Chapter 24
Iris Nevaeh's POV.
Natulog ako pero gumising rin makalipas nang tatlong oras wala pa ring bago nandito pa rin ako bilang Isabelle..
Nang may kumatok ay inantay kong pumasok ito. "Binibining Isabelle gising na ho pala kayo, Pinapasabi po ni Don Luciano na maghanda na daw po kayo dahil darating ang mga Florentino mamaya." napabuntong hininga ako.
No escape from this Dream aish tumayo na ako at saka Tinanguan si Lorita bilang senyas na Lumabas na siya I want to be 2000's yung style nang pandamit.
Kumuha ako nang Loose Shirt tapos Pantalon at sinturon kinuha ko rin ang Sapatos tapos Dumeretso ako sa Banyo para mag shower naligo na kasi ako kanina nang makapagready ay Naupo ako sa Harap nang salamin.
Okay lang kaya ang Pananamit ko, kakaiba pero hayaan na atleast Unique nang makapaglagay nang simpleng make up ay huminga ako nang malalim at nagspray nang dalawang spray sa katawan pabango pala.
Tapos huminga ako nang malalim at Bumaba na, habang pababa nang hagdan ay nakikita ko na kaagad sila kaya naman ngumiti ako pero hindi ko tinignan si Leandro.
Pero kusa akong napalingon sakanya nang mapansin ang kasuotan niya nangunot ang noo ko siya palang ang nakita kong ganito magdamit. Nakat-shirt siya sa loob tapos may nakapatong na Longsleeve polo checkered pa.
Tapos nakashort na pantalon siya at sapatos. "Mukhang nabihag nanaman ni Ginoong Leandro ang puso nang anak natin." napaiwas tingin agad ako at Tumikhim.
Pero biglang lumapit saakin si Leandro kaya napaatras ako kaya naman nangunot ang nga noo niya at ang gwapo niya sa kahit anong Reaksyon.
"A-anong gagawin mo?" nauutal kong tanong, ngumiti siya at halos mabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at halikan ang likod nito likod nang palad ko.
"Tsk akala mo naman hahalikan sa labi." mahinang sabi niya kaya mabilis ko siyang Hinampas pero agad akong nahiya nang mapansin na nakatingin pala ang magulang niya.
"Magandang hapon ho." bati ko sa parents niya, Lumapit na ako kila ama at ina na nang aasar ang tingin ngumiti ako tapos Nang makatabi sakanila ay mabilis kong Pinalo si ina sa Pwetan kaya naman nagulat siya pero natawa rin.
"Ama, Ina pag may oras ho ay tuturuan ko kayo sa lenggwaheng ingles." dahil napagtanto ko na tanging iba lamang ang nakakapagsalita nang ingles tulad nalang ni Krisseta dahil nanggaling na siya sa ibang bansa.
"Aba sige ba, nang hindi tayo matawag na Indio." ngumiti ako kay Ama tapos Yumakap rin, Sobrang gaan talaga nang pakiramdam ko sakanila dahil sila ang Magulang ko noon.
"Napakalambing talaga nang anak mo pare noh, napalaki niyo siya nang maayos kaya ko siya magugustuhan para sa anak ko." nakangiting sabi nang ama ni Leandro.
"Osya bakit hindi kayo mag usap muna? Hindi pa naman luto ang pagsasaluhan." nakangiting sabi ni Ama at ina tapos Sinenyasan ako.
"Ina, Pinamimigay niyo na talaga ako kay leandro." sambit ko at ngumuso..
"Nakoo akala mo naman ay ayaw, Dali na. Leandro yayain mo ang iyong kasintahan." nasamid ako sa sariling laway nang marinig yon tapos sumama kay Leandro tahimik akong nakatingin sa ibaba.
"Bigla kang nagkaroon nang hiya saakin binibini, Bakit kaya?" ngumiwi ako tapos tumingin sa kalangitan.
"Ah naalala ko na, ang mga libro sa silid mo. Halika at nais kong magbasa." napalunok ako, Naayos ko ba ang Kwarto ko? Baka mamaya may naiwan na Bra sa ibaba Joke lang walang ganon.
"S-sigurado ka?" tanong ko pa.
"May Libro naman sa Library." aniya ko di ko alam tagalog non eh silid aklatan? Not sure kaya oks na yan.
"Tara." aniya niya tapos nag paalam kay Ama at ina kaya naman nahihiya akong Tumungo doon.
