Chapter 19

Iris Nevaeh's POV




Nahiya akong lumabas kada nasa paligid si leandro kaya minabuti kong tumahimik at magkulong sa kwarto dahil baka ulitin nanaman niya ang paghalik saakin na hindi ko inaasahan ngunit wala akong takas nang dumating na ang hapunan.

"Anak kakain na!" ngumuso ako at lumabas nalang.

Ngunit saktong pagkalabas ay sumalubong saakin si Leandro kaya napahawak ako sa Dibdib at muling napaatras. "Takot na takot? Akala mo naman sinasaktan.." di makapaniwalang sambit ni Leandro kaya Inirapan ko siya at naglakad na.

Nilampasan ko siya alam kong nakasunod siya saakin nang makababa ay naupo na ako sa tapat ni Leandro kaya umirap nanaman ako. Nagluto nang Caldereta si ina kaya naman napangiti ako dahil naalala ko sakanya ang mommy ko sa bagong panahon.

Sana ay patuloy pa rin nila akong asahan kahit na matagal akong wala sa makabagong panahon, sana ay magbago na rin si Daddy sana ay mas unahin niya na ako.. "Isabelle ano at tumatangis ka?" agad kong pinunsan ang pisngi ko at agad na napatingin kay Leandro nag aalala ang mukha nito.

"Ayos lamang ako, paumanhin sadyang masarap lamang ang ulam na nandito sa aking harapan."  Natawa ang ina ni Leandro kaya nginitian ko sila ngunit maliban kay leandro na hindi man lang ngumiti bagkus ganun ren ang hitsura niya.

Kumain na kami at lumipas ang oras na natapos na kami hindi pa rin tapos sa pagpaplano ang mga magulang namin para sa kasal namin ni leandro. "Tila may bumabagabag sayo, binibining isabelle." Napalunok ako sa pagsulpot ni ginoong leandro sa aking tabi.

"Tulad mo ay may bumabagabag ren saakin kanina, dahil pakiramdam ko ay hindi talaga ako nandito sa panahong ito tila hindi ko maipaliwanag." Kwento ni leandro hindi kaya ay kilala ko rin siya sa kung saang panahon talaga ako nararapat?

"Wala kang dapat ipag-alala ginoo. Ayos ako at masarap lang talaga." Sambit ko pa para masiguro siya sa mundong ito tanging sa tala arawan lamang ako pepwedeng maging totoo sa nararamdaman at nais kong sabihin bilang nevaeh.

"Heaven, hindi ko alam pero nakita kita sa panaginip ko at sa salamin ay heaven ang nakalagay sa damit mo. Sa tagalog ay langit, isa ka bang anghel galing doon?" Natawa ako sa itinuran ni leandro pero bigla ay kinabahan ako Heaven?

Habang nakaharap sa salamin? In short it was Nevaeh? Ang nevaeh sa damit ay pag humarap ka sa salamin magiging Heaven! What the hell is happening? Malalaman ba niyang ako si nevaeh? Anong klaseng pahiwatig ito. Tila habang nakatitig sa kawalan ay naramdaman ko ang kirot sa puso.

Pagkapikit ko ay bumigat ang kamay ko at nakita ko nalang ang mga kamay na may hawak nang tala arawan kung kaya't kinabahan ako at binuklat ito. "Maiwan na muna kita ginoo, mag iingat kayo sa inyong paglalakbay." Mabilis kong paalam at patakbong pumunta sa kwarto ko at sa pahinang ito ay sumasakto sa araw bukas..

"May nais ba akong dapat gawin? Pigilan? O ano pa man? Tulungan niyo ako..." mahinang bulong ko bago sinimulan ang umpisa nang tala arawan.






Nobyembre 27

  Dahil kay krisseta ay naparusahan ang pinakamamahal kong lalake, dahil sa ginawa niyang kababuyan ay galit na galit ang aking ina at ama sakanilang dalawa batid kong hindi ito ginusto ni leandro dahil wala talaga siyang alam sa nangyari..

Labis na nagdaramdam
Isabelle  Montemayor.





Napapikit ako at kasabay non ang pagbabalik sa aking isipan..

