Chapter 27

Iris Nevaeh's POV.

pagkabagsak ko sa lupa ay yon ring pagkakita ko sa malakas na pagsapak ni Leandro kay Robin, Napatitig ako sakanya habang umiiyak... Kung ganun nandito sa pamamahay niyo si Krisseta?

"Tama na anak! Tama na nakikiusap ako!" mabilis na tumigil si Leandro at galit na galit na tumingin sa lahat.

"Tandaan mo ang sinasabi ko sayo Isabelle! Nasa pamamahay na ito ang kapatid ko!" tinitigan ko si robin at doon ako lumuha nang lumuha sinubukan akong hawakan nang magulang niya.

"Huwag niyo kong hawakan." aniya ko pa at niyakap ang sarili.

"HUWAG NIYO AKONG HAWAKAAAN!" humahagulgol kong sigaw, hindi ko inaasahan na sa sobrang kakaiba nang sa ngayon tila napakasakit pa rin nitong unang pangyayari.

"Kumalma ka Hija.." nakagat ko ang labi at huminga nang malalim, Pero binuhat na ako nang inaasahan kong gagawa nito saakin.

Sa sala ako dinala ni Leandro batid kong nasa silid niya si Krisseta, kaya hinayaan ko silang gamutin ako hindi ako aalis sa katawang ito ngayon.

Nang mabihisan ay Umakyat si Leandro nang wala man lang sinasabi, sa sobrang sakit nang nararamdaman ay lumuha nanaman ako doble sakit yung narinig at nangyari ngayong araw.

"Maay—"

Mabilis akong tumayo at patakbong umakyat sa pamamahay nila tapos nang makarating sa tapat nang kwarto niya ay maluha luha akong pumasok sa Loob at nakita kong magkayakap sila kaya Pinunasan ko ang luha.

"I-isabelle." sambit nilang dalawa kaya naman pumikit ako at ikinuyom ang mga kamao.

"Tama nga si Robin.. Tamang tama siya." nakagat ko ang labi, at saka ako napaluhod habang umiiyak ramdam na ramdam ko ang sakit na ito na tila ba gusto ko nang magmulat pero nais kong maayos ang sarili sa umpisa.

"Ano naman? Ano namang laban mo don isabelle? Halata namang ginusto mo ang nangyari tignan mo nga ang iyong sarili." sinamaan ko nang tingin si Krisseta.

"Bakit hindi niyo pa aminin na pinlano niyo to Leandro? Akala ko ba'y kaibigan mo ko pero kasama ka rin sa planong ito para magahasa ako!" sigaw ko.

"Akala ko ba importante ako sayo Leandro?! Ano ba hindi na ako natutuwa ngayon!" sigaw ko.

"At ano isabelle? Ito na ba ang dahilan para isumpa mo kami at tigilan? Para hindi ka na magpakasal sakanya?" sinamaan ko nang tingin si krisseta.

"Yun ba ang nais mo?" tanong ko.

"Ano bang sinasabi mo Krisseta! Hinding hindi ko ipapagaha—"

"Oo iyon nga Isabelle!" sigaw ni Krisseta, Lumapit ako sakanya at mabilis kong Hinablot ang palad niya at hindi niya inaasahan na babalian ko siya at Pabato siyang itinapon.

"Anong ginagawa mo rito Krisseta?! Nasaan ang dignidad mong bata ka!" ngumiwi ako nang basta nalang siyang damputin.

"Kasintahan mo to Krisseta? Panoorin mo ang gagawin ko!" sigaw ko tapos sa harap nilang lahat ay mabilis kong Hinalikan si Leandro sa Labi nang una ay tinangka niya akong itulak pero ipinikit ko ang mata.

Tsk si leandro rin naman ang nagturo saakin nito ngayon. "LEANDRO!" galit na sigaw ni Krisseta kaya Humiwalay ako.

"Kung ganun magiging madaya ako para sayo, Antayin mo ang pag ganti ko sa Kasamaan mo!" sigaw ko sakanya nang mailabas siya ay mabilis kong Isinarado ang Pinto at Nilock yon lumapit ako kay Leandro at Sinampal siya.

"Para yan sa sakit na idinulot mo!"

Sinampal ko siyang muli.

"Para sayo!"

Sasampalin ko pa sana siya nang pigilan niya ako. "Sinampal ba kita noon nang saktan mo ko?" napatitig ako sakanya.

