Chapter 2
Iris Nevaeh's POV.
Buong magdamag na ata akong good mood dahil kay Cloud, He's nice pero alam ko namang hindi na lalagpas doon dahil alam niyang mas Bata ako sakanya kaya naman hindi niya iniisip na kung ano man ang dapat isipin.
"Nevaeh hindi ka sumipot kagabi." napatingin ako sakanya at saka Tumikhim.
"Napagod ako, kaya naman hindi ako nakapunta." sambit ko at saka Umabante sa Pila.
"Liar." nginisian ko nalang siya at saka ako tahimik na Pumila.
"Strawberry milk, tapos isang Melon flavor na juice yung nakabottle at dalawang Burger yung Mega." order ko sakanila.
"With veggies po?" tanong nang Cashier.
"Yung isa wala. Thank you." inilabas ko na ang Card ko at inabot sakanila pagkatapos non ay ibinalik nila saakin yon at nakuha ko na din ang Order ko nang makita ko ang nag-iisang lalake sa may dulo ay Nilapitan ko siya.
"Dane, Kain tayo." sambit ko sakanya tapos Inilapag ang tray.
"Nako, nag-abala ka pa Ate." nginitian ko siya.
"Bakit hindi ka nanaman kumain? Wala ka rito kahapon ah." aniya ko sakanya ngumit siya at tinanggap ang alok ko.
"Thank you ate, Hindi po ako pinapasok nang tita ko kaya bumabawi ako ngayon." ngumiti ako.
"Kumain ka pa rin dapat."
"Alam mo namang kapos ako ate, at isa pa Scholar lang ako noh maraming nangmamaliit saakin rito." Nginitian ko siya.
"Hindi naman kita minamaliit, ang galing mo nga eh. Kaya kumain ka na Bukas sabayan mo ulit ako mamayang Lunch dito ka ulit." sambit ko pa kay dane isang taon lang ang agwat namin ni dane at parehas naman kami nang course na kinukuha kaya tinutulungan ko siya minsan.
Naging maid kasi namin ang Mama niya bago ito mamatay kaya kilala ko siya dahil saamin siya nanirahan dati. "Thank you ulit ate ha." nginitian ko nalang siya at kumain na rin Magiging successful ka din Dane.
"Kamusta naman ate?" tanong niya.
"Okay lang, As Usual kailangan kong grumaduate." natatawang sagot ko.
"Kaya ikaw rin, mag-aral ka mabuti." nilunok niya muna ang Nginunguya.
"Oo naman ate ako pa ba? Magiging madali kung aaralin ko kaya naman tulad nang bilin mo Advance reading lang para ready." pumalakpak ako upang bigyan siya nang lakas loob.
"Magaling, Tama yan. Osya una na ako? Mamaya nalang ulit may klase na rin kami eh." tumango ito.
"Goodluck ate." sambit niya ngumiti ako at saka nagmamadaling naglakad na papunta sa Room na tinutuluyan namin buti nga second floor lang.
Habang naglalakad ako nakita ko si Cloud may isang babae sa harap niya at mukhang inip na inip na siyang pinakikinggan ang babae. "High school ka palang Lovelife na agad inaatupag mo? Hay nako mag-aral ka muna nang mabuti. Pag nakapagtapos ka na saka mo ako balikan ulit." Ineentertain niya yung High school tch.
"Talaga? Mababalikan pa kita?" tumango si Cloud kaya napangiwi ako nang masayang umalis ang High school nang makita niya ako ay tinignan niya ako at saka nangunot ang Noo.
"Pinaasa mo naman yung High school." sambit ko.
"Uh Wala naman akong sinabing magiging kami." sambit niya.
"Kahit pa noh, Pinababalik mo siya dapat hindi ka magbibitaw nang salitang aasahan o kakapitan niya." Hindi siya tumugon pero sinabayan niya akong maglakad.
"Hindi ako Interisado sa mas bata saakin, at alam kong Infatuation lang yon." natawa ako.
"Depende, ako nga may gust— Gusto simula Elem hanggang ngayon." sambit ko pa at saka namula Muntikan ka na non Nevaeh jusko.
"Malay mo Infatuation lang rin yan, Masasabi mo lang na totoo yang nararamdaman mo pag nagrisk ka na." napamaang ako.
"Eh hindi naman ako nag-eexist sa mundo niya noh, kaya wala akong pag-asa don."