"Isa kang taksil! Iyan ba ang itinuro namin sa iyo! Nakakahiya ka! Pinahihiya mo kami sa mga florentino! Niloko mo ang kaisa isang anak nila! Kaya simula ngayon! Mahihirapan ka sa kahit anong gagawin mo!" Sigaw nang ama ni Leandro nagtama ang mga mata namin kasabay nang pagtulo nang luha ko ang pagtama nang latigo sa kanyang likod.

"Ama maniwala ka wala akong ginagawang mali, lahat nang ito ay planado ni Krisseta! Matagal na kaming tapos ama! Isinusumpa ko sa kataas taasan nagsasabi ako nang totoo!" Dama ang sakit sa tinig nang binata ngunit hindi na siya muli pang pinakinggan at hinampas muli ang likod niya nang latigo.

"Tama na ito Felipe! Ikakamatay yan nang anak mo!" Nais kong umawat ngunit wala akomg magawa..

Galit na galit akong nagmulat, napakahina nang isabelle dati wala man lang ginawa! Nakakainis! Papaano ko pipigilan ang pangyayaring ito sa pangyayari sa  isip ko ay tirik ang araw kung ganun maaga palang pupuslit na ako tumayomako at mabilis na bumaba nang kwarto ngunit narinig ko na papaalis na sila kaya binilisan ko ang takbo.

"LEANDRO!!!!"

"Anak ano at mukhang may naiwan siya?" Takang tanong ni ama at ina kaya naman nang hindi tumigil ay binilisan ko ang takbo nang dahan dahan na ang takbo nito ay napahawak ako sa tuhod.

"Anong problema binibining isabelle?" Pag angat nang tingin ko sakanya ay parang nangyari na ito?

"Bukas na bukas ay wag na wag kang aalis nang bahay niyo, wag ka rin tatanngap nang bisita. Hindi makabubuti makinig ka saakin ayokong mapahamak ka." Nangunot ang noo niya kaya naman napalunok ako nang malaman na naka paa paa lang.

"Hindi mo dapat tinakbo ang daan nang walang suot pampaa binibini." Halos mapapitlag ako nang buhatin niya na para bang bagong kasal lamang kami.

"Ina, ama ihahatid ko lamang si binibining isabelle. Mauna na kayo." Nag paalam na siya kaya naman naglakad kami papabalik nang makarating ay napanguso ako dahil sa nanenermon na tingin ni ina at ama.

"Ano at tinakbo mo yon anak, nang walang suot pang paa." Napanguso ako dumating ang bimpo at planggana naupo sa sahig si ginoong leandro at napatitig ako sakanya nang punasan niya ang talampakan ko.

"Nag katalo ho kami bago umalis, at dahil sa konsensya ama, ina ay hinabol niya ako para humingi nang tawad.. ngunit hindi naman ako galit sakanya o sa tinuran niya." Napangiti si ama at ina.

"Pag ibig nga naman." Bulong ni ama kaya naman napanguso ako.

"Ipahahatid nalamang kita sa kutsero namin leandro pag pasensyahan mo na ang anak namin, nagiging batas dahil sa pag-mamahal sayo." Sambit ni ina bumuntong hininga ako.

"Gagawin ko ang tinuran mo bukas, binibini.." sambit ni leandro at hinalika ang kamay ko.

"Mauuna na rin ako binibini.. sa susunod nating pagkikita." Ngumiti ako sakanya at sakanbahayyang yumuko.

"Pag iingatan mo ang iyong sarili." Ngumiti siya at umalis na rin nag paalam kila ama at ina. Inalalayan ako ni lorita sa pag akyat sa kwarto namin kaya naman bago pa siya lumabas ay tinawag ko na siya.

"Pupuslit tayo bukas sa hacienda at mansyon nang mga florentino, pagsikat na pagsikat nang araw." Yumuko ito at ngumiti kaya naman nahiga na ako sa kama at saka pumikit napakagwapo at ganda nang mga mata niya.




