Chapter 17
Iris Nevaeh's POV.
Lumipas nanaman ang ilang araw bago kami ulit nagtagpo ni leandro prente siyang nakaupo sa sofa ewan ko sofa tawag neto sa makabagong panahon eh. "Ano at dinalaw mo nanaman ako ginoong leandro, balak mo ata akong buyuhin ulit." ngumisi si Leandro.
"Aayain sana kitang mangabayo, paligsahan dahil doon ka magaling." nanlaki ang mata ko, pota hindi ako marunong! Pinahihirapan ako nang isabelle na yan kengene.
"Binibining isabelle, natatakot ka na ba?" inirapan ko siya.
"Hindi na ako marunong." sambit ko.
"Ha? Imposible buong hacienda niyo ay merong karerahan nang kabayo dahil hilig mo iyon papaanong hindi?" sinenyasan ko siyang tumahimik nang dumating si Ama.
Lumunok siya. "Akala ko ba ay lalabas kayo?" tumayo si leandro at ngumiti.
"Ganun na nga ho ama, aalis na rin po kami." sambit ni leandro nanlaki mata ko.
"Magbibihis pa ako." sambit ko.
Nagmamadali akong umakyat sa itaas at tinulungan ako magbihis nang pang kabayong i mean pang karera inabot saakin ang boots ba yon at inayos nila.
Nang matapos ay inabutan ako nang towel ni lola na may kasamang extrang damit at may basket pa. "Ingat kayo apo." sambit niya Ngumiti ako at saka yumakap sakanya.
Nag paalam ako kila ina at ama bago umalis at nang makalabas ay napalunok ako. "Nakakapagtaka talagang nakalimutan mong mangabayo.." sambit ni Leandro saakin.
"Ingatan mo ang aking Unica Hija!" sambit ni ama.
"Medyo hindi na talaga siya marunong mangabayo dahil nalaglag siya nang bata pa siya at hindi na siya muling sumakay diyan.." kwento ni ama, shet i'm saved by the bell.
"Nauunawaan ko ho, ama. Sige ho at kami ay gagayak na rin." paalam ni Leandro at saka Ngumiting sumaludo saaking ama tahimik na umandar ang kabayo na tanging mga tunog lang nang paa nito ang nag iingay.
Nang marating ang Picnic spot ay nauna siyang bumaba at inalalayan ako, napakaganda rito tila isang paraiso ang lugar dito hindi tulad sa makabagong mundo makabagong panahon.
Napapabayaan ang buong lugar dahil sa bagong teknolohiya, tinamad ang mga tao hindi tulad ngayon walang Gadgets na Masyadong advance.
"Binibining Isabelle, sa tingin mo ba kung ang mamamatay sa taon ngayon ay mabubuhay muli sa Susunod na Daang taon?" napaisip ako bigla sa Sinabi niya kinabahan.
I was from 2000's at ngayon nandito ako sa Higit ilang daang taon ang lumipas bumabalik bilang isabelle, bagay na hindi ko ikinatutuwa.
"Bakit hindi Ginoo? Hindi naman natin masasabi kung ang pagkatao natin ay makakapunta pa sa mas bagong taon o panahon." aniya ko sakanya Ngumiti siya.
"Kung makakarating man ako sa puntong iyon sana ikaw pa rin ang makatuluyan ko." napatitig ako kay Leandro at agarang nag iwas tingin.
Unfair sakanya dahil hindi ako yung dating isabelle na may gusto sakanya, na gustong gusto siya. "Ngayon Binibining isabelle, nais mo bang sumama saakin?" tanong niya saakin kaya napalingon ako.
"Saan tayo patutungo?" gitla at nakakunot ang noo kong tanong sakanya.
"Sa batis? Nais mo bang doon tayo Pumwesto at kumain?" nangunot ang noo ko.
"Saan yon?" tanong ko pa, Natawa siya.
"Hindi mo alam Binibining Isabelle? Nanibibago talaga ako sayo tila hindo mo na alam ang bawat lugar rito." napalunok ako shet!
