Chapter 21

Iris Neveah's POV.

Muli ay napalingon ako sa Magulang ko noong si Isabelle pa ako, Sobrang maalaga, sobrang sarap rin palang mahalin nang sarili mong ama yung uunahin ka bago ang ibang bagay.

"Hindi ko alam kung bakit bigla kitang nakikitang masaya, At bigla bigla ka ring nalulungkot." napaayos ako nang Upo at saka Tinignan si Ginoong Leandro na naupo sa isang Kahoy na Upuan.

"Naalala ko ang Gi—"

"Yah! Wag mo na ipaalala." bulyaw ko, halata namang nagulat siya pero natawa nalang rin tapos sumandal suot suot niya ang pulang damit na may mahabang sleeves.

"Salamat Binibining Isabelle." nang marinig ko yon ay huminga ako nang malalim at nginitian si Leandro.

"Buti nga mabilis ang kabayo nila Ama at ina, kaya nauna silang nakauwi dahil pag nagkataon pati sila mapapahamak lalo na't ilang taon na sila." napatango ako sa sinabi niya.

"Kaya nga e, Kailan kaya titila ang napakalakas na Ulan?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam binibini, Sa totoo lang pakiramdam ko Pamilyar ang ganitong pang yayari sa isip ko." natigilan ako at Tumikhim.

"Mag pahinga ka na Ginoo, Mag papahinga na rin ako." nginitian ko siya at saka ako tumayo ganun rin naman siya.

"Salamat, Mag pahinga kang mabuti." ngumiti ako at saka naglakad na papunta sa silid ko nang makarating ay dali dali kong kinuha ang diary.

Binuksan ko ito at ipinikit ang mga mata..

"Hindi ko mawari kung bakit napupusuan ka nang Kuya ko, Napakahina mo." aniya ni Krisseta.

"Paumanhin.."

Inis akong nagmulat, Ayoko non! Nakakairita! Pagkalipat nang page ay Pumikit akong Muli.

"Alam mo binibining Isabelle, Hindi naman sa nagmamayabang pero hindi kita kayang lokohin." nakangiting sabi ni Ginoong Leandro.

"Pero gusto mo pa rin si Krisseta, kahit naman hindi mo aminin ay ramdam kong walang makakapagpalit sakanya diyan sa Puso mo." aniya ko.

"Hindi na mahalaga yon, W-wala naman na kaming relasyon." aniya ni Leandro saakin tapos sumipol.

"Sana nga Ginoo, Sana hindi ka magkamali.." seryosong sabi ko sakanya..

Nagmulat ako, Tapos Napatulala.. Tinignan ko ang date nang diary what the hell? Papaanong nangyari na Bumagyo ngayon pero sa Binabasa ko Hinde? Bakit tila iba? Ang nasa Tala arawan niya sa nangyayari saakin ngayon?

Kung ganun hindi ko pa talaga nakuha ang puso ni Ginoong Leandro nang mga ganitong oras? Ngayon?

Nagpapanggap ba siya? Anong nangyayari bakit ang labo?

"Dahil ibang iba ka sa Isabelle Noon, Kung kaya't agaran mo itong nabago dahil iba rin ang Ugali mo."

"Papaano?"

"Basahin mo ang Tala arawan mo noon, makikita mo kung ano ka noon sa ngayon."

"L-lola bakit ang gulo? Hindi ko alam kung tunay na ba to o isa nanamang gawa gawa nang isip ko?"

"Huwag kang sumuko, Ang ugali ni isabelle noon ipapaalala nang ala ala mo sa paraang pagbuklat mo nang Tala arawan mo.."

"Lola, I want out of here." sambit ko alam kong nasa isipan ko lang siya nakakapag usap kami.

"Makinig ka saakin, Takot ka lang na malaman ang tunay na nararamdaman ni leandro dahil hanggang ngayon kahit ikaw na si nevaeh hindi pa rin magbabago ang tibok nang puso mo para sakanya.."

Pumikit ako at saka Hinanap ang araw na nakalipas na tapos Pumikit ako ulit kasabay nang pagtulo nang luha ko dahil nakikita ko yung kaarawan ni leandro.

