Chapter 25
Iris Nevaeh's POV.
AISH! bakit niya ba kasi ginawa yon! Nakakadalawa na siya Una sa may Karwahe ngayon doon sa Library my god binabaliw ako nang lintek na lalakeng ito papaano niya ito nagagawa saakin nakakainis.
Why do i have this feeling dapat kay isabelle lang to oo alam kong ako siya pero ngayon ibang iba na kaya ako nakakairita kaya. "Binibining Isabelle hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa Palakad lakad pabalik balik ano ba nangyari?" tanong ni Lorita.
"Ugh nakakainis si Leandro, That's against the rule." sambit ko at Napahilamos nang mukha.
"Hindi ko po naunawaan yung huli, pero ano ho bang ginawa ni Ginoong Leandro?" tanong ni Lorita nakaupo kasi siya at Pinanonood ako.
"H-hinalikan niya ako." sambit ko at nakagat ang labi, nang tignan ko siya ay nanlaki ang mata niya tapos napatakip nang Bibig.
"Oh Binibini, Kinikilig ako." napanguso ako.
"Kaya ko siya sinigawan." sambit ko.
"Normal lang naman yon sa magkasintahan binibini." yun na nga eh pero magkasintahan kami dahil ako si Isabelle pero duh ako si Nevaeh ano na pano na yon.
"Itago mo muna sa Loob mo si Nevaeh at pairalin si Isabelle Hija, Sumasakit ulo ko sayo."
Huminga ako nang malalim. "Tama tama." sambit ko.
"Unang beses niyo bang ginawa iyan binibini? Napakatanda mo na pero parang hindi pa kayo nag halikan n—"
"Tama na kakabanggit nang Halik halik na yan okay? Isa ka rin eh iniistress mo ko." nagulat siya saakin pero ngumiti siya.
"Loritaaaa wag mo ko ngitian nang ganyan." aniya ko sakanya.
"Naging kayo rin naman ni Ginoong robin, pero dahil siguro hindi mo siya tunay na mahal ay hindi pa kayo nag yakap o halik man lang." sambit ni Lorita at bigla akong Nacurious sa Nakaraan namin ni robin.
"Tama ka, Paghanga lang ang meron ako sakanya at hindi tulad— tama do tulad nang meron kay Leandro." aniya ko pa sakanya.
"Isang taon palang naman ang nakalipas binibini, Natutuwa akong tapos na kayo sa Ginoong yon napakasama niya pa rin at niloko niya kayo." aniya ni Lorita.
"Dahil ikaw naman si Lorita na lagi kong kasama noon maari ko bang sayo mismo marinig?" tanong ko sakanya at naupo sa harapan niya.
"Sabi naman po kasi sainyo dati, hindi niyo magagawang kalimutan si Ginoong Leandro kahit na ano pang mangyari pero ginamit niyo si ginoong robin." napatango ako, ganun pala yon.
"Hays nang mahuli natin si Ginoong robin na nakikipagtalik sa iba ay umiyak pa rin kayo dahil ayaw niyo sa lahat ay yung niloloko." ahh so parehas na parehas pa rin talaga hanggang ngayon.
"Umiyak kayo kasi niloko kayo, yun lang ang dahilan kase di niyo siya mahal. Pero hinahayaan niyo siyang yakapin kayo noh pero parang nandidiri pa kayo." natawa ako at pumalakpak.
"Magaling, at hindi tanga si isabelle." nangunot ang noo niya.
"Po?"
"Mabuti nalang hindi ako tanga kako." ngumiti si Lorita.
"Pero binibini tatlong araw na mula nang mangyari yon hindi ka pa rin makalimot?" tanong ni Lorita.
"Ewan nga, Binabagabag ako." ngumuso si Lorita.
"Baka po kulang pa." nanlaki ang mata ko at mabilis na sinaway siya natawa naman siya kaya natawa nalang rin ako.
"Toyo ka rin noh." nangunot ang noo niya.
"Toyo? Yung sangkap ba yon binibini?" tanong ni Lorita.
"Toyo para saakin ibig sabihin non may saltik ka." napatango siya at natawa.
"Ano po yung Oh my god?" natawa ako sa tanong niya.
"Nasasabi ko yon kada nagugulat, nabibigla, at hindi makapaniwala." napatango siya.
"Kunyare Ginulat kita tapos bigla mong sasabihin Oh my god!" ganon.
"Ahh astig naman po niyan, Pano po pag may kaaway kayo ano po sasabihin niyo?" tanong saakin ni lorita.
"Sabihin mo, Bullshit siya." nanlaki ang mata ni Lorita.
"B-bullshit po?" nakangiti akong tumango.
"Papaano naman po pag may napupusuan ka at gusto mong sabihin sakanya na gwapo siya." ngumisi ako.