"Ah Oo tara na." aniya ko at saka Niligpit ang basket at tahimik na binuhat iyon ngumiti si Leandro.
Pag lipas nang ilang oras...
Bumalik na kami sa bahay ngunit nakita namin ni Leandro ang isang Karwahe kung kaya't nagtaka kami at sabay na pumasok sa Loob ngunit nagulat kami sa nakita.
"Krisseta.." sambit ni Leandro at tinignan ako tapos tumingin kila Ina at ama.
"Ano ang iyong pakay rito?" tanong ni Leandro Pormal at maayos na Lumapit dala dala ang Basket na may lamang tira tira.
"Ikaw Ginoong Leandro, ano at tila iniiwasan mo ako?" tanong ni Krisseta at sinamaan ako nang tingin.
"Papaano nalang ang relasyon nating dalawa?" bumuntong hininga ako at kasabay non ang pagtama nang tingin namin ni Ina ngumiti siya.
"Wala namang namamagitan saatin Binibining Krisseta ano at ipinipilit mo yan?.." halata ang Irita sa Tinig ni Ginoong leandro ngunit kalmado pa rin.
"Ngunit inaagaw kalamang saakin nang babaeng yan." napatingin kaming lahat kay Ama nang malakas niyang Ibaba ang kanyang Baso o tasa sa ibabaw nang mesa dahilan oara gumawa nang ingay.
"Kung iyong mamarapatin binibibing krisseta, Makakaalis ka na sa bahay namin." yumuko si Krisseta at Sinamaan ako muli nang tingin bago umalis.
"Binibining Isabelle, Ipagpatawad mo.." nakayukong sabi saakin ni Leandro at saka humarap kila Ina at ama.
"Nais ko sanang linawin sakanya ang lahat, Ina, ama kaya mauuna na ho ako. Muli ay humihingi ako nang paumanhin." Hinalikan ni Leandro sa kamay si Ina at Bahagya siyang Yumakap sa aking ama.
Nang magtama ang paningin namin ay tumingin siya kay ama at sa pagtango ni ama hindi ako nakagalaw nang Yakapin ako ni Leandro nanlaki ang mata ko na napatitig sa mga magulang ko.
"Mauuna na muna ako Binibini.." nang humiwalay siya at Tinignan niya ako sandali at naglakad nang muli papaalis at nilampasan ako.
Sa Unti unting pagkagulat ay nakita ko nanaman ang nakakaasar na Mukha nila ina at ama batid kong iisa ang tumatakbo sa isipan nila.
"Ama.. Ina ano at ganyan nanaman kayo makatingin?" ngumiti sila at Lumapit saakin sabay nila akong niyakap.
"Batid namin ang nararamdaman mo Anak, Kaya't wag mo na itong itanggi." asar ni Ama saakin.
"Ngunit Ama Hindi ko siya—"
"Tama na ang pag tanggi, Sangayon kami sa pagmamahalan niyo." ngumuso ako.
"Inaaa, amaaaa huwag niyo sana muna akong ipamigay hindi ko nais na iwan kayo." sagot ko, Bigla ay naalala ko ang pamilya sa makabagong mundo.
Nasasaktan ako na mas higit akong natutuwa sa pamilya ko ngayon, ngunit alam ko sa sarili ko na mahal ko rin tulad nila ama at ina ang magulang ko doon..
Kahit na ganun si Lola, si daddy alam kong mahal rin nila ako kahit na papaano.. "Ano at bumakas ang pagkalungkot sa iyong mukha Anak?" napatitig ako sa tanong ni ama at niyakap siya nang mahigpit.
"Dahil napanaginipan ko na nasa makabagong mundo ako at hindi kayo ang magulang ko Ama, ina mabuti ang aking ina doon at ang ama ko naman ay walang pakialam saakin." ngunit ang totoo Ama at ina ito ang aking panaginip.
