Chapter 5
Iris Nevaeh's POV.
"W-wala akong alam rito." sambit ko.
"I have reasons, at mali ang Iniisip niyo!" sigaw ko, Inawat naman ako ni Dane.
"Kumalma ka ate, Irereport natin to sa D.O" sambit ni Dane tapos Hinila ako papaalis doon pero biglang dumating si cloud at doon nagsitabi ang mga estudyante.
Nakita ko ang Reaksyon niya, Hindi makapaniwala. "False Accuse, alam niyo bang pwede kong kasuhan ang gumawa nang Isyung ito?" sambit niya tapos Tinignan ako napaiwas ako dahil maluha luha ako.
"Paninirang puri ito para sakanya, At saakin bilang isang Graduated student hindi ko ito palalampasin." sambit ni Cloud sa lahat at nabahidan naman nang takot ang Mukha nang lahat halos matigilan ako nang Hawakan niya ako sa Pulsuhan at Hilain.
"Wait." awat ni Dane.
"Magsusumbong kami sasama ka?" tanong ni Cloud bumuntong hininga naman si Dane at Tumango kaya naman nang makarating aa D.O or Disiplines Office ay naupo kaming dalawa.
"Nakarating na saakin." sambit nang D.O
"We're both Honor students, and we have this issue na mali naman ang Detalye Pumunta daw kami sa condo ko because of something, Sir it's not good for us. We have the Name to protect and we are an Influencer tapos ganto?" reklamo ni Cloud.
"Sinisiraan nila si Nevaeh." sambit ni Cloud.
"Ano ba talagang rason bakit kayo pumunta doon?"
"Dahil sa Pusa niya, Kilala niyo naman ata si Nevaeh malayo ang bahay niya sa School at ang pusa niya ay Iniligaw nang pinsan niya nakita yon nang pinsan ko at nagkataon na Classmates kami temporary. That's all nasa Condo ko ang pusa niya." sambit ni Cloud.
"Is that true Ms.Gandia?" tanong nang D.O saakin tumango naman ako.
"At isa pa kung tunay ngang maging kami man? Labas na sila don Sir. I want that student to be Punish." sambit ni Cloud at doon hindi ko na maiwasang mamula.
"Titignan namin ang CCTV footage para mahanap kung sino ang may kagagawan nito, Sa ngayon ay makakabalik na muna kayo sa Klase niyo." aniya nang D.O kaya naman tumayo ako at bahagyang yumuko.
Tapos nagpaunang maglakad papalabas. "I'm sorry." napatingin ako kay Cloud.
"Wala namang may kasalanan kaya wag kang magsorry, Marumi lang talaga sila mag-isip." sambit ko.
"Pag kilala ka, Matunog talaga ang tsismis." sambit ko pa tapos tinignan ang Relos na suot ko.
"Mauna na muna siguro ako, Sasamahan ko pa si Dane maglunch." paalam ko.
"Ingat." sambit niya. Tinalikuran ko na siya tapos Naglakad na papunta sa Canteen nang makarating don ay alam ko naman na ako ang topic nila edi ba nga I should be happy? Kasi si Cloud naman.
Pero kasi Inaapakan nila pagkababae ko, hindi naman ako easy to get eh..
"Ate, Kain na Umorder na ako." napatingin ako kay Dane naupo ako nang wala sa sarili dahil sa mga Iniisip ko.
"Ate, Kain na po." sambit ni dane kaya bigla ay napatingin ako sa paligid at kay dane.
"Sorry, Salamat." aniya ko sakanya tapos Hinarap na ang pagkain, busog ako pero ayoko namamg sayangin ang Inorder niya.
***
Dineadma ko ang lahat simula nang mangyari ang issue na ginawa nila, Tumawag rin saakin ang parent ko at tingin ko malalagot nanaman ako mukhang nakarating na sakanila ang issue.
Pauwi na sana ako nang maalala ko si Boogie, agad na hinanap nang mata ko si Cloud na hindi pumasok nang last subject. Mukhang maaga siyang Umuwi, Pupuntahan ko nalang siya sa Condo niya para Kuhanin ang Pusa ko.
Tsk issue? Di naman totoo sayang lang hahayaan ko na nga lang sila Hindi naman dapat ako Affected kase we did nothing wrong. Sumakay lang ako nang taxi para makapunta sa Condo Building niya.
Nang makarating ay Dumeretso ako sa taas at Pinindot ang doorbell nang asa harap na nang Condominium niya. Nang bumukas yon ay napalunok ako at napatingin sa Ibang Bagay.
"Ah Sorry." tumalikod siya at may kinuha na nakapatong sa Sofa tapos magbihis na.
"Pasok ka." pumasok naman ako.
"Si Boogie nasaan?" tanong ko sakanya, Isinenyas niya naman ang Upuan kaya naupo ako sa Sofa niyang malambot nanonood pala siya nang Basketball.