"Sabihin mo Will you marry me, pag pinapasabi naman sabihin mo Will you marry her Ganon!" napatango siya at pumalakpak.
"Eh papaano po pag Gusto pang makilala." ngumisi ako lalo.
"Will you kiss me.. Pero pag pinapasabi, Will you kiss her." pumalakpak ulit si Lorita tapos Ngumiti.
"Salamat Binibini! Nais ko pang matuto nang Ingles." aniya ni Lorita okay tama na tuturuan ko na siya nang maayos hehehe.
"Pag Yes naman ibig sabihin non Oo, pangsangayon. Pag No naman ibig sbaihin non hindi, o di kaya pag tanggi." maya maya ay nagulat ako nang isinusulat niya na ang sinasabi ko.
"sa Common tayo ah, ganito naman pag gusto mong sabihin na gusto mong maging kaibigan ang isang tao. Sabihin mo Will you be my friend? Can i be your friend?" tumango si Lorita kaya ngumiti ako may First student na ako.
"Pag gusto mong sabihin na mabuti siya sabihin mo You are kind, You are nice, You're nice, you're kind." tumango ulit si Lorita.
"Pag gusto mo naman sabihin na gutom ka sabihin mo, I'm hungry."
"Pag gusto mong isigaw na galit ka sabihin mo I love you!" napapikit ako at natampal ang noo hirap maging hindi pasaway.
Tinuro ko sakanya ang iba't ibang bagay kaya naman kinagabihan ay tumunganga ako sa labas nang Hardin namin kasama si lorita.
"Ahem.." napatingin ako sa Gilid pero agad ring napatayo at bahagyang yumuko.
"G-ginoong leandro." bati ko.
"Magandang gabi, Nais ko sanang makausap si Ama at ina." ah napatango ako tapos sinenyasan siyang lumapit saakin.
"L-lorita tara." nakita ko naman ang kakaibang ngiti ni Lorita tapos Lumapit kay Ginoong Leandro at may Ibinulong.
Tapos gulat na napatingin saakin si Leandro. "B-bakit?" tanong ko.
"Mamaya ka lang saakin." sambit ni Leandro at saka Mabilis na naglakad, Napangisi si lorita.
"Anong sinabi mo ron?" tanong ko sakanya.
"Sabi ko po sakanya na mas gusto niyo pa siya makilala." napatango naman ako tapos naglakad na pasunod sakanya.
"Oh ginoong Leandro.."
"Ama, Ina may nais sana akong iparating dahil inutusan ako nang aking magulang na sabihin ito sainyo." tumango naman si ama.
"Maupo ka." pati ako ay nakiupo rin dahil chismosa ako e, naupo naman si Leandro.
"Nais ho ni Ama at ina na dumalo tayo sa salo salo bago magpasko.." nangunor ang noo ko.
"Saan naman iyan hijo?"
"Sa Maynila ho." napatango si ama kung ganun makakapunta akong manila? Pupuntahan ko ba ang bahay namin? Baka makita ko ang parents ko sila lola.
"Kung ganun ay sabay sabay na tayong tumungo doon, isang linggo pa naman bago tayo dumalo doon hindi ba?" tanong ni Ina.
"Opo, ina." ngumiti si Leandro at nagpalitan sila nang magulang ko.
"Aba'y sige at mag usap muna kayo ni Isabelle, may aasikasuhin kami sandali." napanguso ako.
"Halika Isabelle." namula ang mukha ko nang hawakan ni Ginoong Leandro ang kamay ko at Hinila ako.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"Nais ko lamang gawin ang itinuran saakin ni Lorita." napatango ako.
"Bakit tayo papunta sa Hardin kung ganun? Madilim na dito." aniya ko pa sakanya.
"Mas mainam." seryoso siya, Galit ba siya saakin? Napalunok ako nang makarating na ay hinarap niya ako nahihiya pa nga rin ako dahil sa naganap three days na aish.
"Anong gagawin mo rito? Di—"
Halos mapigilan ko ang pag hinga nang Hawakan niya ang likod nang ulo ko at Idikit ang labi niya sa labi ko, napalunok ako nang magsimulang gumalaw ang labi niya at Pumikit pero nang malaman na nasa hardin kami ay agad ko siyang tinulak.
"G-ginoong leandro.. P-pangatlong beses na to." sambit ko ay saka Umatras, Napaiwas tingin ako at kinagat ang labi saka ako mabilis na maglalakad na sana nang pigilan niya ako.
"Will you kiss her? Kase gusto niya."
"Sinabi mo kay Lorita na Hinalikan kita tama?." bigla ay nanlaki ang mga mata ko don't tell me OMG!
"Yan ay karma kung tawagin isabelle, hahahahahahaa labis akong natutuwa sa Kalokohan na sinabi mo ay bumalik agad sayo."
