Spectacular: Eighteen
18.
Unang Monday ng semester break nang magkaroon kami ng unexpected meeting. Hapon ang napiling time ni Pia para makapunta kahit ang mga nagsimula na sa part time jobs nila. Pero lumipas na ang halos isang oras ng sinabing meeting time ay kalahati palang kami sa office.
“Guys, alam niyo naman siguro na kahit sem break may meeting tayo.” sinabi ni Pia nang makaupo sa sofa. Nakaupo ako sa tapat ng conference table samantalang si Rhea ay nakatayo malapit sa bintana.
“Nasaan yong iba?” asked Pia.
Umiling ako.
“Baka nasa part time jobs?” sinabi ni Rhea.
Napaisip si Pia dahil dito. “Baka nga. Pero sana naman nag text sila para alam kung pwede na tayong mag start.”
Nakita ni Rhea na nasa bintana ang pusang si Arki kaya pinapasok niya ito. “Mine will start on Monday.” she said referring to the tutorial job na sinabi niya sa grupo noong isang araw.
“Hinihintay ko parin ang response ng inapplyan kong Fast Food chain noong isang araw.” sabi ni Pia.
Habang nag usap tungkol sa part time jobs at kung paano maiba-budget ito kung sakaling nakuha na ang expected na sweldo ng grupo, dumating na si Stephen. Nagsimula ang informal meeting namin about the convension at tungkol sa magazine na irerelease sa simula ng susunod na semester.
Kapag ang convention ang pinag uusapan wala akong magawa kundi makinig. Even though ilang beses na akong in-assure ni Pia na wala akong dapat ipagalala hindi ko parin mapigilan na mangamba. I need to tell my parents about The Arcadian sooner or later. It’s either that o sabihin sa mga kasama ko na hindi ako makakasama sa convention.
After thirty minutes ay dumating si Lawrence. Nag apply siya sa nadaanan niyang convenient store kaya siya natagalan. At siya ang huling dumating sa grupo. Hindi pumunta si Gavin at Charlie. Nag text si Charlie kalaunan na may out of town sila ng family niya. Hindi siya makatangi dahil request ito ng kapatid niya since tapos na din ang sarili nilang final exams.
There’s no text from Gavin.
Pinag usapan namin ang tungkol sa magazines at paano namin mapagkakasya ang oras sa pag aasikaso nito habang may part time jobs ang iba. Luckily, dahil part time lang, hindi nakukuha ang buong araw nila.
We are so close to finishing the final draft. Inaayos na namin ang mga articles noong nakaraang Foundation Week. Though may ilan pang kulang na sections tulad ng sa amin ni Pia, may panahon pa kami para matapos ito bago ipasa ang final draft kay Sir Ryan for review.
When everything was settled pinaalala ni Pia ang schedule ng second meeting. Naghiwa-hiwalay na kami pagkatapos. Nagpaalam si Stephen na may kailangan na puntahan. Si Pia naman ay kailangang dumaan sa Mall dahil may kailangan siyang bilhin para sa office. Sinamahan namin siya ni Rhea as well as Lawrence na may bibilhin din.
“Hindi talaga dumating si Gavin.” sinabi ni Pia habang naglalakad kami papasok ng Mall.
“Nagtext ba sayo, Isabelle?” tanong ni Pia.
Bahagya akong natigilan sa paglalakad. Hindi ko namalayan ang tanong dahil sa malalim na iniisip.
“Ano yon?” tanong ko.
“Si Gavin, wala bang sinabi sayo?” ulit ni Rhea.
Umiling ako. There’s no text from him. Kadalasan sinasabihan niya ako kapag hindi makakarating sa mga meeting. Nang makapasok na kami sa Mall, sumunod is Lawrence na nastuck sa pila sa entrance.
May suot na cap si Lawrence at nakajersey shorts at white t-shirt, ang usual get up niya. Kung si Gavin panay hoodie at faded jeans, si Lawrence mahilig sa varsity uniforms at jersey shorts.
