Chapter 20

Iris Nevaeh's POV



"Diba sinabihan na kita?!" hawak ko nang mahigpit ang pulsuan ni Krisseta sa harap nang kanyang kapatid na si robin.

"Kumalma ka Binibining Isabelle." inawat ako ni Robin at Hinawakan sa Balikat.

"Bitiwan mo ko." galit na sabi ko sakanya.

"Ano bang nangyari sayo mahal ko?" sinamaan ko siya nang tingin.

"Bitiwan mo ko sabi!" sigaw ko halatang nagulat siya.

"Ano at tila nagbago ang ugali mo Binibining isabelle." sambit niya saakin tinignan ko siya sa mata.

"Bitiwan mo siya, Ginoong robin." saka lang ako binitiwan ni Robin nang dumating na si Leandro at Ipinunta ako sa Likuran niya.

"Ano at nakikialam ka rito pre?" napatingin ako kay Leandro ngumisi siya at saka Tinignan si Krisseta.

"Pre? Hindi naman tayo magkaibigan Ginoong Robin." nagbago ang Ekspresyon ni Robin at saka sumama ang tingin kay leandro.

"Hindi ko alam kung bakit kayo nananatiling nandito, malugod na kayong makakaalis sa pamamahay namin. At kahit na kailan ayokong makitang hinahawakan mo ang mapapangasawa ko." namula ang mukha ko nakita ko ang galit sa mata ni Krisseta.

"Ano at tila nagbago ang pagtingin mo saakin ginoong Leandro! Nang kailan lang ay iniwan mo ko dahil sa babaeng yan!" hindi na nagsalita si leandro at saka Hinawakan ang kamay ko at Inayang pumasok sa Loob.

"Ano ba talaga ang nangyayari Binibining isabelle?" tanong nang Ama ni Leandro saakin.

"Alam naman natin na May gusto kay Ginoong leandro ang anak ni Gobernador Santos. At may gusto ren ang panganay nitong anak saaking Unica Hija." sambit ni ama.

"Hindi malabong gumagawa nang paraan ang mga Santos para sa anak nila." tumango ang ama ni Leandro.

"Nakakapanibago ang katapangan na iyong pinakita Binibini, Pinahahanga mo ako." nakangiting sabi nang ama ni Leandro.

"Nais ko lamang panigan ang tama, ama." sagot ko.

"Mas mabuti siguro kung Iuuwi na namin ang anak namin, kailangan niya rin nang pahinga." paalam ni Ina.

"Ihahatid ko na kayo Ina.." volunteer ni Leandro kaya naman nagpasalamat kami sa mga Florentino at lumabas na sumunod naman kaagad si Lorita saakin.

"Tila may kakaiba sa Klima ngayon.." tiningala ni ama ang kalangitan kaya naman tinignan ko ren maulap at madilim dilim sa oras na ganto ay dapat maaraw.

"Sa kabilang kalesa na tayo Binibining Isabelle, ayos lang ho ba ama, ina?" paalam ni Leandro sa aking magulang.

"Aba oo, at nang mag kasya kami sa Loob." ngumuso ako sa sinabi ni ama.

"Ikaw ang mataba ama, hindi ako." reklamo ko tumawa si Ina.

"Eh tumataba ka na." ngumuso ako lalo.

"Oo na po, tara na baka maabutan pa tayo nang malakas na ulan." sambit ko sakanya natawa ito at saka kami naglakad papunta sa kabilang kalesa.

"Umaambon kaagad?" takang sambit ni Leandro nang makapasok kami.

Isang minuto ay umalis na rin ang Kalesa nagkatinginan kami ni Leandro. "Napapansin ko talaga ang pagbabago mo Binibini, mas nakakabighani ang pagiging matapang mo." sambit niya pa.

"Ano ba ang pinagkaiba ko sa Noon at ngayon?" nagtataka ko kunong tanong.

"Noon ay kahit sumbatan si Krisseta hindi mo magawa, Umiiyak ka nalamang sa isang Gilid. At takot ka rin magsalita lalo na pag maraming tao ni sumigaw ay hindi mo ginawa." seryoso? Kung ganun kailangan ko talagang basahin ang Diary ko nang pumasok sa isip ko ang lahat nang nangyari noon.

"Mabuti at naisipan mo yan Isabelle.."

