Special Chapter
Special Chapter: A Visit To Gio
Asha's POV
Summer break na namin. I just graduated senior high school with high honors. Hindi ako qualified maging valedictorian, pero kasama ako sa overall top 5 ng graduated. Things with Gio wasn't as ideal as before. Hindi siya nanood noong graduation namin dahil saktong finals nila. He is taking legal management at the moment and I can see that he is focused on his studies. Hindi siya sa college campus ng Winsdale nag-aral. He was lucky and smart enough to pass a scholarship in a city six hours away. It wasn't a government scholarship. He had to take an exam for it and only the top 3 passers will get the scholarship.
He sent me a gift through his parents- a bouquet of tulips, a box of chocolate, and messaged to congratulate me. Aaminin kong nagtatampo ako dahil hindi man lang siya tumawag para sana marinig ko man laang boses niya. Since then, our interactions became minimal. Hindi rin siya makauwi dahil gusto niyang mag-advance ng ilang course through summer class. Sa gabi lang siya nagme-message o tuwing Sabado, pero naging cold ako sa kaniya.
"Intindihin mo na lang siya, anak," mahinanong sabi ni Mama habang nag-uusap kami. Napansin niyang hindi ko na masiyadong kinukuwento si Gio kaya napatanong siya kung kumusta kami.
"Ang immature ko ba, Ma?" nahihiyang tanong ko dahil nahihiya na rin ako sa inaasal ko.
"In a way, oo. College na si Gio, anak. Hindi siya ang pumili ng date ng finals nila. Hindi ko rin naman ini-invalidate ang tampo mo. Okay lang magtampo, Asha. Ang hindi normal ay ang pagkimkim mo ng sama ng loob sa boyfriend mo. Ayusin niyo 'yan, please?"
Bumuntong-hininga ako. "Opo, Ma."
Binuksan ko ang cellphone ko at may panibagong message si Gio.
Babe
active now
Hey, Asha! Kumusta?
Hindi ka nagse-seen sa messages ko, haha! Are you enjoying your vacation?
Hi Gio! How are you?
Enrolled na ako for summer class.
Bakit Gio lang? Hahaha
Good luck sa school!
Babe, may problema ba tayo? Are you mad?
Hindi naman.
Are you sure?
Oo, bakit?
I'm sorry.
Bakit?
For not making it to your graduation. For ignoring some messages during our finals. Gil told me you looked really sad when they told you I couldn't make it. I was guilty. I still am, but decided not to ask you about it since I was busy with everything and I didn't want another stressor.
Sorry kung nakaka-stress na pala ako sa 'yo, Gio.
I didn't mean it like that, baby.
Ang akin lang, gusto ko sanang mag-focus that time sa school ko. As in full time.
Gets ko naman.
I'll make it up to you. I promise.
Okay lang. Focus sa goal, Gio.
I love you. Sobra.
Love you, too.
I pretty much ended the conversation there. Mas bumigat lang ang naramdaman ko dahil sa naging conversation namin. It's not the same as before.
"Oh, bakit ka nakasimangot?" tanong ni Mama nang dumaan ulit sa harap ko.
"Hindi ko alam kung paano kami magiging okay, Ma. Miss ko na talaga si Gio."
Hinaplos ni mama ang likod ko. "Bata ka pa, huwag masiyadong ma-stress. Matulog ka na at gabi na, Ashang."
Nag-log out ako sa account ko at sinunod si mama. Sa mga ganitong pagkakataon, tanging tulog na lang ang nagtatanggal ng sama ng loob ko.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa kakaibang ingay. Bumungad sa akin si Mama na nag-iimpake ng mga damit ko sa maleta. Mukhang hindi niya napansin na nagising niya ako.
"Ma? Ano 'yan?" tanong ko.
"Ay, gising ka na pala. Pupunta kasi tayo kay Papa mo. May flight tayo sa isang araw papuntang Cebu."
"Bakit?"
"Bisitahin din natin siya, anak. Hindi na naman siya makakauwi dahil sa summer class na hawak niya."
"Okay po, Ma. Tulungan ko kayo."
"Bibyahe tayo papuntang Santa Lorenza mamaya. Iyong airport doon ang pinag-book-an ko ng flight."
Tumango na lang ako, pero nang mag-sink in ang sinabi ni Mama ay napatingin ako sa kaniya. Ngiting-ngiti siya na parang proud na proud sa realization ko. Nasa Santa Lorenza si Gio!
"So, doon tayo mamaya? At bukas? Sa isang araw pa naman ang flight, 'di ba, Ma?"
Tumango siya. "Nakausap ko na rin si Gio. Sabi niya ay may isa pang space sa condo niya. Naipalam ko na sa mga magulang niya kung puwedeng doon tayo at pumayag sila!"
"Sure ba 'yan, Ma? Hindi ba nakakahiya?"
"Oo nga. Noong una, nagtatanong ako ng hotel pero si Gio na ang nagsabing doon tayo at pinaalam niya muna sa mga magulang niya bago ako."
