Thirty One
After much discussion on how will Park and I catch the jerks who abducted Amanda, we are now inside the hospital.
"Make sure that bastard will pay!" Those were his words which probably woke Amanda up.
"Anak!" Aling Delia cried in relief as she rushed to her side.
"Si papa?" Amanda asked in a troubled voice. Aling Delia cried even more when she heard her daughters voice. Mang Enrico had another cardiac arrest when he knew about Amanda's abduction.
"Kamusta ang pakiramdam mo, anak? May masakit ba sayo? Teka, tatawag ako ng doctor." Saad ni Aling Delia ngunit hinawakan ni Amanda ang kanyang kamay at sya ay napahinto.
"Ako na po ang tatawag, Tita." sambit ni Romeo at lumabas sa kwarto ni Amanda patungong Nurses' Station.
Her mother and I exchanged glances with Park which caught her attention.
"Ano pong nangyayari? Bakit ho walang sumasagot kung nasaan si papa?" Nag-aalalang tanong ni Amanda at pinilit na tumayo.
Agad na lumapit kami nila Mr. Park sa kama nya upang pigilan sya.
"Nasa ICU si Tito." I blurt out at nakatanggap ako ng sampal mula kay Aling Delia.
Namula ang pisngi nito at nagulat si Park sa ginawa ni Aling Delia sa akin.
"Wala kang respeto!" Aling Delia yelled. "Ang tagal ko ng nagtitimpi sayo! Ng dahil sayo, ilang beses ng naperwisyo ang anak ko! Kung hindi dahil sa paglilihim mo, hindi masasagasaan ang anak ko! Kung hindi dahil sa walang kwenta mong plano, hindi mapupunta sa alanganin ang buhay ng anak ko!"
Tita Delia threw cold looks and punches to me while I struggled to remained calm despite being attacked by her.
"Hindi ko ho iyon ginustong mangyari." Kalmado kong sagot. Pumagitna si Park upang awatin si Aling Delia at hinayaan ko itong umiyak sa bisig ko. "Mahalaga po sa akin si Amay. Halos magkababata na po kami at kelan ko lang din nalaman ang pagkatao nya nung makita ko ang litrato namin sa playground noong nasa ampunan kame. Gusto kong sabihin sa kanya lahat kaso napangunahan ako ng takot. Pinipilit kong humanap ng tyempo para sabihin sa kanya kaso nalaman nya ito bago ko pa sabihin sa kanya sa hindi inaasahang pagkakataon. Patawad ho. Pero hindi ko ho intensyong masaktan ang babaeng matagal ko ng hinahanap at isang mahalagang tao sa buhay ko."
Amanda sniffed learning about what I had went through.
"Ginusto ko rin na gawin ang plano para malaman ang pakay ng taong nais bilhin ang lote ng ampunan. Alam nyo ho kung gaano kaimportante sa akin iyon. Halos doon na din ako nanirahan noong nasa malayo kayo." Amanda said and wiped her tears. "Pasensya sa pagbibigay ng sakit ng ulo sa inyo, Mama. Hindi ako mananahimik hanggang hindi natatalo ang mga taong nagpupumilit na kunin ang ampunan."
"Nalaman kong ang kalaban naming kompanya na Young-Rivas, Inc. ang nagnanais na makuha ito. I ran an investigation about them and nalaman kong mahigpit na kakumpitensya din ito ng DMBC na pagmamay-ari nila Toniboy." Park added at sabay na napatingin din sa kanya ang ginang at kami nila Amanda.
"Wala namang dapat bawiin. Sa iyo nakapangalan ang kalahati ng titulo, anak. Sa inyo ni Mr. Park." sagot ni Aling Delia ng kumalma na ito and the we persons gaped at her.
"Kung ganon, bakit ganoon na lang ang panggigigil ng mga Rivas na makuha ito?" Romeo asked abruptly when he entered the room.
"Malamang dahil alam nila na malaking branch ng kumpanya nila ang pwede nilang ipatayo doon. at alam nila na si Amanda ang pinakamadaling manipulahin at takutin." I said sarcastically habang hinihimas ang namamagang pisngi.
"Shunga ka, cuz. What I mean is, bakit ang late ng reaction? At wala man lang nakaisip ni isa sa inyo na baka wala naman talagang dapat bawiin?" Romeo said as-a-matter-of-fact tone of voice.
"Nabanggit sa akin ni Sister Lucy na ilang beses silang pinagtangkaang patayin dahil hindi nila mabigay ang hiling nila na ilipat ang titulo ng lupa sa kanila." I answered. "Pero mukhang nasa panig nila ang Diyos at palaging pumapalpak ang lahat ng plano nila at nabubulilyaso ang mga ito."
Hindi napigilan ni Amanda at Mr. Park na matawa. Knowing Sister Lucy sa mga nakakatawang linyahan at likas na masayahin ito ay nagagawa nyang ibahin ang usapan at paikutin ang mga taong pilit na pinapahamak sila.
"Then all the more na dapat mabulok sila sa kulungan. Coercion and grave threat ang ginagawa nila sa mga matatanda at bata." Mr. Park said when he recovered from laughter.
"Wait. Bakit ka natatawa? Kilala mo ba si Sister?" Amanda asked.
"Sorry to interrupt. Ichecheck ko lang ho ang pasyente." Doctor Martinez said and Romeo and me stepped back to let the doctor do his job.
As soon as the doctor finished checking her vitals and leaving some reminders, Amanda slapped Mr. Park's arm.
"Ano? Sagot! " Amanda exclaimed.
"Ako po si Kuya Parker." Mr. Park finally said and I snorted.
Amanda gasped as she probably remembered the tall and fair-skinned boy who shared his umbrella at the orphanage when her parents left her for work during the summer.
"Hay nakong mga bata kayo!" Aling Delia complained and sat on the couch. "Puro lihim! Nagugutom tuloy ako sa inyo!"
"Tara, Tjta! Iwanan muna naten ang lovebirds. Nagugutom na din ako." I said in a cheerful tone. I automatically grabbed Aling Delia's arm to lead her out of the room.
"Bitiwan mo nga ako. Nanggigil pa din ako sayo." Pang-iirap pa ni Aling Delia at hinayaan si Romeo ang umakay sa kanya habang papunta silang canteen.
Napakamot na lang ako ng ulo na lang at sinarado ang pinto sa kwarto ni Amanda.
Finally!
All's well that ends well!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top