Simula
Simula
"You're engaged!" sigaw ko habang tinataas ang kamay kong may hawak ng baso.
Niyakap ako ng bestfriend kong si Baechu habang pinapakita sa mga tao ang kaniyang daliri. Nilingon niya si Zero na nakangisi sa kaniya.
"Totoo na talaga ito!" sigaw naman niya.
Lumapit sa amin si Zero at hinila si Baechu. Hinapit niya ito sa baiwang saka hinalikan sa harap namin. Nagsigawan kaming lahat.
"Hindi ka naiinggit sa bestfriend mo?"
Nilingon ko ang bumulong 'nun sa akin at nakita ang nakangising mukha ni Van. Inirapan ko siya at iniwan doon para kumuha ulit ng panibagong inumin.
"Hey..." humalakhak pa siya habang sinusundan ako.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo, Van, tantanan mo ako."
Van chuckled. Nilapag ko sa mesa ang baso ko saka sinalinan ng bagong wine. Nakita ko namang nakaupo sa high chair saka ako pinanuod.
"You're pretty..." lumagok siya sa kaniyang wine, "Pero hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa akin..."
"Simple lang, ayaw ko sa mayabang." ngumisi ako bago siya iniwan doon.
Kainis talaga iyong bestfriend ng fiancé ni Baechu. Kung hindi lang magtatampo si Bae ay baka hindi na ako pumunta ngayong gabi dahil lang sa ayaw kong makita ang lalaking iyon.
"Iniiwasan mo ba ako dahil galit ka, o dahil takot kang mainlove sa akin?"
Nilingon ko siya, "Excuse me?!"
Humalakhak siya at lumapit sa akin, "Bakit mo ako iniiwasan, Shawn?"
Sa sobrang lapit niya ay kulang nalang maduling ako. Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay sinikmuraan ko na siya.
"Aw!" sambit niya saka siya namilipit sa sakit. Ngumisi ako bago ko siya iniwan doon.
"Uwi na ako, Baechu!" paalam ko.
"Agad?"
"Dami kong tatapusin, para kapag kasal mo na ay wala na akong inaalala..." niyakap ko siyang muli.
"Sige na nga. Teka, ipapahatid kita kay Zero..."
"Hwag na! Baka isama niya ang unggoy niyang bestfriend." sabi ko.
"Unggoy?" kunot noo niyang tanong.
"Uuwi ka na, Shawn? Tara ihatid na kita..." nilapag niya ang basong hawak saka kinuha ang susi mula sa bulsa.
"Ingat sa pagda-drive, asawa ko..."
Halos masuka ako nang sabihin iyon ni Baechu. Hindi ko akalain na may ganung tawagan pala sila. Tsaka, ang weird lang marinig iyon mula sa kaniya.
"Oo naman, papakasalan mo pa ako, eh." ngumisi naman si Zero.
Bago pa ako maumay sa kanila ay binuksan ko na ang sasakyan saka pumasok. Nag-usap pa ng sandali ang dalawa bago pumasok si Zero.
"Hindi ka manlang tumagal..."
Nilingon ko siya saka ngumisi, "Takot ako sa unggoy..."
Tumawa siya sa sinabi ko na parang alam at kilala na niya kung sino ang tinutukoy ko. Nang mag red ang stop light ay pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang buhok bago ako nilingon.
"Punta ka sa kasal namin, ha? Baka pati doon ay madalian ka lang rin..."
"Don't worry, kasal niyo iyon kaya tatagal ako. Tsaka hindi ko nalang papansinin iyong si Van,"
"Mabuti naman. Mabait naman si Van, eh. Pilyo lang talaga..."
Dahil wala ng magulang si Baechu ay ako ang sumama sa kaniya sa pagaasikaso ng kasal. Maging sa mga give-aways ay ako ang gumawa.
"Anong feeling ng ikakasal, Bae?" tanong ko sa kaniya habang nagbabalot kami ng give-aways.
"Masaya... hindi na ako makapaghintay..."
Maswerte siya dahil nakilala niya si Zero. Wala ka ng hahanapin sa lalaking iyon! Gentleman pa kahit minsan ay cold talaga, pero pag dating kay Bae ay tiklop siya.