Hindi na ako nagsayang ng oras at nagmamadaling tumulong kay Mama para mag-impake. Pagkatapos, may nakahanda na rin kaming baon na pagkain. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras, ang alam ko lang ay sumakay kami sa bus. Makalipas ang anim at kalahating oras, Gio was already hugging me.
"I miss you, Asha," he whispered.
Hindi pa man ako nakakasagot, narinig ko si Mama. "Mga anak, pasensiya na, ha? Mabigat kasi 'tong mga dala ko. Puwedeng excuse me muna?"
Mabilis kong naitulak si Gio. "Akin na 'yang gamit ko, Ma."
"Let me help you, tita."
Three minute walk lang ang layo ng condo unit ni Gio. It was on the seventh floor of the building. Ipinakita niya ang kuwarto namin ni Mama. Iisang silid lang 'yon pero dalawa ang kama.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin, hijo. Ang ganda naman pala dito," sabi ni Mama kay Gio.
"Welcome kayo rito, tita. Oh, baka napagod po kayo sa biyahe? I bought fast food chicken kanina. Kain po tayo?"
"Kayo muna, mga anak. Si Asha, kanina pa 'yan nagrereklamo."
"Ikaw, tita?"
"Itutulog ko muna ang sakit ng ulo ko. Salamat, 'nak."
Tumango si Gio. "Ilalagay ko na lang sa table 'yong sa 'yo, tita."
Iniwan namin si Mama sa kwarto. Gio held my hands as he guided me to his living area. "Dito na tayo kumain?"
Pumayag naman ako, pero hindi nagsalita. Medyo awkward ang atmosphere at nahihiya ako sa inasal ko sa kaniya kagabi. May parte sa akin na gustong magpa-baby sa kaniya, pero nakakahiya naman.
"What's wrong with my Asha?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin .
"Hmm? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Sobrang tagal na ba tayong hindi nag-usap at parang hindi na kita kilala?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Hindi kilala? Ako pa rin naman 'to, Gio. Ako pa rin si Asha, engot!"
"Not my Asha," may diing sabi niya. "She's loud, she talks a lot especially with me. She loves teasing me at every moment she could. My Asha looks at me with the most beautiful, lively eyes. You look at me with guilt and. . . I don't know, like I'm a stranger?"
Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. He knows me too well. Totoo ang sinabi niya. I look at him with guilt because of the way I acted and a part of me is confused. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko.
"Masiyado ba akong pabaya sa relation natin? Do you still love me, baby?" he asked.
Mabilis akong umiling. "No! Hindi sa ganoon, Gio. Siyempre mahal pa rin kita."
His question made me confess everything that I've been keeping from him. Inamim ko ang tampo ko, iyong guilt, iyong coldness na hindi ko dapat ginawa. He just hugged me as I bowed my head in defeat.
"Okay lang 'yan. I guess, ito 'yong sinasabi nilang normal lang magkaroon ng misunderstadings sa relationships," he said in his most comforting voice.
"I'm sorry, Gio."
"Let's not waste our time hurting ourselved with these assumptions, okay? Mali ako sa part na hindi ako nakipag-communicate nang maayos sa 'yo. I guess that's what pushed you to keep your feelings. Asha, huwag na nating ulitin 'to, please? I'll make sure to do better."
"Ako rin," sagot ko. "Hindi na ako magkikimkim ng sama ng loob."
Hinalikan niya ang noo ko. "Now, tell me all the things I missed. I'll listen."
I smiled before starting. "Well, maganda ang naging experience ko sa last year ng high school life. Iyong notes na binigay mo sa akin, ang laking tulong. Research was stressful and so was immersion. Naging busy din sa pag-apply sa mga universities. Gil and Max were already a couple. Ang haharot nga nila, eh."
"Yeah, they're annoying."
"Ikaw, kumusta?"
"You know, palagi ko namang sinasabi sa 'yo, eh. Totoo pala 'yong sinasabi nilang minor subjects ang pahirap. I got my grades last week. I was a bit disappointed because I had a 1.75 on one of my minor subjects, but it's still high nonetheless. What are your plans for college?"
"Educ pa rin. Nakapasa ako sa Winsdale, so doon pa rin ako next school year sa college campus nila."
Tumango siya. "Good luck. Magiging busy ka na rin next school year. Magpakakatatg tayo, ha?"
"Nakakatakot bang mag-college?"
Tumango siya. "Oo naman, sa una. Masasanay ka rin naman."
"Kapag busy na ako, wala na tayong time sa isa't isa, ganoon ba?"
"Mayroon pa rin 'yan. Let's just make sure to spend at least 10 minutes talking to each other everyday. Okay na siguro 'yon?" Tumango ako bilang sagot saka niya pinagpatuloy ang pagsasalita. "May mga magagandang stalls sa malapit na park dito. Punta kaya tayo doon bukas?"
"Sige ba! Libre mo?"
Pinanggigilan ni Gio ang pisngi ko. "Alam kong hindi ka papayag kapag hindi."