"Sinaktan ba kita Isabelle? Nang pinili mo si robin at hindi ako? Isabelle nasaktan ako nang panahong mahal kita pero iba ang kahalikan mo!" napapikit ako nang sigawan niya ako.

"Isabelle Tiniis ko yon! Kasi mahal kita! Kasi akala ko masaya ka sakanya!" napatitig ako sakanya ar Kasabay non ang pagluha niya.

"Lumipad akong Espanya para kalimutan tong lintek na pakiramdam na to! Yung sakit na binigay mo!"

"Tapos babalik akong may ibang gusto at kasintahan saka mo sasabihing mahal mo ko? Kalokohan! Ganito lang ba ako kadaling paglaruan para sayo!" doon ay nalinawan ako sa pangyayari.

"Ano isabelle! Sa tingin mo ipapagahasa kita?!" napalunok ako.

"Sa tingin mo ginagawa ko to kasi masaya ako dito! Ginagawa ko to para matuto kang ingatan yung nagmamahal sayo bago pa mahuli ang lahat!"

"Ginawa ko to kasi hanggang ngayon galit na galit pa rin ako sayo!" pumikit ako at nagmulat na hindi ko na kaya ang mga naririnig.

Pagkamulat na pagkamulat ay nakita ko kaaagad si Leandro. "Ayos ka lang? H-hindi ka ba nakatulog?" tanong niya saakin kaya naman bahagya akong ngumiti.

"Naalala ko ang nangyari kanina." sambit ko, bumuntong hininga naman siya tapos napansin kong inabot niya ang kamay ko pero nandito ang tala arawan kaya naman napalunok ako

"Saakin ba yan?" tanong ni Leandro mabilis akong umiling.

"Saakin ata yan e." aniya pa niya tapoa inabot pero binawi ko agad at Pinakita ang unang pahina na ako ang nakapangalan Isabelle Montemayor.

"Ahh, Pabasa." ngumiti ako tapos Inilagay yon sa ilalim nang unan ko, Tapos bahagya akong lumapit sakanya agad naman siyang napagalaw kaya hinampas ko siya.

"Saakin ka pa ba matatakot? Mas nakakatakot ka kaya Bigla biglang nanghahalik." sambit ko na ikinapula ren nang mukha ko agad naman siyang napaiwas tingin.

"Binibining isabelle, Nakakalimot ka ata. H-hinalikan mo ko kanina." bahagya akong natawa at saka nahiga na.

Habang nakatitig sakanya ay naalala ko kung papaano ako Pinwersa kung kaya't mariin akong pumikit at tinampal ang sarili. "Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Maari bang dito ka lang? N-natatakot ako." aniya ko, tinitigan naman ako ni leandro tapos tumango siya.

"Sige binibini, Ngunit dito nalang ako sa sahig." nang makaramdam nang antok ay hindi na ako sumagot at saka ko ihiniga nang maayos ang sarili.

Nakita ko namang tumayo siya kaya agad ko siyang pinigilan pero napangiti siya. "Kukuha lamang ako nang Panlatag binibini.." kaya binitiwan ko na siya at Humarap sa Pepwestuhan niya.

Nang bumalik siya ay may dala dala siyang Higaan kasama ang isang unan nang mailatag niya yon ay Tumayo siya at pinatay ang ilaw kaya lamp shade ang natira.

Naramdaman ko ang antok kaya bahagya akong napapikit..

•••

Napamulat nalang ako bigla kaya naman nag stretch ako at nagsubsob sa unan ngunit ibang amoy ang naamoy ko napakabango nito at bigla kong narealize na wala ako sa kwarto ko.

"Gising ka na pala binibini." nakangiting sabi ni Leandro kaya mabilis akong nagtakip nang mukha ampanget ko amp.

"Wag ka titingin." utos ko sakanya.

"Ha? B-bakit naman binibini?" tanong ni Leandro kaya namula nang sobra ang mukha ko bukod sa naalala ang naganap kagabi mamatay matay ako sa kahihiyan dahil sa Mukha ko.

"K-kagigising ko lang, L-labas ka muna." sambit ko sakanya.

"Ah masusunod binibining Isabelle." pakiramdam ko ay nang aasar ang tinig na yon kaya naman nang lumabas siya at Bumangon ako aagd pero narandaman ko lang ang sakit nang ibang parte nang katawan.

