit sa pintuan ng driver's seat ay may kausap sa phone. Isang babae ang nasa loob at mukhang tinutulungan si Gavin at Lawrence. At isa pang lalake ay nakaupo sa sidewalk at nakaharap sa laptop niya.
"Ipapakilala ko na ang mga members sayo dito palang." sambit ni Pia na tumigil sa paglalakad. "Magulo na kasi mamaya kapag kaharap mo sila."
"Si Gavin Nicholo Delos Reyes, kilala mo na siya, hindi ba?" tumango ako. "Siya ang official graphic artist ng grupo. Sometimes he's an asshole like Lawrence, pero mabait naman kahit paano."
"Next si Lawrence Mariano, nagkakasundo sila ni Gavin pagdating sa walang kwentang bagay tulad ng pambabae, pero seryoso naman sila minsan. Lawrence is our photojournalist."
Tumango ako.
"Oh, wait." Bigla siyang humarap sa akin. "Alam mo naman na siguro ang position ko, hindi ba?"
I smiled awkwardly. Actually hindi ako familiar dito. All I know is she's part of the organization.
"I'm the Editor in Chief of Arcadian." sagot niya. "Yeah, nanay, boss, taga saway ng mga pasaway."
Really? I didn't know she have the highest position.
"The guy in the phone is Charlie Alvarez. Associate Editor. The girl inside the van is Andrea Samson. Rhea for short. She's a correspondent or writer, just like you." nakangising sinabi niya.
"And lastly, the guy with the laptop is Stephen Dela Cruz. He's our layout artist. Magkatulong sila ni Gavin. Siya din ang official tagapakain, tagabigay ng service, tagabigay ng venue ng meeting, all in one."
Tumango ako at napangiti
"Tulad ng napapansin mo, anim lang kami." dagdag niya. "Originally, labing isa kami. Pero may hindi inaasahan na nangyari kaya kami nalang ang natira." Napansin ko ang lungkot sa boses niya bago ito bumalik sa pagiging masigla.
"Tara na?" Muli niya akong hinila papunta sa grupo. Narinig ko ang usapan nila habang papalapit kami. Nag aasaran.
"Oh, ano? Ready na?" tanong ni Pia nang makarating kami.
Pinagmasdan ako ng mga kasama niya. All of them are smiling as if expecting me. Stephen closed his laptop.
"Let's go." sabi nito.
Sumang ayon ang iba. Pumasok sa driver's seat si Charlie, sa tabi niya naman si Pia. Pumasok na din ako sa loob katabi si Rhea. Nasa back seat namin si Stephen at Lawrence. Ang huling pumasok si Gavin, na siyang nagsara ng pintuan.
"Tara na. Gutom na ang gwapo." sabi ni Lawrence mula sa likod.
"Oo, brad. Kanina pa nga eh." sambit ng nakangising si Gavin.
"Lul mo!"
Naramdaman ko ang mahinang tawa ni Rhea sa tabi ko at ang sigaw ni Pia na tumahimik kami sa likod. Umandar ang minivan at nagsimulang magblair sa stereo ang Saturday music sa radio.
Everything that drowns me makes me wanna fly.
Lately I've been, I've been losing sleep,
Dreaming about the things that we could be.
But, baby I've been, I've been praying hard
Said no more counting dollars, we'll be counting stars.
Tahimik na sumabay sa pagkanta ang mga kasama ko. Ang Ilan sa kanila nagbabangayan parin habang umaandar ang sasakyan. At noong mga oras na yon naramdaman ko ang isang bagay. Pinagmamasdan ko sila at napangiti. It's mid-day and the air is calm. But I feel alive.
***
Song: Counting Stars by One Republic
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top