Napanguso ako tapos tila ilang lang ay biglang buhos ang malakas na ulan rinig na rinig ang tunog mula sa itaas nang bubong nitong Kalesa.

Tumigil ang Kalesa kung kaya't kinabahan ako.. Tapos may kumatok sa Pinto nang kalesang ito para buksan ni Leandro.

"Aayusin lang ho namin ang Tarapal nang mga kabayo upang mapanatiling ligtas ang Kondisyon nila." aniya nang kutsero.

"Osige ho.." sagot ni Leandro.

Magkaharap kasi kami kaya naman sumandal muna ako at pumikit. "Inaantok ako, Iidlip muna ako Ginoo." ngumiti si Leandro.

Kaya naman Pagkapikit ko ay nakaramdam ako agad nang matinding antok..

"Ano duwag ka nalang ba parati?! Wala ka man lang bang ipapakitang tapang Binibining isabelle!" dinuro duro ako ni Binibining krisseta.

Isa sa matalik kong kaibigan noong mga bata bata pa kami.. "Mabuti nalang talaga at hindi na kita kaibigan! Kase mahina ka!" lumunok ako at yumuko.

"Saakin lang si Leandro tandaan mo yan!" napayuko ako lalo at saka bumuntong hininga.

"Krisseta! Ano ba at sinisigawan mo si Isabelle.." lumapit saakin si robin at Inilayo ako kay Krisseta.

"Makabubuti siguro binibini kung umuwi ka na at ipahahatid kita.." aniya ni robin saakin.

"Binibining Isabelle, tara na huwag mong kausapin ang nilalang na yan." tawag saakin ni lorita kaya yumuko ako at sununod kay Lorita.

"Ang kapal nang mukha niya binibini! Pagkatapos niya kayong pagtaksilan umaasta siyang parang walang ginawa, sana si Ginoong leandro ay nandito para masapak niya ang Robin na yon!" natawa ako kasi mas galit pa sakin si Lorita.

Nagising ako bigla tapos napalingon sa Paligid. "B-bakit hindi pa rin umaandar ang kalesa?" tanong ko kay Ginoong leandro.

"Sobrang delikado kung tutuloy tayo binibini, Baka hindi kayanin nang kabayo sobrang lakas nang ulan." napansin ko naman ang pamumutla ni Ginoong Leandro.

"A-ayos ka lang ba ginoo?" tanong ko.

"S-sadyang malamig lang talaga Binibini, Lalo na sa Ganitong clima." then bigla akong napatingin nasa akin ang isa niyang makapal na Jacket.

"Kuhanin mo na ito." aniya ko tapos Inabot sakanya pero halos matigilan ako mang kamay ko ang kahawakan niya at saka ako Hinila kaya naman napaupo ako sa Tabi niya.

"A-ang lamig mo." gulat at namumula ang mukhang sabi ko kaya naman napalingon ako sa paligid kung giniginaw na kami papaano pa kaya ang mga nasa labas?

Ano na yung tinuro saamin nang guro namin ano yung dapat gawin grr ah tama Body Heat. "Paumanhin ginoo at gagawin ko ito, Sa paraang ito hindi tayo giginawin." ang mga malamlam niyang mata ay napatitig saakin kaya naman Niyakap ko siya.

"B-binibini." gulat na sambit niya pero ipinikit ko ang mata dahil nararamdaman ko kung gaano kabilis ang tibok nang puso ko.

Pero bakit parang hindi lang tibok nang puso ko ang nararamdaman, Napamulat ako not until i realized we're sharing the same beat..

Naramdaman ko naman ang nanginginig na kamay niya kahit gaano kalamig ito ay tiniis ko lalo na nang dumikit sa Likod ko. "A-ayokong isipin mo na ginagawa ko to dahil ikakasal na tayo sa susunod.. N-nirerespeto K-kita b-binibini." pumikit ako.

"Kailangan ito, not for romance but for emergency heat." ganito ba talaga noon? Dahil ngayon sa makabagong panahon kahit gaano kalakas ang ulan hindi magiging ganito kalamig.


***

"Hays, Mabuti nga at naisipan nilang mag tabi dahil kung hindi namatay na sila sa Lamig." unti unti kong iminulat ang mata..