Balita ko dating part ng varsity team ng malaking university ang Papa niya. Kaya madami siyang collection nito. Matangkad si Lawrence at mapagkakamalan mong naglalaro sa team. Naisuklay ni Lawrence ang daliri sa kanyang buhok saka muling ibinalik ang cap na suot.
“Tyansing yong guard ah.” sinabi nito. “Masyado nagwapohan sa akin.”
Kumunot ang noo ni Pia. “Seryosong tanong Lawrence ah.” sinabi niya. “Saan mo nabibili yang kapal ng mukha mo?”
Napangiti si Rhea sa usapan ng dalawa. Nagsimula ulit kaming maglakad. We are walking in front of the Department Store. Nagku-kwento si Rhea at nagbabangayan naman si Pia at Lawrence tungkol sa title ng movie na pinalabas sa mga flat screen TV na nadaanan namin kanina. Maya maya pa, biglang huminto sa paglalakad si Lawrence.
Nagtaka kami nang bigla siyang humarap kay Pia. “Boss, kalma ka lang ah.” sabi nito bago inalis ang cap na suot niya at sinuot kay Pia. Sinadya niyang hilain ang cap pababa na halos matakpan ang kalahati ng mukha ni Pia.
“Lawrence, ano ba?!” asik ni Pia.
Napansin ko na napatingin si Lawrence sa mag inang dumaan sa harapan namin habang nagwawala si Pia dahil wala siyang makita. Inalis niya kaagad ang cap mula kay Pia nang makalayo na ang mga ito.
“Para saan ba yon, Lawrence?” singhal ni Pia.
Ilang tao ang napatingin sa amin at maging kami ni Rhea ay napaatras dahil sa singhal ni Pia.
Tila naman wala lang na nagkibit balikat si Lawrence. “Akala ko bagay sayo, di pala.” sinabi niya saka ngingisi ngising nagpatuloy sa paglalakad. “Lipat nalang tayo. Wala dito yong gusto kong bilhin.”
“Ikaw na.” sambit ng asar parin na si Pia.
Ginulo lang ni Lawrence ang buhok ni Pia. “Sungit mo talaga.”
Pia rolled her eyes. “Pang asar ka talaga.”
“Gwapo naman.”
Nagpigil ako ng ngiti nang makitang mas lalo lang napikon si Pia. Kinailangan kong humarap kay Rhea na natatawa na din sa dalawa.
“Tara na nga sa National Book Store. Iwan na natin yan.” sambit ni Pia na tumalikod mula kay Lawrence.
Napansin ko naman na napatingin si Lawrence sa loob ng Department Store bago tuluyang umalis.
“Buti pa nga, Boss.” he said.
“Di ka kasama.” Pia muttered.
“Samahan ko lang kayo papunta doon. Sungit.” natatawang sabi niya.
Umalis din si Lawrence nang halos nasa tapat na kami ng NBS. Sigurado niya lang talaga na doon nga kami pupunta.
“Ano kayang problema nun?” tanong ni Pia nang pumasok kami sa loob.
Nag shrugged lang ako. Naghanap hanap kami ng mga libro. Though walang akong balak bumili noong una, hindi ko din napigilan ang sarili ko. Napansin ko naman na tahimik si Rhea sa tabi ko. Kanina okay lang siya, then may sinabi sa kanya si Lawrence bago ito umalis, matapos yon bigla nalang siyang tumahimik.
“Hey, may problema?” tanong ko habang nasa Best Seller section kami. Napalingon siya kay Pia na nagka-canvas yata ng office supplies, bago sumagot. “Nandito yong other family ng Papa niya.”
Other family? “Ibig mong sabihin—“
Hindi ko naituloy ang sasabihin nang lumapit si Pia sa amin.
“Wala na dito yong brand na hinahanap ko. Masyado ng mahal ang iba.”
“Tara na?” tanong ni Rhea.
Sumang ayon kami ni Pia. Nag check out ako sa counter ng binili kong libro saka lumabas sa store. Tuluyan na kaming lumabas ng Mall. Pia said something about buying some special ensaymada in a store outside the Mall.