"Lola naamaaaaaan!"
Omg Gusto pang makilala.. "Aish that girl." sambit ko at nakagat ang labi.
"Wag mong kagatin ang labi mo sa harapan ko Binibini, bago ko makalimutang nandito ako sa mundong ito." nangunot ang noo ko.
"Anong sabi mo?" tanong ko sakanya.
"K-kung ganun naintindihan mo ang Ingles na Winika niya?" tumango si Leandro.
"Hindi talaga yon ang ibig niyang sabihin! T-tinuruan ko kasi siya at sinabi ko na ang ingles nang nais pang makilala nang hihit ay will you kiss me o will you kiss her pag pinasasabi It's suppose to be a Joke." aniya ko at napahilamos nang mukha.
"Aish Leandro naman kasiiiii mababaliw na ako sa Ginagawa mo." narinig ko naman ang mahinang magtawa niya kaya tinignan ko siya at saka ko siya nakitang nakangiti.
"Natutuwa ako sa labi mo—"
"Yaaaah! Umuwi ka na nga!" sigaw ko at tinakpan ang tenga tapos nagmamadaling umalis, Namumula ang mga mukha kong pumasok sa Loob nang bahay.
"Anak, Ihatid mo na si Ginoong Leandro, sumama ka na sa Kutsero." nakangiting sabi ni Ina kaya naman napanguso ako.
"Inaaaaaaa" sambit ko.
"Ihahatid mo lang naman ako Binibini." napapikit ako at saka ngumuso.
"Sige ho Ina, Tutal isa akong masunuring anak." nakangiti kong sabi tapos mabilis kong Hinila si Leandro papunta sa labasan.
Nang makarating sa Kalesa ay nakanguso akong naupo doon at saka ngumiwi lalo na nang magharap kami. "Wag mo ko titigan." inis na sabi ko.
"Ayoko nang makikita ka bukas sa harap nang pamamahay namin ah, Tatamaan ka na saakin." sambit ko pa.
"Ang sungit mo naman Binibibing Isabelle, napakaramot mo." aish magkasintahan nga pala kami.
"Hoy para sabihin ko sayo bigla bigla kang nanghahalik nakakai—"
"Pero kay Ginoong robin noon ay ayos lang." natigilan ako at napatingin bigla sakanya.
"Nag kiss kame?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya at biglang sumeryoso ang mukha. "Paumanhin kung hinalikan kita sa labi." sambit niya kaya napatingin ako sakanya.
"N-nangyari na eh." aniya ko.
"Ako lang pala ang may gusto non." napalunok ako tapos hindi na sumagot, maya maya ay nandito na kami sakanila kaya naman natigilan ako nang basta basta nalang siyang bumaba nang wala man lang sinasabi.
Luh uso ba tampo sa panahong ito? Aish bahala siya diyan. Sinilip ko naman siya mula sa bintana at inilihis ang kurtina derederetso lang talaga siyang naglakad hanggang sa makapasok sa loob.
Maya maya ay Umandar na ang Kalesa kaya naman Ngumiti ako at sumandal nalang pero bago pa man biglang tumigil ang kalesa. "G-ginoong robin." sambit ko nang bumukas ang Kalesa.
"Nais kong wag mo na siyang pakasalan mahal ko, Bumalik ka na saakin." napalunok ako at saka natigilan bigla ay kinabahan dahil nakainom siya.
"Wag tayong mag usap nang lasing ka Ginoo, Manong tara na hoh!" sigaw ko pa sa pang huli pero ngumisi si Robin kaya naman napaatras ako.
"Ginoo anong ginagawa mo.." sambit ko at Umatras pa kahit wala nang maatrasan.
"Nangungulila ako sayo mahal ko, ako na ang pakakasalan mo matapos nito." halos manlaki ang mata ko nang bigla niyang abutin ang Ulo ko at halos maitulak ko siya nang maglapat ang labi namin.
"ANO BA!" sigaw ko.
"TULOOONG!" sigaw ko at saka itinutulak siya pero malakas siya kaya naman nagpumiglas ako dahil lumapat ang labi niya sa Leeg ko.
"Ginoong robin!" sigaw ko.
"Wag!" sa sobrang inis ay sobrang lakas ko siyang sinipa at saka nang masipa ay mabilis akong lumabas nang Kalesa ngunit nakita ko si manong na walang malay kaya lumingon ako sa hacienda nang Florentino.
Tumakbo ako at nakita ko siyang nakasunod sa likod. "Mahaaal ko! Ano at tinatakbuhan mo ko ngayon!" sobrang kaba ko at pakiramdam ko aatakihin ako nang asthma sa kakatakbo iika ika ren ako pero sobrang bilis niya.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top