"Hindi mo pa naman sinusubukan." sambit niya, ito siya eh magaling magpaasa nang mas bata sakanya eh sabi nga niya ayaw niya sa mas bata.
"Isa ka rin, pinaasa mo ako wala akong pag-asa don." ang totoo diyan wala akong pag-asa sayo kaya wag mong sabihing meron Jahe ka.
"Sabi mo nga hindi ka nag-eexist sa mundo niya, Kung magpakilala ka kaya. Kaibiganin mo." natawa ako sa sinabi niya, Kinikilig ako pero sabi mo Di ka interisado sa mas bata sayo.
"Hindi siya Friendly."
"Edi pakilala ka lang, Malay mo." Ngumisi ako.
"Eh ikaw nga hindi ako kilala, Siya pa kaya?" narinig ko ang mahinang tawa niya dahilan para mamula ako pinigilan kong mangiti.
"Sino nagsabi?."
"Halata naman, po." narinig ko nanaman ang tawa niya this is a Dream come true na talaga! No doubt! Nakakausap ko siya nakikipagtawanan pa kingina Cloud tara pakasal na tayo!
"Kilala kita Top 1 ka nang Architech course."
"Pangalan naman kasi po ang tinutukoy ko." pero nag-eexist pala ako sa Mundo niya? Yieeee! Shet shet shet! Kilala niya ako! Nakakatuwa mas pagbubutihin ko pa talaga!
"Well I know you. Hindi ko lang alam sambitin ang Nevaeh na yan." Ambaho naman nang Na-va-eh.
"Na-Vay-uh." sambit ko. Nang tignan ko siya ay nagulat siya tapos napatingin sa kung saan.
"Ang pangit nang pagkakasabi ko." sambit niya natawa ako.
"May balak ka pa bang dumeretso?"
"Huh?" gulat na sambit niya.
"May balak ka pa po bang dumeretso? Dito na po room natin." napailing siya at saka naman ako naunang pumasok. Sana ganito nalang parati mabait naman pala siya akala ko ba Snob siya? Pero kinakausap niya naman ako higit sa lahat kilala niya ako! Dahil diyan magpapakabait ako. Lalo.
Nang makaupo ay tinignan ko si Cloud. "Uhm last na po ito, pwede po bang makahiram muna nang Plates? Papalitan ko po bukas o mamaya." inilabas ni Cloud ang sobrang daming plates kung iniisip niyo kung ano yon.
Malaki po siyang papel para siyang coupon na Doble pa landscape at mataas pa konti. Hindi siya Coupon lang kasi may pangalan nang school at lagayan nang title, date at kung pang ilang plates na special siya in short 5 pesos siya kada bibilhin mo nang isang piraso.
"Okay." tapos binigyan niya ako.
"Wow naman bro, Close na ba kayo ni Goddess?" tinignan ko ang lalakeng ito mukha siyang womanizer sa paningin ko at classmate siya ni Cloud.
"Get lost." rinig kong sambit ni Cloud at inis kong tinignan tong kaklase niya nang tumabi saakin at akbayan ako.
"Will you leave? Huwag mo akong akbayan okay?." mataray na sabi ko Pero mas Hinapit niya ako kaya Inis kong inalis ang kamay niyang nakaakbay.
"Stop it Raynard." asik ni Cloud.
"Isa pang hawakan mo ako, Masasaktan ka na." inis na sambit ko sa Raynard matapos ko siyang duruhin at saka ako tumayo at naglakad papalabas.
Nagtambay muna ako sa Pinakaterrace at saka tumingin sa ibaba bumuntong hininga ako at saka tumikhim nalang. Ayoko sa lahat ay ang hinahawakan ako nang kung sino sinong lalake in a Harass way.
I think natrauma ako nang bata ako, Muntikan na kasi akong Marape non dahil napabayaan ako nang parents ko kaya siguro hanggang ngayon may sama pa din ako nang Loob sakanila.
May kaalaman naman na ako sa Self defense dahil sa takot kong baka maulit pa yon. Kung si Cloud lang sana ang gagawa baka hinayaan ko pa HAHAHAHA jusko jusko Nevaeh maghunus dili ka kung ayaw mong mabuntis nang maaga.
Tch lawak naman nang imahinasyon ko eh hindi nga kasi interisado sa mas bata aning magagawa ko sa Kagustuhan niya ako nga ayoko sa iba sakanya lang Naks landi pa atleast naging inspiration ko siya noh.
