Chapter 9
Iris Nevaeh's POV.
Makalipas ang ilang linggo, naging malungkot ako dahil hindi ko na siya nakasama pang muli simula nang matapos ang bagyo matapos niya akong ihatid sa bahay hanggang ngayon nasa akin pa rin ang mga damit na Pinahiram niya.
Sabado ngayon kaya naman walang pasok, Buong magdamag akong nagkulong sa Kwarto dahil ayoko ring makita ang buong pamilya ko ngayon na dito nanunuluyan tanging si Boogie, mommy lang ang nakakausap ko.
Habang si daddy? Busy siya at mukhang wala siyang balak na kamustahin ang kalagayan ko. Kaya naman buong araw akong nagmumokmok rito.
"Anak." hindi ko namalayan si Mommy sa pagpasok niya sa kwarto ko kaya tinignan ko siya tinabihan niya naman ako sa Kama.
"Pinapatawag ka nang lola mo sa ibaba, pero sinabi ko masama ang pakiramdam mo dahil sa pabago bagong klima." sambit ni Mommy at Tinignan ako.
"Kamusta ang kalagayan mo anak?" ngumito ako.
"Ayos naman Mommy, Medyo nagtatampo lang ako kay daddy na kahit kasama natin siya sa bahay hindi ko maramdaman ang presensya niya." aniya ko pa.
"Busy lang talaga ang daddy mo." sambit ni Mommy.
"Pero nagagawa niyang purihin ang Pinsan kong napakaperpekto." sarkastika kong sabi.
"Anak naman.."
"Papahinga na muna ako Mommy, Mamaya na ako lalabas." aniya ko sakanya at saka Tumalikod na at nahiga. Masakit para saakin dahil nakakaramdam ako nang matinding selos.
Narinig ko naman ang matinding pagpapakawala nang mabigat na paghinga at ang pag-gaan nang Gilid ko upang malaman ko na Umalis na si Mommy, Napatingin ako sa kawalan at mas lalong nagmukmok.
Ilang oras rin ang pinalipas ko at naisipan ko nang bumangon para Bumaba, naglakad ako papalabas nang kwarto ko at dumeretso sa Hagdan.
Nang makababa ay halos matigilan aki nang makita ang taong gustong gusto kong makita nitong nakaraang araw hindi ko mapigilang mangiti at nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti rin siya at tumayo.
"Nevaeh." sambit niya.
"Magandang Umaga sayo." aniya niya pa saakin.
"Magandang Umaga rin." bati ko tinignan ko naman si Mommy na parang teenager na kinikilig dahil sa ganda nang pagkakangiti nito.
"Mommy bakit hindi mo sinabing nandito siya." mahinang bulong ko pero ngumiti lang siya.
"Lapitan mo na ang bisita mo Hija, ang mga bilin ko sayo." bahagya akong yumuko upang bigyang galang ang pag-alis ni lola at nang makaalis siya ay Nginitian ko ulit si Cloud.
"Napadalaw ka." bati ko.
"Dahil parati ka daw nagkukulong sa bahay niyo at hindi lang sa Kwarto rin. May problema ka ba?" malungkot akong ngumiti.
"Wala naman, may mga bagay lang talagang nakakatamad gawin." ngumiti si Cloud.
"Tara sa Garden, maaliwalas doon at walang masamang hangin." pagdidiin ko sabay tingin sa Pinsan ko na nakabalandra sa sofa.
"What?." dineadma ko siya at saka naglakad kami papunta sa garden nang makarating ay naupo kami sa Bakal na Upuan na ang pagitan ay lamesang bakal rin na may Kulay na Ginto.
"Kanina ka pa ba?." tanong ko sakanya Ngumiti siya bago sumagot.
"Hindi naman, Tatlong oras lang naman akong naghintay at nakipagkwentuhan sa Mommy mo." namula ako at napamaang.
"Seryoso?" tanong ko.
"Wala namang masama doon, bat mukha kang gulat?" tanong niya.
"W-wala naman, nakakabigla lang na may lalake palang tulad mo na mag-iintay nang ganun katagal." aniya ko sakanya. Mahina siyang natawa.
"Nag-alala lang ako, Dahil akala ko napano ka na." napangiti ako nang Lihim.
"Ilang araw ka na daw tinetext ni Raiver pero hindi mo daw siya nirereplyan." natahimik ako at napaiwas tingin. Ayokong saktan ang damdaminin ni raiver ayokong masira ang pagsasamahan nilang magpinsan dahil saakin.
"Alam mo naman na may iba nang tinitibok ang puso ko hindi ba?" sambit ko at deretso siyang tinignan sa mata.