Nang makarating ay kami lang ang tao kaya naman Tumikhim ako. "Talagang mahilig kayo sa Libro noh?" tanong ni Ginoong leandro.
"Wala kang balak sumagot binibini?" tanong niya pa tapos Kumuha nang libro at lumapit saakin kaya naman napalunok ako.
"W-wag ka lumapit ginoo." aniya ko at saka Pumikit nang pader nalang ang nandidito, Narinig ko ang mahinang tawa niya na malayo naman saakin kaya nagmulat ako pero nasa harapan ko na siya.
"A-ano ba." aniya ko at ang kamay ko ay Idinikit ko sakanya upang maitulak siya pero kusa siyang lumayo at naupo habang binabasa ang Libro.
napairap ako at saka Kumuha nang libro at naupo sa Katabing Upuan. Ampanget pero nang libro aish. "Bakit mo pala gustong mabasa ang tala arawan ko binibini?" napalingon ako kay ginoong Leandro.
"A-ah ewan ko rin eh." sagot ko.
"Binibining isabelle, Yung kay Binibining Krisseta kanina ay nakasalubong ko silang magkapatid.." doon ay tinitigan ko siyaa at isinara ang libro.
"Nais nilang dalawa na itigil natin ang kasal at sila ang pakasalan.. Ku—"
"Itago mo nalamang iyan sa sarili mo." aniya ko at saka Iniiwas ang tingin sakanya.
"Ngunit binibini." inis kong ibinagsak sa tabing upuan ang hawak sa Libro at saka Tumayo nagulat naman siya, sinamaan ko siya nang tingin tapos Nilapitan ko ang mukha niya. Inilapit ko ang mukha sakanya.
"Ipapatigil mo ba ang kasal? Kasi gusto mo pa rin si Binibining Krisseta?" nagbago ang Ekspresyon niya nawala ang kaba at takot sakanyang mukha.
"Ako? Gusto pa rin si Krisseta?" tanong niya pabalik.
"Oo! Bakit naman hindi diba siya nga yung gustong gusto mo." naiinis ako, bakit apektadong apektado ako eh ako naman si Nevaeh at kahit ako rin si Isabelle matagal na panahon na ang nakalipas.
"Sige, Ipatigil mo ang kasal Ginoong Leandro." mariing sabi ko at saka Galit na naglakad pero bago pa man makaalis ay napigilan niya na ako.
Mahigit isang buwan palang ako sa Mundong ito pero pakiramdam ko ako na si isabelle.. "Ano bang sinasabi mo Isabelle?" natigilan ako nang magharap kami.
"Just forget it. Let's call it a Day." inis na sabi ko at Yumuko tapos Naglakad na nang maalis ang pagkakahawak niya saakin.
"Binibining Isabelle, Sandali!" humabol saakin si Ginoong leandro malaki kasi ang Silid aklatan nang makalabas na Nang silid aklatan ay Natigilan ako nang mahuli nanaman ako ni Ginoong Leandro at muling ipasok sa Loob nang Library pero this time ay nasa harapan ko na siya at nakasandal ako sa pader.
"B-bakit ititigil ang kasal? A-anong may gusto pa rin ako kay binibining Krisseta?" tanong niya.
"You're a Jerk." galit kong sabi sakanya nang maalala lahat nang ala alang binalikan ko.
"A-ano?" nang may tumulong luha sa mata ko ay Iniiwas ko ang tingin sakanya para punasan yon.
Gusto kong sabihin lahat sakanya kaya gagamit ako nang lenggwaheng hindi niya maiintindihan. "Why don't you just let me go huh? I know that you still like that woman. I know you like that bitch why don't you just go! While i'm still giving chances Leandro!" sigaw ko sakanya.
"I don't want to let myself be that Isabelle who is Weak.. Weak and easy to Break, And you.. I hate you i hate you because you made me like this!" sigaw ko tapos sinamaan siya nang tingin pero natigilan ako nag Iawang niya nang bahagya ang labi.
At Hinawakan ang mukha ko at Hinalikan sa labi nanlaki ang mga mata ko tapos mabilis na Pumalag pero I end up being his slave.
His lips owned me like i've never been own before, Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan siyang halikan ang mga Labi ko but this feels like it already happened before.