“Bibilhan ko si Mama. Paborita niya yon eh.” sinabi ni Pia habang naglalakad kami palabas. I wonder where Lawrence went.
Sinahaman namin si Pia sa bakeshop na sinabi niya. Nang nasa tapat na kami nito biglang pinisil ni Rhea ang aking braso. Nagtataka na napalingon ako sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
Lumingon siya sa babaeng nasa loob ng shop. Kita mula sa glass wall ng bakeshop kung sino ito. It was the girl, yong anak ng babaeng pinagmamasdan ni Lawrence kanina sa Mall.
Nakasuot ito ng shorts at loose shirt na may dobleng sleeveless sa loob. Sa tingin ko ay mas matanda siya sa amin ng isa o dalawang taon. Mukhang palabas na ito sa shop. Masasalubong namin siya.
Napatingin si Pia sa babae nang tuluyan na itong lumabas. May hawak siyang dalawang paper bags na galing sa shop. This is bad. Base sa reaction ni Rhea at Lawrence hindi magandang idea ang magkita sila.
“Tara na, guys. Hindi na pala ako bibili.” sinabi ni Pia.
Ngumisi ang babae nang makita kami. Namukhaan niya agad si Pia. Lumapit siya sa amin.
“Hi, little sister.” bati niya.
Sumama agad ang timpla ng mukha ni Pia. Mas worst pa ito kesa kapag napipikon siya kina Lawrence at Gavin.
“I’m not your little sister.” malamig na sabi nito at tumalikod. Nastuck kami ni Rhea na napatitig sa kanila.
“Pia, tara na.” sinabi ni Rhea saka sinamahan si Pia sa paglayo.
“Alam mo bang napromote ang Dad mo this week?” sinabi ng babae. “Kaya nagce-celebrate kami nila Mommy ngayon.”
Nakita kong naikuyom ni Pia ang kanyang palad. Pero bumuntong hininga ito at pinakalma ang sarili. “Eh di congrats.”
“Bakit hindi ikaw ang magsabi?” tanong ng babae. “Oh, wait. Hindi na nga pala umuuwi sa inyo ang Dad mo.”
Pinagpasalamat ko na kahit paano ay walang tao sa labas ng shop maliban sa dalawang bakanteng sasakyan na nakaparada sa maliit na parking lot kung nasaa kami. I can’t believe how vulgar a mouth can be. Hindi man lang ito natinag o nagdalawang isip sa mga lumalabas sa kanyang bibig.
“Pwede kitang i-invite sa dinner.” nakangiting sinabi niya.
Doon tuluyang naputol ang pasensya ko. “Shut your mouth. You’re spewing garbage.”
Napatingin ang babae sa akin. Mukhang ngayon niya lamang ako nakita. Napansin ko ang mga mata niya na tila ina-assess ako mula sa ulo hangang sa mga suot kong damit.
“Sino naman ‘to?” tanong niya kay Pia. “Aba, nakahanap ka yata ng sosyal na kaibigan.” Bumaling siya sa akin. “Alam mo ba kung sino sino itong sinasamahan mo? Baka magsisi ka.”
Hindi ako nagsalita. Wala akong balak pumatol sa tulad niya. She’s beautiful indeed. But no breeding at all.
“Tara na, Isabelle.” narinig kong sinabi ni Pia. Mas mahina at wala ang dating ng pagiging strikto at matapang na Pia na kilala ng grupo. “I don’t want to face a shameless family wrecker.”
Tila napikon dito ang babae.
“Aba, so kasalanan ng Mommy ko na maghanap ng iba ang Daddy niya? Kung bakit hindi pa kasi pakawalan ng Mama niya ang Daddy niya para maging masaya na sa amin.”
Natigilan ako kanyang sinabi. Nag aalalang napatingin ako kay Pia. Hindi ito nagsasalita. Walang emosyon ang kanyang mukha. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito ang reaction. For the first time she was helpless.
