Spectacular: Eleven
11.
Naka schedule marelease ang magazine sa last quarter ng taon. Around November or December. Pero October na at nagkakaroon parin kami ng ilang problema. Bago semester break ay kailangan na namin na magkaroon ng final draft para mag undergo sa changes at editing. Pero maliban doon ay may dalawang event pa bago ang semester break na madalas pag usapan ng grupo. Ang Foundation Week at Final exams.
Dalawang buwan na ako sa Arcadian. And so far, maliban sa suspicious stare na nakukuha ko sa bahay, sa mga conversations na kadalasan ay napupunta sa katahimikan, maayos pa naman ang lahat.
Dahil lagi silang busy, halos hindi na nila ito napapansin. Hangang hindi naman naapektuhan ang pag aaral ko, at kakampi ko si Nana Lourdes, hindi sila gaanong naghihinala.
Hindi niya ako kinokonsinti. Mas gusto niya lang makita akong excited na pumasok, napapagod, nafu-frustrate, natutuwa. Kesa yong nakikita niya dati bilang perpektong robot na anak ng amo niya.
Katatapos lang ng klase namin noong hapon yon sa Taxation. Pag alis ng professor namin ay agad pumunta ang class president namin sa harapan. Sinabi niya na wala munang aalis sa room. My classmates groaned in unison.
It’s Friday after all. Halos excited na ang lahat na umalis. It has been a hectic week since pinag sasabay namin ang academics at preparations para sa Foundation Day next week. It’s a whole week celebration na halos ilang lingo ding pinaghahandaan. There are activities like parade, booths, battle of the bands, pageants and other programs.
“Class, apat sa subjects natin ang nagparequire ng attendance para sa Foundation Day.”
Halos gumuho ang mundo ng ilan sa mga classmates ko. I tried to stifle a laugh though apektado din ako. Hindi ako madalas nanonood ng mga events sa university. Pumupunta lamang ako sa unang araw and the rest is vacation for me.
Pero madalas may mga pinapagawa pa ang mga professors tulad ng research papers or attendance. Just to make sure na pupunta ang mga estudyante sa events o may gagawin habang walang pasok.
“Ano ba naman yan. Nakaplano na ang bakasyon ko eh!” reklamo ng kaklase ko. Bumuntong hininga ako. Same.
“Masaya yon!” sinabi ni Miss President. “Madaming activities! Let’s also support our representative in Miss Foundation!”
“Paano natin ma-enjoy ang Foundation kung tambak naman ang take home activities natin?” reklamo ng pinakamatanda sa klase.
You see, we are not exactly the outgoing type of college students. We have a lot to worry about like paper works kaya minsan instead na mag attend sa mga school events, madalas nagstay nalang kami sa bahay para gawin yon or mag review.
We are more on the competitive side. Makikita mo sa college namin ang mga pinaka competitive na tao. They are serious, logical, and realist. Tila ngayon palang sinasanay na nila ang sarili nila. They are soon to be in the corporate and business world after all. A competitive career.
That’s why most of the time I feel left out. I’m a sore thumb in this place. They are so sure of what they wanted to be and how to get there. While I struggle to see where I will be after all of this ends.
I don’t see myself in the business world no matter what I do. Ayokong nakukulong sa enclose na lugar buong araw. Maybe I’m just weird but instead of computing numbers I want to experience life, I want to create something that will remind me how awesome it is to be here.
I do like my classmates. Sometimes people treat other people as competitions no matter how wide the smile plastered on their face when they talk to you. But there are times we are okay. May mga oras na masaya kami sa classroom. It’s not the best but it is enough.
Matapos ang meeting sa classroom, pumunta ako sa office at nadatnan ang apat na nandoon. Nakaupo si Charlie, Rhea, at Stephen sa conference table at nakatutok sa laptop at may pinapanood.
Si Gavin naman ay nakaupo sa sofa habang nasa lap niya si Arki. Naagaw ang attention ko ng suot niyang beanie. Isang gray beanie kung saan nag e-stick sa dulo nito ang ilang parte ng magulo niyang buhok.
“Anong pinapanood niyo?” tanong ko kina Rhea.
“Episode ng Game of Thrones.” said Charlie. “Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya nang humarap sa akin.
Napahawak ako sa pisngi ko. “Wala naman. Katatapos lang kasi ng class meeting namin.”
“Cheer up!” said Rhea. “It’s Friday.”
Napangiti ako at umupo sa sofa. Lumingon sa akin si Gavin. Ang cute niya tingnan sa beanie. He reminds me of a certain character in an Asian movie that I’ve watched recently.
“Gwapo ko, no?” nakangising sambit niya nang mapansin na nakatingin ako.
Natawa lang ako. “Lakas maka compliment sa sarili.” sagot ko. Mas lalo lang siyang ngumisi. Inabot ko ang folder namin ni Pia sa Features na nasa malapit, nang magpatihulog si Gavin para mahiga sa lap ko.
“Babes,” sambit niya.
“Oh?” Tiningnan ko ang mga draft ng mga interview na nandoon.
“Babes,” ulit niya na nakatitig sa akin sa ilalim ng binabasa ko.
“Ano nga?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa binabasa ko.
Nabigla ako nang inabot niya ang magkabilang pisngi ko at bigla itong kinurot. “Cute mo talaga.”
Pinalo ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Gavin, ano ba, masakit yan eh.” reklamo ko dahilan para tumalon palayo sa amin si Arki na nasa ibabaw ng tyan ni Gavin.