"Wow, ano'ng tingin mo sa akin, buraot?"
He nodded. "Hindi ba?"
"Kapal ng mukha mo, ah?"
Tumawa lang siya at hinayaan akong magsungit.
THE NEXT morning, maaga kaming gumayak ni Gio. Hindi sumama si Mama dahil gusto niyang ma-solo daw namin ang araw. Dala pala ni Gio ang motor niya kaya iyon ang ginamit namin.
Sakto lang ang tao sa park na sinasabi niya. Maraming nakahilerang food stalls at sa kabilang banda ay mga laro. There were also different street shows happening.
"Saan tayo, babe?" Gio asked.
"Doon tayo sa mga laro. Gusto kong manood."
"Sige."
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami. May isang grupong naglalaro, pero nang walang makuha ay umalis sila.
"Marunong ka?" tanong ko nang makitang nagbabayad siya sa nagbabantay.
Nagkibit-balikat lang siya. Kailangan niya lang makakuha ng 50 points para makakuha ng premyo. May designated scores ang target. Tatlo lang ang chance niyang bumaril, 20 ang bull's eye kaya medyo mahirap iyon para sa akin.
Nagulat ako dahil dalawa pa lang ang na-release niyang bala pero naka 40 points na siya. He fired the third one and he instantly got 60 points. He chose a cute ginger cat stuffed plushie with a light blue shirt.
"Parang 'yong uniform mo noong governor ka sa Winsdale," tumatawang sabi ko nang binigay niya sa akin.
"Oo nga. Kaya iyan ang pinili ko. Kapag na-miss mo ako, at least kasama mo ang anak natin."
"Anak?" I laughed. "Ano bang pangalan ng baby na 'yan?"
"Bullet C. Silas."
I couldn't help myself and laughed.
"Giovanni?" I heard someone said. I looked at her. She was looking at Gio while holding a camera.
"Oy, Hazel! Andito ka pala?"
Lumapit ang babae sa amin. "Ah, oo. Ine-enhance ko lang photography skills ko. Random pictures."
"Ah, oo nga pala. Si Natasha, girlfriend ko." pakilala niya sa akin. "Asha, babe. This is Hazel. She's my cousin from my father's side of the family."
"Hi!" kinamayan ako ng babae.
"Hello, nice to meet you."
"Picture-an mo nga kami," utos ni Gio.
Tinapik ko ang braso niya. "Ang galing mong mag-utos, ha? Sinuswelduhan mo ba 'yang pinsan mo?"
Tumawa si Hazel. "Okay lang, para sa portfolio ko naman."
She took a picture of us, then told Gio that she would be sending it to him. Pumayag si Gio pero hindi ko nakita ang picture namin.
"Pa-send mamaya ng picture, bebe."
"Pft, bebe." He laughed.
"Okay, Giovanni."
"It was just funny! Call me bebe again!"
"Ayaw ko nga. Sino ka ba?"
He snatched the plushie and turned his back on me. "Iwan natin 'yang nanay mo rito," he blurted out loud.
"Hoy! Ako ba pinagloloko mo, Gio?"
Humarap siya ulit sa akin. "Babe!"
"Gio!"
"Babe nga!"
I sighed in defeat. "Babe, ibalik mo si Bullet sa akin o ibabalik kita sa single status mo."
Mabilis siyang lumapit at binigay ang laruan sa akin. "Ito naman, nagbibiro lang ako, eh."
"Ewan ko sa 'yo."
Tumawa siyang mag-isa. "You know what's weird? Kapag sa chat 'yan sasabihin mo na naman, e plus the number one tapos Q tapos S, A at U. kasunod n'on, dalawang comma. I got used to typing like that. Nag-reply ako sa groupmate ko ng gano'n tapos blinock niya ako."
Kahit ako ay natawa sa kuwento niya. "Deserve mo naman. Ang lakas ng loob mong magselos kapag nagje-jejemon typings ako sa iba, pero ikaw ang nangunguna."
"Hindi ko naman sinasadya, eh."
I rolled my eyes at him. "Sige, sabi mo 'yan. Gutom na ako."
"Ano'ng gusto mo?"
"May nagbebenta ng mga pasta kanina at shawarma. Gusto ko 'yon."
Tumango siya. "Okay, let's go."
We spent the whole day hanging out. Madilim na nang makabalik kami sa condo unit ni Gio kung saan hinihintay kami ni Mama. We enjoyed the rest of the evening talking about random things. The next day, sumama si Gio sa airport para ihatid kami. We bid our goodbyes and he even gave me a bracelet that matched his.
Pagdating namin sa Cebu, may message galing sa kaniya.
Babe
active now
Hey, Hazel gave me the picture.
Wanna see?
Sige bebe. Send mo.
Save mo na lang sa profile ko.
Tnx,, ashaq
Hahaha
Ako ba talaga tinatarantado mo, Gio?
Ndi nmn p0ehxz,,
Sige, sabi mo, eh.
Giovanni Silas updated his profile picture
Had fun today! - with Natasha Clemente
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top