Mabilis lumipas ang araw. Ngayon na ang flight namin papunta sa resort kung saan gaganapin ang kasal ni Baechu at Zero.
"Bintana nga kasi ako!" hindi ko pinansin si Van at isinaksak nalang sa aking tainga ang earphone.
Siya ang nauna sa may bintana kaso nung nag-cr siya ay pinagpalit ko ang pwesto namin. Wala naman siyang nagawa kundi umupo nalang din sa tabi ko.
Medyo malayo ang Isla Paranza sa Maynila kaya kailangan talagang sumakay ng eroplano. Sagot naman lahat ni Zero kaya okay na rin.
Nagising ako sa ingay ng sigawan at ang pag-uga ng sinasakyan naming eroplano. Mabilis na tinanggal ko ang aking earphone at nilimgon si Van na tulog pa rin.
"Van!" sigaw ko saka tinapik siya.
Tumayo ako para tinigan ang pwesto nina Baechu. Nakayakap siya kay Zero na kausap ngayon ng isang flight attendant.
"Hwag pong magpanic ang lahat!"
Paanong hindi kami magpapanic kung pakiramdam ko ay magka-crash na ang eroplano. Hinila naman ako ni Van paupo.
"Relax ka lang, Shawn! Magbibigay sila ng parachute..."
Umupo ako at nagdasal nalang. Hinawakan ni Van ang aking kamay kaya kahit papaano ay kumalma ako. Malamig ang magaspang niyang kamay at alam kong natataranta na rin siya pero ayaw niyang ipakita sa akin.
Nang maibigay sa amin ang parachute at ang life jacket ay isa-isa ng tumalon ang mga pasahero. Hawak ni Van ang kamay ko.
"Sabay na tayong tumalon..." aniya.
Naramdaman ko ang lakas ng hangin nang kami na ang tatalon. Tumulo ang luha ko saka nilingon si Van na nakangiti sa akin.
"Ready?" tumango ako. Ano pa bang magagawa ko?
May pinindot si Van sa aking parachute kaya naman bumukas iyon. Tumili ako at hindi ko namalayan na nabitawan ko ang kamay ni Van.
"Van!" sigaw ko. Hindi ako makalinga dahil ang lakas ng hangin.
Bumagsak ako sa tubig. Lumutang ako dahil sa suot kong life jacket. Luminga ako para tumingin kung may kasama ba akong nalaglag dito ngunit isang malaking barko lamang ang nakita ko.
"Help! Help!" sigaw ko hanggang sa mapaos ako.
Lumabas ang mga lalaki mula sa barko. May mga tattoo sila sa katawan at mukhang mga adik. Tinuro nila ako at ang isa ay lumangoy papunta sa akin.
"Help!" wala na akong pakielam kung mukha silang adik. Baka naman mukha lang rin.
Hinawakan ng lalaki ang baiwang ko at hinila papunta sa barko. May bumabang hagdan mula doon at pinaakyat ako.
"Boss, may isa nanaman!" humalakhak ang isang lalaki na parang manyakis.
"Baka naman gusto mong ibalato na sa amin ito, Boss?" tinignan nila ako.
Tinakpan ko ang aking katawan pero pakiramdam ko ay nakikita nila ang loob loob ko sa lagkit ng tingin nila.
"Pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko sa kanila, ngayon ay isama mo siya doon sa isa!"
Hinila ako ng mga lalaki at hinagis sa isang kwartong madilim. Inamoy pa ng isang lalaki ang aking leeg at muntik ko na siyang masuntok sa mukha.
"Dyan na muna kayo. Magpahinga kayo dahil mamaya ay marami kayong gagawin..."
Napaupo ako sa gilid. Hindi ko alam kung may tao ba dito sa kwarto dahil sa sobrang dilim. Umusog ako ng umusog hanggang sa may nakapa akong tao. Napatili ako.
"Sino ka?" mabilis na tanong ko. Mabilis na rim ang tibok ng puso ko.
"Shawn?" tanong niya nang marinig ang boses ko. Kilala ko din ang boses niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit.
"Zero!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top