Rhea is beside her. Pero maging siya hindi alam ang gagawin. I tried my best not to lose my footing while Pia is vulnerable. I would never stoop down to this girl’s level. Pero si Pia ang pinaguusapan dito, ang Nanay ng grupo. Pia’s often the one who’s protective of us. Kaya lahat sa member ay protective sa kanya.
Bumaling ang babae sa akin.
“Kasama ka din ba sa, ano yon, patapong organization nila?” tanong niya sa akin. “Hindi ka bagay doon. Mukha ka pa namang rich kid. Mag ingat ka baka perahan ka lang nila—“
Isang malakas na sampal ang narinig sa bakanteng parking lot ng bakeshop. Nanginginig ang kamay sa pagtitimpi si Pia. Hindi ko napansin na nakalapit na siya. Nangingilid ang kanyang luha habang nakatitig sa babae.
“Sabihin mo ng lahat, siraan mo ako kung gusto mo, saktan mo ako. Pero hwag na hwag mong gagalawin ang Mama ko at ang mga kaibigan ko. Dahil hindi ako magtitimping pamagain ang pisngi mo.”
Pia’s voice is raw, vulnerable. Malalim ang kanyang paghinga ngunit mariin ang kanyang bawat salita.
“Aba, ang lakas naman ng loob mong—“
Akmang aabutin ng babae ang pisngi ni Pia para bawian ng sampal ng may isang matangkad na lalake sa kanyang likod na humawak sa kanyang kamay upang pigilan ito.
“Hep, hep.” sinabi nito. “Walang pwedeng manakit sa mga kasama ko nang hindi dumadaan sa akin.”
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating ni Lawrence. Napansin ko ang hint ng biro sa sinabi niya, maybe to lighten the mood. Pero alam kong seryoso siya sa kanyang banta.
Isang staff sa bakeshop at sumilip sa labas. Tila nagtataka kung bakit kami nasa nananatili sa parking lot at hindi pumasok sa loob. Sinabi ni Lawrence na may pinaguusapan lang kami.
Hindi naghinala ang staff since nakangiting nagsalita si Lawrence. Pero nang muli siyang bumaling sa amin naging seryoso ang kanyang mga mata. Lalo na noong dumako ang mga ito sa babaeng kaharap namin nila Pia.
“Babae, may protection squad yang mga babaeng binabanga mo.” sinabi nito. “Pasalamat ka at ako lang ang nandito.”
Maaring nabigla ang babae sa seryosong banta ni Lawrence dahil bumakas ang pangamba sa kanyang mukha. Nakatingala ito ng bahagya habang kausap ang matangkad na si Lawrence. Nang wala na siyang iba pang maisagot, the girl just scoffed.
“Pare-pareho kayo. Hindi na nakapagtataka na kayo ang magkakasama.”
Noong una hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Pero nang tingnan ko si Lawrence na noon ay nakaharap na kay Pia at pinapakalma ito, doon ko tila napagtanto. We are all train wrecks, each with their own issues, and when we seek comfort, we found each other.
Naglakad palayo ang babae, pero bago siya tuluyang umalis ay may sinabi ako sa kanya.
“What you said doesn’t change my respect for Pia. Actually it earned her more.”
Rhea and Lawrence are now with Pia. Pinapahid ni Rhea ang luha sa pisngi ni Pia gamit ang panyo at si Lawrence naman ay nagbibiro dahilan upang magsimulang bumakas ang ngiti sa mukha ni Pia.
“You don’t judge people base on where they came from. You choose to be friends with them because you accept where they are now and believe where they want to be in the future.”
—-
Nakaupo kami sa labas ng Mall habang may hawak na inumin at tinapay sa magkabilang mga kamay. Naisip namin na kumain muna bago umuwi sa kanya kanyang bahay matapos ng nangyari.
Nasa gilid kami ng Mall malapit sa maliit na park na sa tabi nito. Nakaupo kami sa elevated na part ng sidewalk habang nakatanaw sa mga sasakyan sa di kalayuan, lampas sa parking lot sa harapan namin.