"Bakit hindi mo siya direktahin?" nangunot ang noo ko.
"Saan? Saan ko ba siya dapat deretsahin?" tanong ko.
"Na may iba ka nang gusto, na may nilalaman na ang puso mo." sagot niya.
"Wala naman kaming relasyon, at lalong hindi siya nanliligaw saakin. Wala rin siyang sinabing gusto niya ako at wala rin siyang sinabing liligawan niya ako kung kaya't ano ang dapat kong ipaunawa sakanya?." mahabang sabi ko, Ngumiti si Cloud.
"Napakatalino mo talaga, Nakukuha ko ang punto mo." dahil sa ngiti niya ay napangiti ako sadyang nakakahawa at nakakatunaw ang ngiti nang nilalang na ito.
"Gusto mo bang lumabas? Isama mo si Boogie." aniya ni Cloud kaya napamaang ako at namula ang mukha sana ay hindi niya mapansin.
"Ngayon?" tanong ko.
"Yeah, wala ka namang ibang lakad diba?" tumango ako.
"Sure, sige tara." aniya ko.
"Tara ipapaalam kita." aniya niya at saka Inalok ako nang kamay niya nang makatayo siya inabot ko naman yon napakalambot kingina.
Naglakad kami nang may tamang layo at distansya. Nang makarating sa salas ay nginitian ko si Mommy. "Tita, Maari ko bang ayain ang anak niyong lumabas? Kasama ho ang mga alaga naming pusa." aniya ni Cloud nang may ngiti sa labi.
"Aba, Oo naman maaga aga pa naman." sambit ni Mommy kaya napangiti ako.
"Hindi maari, Alam mo naman ang nakatakdang mangyari sayo diba?." napatigil ako at unti unting nawala ang ngiti sa labi.
"Mama, magkaibigan lamang sila." sambit ni Mommy.
"Kahit pa, ang dalawang magkaibigan na lumalabas ay napagkakamalang magkarelasyon." Ngumiti ako at tinignan si Lola.
"Wala naman po akong masamang gagawin na ikakasama ko o nang mga plano niyo." sagot ko kay Lola nang may pag-galang.
"Papayag lamang ako kung kasama niyo Ang pinsan mo, Nevaeh." napatingin ako sa Pinsan ko na ang ganda ganda nang pagkakangisi.
"Hindi nalang po, mas nanaisin kong manatili kami rito huwag lang makasama ang Pinsan ko." aniya ko hindi maganda ang itsura nang lola ko sa narinig.
"Napaka-arte mong bata ka, iyan ba ang itinuro sayo nang mga magulang mo!." natigilan ako at saka nawala ang ngiti sa labi.
"Alam niyo po na hindi maganda ang samahan namin nang pinsan ko at paglalapitin niyo kami? Parang binigyan niyo lang po kami nang pagkakataong saktan ang isa't isa." aniya ko sakanya.
"At wag niyo pong idamay ang magulang ko. Nirerespeto ko po kayo hindi para bastusin ang mga magulang ko lola. Pasensya na kung gusto niyo ho nang maayos? Piliin niyo ang pinsan ko." sambit ko sakanya at saka tinignan siya at tumalikod na.
"Tara na Cloud." aya ko kay Cloud na natulala nang panandalian.
"Pasensya na, mukhang kasalanan ko atang ipinaalam pa kita." ngumiti ako.
"Hindi cloud, wala kang kasalanan sa kaguluhan at kahibangan na meron ang pamilya ko. Ayaw niya saakin pero hindi nalang ang pinsan ko ang piliin niya na paborito niya. Ang weird." ngumiti si Cloud sa sinabi ko akala ko nga ay nang-aasar siya pero pinisil niya ang ilong ko para mamula ako.
"Ikaw kasi siguro ang nag-iisang successor nang pamilya niyo, yun bang parating kinukuha ang Title." napatulala ako sa sinabi niya.
"Hindi naman, Maraming rason kaya niya ako gustong ipakasal dahil ayaw niya saakin, hindi niya ako gusto. Ewan ko ba pasaway kasing talaga ako hindi ko sinunod ang kursong nais niya para saakin." sambit ko.
"Ano bang kurso ang gusto niya para sayo?" tanong niya.
"Business." sagot ko.
"Ayoko rin non, hahahaha." napalunok ako sa pagtawa niya napakagwapong nilalang tsk tsk sino kaya ang babaeng napupusuan niya?
"Pero mabait naman ang parents mo." aniya ko.