Anong ginagawa ko? Nahuhulog na ba ako kay Leandro? Misyon ito pag natapos to aalis ako sa Mundong ito at pano nalang kung hindi na kami magkita? Papaano kung nandito lang siya sa Mundong ito?
Nang Humiwalay siya ay nagmulat ako tapos mabilis na tumingin sa iba at saka ko siya tinulak at lumabas na ako nang Silid aklatan nag mamadali akong pumunta sa Kwarto ko at Pinunasan ang labi.
Naupo ako sa Kama at Pinakiramdaman ang sarili, sobrang bilis nang tibok nang puso ko pumikit ako alam kong nakita yon ni lola.
"Ang mga ganoong bagay ay hindi ko maaring makita binibini, Wag kang mag alala."
"Lola, papaano na to? Bakit tila ako ang malulugi sa huli?"
"Hindi ka naman lugi, Kung mamahalin mo siya ay hindi na rin ako mabibigla dahil ganito naman talaga ang mangyayari hija. Gawin at tapusin mo nang maayos ang Misyon mo."
Pumikit ako at saka ko biglang hinawakan ang labi, Ang lambot nang labi niya aish ang pula pa bakit ba ganito akoooo hindi pwede!
Huminga ako nang malalim at muling nang ayos pero natigilan ako nang maalalang nakalipstick pala ako patay! Mabilis akong lumabas nang kwarto.
At nakita ko si Leandro pababa palang nang hagdan. "Ginoong Leandro!" sigaw ko agad naman itong lumingon.
"Binibining I-isabelle." sambit niya.
"May nakalimutan ka!" sigaw ko, Mabilis naman siyang Umakyat pataas kaya nang makita si Lorita ay wala akong choice kundi hilain si Leandro papasok sa Kwarto tapos isinara yon agad.
"B-binibi—"
"Aish! Kahit kailan ka talaga!" inis kong sigaw sakanya tapos Mabilis kong Kinuha ang panyo na nasa kama ko at Pinunasan ang labi niya nakita ko ang pamumula nang tenga niya
"B-bakit?" tanong niya pa.
"May kulay ang labi mo dahil naglagay ako sa labi.. B-bat ba kasi b-bigla bigla kang nang haha—"
"Uhm.." nakita kong napahilamos siya sa mukha niya at saka Hinilot pa ang sintido niya.
"Makasalanan ako binibini, P-parang nais pa kitang halikan kaya mauuna na ako." mabilis niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko at namula ang mga mukha ko.
"Omg.." bulong ko tapos Hinayaan siyang lumabas, don't tell me naadik siya?! Aish! Punyeta de garapooon!
Nang makalabas siya ay hindi ko mapigilan ang sarili na parang kinikikiti kaya naman nagtakip ako nang mukha at napangiti.
"Binibining isabellee." mariin akong pumikit at inayos ang sarili tapos binuksan ang Pinto.
"Anong nangyari? Bakit balisang umalis si Ginoong Leandro?" peke akong tumawa.
"Natakot ata saakin, Sinigawan ko eh." natawa si Lorita.
"Hindi ako makapaniwalang titiklop nag lalakeng tulad niya sayo binibini, nakita ko siyang nakipaglaban napakalakas niya." ngumiti nalang ako.
"Pinatatawag ka sa ibaba Binibini." sambit ni Lorita kaya tumango ako at sumunod Sakanya nang makababa ay naiilang akong ngumiti kay Leandro na napapalunok.
Nang makaupo sa harapan niya ay tumikhim ako kakain na pala. "Ayos ka lang ba anak?" tanong ni Ina kaya ngumiti ako.
"Maayos naman ina." sambit ko.
"Ginoong Leandro kanina ka pa balisa, may nakita ka bang multo?" napalunok ako tapos Uminom nang tubig.
"Hindi multo Ina, Nakakatakot na babae ang nakita ko." tapos tumingin siya saakin kaya naman napalunok ako.
"Anak anong ginawa mo?" tanong ni Ina saakin.
"Wala po ina, Tch duwag lang talaga si Ginoong leandro." sambit ko.
"Nakakatakot po yung sigaw niya, Tinalo pa niya ang Magulang hehehe." pinaningkitan ko nang mata si ginoong Leandro.
"Kayo talagang mga bata kayo." napatingin ako kay Leandro nang kumain na siya pero Nang basain niya ang labi ay agad na namula ang mga mukha ko.
'Shet mababaliw na ata ako..'
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top