"Ms.Gandia pumasok na tayo, Lalim naman nang iniisip mo." tinignan ko ang Professor ko at saka Ngumiti.
"Inantay ko lang po kayo sir." sambit ko sakanya.
"Tara na." bumalik na ako sa Kinauupuan ko at saka Tahimik lang na Nakinig sa Lecture nito, Pustahan tayo Papaplates nanaman yan.
"Ms.Gandia tutal Architect Student ka, Can you explain how to properly use a Plates." tumikhim ako at tumayo.
"Perfect Measurements, Decent cursive Title, Name, Date and your Grade Level." sagot ko.
"Papaano naman sa mga gamit?" tanong ni Sir.
"Ruler, Protactor lahat po nang pwede mong Ipangguhit, Ipangkulay at lahat nang pwede nating ipangsukat." tumango ito at Pumalakpak.
"Now, Kung siguridad ang tatanungin. Magiging hadlang ba kung wala kang pangsukat?." basic naman nang questions kasasabi ko lang kanina na perfect Measurements pag may humindi pa ewan ko nalang.
"YES SIR!"
"Dahil diyan, Gumawa kayo nang plate isa lang na dapat ay Magagamit niyo lahat nang gamit niyo." tumango nalang ako at saka Inilabas ang Lalagyanan nang gamit ko sa pag'gawa nang plate.
"Can You tell me a Story." napatingin ako kay Cloud.
"Ano pong kwento?" tanong ko.
"About the Pencil and the Eraser." nangunot ang noo ko.
"Wala naman po atang kwento ang dalawang yan." sambit ko.
"Gawan mo, Nang High School ka Gumagawa ka nang Short story." nanlaki mata ko.
"Papaano niyo po nalaman?!"
"Lower your voice, Narinig ko lang na pinag-uusapan nang mga babae kanina diyan." natawa ako.
"Hindi ko po alam kung anong trip mo pero sige." sambit ko.
"Si pencil galit na galit siya kay Eraser dahil daw parati nalang nitong binubura ang mga paghihirap ni Pencil lahat nang ginuguhit niya binubura lang ni Eraser. Isang araw mas nagalit lalo si Pencil dahil lahat nang Iginuhit Binura nanaman ni eraser at ikinalungkot yon ni eraser dahil sinabihan siya ni pencil nang ‘wala kang kwenta, bakit ka pa ba ginawa sa mundo na ito kung ang ginawa mo lang ay burahin ang lahat nang pinaghihirapan nang tao!’ simula non hindi na nagparamdam si eraser sakanya at natuwa si pencil." tumikhim ako at nakalahati ko na rin kasi ang Plates ko.
"Kwento ka pa."
"Isang araw si Pencil ay Gumuhit ngunit wala nang nagbura sa Trabaho niya kaya natuwa siya pero hindi niya inaasahan na mali ang nagawa niya at dahil don pinunit ang papel at basta nalang itinapon sa kung saan. Nabanggit naman nang gumagamit sakanya na Ang pangit nang lapit na ito, dapat pala iba nalang ang binili ko. Nalungkot si Pencil maya maya ay nagulat siya nang bumalik si Eraser at nagsalita. ‘Kaya ko lang naman binubura ang mga Ginuguhit mo dahil mali, hindi ko naman sila buburahin kung tama kasi alam kong masasabihan ka nang kung ano ano ayoko kasing nasasaktan ka kaya Binubura ko para maitama mo.' simula non narealize ni Pencil na kailangan niya si eraser nagsorry siya at pinagdikit na nila The end." Saktong pagkatapos ko ay nagawa ko na rin ang Plate.
"Galing naman, So yun na ba ang alamat nang lapit at pambura kaya sila magkadikit?" natatawang tanong ni Cloud.
"Oo kaya." sambit ko, pero Inembento ko lang yon noh kusa na kasing nagfafunction sa isip ko kumbaga umaandar siyang kusa.
"Nice, nagawa ko na." sambit niya tapos Inilapag sa harap ko ang Plates niya.
"Seryoso ka diyan?." tumango siya.
"Ang sabi naman Kasi magamit lahat nang gamit ko kaya ayan." napatango ako at dahil ang ginuhit niya ay mga Lapis at pambura tapos kung ano ano pang may koneksyon sa Kinwento ko.
Kinuha niya ang saakin at ipinasa na rin. Matapos non ay inantay namin ang Out tapos dahil doon buong araw ay Pinagkwento niya ako nang kung ano ano at natutuwa ako dahil doon.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top