Chapter 22
Iris Nevaeh's POV.
kinaumagahan ay nanatili lang ako sa Kama matapos Maligo hawak hawak ang diary ay Nilipat ko ito sa Sunod sunod na araw para makita kung ibang iba ang Mga naganap.
Pumikit ako..
Kitang kita ko si Leandro na nakatulala habang malalim ang iniisip nilingon ko naman sa kabilang gilid si Isabelle na nakatitig lang kay Leandro kitang kita sa mata niya ang labis na pag mamahal sa Binata.
"Tititigan mo nalamang ba siya anak? Ano ang dahilan at bigla ay kinasuklaman ka niya?" nakita ko si Ina na lumapit kay Isabelle.
"Dahil ang sama ko Ina, Hindi niya naman ako gusto pero ipinipilit ko ang kasal kaya wala siyang magawa." bumuntong hininga ako.
Hindi naman kasi daoat sa ganyan paraan hays, Andaming paraan yung hindi ka magmumukhang kawawa, yung sa huli ikaw ang gugustuhin niya.
"Anak, Bakit mo ba kasi gusto na ikasal sakanya?" tanong ni ina.
"Mahal ko siya ina.."
"Mahal ka ba niya anak? Ang isang kasalan ay kung mahal niyo ang isa't isa. Kausapin mo siya." napatingin ako kay Ginoong Leandro tapos sakanya ako Lumapit hindi niya naman ako makikita.
Halata nanang devastated siya sa nangyayari, ikaw ba naman katiwa tiwala mong kaibigan tapos ganun lang? "Ano bang ginawa kong mali? Para parusahan ako nang ganito." naupo ako sa Tabi niya dahil alam ko na hindi nila ako makikita.
Mahal ba talaga niya si Krisseta? Pakiramdam ko sa nangyayari Tatlong panaginip ang nangyayari Una bilang Iris Nevaeh hanggang sa Isabelle at ang nakaraan pa ni Isabelle.
Papaano kaya kung pumunta ako sa Kaluluwa ni Isabelle? I mean saniban ko siya? Para lang hindi siya mag mukhang tanga..
"Kaya mo ba? Pinanonood kita Isabelle." napangiwi ako nang umepal nanaman si Lola.
"Susubukan ko." sambit ko tapos tumayo ako at saka Lumapit kay Isabelle tapos Pumikit pagkamulat ko ay naglakad ako at hinanap kung nangyari ba ang nais ko.
"Binibining Isabelle." pag pinakialaman ko ang pangyayari dito mapapasama ba ako?
"Hindi naman. Pero kung maipapahamak mo ang isa sakanila sa nakaraan mo mawawala ka na ren at yon ang katapusan nang misyon mo." bumuntong hininga ako.
Tapos Naupo sa Tabi ni Ginoong Leandro. "Wala ba talagang pag asa na Magkagusto ka saakin?" tanong ko dahil nakikita niya na ako eh.
"Hindi ko alam.. Pero hangga't mahal ko si Krisseta masasaktan ka lang." nang tignan ako ni Ginoong leandro ay ngumiti ako.
"Kung ganun aantayin kong mawala ang pagmamahal na yan.. Naniniwala kasi akong tayo ang nakatakda." sambit ko, Hindi naman ako ang nandito tutulungan ko lang ang sarili ko dahil sa totoo naman ay ayos kami ni ginoong leandro.
"Ano at tila bigla kang nagbago? Kada kausap kita ay malungkot ka pero bakit ngayon parang ayos na ayos ka?" bumuntong hininga ako at ngumiti.
"Sa tingin mo ba kung malungkot ako may mapapala ako? Hindi mo pa rin naman ako maiibigan. Kung magiging masama naman ako magugustuhan mo ba ako? Mas masusuklaman mo lang ako Ginoo." nailang ako nang mapatitig siya saakin, Tsk basta Iris Nevaeh ang galawan Ginigusto noh? Naiintindihan ko na kung bakit ako tinawag na goddess psh
"Hindi ako makapaniwala." natawa ako sa inasal niya at halata namang nagulat nanaman siya tapos tumayo pa kaya tumayo rin ako, I'll make this man fall in love with iris nevaeh then.
Dahil kasalukuyang may Pader sa Gilid niya ay Inilagay ko ang kamay sa Kabilang gilid kahit na mas matnagkad siya ay kaya ko naman tumiklay. "Anong ginagawa mo Binibini?" gulat na tanong niya.
"Talaga bang mahal mo si Binibining krisseta?" napatitig siya saakin at lumunok tapos tumango kaya naman tumiklay ako at saka Inilapit ang mukha ko sakanya.