"Hindi mo pa sila kilala pero sinasabi mo nang mabait sila." natigilan ako at natahimik, kakastalk ko ito eh kailangan ko itong lusutaaan.
"Kasi mabait ka." sagot ko.
"Wow." namamangha niyang sabi.
"Pero paalala ko lang sayo, Sa oras na umamin si raiver sayo sabihin mo ang totoo." ngumiti ako at tumango.
Lumipas ang isang oras na panay kami kwentuhan hanggang sa dumating ang tanghalian. "Dito ka na kumain saamin." aniya ko sakanya.
"Hindi na, Iniwan ko kasi sa sasakyan si Hiro." napamaang ako.
"Bakit hindi mo sinabi agad? Para nakapasok sana siya rito." ngumiti si cloud at umiling na.
"Okay lang siya doon, may siwang ang sasakyan kaya hindi siya masusuffocate." sambit niya pa.
"Papasukin mo siya rito tapos dalawa kayong kumain dito." aniya ko.
"Per—"
"Wala nang aangal." natawa siya at tumango tango.
"Masusunod ho." natawa ako sa Iansta niya hindi ko inaasahan na magiging ganto kami kaclose magagawang biruin ang isa't isa bagay na hindi ko inaasahan salamat sa Notebook niya at sa inhaler lalo na sa madaling panahon na naging Classmate kami.
Nang umalis siya ay Sumunod ako pero sa Kusina dumeretso kung nasaan si Mommy. "Dito mo na pakainin si cloud." aniya ni Mom.
"Sinabi ko na rin mommy, Salamat pala mommy." sambit ko.
"I know you like him anak." namula ako.
"Mom hind—"
"Siya si Cloud tama ba? Nakita ko ang mga Notebook mo dati na pangalan niya ang nakalagay since Elem ka." namula ako at saka nanlaki ang mga mata.
"Mom shh wag ka maingay." napangiti si mommy na para bang natatawa sa inaasta ko tch si mommy pa talaga nakaalam.
"Hindi ko alam na pupunta siya nang oras na kamustahin ka niya." napangiti ako.
"Hindi niyo po siya pinapunta?" tanong ko.
"Aba hinde, Buti nga hindi nagalit ang lola mo dahil maginoo siya." napangiti ako.
"Mommy ah sikreto lang yon." aniya ko sakanya.
"Asus." napangiti ako lalo.
Inabot nang hanggang alas dos nang hapon rito si Cloud bago niya maisipang umuwi na kaya naman Ihinatid ko siya hanggang sa Gate namin kumaway ako ganun rin kay Hiro kinawayan ko rin siya.
"Thank you." aniya ko.
"Thanks, Ingat ka rito." paalam niya.
"See you next time." paalam niya saakin kaya naman pumasok na ako sa Loob at muli siyang tinanaw na papaalis na.
Muli pagkapasok nang bahay ay naramdaman ko nanaman ang kalungkutan sa Puso, hindi kumpleto parati nalang kulang bakit ba hindi ako masaya sa Pamilya na Kinalakihan ko?
Agad akong natigilan nang maramdaman ko ang pagsakit nang ulo dahilan para mapahawak ako rito at saka Mariing napapikit nang makaramdam nang hilo.
"Mom!" tawag ko hanggang sa Mapaluhod ako.
"Anak! anak anong nangyayari sayo?!" naramdaman ko ang paglapit ni mommy at ni Lola saakin.
"S-sumasakit po yung ulo—" bigla ay natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman ko na parang nagdidilim at nag-iiba ang paligid.
Napamulat ako, ngunit nakahiga ako sa kama na malambot ngunit kakaiba ang kisame ang lugar kung nasaan ako. Napaupo ako at tumingin sa paligid ngunit kalumaan ang nakita ko pero para akong nasa isang palasyo sa gaganda nang gamit.
Bumangon ako ngunit bumukas ang pinto at agad na nangunot ang noo ko nang makita ang ginang na hindi ko naman kilala. "Sino ho kayo?" tanong ko sakanya, nangunot ang noo niya.
"Ano ka ba naman hija, Niloloko mo nanaman akong bata ka." nangunot ang noo ko sa Inasta niya.
"Sino po kayo?" tanong ko ulit.
"Dahil ata sa pagkakauntog mo nakalimutan mo na ako, ako ito ang Impo mo. Ang lola mo." nangunot ang noo ko pero hindi siya ang lola ko alam ko kung sino ang lola ko at masyado siyang mabait saakin para maging lola ko noh.
"Nagbibiro ho ba kayo?" tanong ko.