"Pasensya na." sambit niya.
"Nasa Kwarto si Boogie, Mas gusto niya sa Comforter eh." tukoy niya.
"Kukunin ko nalang siya, Wait." sambit niya pa tapos Pumunta doon sa Loob nang kwarto niya. Napapikit ako nang may Kalokohan na isipin ang Utak ko.
Tumikhim ako at saka umayos nang Upo nang makabalik siya Nang iabot niya saakin si Boogie ay agad ko itong niyakap. "Uuwi na tayo ha." aniya ko, Sinagot ako nito nang Ingaw.
"May sasakyan ka ba?" tanong niya.
"Ah yes." sagot ko nalang kahit Commute lang ako, Tahimik akong tumayo.
"Aalis na rin kami." paalam ko sakanya.
"Thank you." aniya ko pa ulit, Gusto ko nag malayo ang loob ko sakanya ayokong masaktan..
"Take care." sambit niya naman tapos pinanood ako nang maglakad ay Inunahan niya ako para pagbuksan nang Pinto at nang makalabas inantay niya pa atang hindi ako makita.
•• HOME ••
"What do you think you are doing!?" napapikit ako nang sigawan agad ako nang Lola ko, Napalunok ako dahil ang bilis na nakarating sakanya ang Issue.
"You're going out with that random guy! Alam mo namang ikakasal ka na pagkagraduate mo diba?!" napabuga ako sa Hangin.
"Lola Look, I'm a Good Girl you don't have to worry. He's not a Random guy and I don't go o—" napahawak ako sa Pisngi ko nang sampalin niya ako.
"Mama stop it." pagpigil nang dad ko sa Lola ko.
"Hindi po ako lumalabas kasama siya, Nataon lang na siya ang nakakita sa Pusa ko na Iniligaw lang naman nang MABUTI niyong apo." tinignan ko pa ang Pinsan kong yon.
"Pasensya na po kung isa akong Iskandalosang apo at hindi karapat dapat ang Apelyido niyo saakin." sambit ko tapos ngumiti at saka tinignan si Mom at dad saka ako naglakad papaalis doon.
Nang makarating sa Kwarto ay Napanguso ako, Sakto namang lumapit si Boogie. "Ikakasal ako? Kanino naman? Sino naman kayang magiging daddy mo.." bulong ko sa sarili.
"Diba ayaw mo? Kay Cloud mo lang gusto diba?" Pumatong ang Pusa ko sa Unan at nahiga doon.
"Hindi naman nila ako naiintindihan, at lalong hindi nila ako pinapakinggan." sambit ko kay Boogie na Sumasagot kahit hindi ko siya nauunawaan.
"Nag-aaral ako nang mabuti, I get higher grades pero bakit parang mas lamang pa rin ang Pinsan ko na yon? Ano bang meron saknaya na wala saakin." napangisi ako.
"Pagkagraduate ko makikilala ko na ang lalakeng hindi ko man lang gusto." natawa ako sa Sariling naiisip hindi ko inaasahan na ang mga nababasa ko ay Totoo rin pala at mangyayari sa tunay na Buhay.
••1 Month Past••
Hindi ko na Classmate si Cloud Ilang linggo na rin ang Lumipas na Bumalik sa dati ang lahat, Nagbago rin ang tingin saakin nang iba at Dineadma ko yon dahil sa Ikatatahimik ko kung hindi ko sila papatulan.
"Nevaeh, Pwede mo ba akong tulungan sa Project?" tinignan ko ang lalakeng hindi ko naman Kilala, Weird huh hindi ko siya Classmate at lalong hindi kami Close.
"Huh?"
"Sa Condo ko, Aircon rin doon. Malambot rin ang kama." napangiwi ako at saka Umatras nang subukan niya akong hawakan.
"Hindi mo ata ako Kilala?" napairap pa ako tapos nagcross arms.
"Diba ikaw yung Easy to Get na babae? Na nakapost sa Bulletin board hanggang ngayon?" tumawa ako.
"For your Information, That's not true. At alam mo ba kung ano ag P.E nang mga Architects na tulad ko?" tanong ko sakanya.
"May ganon? Ano ba yon?" tanong niya halatang curious siya.
"Ito.." Bumwelo ako at saka Siya sinipa sa tuhod dahilan para mapaluhod siya.
"Marami pa, Gusto mo bang masubukan lahat nang nalalaman ko? Kahit dito na lahit wag na sa Condo mo." Itinaas ko ang kamay at Pinagpag tapos Ikinuyom ang Kamao.
"Tama na.." sambit niya.
"Gusto ko pa eh. Diba binastos mo ako? Ayaw mo bang panindigan ang Inilalabas nang bibig mo?" Naawa ko kunyareng tanong sakanya tapos Bumwelo para naman suntukin siya at tumama yon sa Mukha niya.