"Alam mong hindi kita kayang mahalin tulad nang pagmamahal ko sakanya Binibining isabelle, matalik kitang kaibigan pero huwag mo itong gawin." Pakiusap ni Leandro pero ngayon nakikita ko na silang dalawa ang sarili ko ang kung ano man ako noon.

"Bakit hindi nalang ako Ginoo? Hamak na mas mabuti ako sakanya." nakita ko ang mahinang isabelle.

"Pag mag mamahal ka, Hindi mo ito masisisi kahit napamasama pa nang mahal mo." naikuyom ko ang kamao habang pinanonood sila alam kong hindi nila ako nakikita.

"Kaya nais mong Ipatigil ko ang kasal na magaganap? Dahil hindi ako ang gusto mong mapangasawa?" nakagat ko ang labi bakit kahit ako si Nevaeh damang dama ko yung sakit.

"Ayaw kitang paasahin Binibining isabelle, Hindi ko maipapangako na kaya kitang mahalin." nakita ko naman ang isabelle noon na nakayuko at tumatangis.

"Ano ba isabelle! Bakit ka maghahabol sa isang tulad niya! Kung hindi ka niya mahal edi wag! Wag nalang!" sigaw ko Pero alam kong hindi nila ako maririnig.

"Paumanhin ngunit hindi ako dadalo sa Kainang iyon." nakita ko kung papaano naglakad papaalis si Leandro nakita ko rin ang labis na kalungkutan sa Isabelle noon.

Pero biglang dumating si Krisseta. "Huwag ka nang umasa, Isabelle. Hinding hindi ka na niya gugustuhin pa tulad nang noon na si kuya ang ginusto mo at binalewala siya." what? Ugh tha robin.

Kung ganun Binalewala nang dating isabelle si leandro? Psh eh baka hindi naman kasi Umamin. "Sa sobrang hina mo Kinaawaan kita." inis kong ikinuyom ang kamao sabihin mo saakin yan ngayon aish! Susupalpalan kita!

"Hindi ako papayag na maging masaya kayo." napatingin akong muli kay isabelle noon, Sobrang sama nang loob niyang sinabi yon.

"Wag mo nang pagmukhaing tanga ang sarili mo." sambit ni Krisseta at Umalis papunta sa kung saan dumaan si Leandro.

Kaarawan ito mismo ni Ginoong Leandro, bakit iba ang naganap? Hindi ba dapat ako lang ang makakapagpabago nito? Papaanong hindi man lang oh my god..

Oo nga nagkausap kami nang kaming dalawa lang at eto yon pero bakit iba ang itinuran niya? Bakit wala si Krisseta?

Nagmulat ako nang mata at Pinunasan ang luha tapos Napatikhim. Sobrang gulo, gusto kong maunawaan lahat.

Nag tungo ako sa Kasunod na araw matapos nang kaarawan niya at huminga ako nang malalim bago  naisipang pumikit.

Napatitig ako kay Ginoong Leandro habang nakatayo at nakatanaw sa Labasan ano kayang nasa isip niya? Inaantay niya ba ako? Napatingin ako sa likuran nang dumating si Isabelle.

Nang maglapit ang dalawa ay bahagyang ngumiti si Leandro. "Hindi ko inaasahan na ang mabuti kong kaibigan ngayon, sasaktan ako sa paraang gusto mo kong makuha." napamaang ako nakakairitang panoorin tong dalawang to.

"Tulad nang sinabi ko Ginoong Leandro, Hindi ako papayag na maging masaya kayo." malamig na tugon ni Isabelle.

"Wala ka na ba talagang pakialam sa nararamdaman ko Binibini? Mahal mo ako pero hindi mo ko hinahayaang maging masaya." napatitig ako kay Leandro, malayong malayo siya sa ngayon.

"Dahil gusto ko ring sumaya Ginoo, at ikaw lang ang makakapagparamdam non saakin." mariin akong napapikit sa pagkairita ampapanget nila kingina.

"Aish! Isabelle why do you have to be this Pathetic wtf i didn't even know you have that attitude." inis na sigaw ko sa sarili.

"Samahan mo ko sa Piyesta sa kabilang bayan mamaya." ah dito si isabelle ang nag aya.