"Isabelle ano bang nangyayari sayo?." natigilan ako pati pangalan ay hindi ako saan ba ako napunta? Nasaan ako?
"Sino po si isabelle?" tanong ko.
"Nako apo huwag ka munang bumangon, Loritaa! Tumawag ka nang doctor!" nangunot ang noo ko kay Lola daw eh hindi ko pero talaga siya kilala nawiwirduhan na ako.
"Where's my mom?" tanong ko kay lola hindi ko siya kilala kung kaya't lola nalang ang tawag ko sakanya.
"Apo, hindi ko alam na nag-iingles ka." aniya ni lola kaya naman nangunot ako.
"Hindi po ako si Isabelle. At lalong hindi po ako taga rito lola kaya aalis na po ako." paalam ko at tumayo pero pinigilan niya ako.
"Apo ano ka ba naman, magagalit ang ama mo kung makikita niyang magpapasaway ka nanaman."
"Eh hindi ko nga po kayo kilala kaya hayaan niyo na ho ako." napahawak naman si lola sa kanyang noo mukhang naiistress saakin kalaunan ay dumating ang doctor.
"Anong nangyayari sayo Binibining Isabelle at mukhang nagmumokmok ka sa kama mo." napanguso ako.
"Hindi nga ho ako si isabelle, ano ho ba at paulit ulit nalang kayo." inis na sabi ko.
"Apo! Ano ba naman at ganyan ka sumagot." napatingin ako sa Lola ko daw dahil ako nga raw si Isabelle na hindi ko naman kilala, nang mapatingin sa suot na damit ko ay halos manlaki ang mata ko.
Kailan pa ako nagsuot nang gantong damit? P-pangkalumaan? Wtf?!. "Wala naman hong senyales na may masamang nangyari sa apo niyo, base sa resulta ay mabuti ang kalagayan niya." aniya nang doctor.
"Kung kaya't hayaan niyo na ho akong makaalis." sambit ko.
"Hindi pa kasi dumarating ang kanyang ama mula sa isang pagpupulong kung kaya't ganyan siguro siya." ang lalalim nang tagalog nila kailan lang ginagawa namin to ni cloud. Tumahimik nalang ako.
At inilibot ang paningin sa paligid wala naman para lang akong nasa luma ngunit malaking bahay na panay kahoy pero masasabi ko talagang maganda ito ginto ang mga Vase.
"Namunawan ka na ba apo?" nakasuot si lola nang magandang damit ngunit kalumaan hindi ko na alam kung ano ang tawag sa mga suot namin pero sa nakalumang panahon mayayaman lamang ang nakakapagsuot nito.
Kailangan kong makatakas rito kung kaya't magpapanggap muna akong isabelle. "Apo." tawag niya kaya tinignan ko siya.
"Opo lola, patawad." aniya ko.
"Maari ho ba akong magpahangin?" tanong ko.
"Kung iyan ang nais mo apo ko, mag-iingat ka." sambit niya kaya nagmamadali aking tumayo at lumabas ngunit hindi ko alam ang daan sa laki nito.
Ngunit natigilan ako nang makita si cloud sa ibaba kaya agad ko siyang nginitian nang makita ako. "Cloud!" tawag ko at tumakbo papunta sakanya.
"Oh binibini kamusta ka?" tanong niya.
"Cloud itakas mo na ako rito! Ayoko na dito nasaan ba tayo? Bakit ganyan ang suot mo?!" gulat na tanong ko sakanya.
"Ha? Anong cloud? Sinasabi mo bang itatanan kita? Naging masama ba ang pagkakabagok mo?." nangunot ang noo ko.
"basta tara na!" aya ko.
"Sandali, b-bakit mo hawak ang kamay ko?" inis akong napasinghal hanggang dito ba naman conservative pa rin si Cloud?
"Cloud! Tara na!" sigaw ko.
"Kumalma ka nga Binibining Isabelle, mapapagalitan ako nang lola mo pag nakita niyang ganto tayo." napairap ako.
"Ako ito si Nevaeh? Anong isabelle isabelle." inis na sabi ko.
"Cloud tara na." Ngumiti si Cloud saakin at Hinawakan ako sa Dalawang balikat.
"Kumalma ka." aniya niya at saka ako binitawan at tumingin sa paligid.
"Ako si Leandro at hindi cloud ang ngalan ko, hindi ikaw si nevaeh at ikaw si Isabelle." sa sobrang naguguluhan ay muling sumakit ang ulo ko upang makaramdam nanaman nang hilo.
Hanggang sa Mapaluhod ako at sa huling pagkakataon nagdilim ang paningin ko para matumba nalang.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top