"B-binibini.." mahina naman pala to tsk akala ko ba matigas to? Bat lumalambot nauutal agad saakin hays iba ang kamandag mo Nevaeh ibang iba sa kung ano ka noon.
Mas inilapit ko pa ang mukha ko sakanya Alam kong may darating na hindi inaasahan. "L-leandro.. Isabelle.." mabilis akong umayos at tinignan si Binibining Krisseta.
"Ah hindi ko inaasahan na aapak ka mismo sa Pamamahay namin. Pasok ka." nginisian ko pa siya at ginamitan nang makamandag na titig.
"Stupid." kung ganun nag iingles pala ang isang to kaya naman nanaisin ko munang mag maang maangan.
Tumalikod ako sakanila tapos naglakad na. "Ano yung nadatnan ko Leandro? Mag hahalikan kayo?" mahina akong natawa Ganyan nga.
"Hindi binibining Krisseta." i'm going to ruin you secretly krisseta.
"Isabelle! Ano yung pinaplano mo?!" sigaw saakin ni Krisseta kaya naman nilingon ko siya na para bang ang hinhin ko.
"Wala." sambit ko tapos tinignan si Ginoong Leandro nakatingin lang ito saakin na para bang hindi makapaniwala.
"Umalis ka na diyan, Alam ni Isabelle ang ginawa mo pero alam niya tulak yon nang nararamdaman niya. Masyado kang matalino, Upgraded ka ah." natawa ako kaya naman Umalis na ako sa Katawan ni isabelle halata ang pagtataka niya.
"Nako naman lola, ako pa ba? Hindi ko na hahayaang kawawain nila ako noh psh banatan ko pa sila eh." sambit ko pa nakakaloka pala ang mga pangyayari ibang iba sa Pangalawang kasalukuyan.
"Siya po ang Iniibig ko, Itutuloy niyo pa rin po ba ang Kasalan?" napamaang ako at hindi napigilan ang sarili pero huminto ako sandali.
"Yun ang nais nang anak namin, at ang nais rin naman nang magulang mo ay ikasal sa anak namin Leandro." napatingin ako kay Ama ganyan nga hehehe.
"Bakit niyo po kinukunsinti ang anak niyo Don Luciano?" eh basta wag ka Ama tawag mo sakanya ngayon noh it's all because of meeee
"Hindi po siya sasaya saakin." aniya ni Leandro.
"Itutuloy pa rin ito, Sa susunod na taon." sambit ni Ama kaya naman nang makita kong mag walk out si Isabelle ay agad ko siyang sinundan lalo na nang sumunod si krisseta at Leandro.
Agad akong sumanib kay Isabelle tapos Hinarap ang dalawa nang nasa Hardin na. "Tuloy pa rin ang kasal, Dahil nasisigurado kong kayo rin ang mismong dahilan kung bakit kayo mag hihiwalay." sambit ko.
"Isabelle." sambit ni Ginoong Leandro.
"Maging kayo kung nais niyo, Basta gagawin ko kung ano ang dapat kong gawin." ngumiti pa ako.
"Hahayaan ko kayong saktan niyo ko dahil masaya kayo, pero walang sisihan kung sa huli may masaktan rin sainyo." aniya ko pa at saka tumikhim nakita ko naman ang galit na galit na Krisseta at nang akma niya akong sampalin ay agad akong Umiwas.
Kaya naman sumubsob siya. "Lakas mo kasi Bumwelo, di mo siniguro kung tatama." aniya ko tapos agad na inalok ang kamay ko pero Bigla kong inayos ang buhok.
"Isabelle!" sambit ni Leandro at tinulungan si Krisseta ngumiti lang ako.
"You are nothing!" sigaw ni Krisseta pero nginitian ko siya.
"Ano isabelle?! Ano sa pakiramdam na isa kang mang mang at hindi makaunawa nang Ingles!" tinitigan ko si Krisseta.
"You are pathetic, I pity you." nginitian ko lang si Krisseta at tinignan si Leandro.
"Eh ikaw ba Leandro? Nauunawaan mo ba?" hindi ako sinagot ni Leandro.
"Hindi lahat nang hindi nakakaunawa sa Nauunawaan mo ay maari mo nang tawaging mang mang." sambit ko.
"Ano at lumalaban ka na ngayon?! Hindi ba't tatahimik! Tahimik ka lang?!" sigaw ni Krisseta.