***



Si lorita mismo ang gumising saakin kaya naman ay maaga akong nakapaghanda upang pumuslit nang makarating doon ay sa sikretong lagusan kami dumaan ni lorita at nahirapan kami dahil hindi na ito kabisado ni lorita ako daw kase ang nakakabisado nito. Ngunit hindi naman ako ang nasa dating isabelle.

Nahirapan kaming makalabas sa lagusang ito at ramdam kong ilang oras na kaming nawawala napabuntong hininga ako. "Nakalimutan ko na ata talaga." Naiirita kong sabi napatingin ako sa kasama.

"Dito ata ang daan binibining isabelle." Sinundan ko si lorita at tama nga siya nagpasalamat ako sakanya at sinabing dito nalang siya mag hintay kaya naman habang iniikot ang paningin sa buong mansyon upang mahanap ang pintuan ay may nakita na akong kalesa sa harap nang gate.

Nangunot ang noo ko kung kaya't naglakad ako hanggang sa pagkapasok na pagkapasok ko sa loob nang mansyon ay napatulala ako nang makita ang sikat nang araw kagayang kagaya nang nasa panaginip ko kaya naman nagmadali ako at eto na nakita kong nakaluhod si leandro.

"Anong ginagawa ni Binibining Montemayor rito!" Napalingon ako kay gobernador santos, kung ganun kagagawan ito nang pamilya nila? Kasama si robin at krisseta napalingon ako sa likod sila ama at ina.

"Nandito ka lamang pala anak.. anong nangyayari dito?" Gulat na tanong ni ama, nagtama ang paningin namin ni leandro umiiling siya at sinesenyasan na umalis na ako habang nakita ko naman ang isang Guardia civil na may hawak na latigo itong ito!

"Anong naganap?" Hindi makapaniwala ko kunong tanong.

"Paumanhin ngunit nakita ko ang sariling anak na may kahalikang iba! Hindi ko mapapatawad ang pagtataksil niya! Binibining isabelle! Paumanhin sa kataksilan nang aking anak!" Sambit nang ama ni leandro.

"Ama! Mali ang iniisip mo!" Pagmamakaawa ni leandro pumikit ako at agad na hinanap si krisseta.

"Nasaan na ang anak niyo gobernador Santos?!" Galit kong tanong kaya naman napalingon sila saakin.

"Kasalanan ito nang anak ko! Paumanhin!" Yumuko ang ama ni leandro sa harap ko.

"Kung paparusahan ako paalisin niyo ang babaeng mahal ko, ayokong makita niya ito." Sambit ni leandro.

"Gawin mo na!" Agad kong naisip ang ginawa ni isabelle kung kaya't galit na galit akong napakuyom ang kamao.

Gagawin ko ito bilang Nevaeh hindi bilang isabelle! "Itigil niyo iyan! Wag niyo siyang sasaktan! Kaya kong patunayan na isa itong planadong paraan para magkasira ang florentino at montemayor! Ilabas niyo si krisseta!" Sigaw ko at saka lumapiy kay leandro.

"Ano at hahayaan mong lokohin ka nang lalakeng iyan!?" Sigaw ni Gobernador Santos.

"Kung niloloko niyang talaga ako, ako mismo ang makakaalam at ako mismo magbibigay parusa sakanya! Hindi lang isang beses ginawa ni krisseta ang kalokohang ito upang maghiwalay kami ni leandro." Pagtatanggol ko tapos itinayo si leandro.

"Nasaan ang magaling niyong anak Gobernador Santos?" Galit na galit kong sabi kaya naman napalunok ang mga nakatingin saakin.

"Ang usapan ay lalayuan na ni krisseta ang mapapangasawa ko ano at pati buong pamilya niyo ay nandirito? Makakaalis na kayo. Kung ayaw niyo ho nang gulo sa pagitan nang Montemayor At santos." Mariing banta ko.

"Iyon ay kung magbibig permisyon sayo ang ama—"

"Ako mismo ang magtatalata na may gulo sa pagitan natin zgobernador santos, ayaw mo naman siguro makalaban ang zmontemayor?" Sambit ni ama kaya napangiti ako at nagbigay galang sakanya. Galit na galit na umalis ang pamilyang santos kaya nilapitan ko agad si Leandro.


===

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top