Ngumisi lang ulit siya bago ako binitawan. Kainis. Muli kong binalik ang tingin ko sa binabasa. Nang mapansin ko na wala na sa akin ang attention niya, bumawi ako at kinurot ang pisngi niya.
Bumungisngis ako nang makita ang pagdaing niya. “Ayan, fair na.” sambit ko nang hindi parin bumibitaw.
Hindi siya bumawi at sa halip ay tiningnan lamang ako habang nakangisi. Maya maya pa hinawakan niya ang magkabilang braso ko at bigla na lang akong hinila para umangat ang mukha niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.
“Fair enough.” ngisi niya. Napatunganga naman ako sa ginawa niya. What the.
“Oy! Oy! Ano yan?”
Halos mapatayo ako sa gulat ako nang marinig ang boses ni Lawrence mula sa pintuan. Na sana nangyari nalang para mahulog si Gavin sa sahig, which is a nice consequence for him by the way.
Natatawa namang umayos ng upo si Gavin sa sofa. “Revenge.” sagot niya. Revenge, huh? Pinalo ko sa kanya ang folder na hawak ko kanina at agad niya naman itong sinanga habang natatawa.
“Kainis!” asik ko sa kanya. Sige, tawa pa. Masamid ka sana sa hangin. Saka lang ako kumalma nang mapansin ang mukha ni Lawrence. “Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ko.
Natigilan siya at napahawak sa may bandang chin niya. Bahagya siyang dumaing nang mahawakan ang pasa doon.
“Ah, wala. Napa trouble lang.” sagot niya. Tumigil naman sa kakatawa si Gavin, maging ang mga nanood sa sulok ay napatingin sa kanya.
Balak ko sanang tanungin kung tungkol saan yon nang pumasok sa office si Pia. Napakurap siya nang makita ang seryosong atmosphere sa paligid namin.
“Oh, bakit ang seryoso niyo?” tanong niya habang nilalapag ang mga gamit sa conference table.
“Ang gwapo ko daw kasi.” nakangising sagot ni Lawrence. Magkabuhol talaga ang bituka ni Gavin at Lawrence pagdating sa pagiging makapal ang mukha.
“Tse! Katatapos lang ng quiz namin kaya tumahimik ka.” asik agad ni Pia. Magtutungo sana siya sa desktop nang matigilan siya at masilayang mabuti ang mukha ni Lawrence. Napakurap ito.
“Napano yan?” tanong niya.
Umiwas ng tingin si Lawrence. Which is uncommon for him dahil wala naman sa bokabolaryo niya ang mahiya at umiwas.
“Sandali, kukunin ko yong first aid.” Pumunta si Pia sa drawer na malapit sa maliit na sink. “Upo, bilis.” utos niya kay Lawrence nang muling humarap sa amin. Lawrence grunted in response.
“Okay lang, Boss.”
Tiningnan ni Pia si Lawrence. A warning stare. “Upo. Bilis.” she said firmly.
Napahaplos si Lawrence sa batok niya. “Okay, okay.”
Pia smiled her sweetest at nagsimulang pahiran ng cream ang pasa ni Lawrence. Nahuli ko naman na napatitig si Lawrence sa kanya habang busy ito sa ginagawa. Pasimpleng natawa ang katabi kong si Gavin at bumulong sa akin.
“Patay tayo dyan.” he whispered.
Hindi ko mapigilan na mapangiti nang makuha ang tinutukoy niya. Matagal ko na itong napapansin. But who are we to interfere? Sumandal ako sa balikat ni Gavin at bumulong. “Kaya na nila yan.”
—-
Nang matapos na sa panonood ang tatlo, sinabi ni Pia ang tungkol sa meeting this Saturday. Doon namin pag uusapan ang gagawin this Foundation Week. Nang magtanong si Pia kung saan ihe-held ang meeting, sinabi si Charlie ng magandang balita.
“Fiesta sa amin bukas. Doon nalang?”
Napatigil agad sa ginagawa ang mga kasama ko. Si Lawrence na nakaharap sa computer halos magningning ang mata sa narinig. Fiesta. Kadugtong niyan pagkain. Hindi na nakapagtataka.
“Naman, bro.” nakangising sagot niya. “Kailan pa kami tumangi sa handaan?”
“Pakipot din pag may time, Lawrence.” komento ni Pia. Bumaling ito kay Charlie. “Anong oras ba? Anong handa niyo?”
Tahimik akong napangiti. Lalo na nang mag gesture si Lawrence sa likod ni Pia as if telling ‘tingnan mo tong babaeng to’. Nahuli siya ni Pia at kinurot siya ng mahigpit sa braso. These two.
So it was fixed. This Saturday’s meeting will be held at Charlie’s place. Hindi ko alam kung saan siya nakatira o kung gaano kalayo ito. But one thing is for sure— I will be with them.
Maybe this is one of the reasons why I love hanging out with them. The atmosphere when I’m with them is different. Refreshing. They are not stable. There is no proper place for them. Because they are bigger than the space they take. They are a set of universe on their own.
They talk about things like passion, freedom, of finding yourself and your dreams. Sa lugar kung saan ako lumaki at sa kasalukuyan kong ginagalawan ay pinagtatawanan ang mga topic na ito. That is why maybe where you belong is not necessarily your home or the place where you came from. Maybe you need to find it. And when you do, go there often.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top