"Hindi ko nais na magkunwareng masaya kasama ka." punyemas.

"Samahan mo ko, Kaibigan mo ko diba?" nakita ko kung papaanong yumuko si Leandro at saka Naglakad na papasok sa Loob lumapit ako kay Isabelle noon malungkot siya kaya naman sinubukan kong hawakan ang sarili pero wala.

"Binibining Isabelle, Huwag ka sanang magpakatanga sakan—"

"Tumahimik ka Lorita! Sino ka ba para pakialaman ang buhay ko!" napamaang ako sa Ginawa niya kay Lorita.

"Aba isabelle! Ang sama mo ah! Attitude ka sis?!" sigaw ko pero wala akong magawa peste! Kaya naman pala hindi ka Gusto ang sama nang ugali mo! Makasarili ka!

Maya maya ay biglang nagbago ang lugar nasa Piyesta na sila sa kabilang bayan pinanood ko si Isabelle na masawi dahil iba ang ngiti ni leandro nang makita si Krisseta.

"Kasama mo pala siya." smabit pa ni krisseta.

"Ginusto niya to eh, Ayoko sana pero mabuti nalang nandito ka." tsk leandro mababatukan kita eh sakit ah

"Ganyan ba talaga kayo? Hindi niyo man lang ako naisip." tsk apakahina mo Isabelle kung ako sayo tinulak mo na sila sa Lawa.

"Wala naman kaming pakialam sayo, alam mo isabelle umalis ka nalang." napamaang ako sa krissetang ito!

"Huwag mo na sana siyang Ganyanin, tara." awat ni Leandro.

Inis na inis akong nagmulat nang mata. "Apaka pangit! Aish!" inis na sigaw ko tapos Ibinaba ang diary at saka naglakad palalabas nang kwarto nauuhaw ako.

Nang makababa ay dumeretso ako sa Kusina pero nakita ko si Leandro naalala ko ang ala alang naganap lang kanina. "Binibining Isabelle hindi ko alam na gising ka—"

"Psh dapat ba alam mo? Tabi nga diyan nakakainis ka." inis na sabi ko halata namang nagulat siya tapos gumilid naiinis ako eh!

"M-may nagawa ba akong mali binibin—"

"Meron! Sabing tabi eh!" napamaang naman siya kaya ngumuso ako tapo Uminom nang tubig.

"Marami kang maling ginawa Ginoong Leandro, Sinaktan mo ko nang sobra aish nakakairita kung alam mo lang sana nga pwede kitang batukan." mahabang sabi ko pero natigilan ako nang makonsensya.

Nakita ko ang Pag blink nang mata niya parang inaabsorb lahat nang sinabi ko. "Biro lang, to naman." sambit ko tapos tinapik tapik siya sa balikat pero napaigtad siya.

"B-binibining Isabelle." sambit niya, ah oo nga pala Conservative sila mga maarteng nilalang psh.

"Biro lang yon Ginoo, Paumanhin. Ginaya ko lamang ang Nabasa ko sa Libro. Kakaiba kase pero totoo pala na ganyan ren magiging reaksyon nang lalake." alanganin pa akong ngumiti.

"a-ah ganun ka binibini, nagulat lamang ako. Mag pahinga ka na." nakangiting sabi niya kaya naman napaisip ako at sandaling napasandal sa Mesa habang tinititigan siya.

Ibang iba siya sa ala alang ipinakita saakin, Talaga bang nagustuhan niya ako kasi kakaiba ako? Kaya nabago ang buong pangyayari? "H-hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa Titig mo Binibining isabe—"

"Isabelle nalang." aniya ko.

"Nandito tayo sa Lugar niyo binibini, ayokong iba isipin nila saakin." sambit niya.

"Oks lang yan, Kyut ka naman eh Hihi." nagulat ulit siya.

"biro lang tama na nga, Tara na matulog." aya ko tapos Nauna nang naglakad mababaliw ako dahil sa ala alang yon psh.

"Matulog ka nang mahimbing Binibini." nginitian ko nalang si Leandro at Pumasok na sa Kwarto ko nang makapasok ay nahiga agad ako.


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top