"Bumalik na ang diwa ni binibibing isabelle, Ngunit si Ginoong leandro ay hindi pa rin nagigising. Mas mabuti siguro kung paiinumin niyo siya nabg mainit na tsaa, o di kaya ay mainit na sabaw." dahan dahan akong naupo at agad ko namang nakitang umalalay saakin ay si Ina.

"Sobrang lakas pa rin nang buhos nang ulan anak, Kamusta ang pakiramdam mo?" napatingin ako sa Doctor na nasa harapan ko.

"Si Ginoong Leandro Ina?" tanong ko.

"Hindi pa rin siya nagigising." napabuntong hininga ako.

"Mas malala ang nangyari sakanya ina, Ibinigay niya saakin ang panlamig na dapat ay para sakanya at huli na dahil kagigising ko lamang noon." ngumiti si Ina.

"Huwag kang mag alala, Naiparating na namin sa magulang niya ang nangyari. Ngunit hindi muna tayo makakaalis nang bahay dahil may malakas na ulan at mananatili ito nang mahigit dalawang araw." nangunor ang Noo ko.

Kung sa makabagong panahon ay matatawag ko itong Bagyo, natigilan akong sandali at naalala ang isang pangyayari pero hindi ko makilala ang mukha nang lalakeng nakasama ko.

Wala ring ngalan sino siya? "Nais ko pong puntahan si Ginoong Leandro ina." ngumiti si Ina.

"Kung ganun, Sige." ngumiti ako at saka nagmamadaling naglakad papunta sa Kwartong bakante doon nila dinala si Ginoong Leandro.

Pagkapasok napagkapasok ko ay nanlaki ang mga mata ko dahil b-binibihisan si Ginoong Leandro at nakita kong Hubad ang pang itaas niya.

"Binibining Isabelle!" mabilis akong Pumikit at tumalikod pero ang nakita ko sa pagpikit ko ay kung ano yung nasilayan ko, Shet abs! Sa makabagong panahon oks naman eh pero kakaiba to kingina waaag bata pa ko hooo..

"Ayan, ayos na." nagmulat ako at nahihiyang tumingin.

"Hindi na ba uso sayo ang kumatok Binibining Isabelle?" nakangiting sabi ni Ginoong Leandro kaya naman namula lalo ang mukha ko.

Parang inaasar niya kasi ako eh parang sa mga Movies lang, Kung panaginip to pepwede bang wag na muna gumising? Hehehe..

"P-paumanhin ginoo, Kasi naman eh masama ba mag worry— i mean este masama bang mag aalala." aniya ko.

"Hindi naman, Pero masama ang Hindi Kumatok lalo na pag hindi mo silid." alanganin akong Ngumiti.

"Nasanay kasi ako na pag nasa bahay kahit anong silid pwede kong buksan nang hindi kumakatok kaya sorry." nangunot pa ang noo nang Iba.

"Ang sorry ay Paumanhin sa tagalog, kaya wag niyo kong pag kunutan nang Noo." nakangiwing sabi ko.

"Kamusta ka?" tanong ko at Lumapit.

"Hindi ko rin inaasahan na naka paa paa kang tatakbo papunta sa Silid ko Binibini." napalunok ako nang tignan ang paa at napatingin ako kay Leandro halos maiwang nakaawnag ang bibig ko nang bigla ako nitong kindatan.

"Ginoong Leandro, Saan mo naman nadampot ang ganyang Ugali?" agad na Nailang si Ginoong leandro at natawa.

"Itinuro lamang saakin nang aking ama, Upang mas makuha pa daw ang Puso ni binibining isabelle." natawa  ang ginang na nag bihis sakanya matanda na ito at imposibleng pag nanasahan pa niya ang binata.

"Hinding hindi mo mabibihag ang puso ko ginoong Leandro." natawa ito.

"Nakakagutom, Kumain ka na ba?"

"Ang buong akala ko hindi ka pa rin gising." sambit ko hindi pinansin ag katanungan niya.

"Halos kagigising ko lang rin pero nagbihis ako kaagad." aniya ni Ginoong Leandro.

"Dahil nandito na rin naman kayong dalawa, Sabay na kayong kumain." napatingin ako kay Ama.

"Kayo ba ang nagluto ama?" nakangiting tanong ko at Yumakap sakanya, then suddenly i remember my family my recent one..



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top