"Tandaan mo ang Mukhang ito, Huwag mo akong banggain kung ayaw mong mapahiya." Muli ay Humakbang ako patalikod sakanya pero hindi tuluyang Umalis kundi para Bumwelong sipain siya sa Mukha dahilan para Tumumba siya.
Tinignan naman ako nang iba. "Who else want to mess with me?" tanong ko sakanila yung malakas.
"Ms.Gandia! Ano bang kaguluhan ito?!" tinignan ko ang Professor na babae alam kong ibang Course siya nagtuturo.
"Miss, This is what i call Self Defense for Harassing me." sagot ko tapos Inis na tinignan ang lalakeng namimilipit sa Sakit dahil sa Ginawa ko.
"My God! You did that?! Babae ka pa ba?!" tinignan ko ang Professor na ito.
"You know what miss, kaya tayo minamaliit nang mga lalake eh. Girls are capable of protecting themselves, babae rin ho kayo at kung babastusin kayo hahayaan niyo ho ba?" Natahimik siya Inis akong Umalis doon tapos naglakad na papunta sa room ko.
Nakakainis, Hindi na ako natutuwa sa Year ko na ito. Papunta sa Room ay nakita ko si Cloud na may dala dalang Libro at Magkakasalubong kami nang magkatinginan ay iniiwas ko ang paningin at saka Dumeretso lang nang nakayuko.
Nang malagpasan niya ako ay napatigil ako at napahawak sa Puso kong nagwawala sa Bilis nang tibok at sa lakas nang tibok niya napakawalan ko ang paghingang Pinipigil ko grabeng epekto niya saakin ha ganun ko pa din ba siya kagusto?
"Ayaw kitang mawala pero wala naman talaga akong pag-asa." bulong ko sa sarili at tinapik tapik ang dibdib ko para patahanin.
"Are you okay?" napaigtad ako at agad na Lumingon dahilan para mawala sa Balanse ngunit agad niyang naalalayan dahilan para mas magwala ang Puso ko.
"C-cloud.." sambit ko.
"Ingat naman, Nahulog mo kasi ata itong panyo mo?" sambit ni Cloud at Ipinakita ang panyo na hindi ko naman alam kung kanino Umiling ako.
"It's not mine, Sige ah." paalam ko tapos nagmamadaling Umalis doon.
Nang makapasok sa Room ay agad akong naupo. Kung ikakasal na rin pala ako pagkagraduate ko iiwas ko nalang ang sarli ko sakanya baka mawala ang pagkagusto ko.
Lumipas ang oras at sinabayan ako ni Dane maglunch. "Kung ang problema mo ate ay ikakasal ka na pagkagraduate mo at napansin ka naman ni kuya Cloud edi sulitin mo na." smabit ni dane.
"Talaga?"
"Kung ako kasi ang nasa posisyon mo ate susulitin ko na alam mo namang limitado ang oras natin sa Mundo na to diba? Kaya naman why not?"
"Seryoso ka diyan? Hindi ba makakasama yon?" tanong ko parang nakuha niya ang Interes ko sa suggestion niya eh.
"Sabi mo nga wala kang pag-asa sakanya edi sulitin mo na ate hindi naman siya masasaktan at ikaw masasaktan ka pa rin in any angle edi sulitin na." natawa ako at saka Napatango.
"Oo nga noh ang galing mo talaga." tumawa si dane.
"Ang swerte nang mapapangasawa mo ate, No boyfriend since birth ka diba?" tumango ako.
"Kita ko namang si Cloud lang ginusto ko eh." tumango siya.
"Alam ko yon ate, Halatado ka nga eh siya lang ata manhid." natawa ako lalo sa sinabi niya.
"Tama ka diyan, Hindi niya ako magustuhan kase ayaw niya sa mas bata." kwento ko pa.
"Sus anong gusto niya mas matanda sakanya? Mag sugar mommy siya HHAHAA." nag-apiran kami ni dane sa Kinwento niya halos sumaya ako dahil wala napagaan ni dane eh.
"Salamat talaga dane ah, napasaya mo ako." sambit ko sakanya.
"Syempre naman ate, eh parang ate na kaya kita." ngumiti ako.
"Parang kapatid na nga kita." sambit ko naman.
"Hatid na kita sa Room mo ate, Baka bastusin ka nanaman nang mga gagong malilibog na lalake diyan." sambit pa ni dane.
"Salamat Bunso HAHAHA." natawa kaming dalawa.
"Bago mo ako tawaging bunso ate dapat mas matagkad ka saakin." napangiwi ako.
"Tatangkad pa ako!"
"Di na ate, Ganyan ka na." ngumisi ako tapos pinitik ang tainga niya.
"Bad ka ha." ngumiti siya at saka natawa nalang.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top