"Huwag kang matakot sapagkat akong ama mo ay Susuportahan ka nang labis at hindi ka pababayaan." ngumiti ako sa sinabi ni Ama.
"At akong ina mo naman ay mamahalin ka nang lubusan at ipagtatanggol kahit sa sarili mo pang ama." ngumiwi si ama sa Tinuran ni ina.
"Ano at ako ang inaasar mo ngayon asawa ko?" ngumuso ako.
"Napakahaharot niyo pa rin Ina at ama, hindi na ako magtataka kung magkaroon pa ako nang bunsong kapatid." nanlaki ang mata ni ina at Pinalo ako sa pwetan.
"Aba'y ikaw na bata masyado nang maraming nalalaman.." sermon ni Ina.
"Dahil malaki na siya asawa ko, Siya ang magbibigay saatin nang apo." namula ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata.
"Amaaaaaaaa, Wag niyo na ho akong asarin. Magpapahinga na ho muna ako." nakangiting paalam ko sakanila tumango sila kaya naman umakyat na ako.
Nagdaan ang Hapunan at basta nalang may kumatok sa Silid ko kaya naman inantay kong pumasok ito si Lorita lang pala ngunit may dalang Liham.
"Kanino galing?" tanong ko kay Lorita.
"Kanino pa ba Binibining Isabelle, Sa mapapangasawa niyo.." nang aasar na sabi ni Lorita kaya tinawanan ko siya at saka ako naupo sa kama upang buksan ang Kapirasong papel.
Pagkabukas ay Nabighani ako sa Sulat niya, Napakalinis at ayos nito kahit oa nagmemedisina siya. "Iwan mo na muna ako Lorita." sambit ko sakanya.
"Masusunod Binibini." Lumabas na siya kaya naman Sinimulan ko ito.
“Binibining Isabelle, Nais ko muna sanang mamaalam nang panandalian kinakailangan kasi kami nang aking ama sa Maynila babyahe kami gamit ang Bapor kung nais mo akong makita ay magkita tayo sa Dulo nang lawa. Bago pa man magliwanag mag aantay ako sayo sana ay mapang abutan tayo
Nagmamahal
Leandro.
Napalunok ako ano kaya ang nangyari? At kailangan nilang tumungo sa manila sa anong kadahilanan? Sana ay ayos lang ang lahat.
***
Maaga akong gumising at nagpasama kay Lorita na tumungo sa Dulo nang lawa pinayagan naman ako nila ama at ina kung kaya't hindi mahirap mula sa malayo ay natatanaw ko ang Kalesa nila Leandro kasama ang kanilang Kutsero.
Nang magtama ang paningin namin ang nginitian niya ako ay nang makalapit ay nagmano ako sa kanyang ama. "Mabuti naman at nakadalaw ka sa anak ko bago namin lisanin ang lugar na ito." ngumiti ako.
"Kakausapin ko muna ang binibini, ama." naglakad kami ni Leandro papalayo sa mga kasama.
"Kailan naman ang balik mo Ginoong Leandro?" tanong ko pa sakanya.
"Hindi ko mawari, kung Tatlong araw ba kami o isang linggo." ngumiti ako.
"Mag iingat ka roon." nakangiting sagot ko.
"Hayaan mo at mag Uuwi ako nang tsokolate para sayo, Mag iingat ka rito." sambit niya at kinuha ang kamay ko at Hinalikan ang likuran nang palad ko.
"Salamat, Kunin mo ito." inilabas ko mula sa Bulsa ang Sulat at ang Porselas na ginawa namin ni Ina at sakanya ko naisipang Ibigay ito.
"Para saakin ba Ito binibining Isabelle?" ngumiti ako at Tumango Ibinuka ko ang Porselas at Isinuot sakanya.
"Napakaganda, Salamat. Aalis na rin ang Bapor kung kaya't magmamadali na kami.." paalam niya saakin tapos bahagyang Yumuko at saka Kasabay ko na siyang bumalik sa Malapit sa Bapor.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top