"Naniniwala ako sa Kasabihan na lahat nang tao may karapatan magbago, kaya anong pakialam mo Binibining Krisseta?" ngumisi ako at tinignan ang kanina pa nakatingin saakin.
"Makakaalis ka na, Makakaalis na kayo sa pamamahay ko. At ginoong leandro, antayin mo nalamang ang pag imbita sayo." tumikhim ako tapos nang tignan si Krisseta ay galit na galit ito saakin kaya naman tinignan ko si Ginoong leandro.
Kinindatan ko siya at doon siya lalong nagulat nakita ko rin ang pamumula nang tenga niya kaya tumawa ako at maglakad na papaalis doon.
Habang naglalakad ay bigla akong nahiwalay kay isabelle at bigla ring lumabo ang lahat kaya naman nagmulat na ako sa Reyalidad.
"Binibining Isabelle." nagmulat ako dahil sa mahihinang tapik sa Pisngi ko.
"G-ginoong leandro.." sambit ko at bumangon kaya naman pala nawala ako dahil inilayo saakin ang diary.
"Mabuti naman ang gumising ka na, Alalang alala sayo si lorita at ang iyong lola.." napatitig ako sakanya.
"B-bakit ikaw ang tinawag?" tanong ko pa.
"Medisina ho kasi ang Kurso ko Madam, Ayos na?" natawa ako at bumangon pati siya ay natawa kaya naman pagkaupong pagkaupo ay agad kong inabot si Ginoong leandro at Niyakap.
"Nako naman apo, nakakahiya ka." ngumiti ako at Pumikit, naramdaman ko naman ang tapik ni ginoong leandro sa likuran ko.
"YIEEEEEEE." humiwalay ako at saka Yumuko dahil sa kahihiyan siraulong lorita to grrr niya ako eh.
"May problema ba Binibini?" tanong niya.
"Nanaginip lamang ako, nang masama." aniya ko tapos Maayos na naupo.
"Hihihi."
"Lorita ano ba." sita ko sakanya natawa naman si Ginoong Leandro.
"Binibigla mo ko Binibini." nakangiting sabi ni Ginoong leandro kaya naman alanganin akong tumawa.
"Mahilig talaga ako manyakap diba Lola?" sambit ko pa.
"Hindi kaya, Yun nga ang pinakaayaw mo simula nang bata ka." napalunok ako mang magtama ang paningin namin ni leandro kaya naman namula ako at nag iwas tingin.
"Lola naman eh." kinuha ko ang diary at saka Itinago sa Drawer tapoa tumikhim at tumayo na.
"Lola wala bang damit rito na hindi bistida? Parang kahit pajamas lang sana." sambit ko pa.
"Pajamas?"
"Ah Yung mahaba po na Pantulog? Tapos simpleng damit lang." aniya ko pa.
"Yung panlalaki ba Hija?" dahan dahan akong tumango.
"Naku naman, Hindi ko alam kung pusong lal—"
"Lola sige na." nakangiting sabi ko pa.
"Osya sige sige, sa tingin ko ay meron pa ang ama mo noon nang panahon na binata pa siya." sambit ni Lola tapos tumayo.
"Hindi ka nagbibiro tungkol sa bagay na yon?" tanong ni Ginoong Leandro saakin.
"S-saan?" tanong ko.
"Gusto mo nang damit panlalaki?" tumawa ako sa tanong niya.
"Tignan mo nalang kasi Ginoo." aniya ko pa sakanya maya maya ay pumasok na si Lola dala dala ang pinakuha ko.
Kaya naman kinuha ko yon at pumasok sa banyo nang makapasok ay Nagbihis kaagad ako nang masuot ang maluwag na t-shirt ah Tinupi ko ang sleeves nito tapos itinuck in. Tapos Inayos ko ang jogging pants gamit ang mga Pamuyod para Humigpit ang sa ibaba nito.
Nang maayos ay Napatingin ako sa Salamin napakasimple pero Wow na wow i've never been goddess for no reason. Lumabas na ako at lahat sila napatingin saakin.
"Ayos ba?" tanong ko habang nakangiti.
"Ayos na ayos binibini! Gusto ko rin nang ganyan!" natawa ako sa sinabi ni Lorita.
"Pag nakahanap ka na nang sasakto sayo, Tutulungan kita." nakangiting sabi ko pa.
"Napakaganda mo tignan apo." aniya ni Lola.
"Dalian mo at ipapakita natin sa Ama at ina mo ang ginawa mo." sambit ni Lola at agad akong nilapitan tapos Inakay papunta sa Ibaba tulala nanaman si Leandro nako naman.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top