“Sorry, guys.” sambit ni Pia nang hindi lumilingon sa amin.
Bakas ko parin ang bahagyang namumula niyang mga mata dahil sa halos pag iyak kanina.
“Pati kayo nadamay pa.”
Bahagyang nag angat ng tingin si Pia. Nag focus siya sa mga dumadaang mga sasakyan sa tabi ng Mall. Pero alam kong nasa ibang bagay ang kanyang isip. Bumuntong hininga siya.
“Hindi ko talaga gusto ang babaeng yon at ang Mama niya. Pero mas ayaw ko ang Papa ko.”
Napalingon ako kay Pia nang sabihin niya yon. Natawa siya ng mababaw kahit pa bakas ang matinding lungkot dito.
“Tatlong taon na sila ng Mama ng babaeng yon, alam niyo? Pero last year lang namin nalaman. Alam mo ba yong pakiramdam na alam mo na ang pwedeng nangyayari? Pero umaasa ka na mali ang hinala mo. At habang tumatagal naiipon ang kaba sa dibdib mo. It’s as if something is slowly snapping inside of you. Hangang sa malaman mo ang totoo at tuluyan itong maputol.”
Hindi siya umiiyak. Pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga boses niya. Maging ang nanginginig niyang mga kamay habang nilalaro ang hawak niyang container ng inumin.
“Yong naputol? Ang pamilya ko. Yong araw na nalaman namin ang totoo— yon ang araw na naging pader sa pagitan ng nakalipas at hinaharap. Hinati nito ang dalawa at doon ko narealize na kahit ano pa ang gawin ko hindi ko na maibabalik ang dating pamilya ko.”
“Kaya tinangap ko ang lahat. I pushed myself forward. Wala eh, panganay. Nakakapagtaka nga dahil ang bilis kong natangap. Siguro dahil ramdam ko na. Kinailangan ko lang ng confirmation para opisyal na kalimutan ang Papa ko at magpatuloy.”
Napatingin sa itaas si Pia para iwasan na maluha.
“Sana lang ganito din kabilis matangap ni Mama. Nakakabaliw din kasi kapag lagi mo siyang nakikitang umiiyak sa bagay na hindi na maibabalik pa. Pati pag aasikaso sa mga kapatid ko nakakalimutan na niya. Pakiramdam ko pati siya unti unti ding nawawala sa amin.”
Ngayon alam ko na. Malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit ganoon nalang siya kaprotective sa amin. Kung bakit natural sa kanya na inaasikaso ang lahat ng detalye. Kung kumain na ba kami. Kung may importante pa kaming mga gagawin na dapat unahin maliban sa Arcadian. Kung bakit hindi kami dumating o wala sa oras.
Siguro yon ang mga bagay na gusto niyang maramdaman mula sa Mama niya. Because somehow it’s true. You comfort people with the words you want to hear. And you treat them with the same actions you hope someone would treat you. Kung ano ang kulang sayo, yon ang pinapadama mo sa iba. Dahil alam mo ang pakiramdam ng kulang.
“But I really hate Rina. Kaya mabuti lang ‘yon sa kanya.”
Natawa si Pia pagkatapos. A real and relieving laugh.
“Sa totoo lang nakakasawa ding magtimpi lalo na sa harap niya. Okay din pala ang paminsan minsan maglabas ng sama ng loob.”
Nagkatinginan kami ni Rhea. “Sa totoo lang guys naiiyak na talaga ako kanina.” pagaamin niya.
“Nineteen years old na ako pero hindi ko parin alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon.” saka siya natawa ng bahagya.
“Same.” I muttered. “First time to encounter such kind of person. Akala ko nga sasabunutan niya ako.”
Natawa maging si Lawrence sa sinabi ko. “You had your first cat fight at nineteen. Not bad.”
Natawa nalang din ako. “Yeah.” sinabi ko. “And I think we did an awesome job with that.”
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top