Tapos tinignan ko ang braso, Psh Sugat at pasa wow Great combination ah edi kayo na kingina kamalas malas naman. Bakit kaya wala pa rin si Lola psh iniwan na ata talaga ako.

Kinuha ko naman ang damit na nakaayos sa Kama at saka dumeretso sa banyo kahit na sobrang sakit nang katawan ko ay minabuti ko may nahanda ring pansepilyo na bago.

Nang makabihis ay dahan dahan akong lumabas nang kwarto niya nakakahiya ang ginawa ko kagabi kaya anong mukha maihaharap ko sakanya? Tsk..

"Oh binibining isabelle, tamang tama Mag umagahan na tayo." namula kaagad ang mukha ko at saka walang ibang pag pipilian kundi sumunod sakanya.

"Oh Anak maayos ka na ba?" lumapit saakin ang Ina ni Leandro at Hinaplos ang mga Pisngi ko Ngumiti ako.

"Maayos ayos naman na Ina, ngunit hindi ko lang alam kung papaano ako makakalimot sa naganap." nakangiting sabi ko Hinaplos nito ang mga pisngi ko.

"Maupo ka na." nang maupo ay nasa harapan ko si Ginoong Leandro at saka ko napansin ang kamay niyang may Sugat pa.

"Nais kitang makausap mamaya Leandro." napalunok ako dahil seryoso ang tinig nang ama ni Leandro hindi tulad nang dati.

"Sige ama." sagot lang ni Leandro.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang panoodin si Leandro kung paapano niya Binabasa ang labi habang nasa hapag kainan kingina uso naman uminom nang tubig.

Matapos kumain ay naupo ako sa Sofa nila pagaktapos kasi nila mag usap aalis na kami para umuwi ako.  Tumayo naman ako at naglakad lakad ngunit agad ring natigilan.

"Pigil pigilan mo ang iyong sarili Leandro! Papatay ka nang tao dahil sa galit?!" sigaw nang ama ni Leandro.

"Kung kayo ang nasa sitwasyon ko ama, Mauunawaan niyo. Patawad kung padaloy ako sa Galit." galit na galit ang ama ni Leandro sakanya.

"Hindi ko alam kung papaano ka naging ganun kalakas bigla! Ngunit nais kong wag mo na ulit babanggain ang mga santos!"

"Hindi ko maipapangako ama, Hangga't maaalala ko ang kahayupan nang lalakeng iyon kay Isabelle hindibg hindi ako titigil." napatakip ako sa bibig nang bigla ay hawakan nang ama ni leandro ang kwelyuhan nang suot niyang damit.

"Makinig ka saakin! Hindi nanaisin nang ina mo na matung—"

"Ama! Kung anak niyo si Isabelle hindi kayo ganito! Kitang kita ko kung gaano nasaktan ang magulang niya kagabi! Ama hindi amo makapapayag na wala akong gawin!" natulala ako sa kawalan kung ganun nandito kagabi sila Ina?

"Ama, Umiiyak si Inang Cristiana at ninanais mong tumahimik ako at walang gawin?" nakakuyom ang Kamao ni leandro habang sinasabi yon bigla ay parang nanlambot ang puso ko at gusto siyang yakapin.

"Kung ganun labas kayo sa mga gagawin ko ama, upang hindi mapahamak ang apelyido natin." mabilis akong naglakad tapos Tahimik na bumuntong hininga, bumalik ako sa Sofa.

Maya maya ay nagtama ang paningin namin ni Leandro tinitigan niya ako tapos basta nalang umakyat sa Taas kaya naman pinanood ko siya, pagkaupong pagkaupo ko ay nakita ko siyang pababa nang hagdan.

Derederetso siyang lumapit saakin kaya naman napatitig ako sakanya nang tumigil siya sa harapan ko. "Anong gagawin ko diyan?" tanong ko nang makita ang hawak niyang parang Gauze pad.

Napapitlag ako nang ilagay niya yon sa Leeg ko. "B-bakit?"

"Hindi ko matagalan na titigan ka habang nakikita ko ang Minarka sayo nang hayop na yon." nang maglalakad na sana siya mabilis kong hinawakan ang Kamay niya kaya napatigil siya at tinignan muna ang kamay niya.

Tapos tinignan ako. "Thank you." ngumiti siya at natigilan ako nang ipat niya ang ulo ko tapos naglakad na oh deym ang gwapo ngumiti ang hot pag galit ano pa— wait what?




√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top