Chapter 15

Iris Nevaeh's POV.


Dahil nga inaasar nila kami hanggang sa hapag kainan ay tuloy tuloy pa rin sila tsk ako kanina pa namumula kaninapa nasasamid sa mga pinagsasabi nila. "Oo nga pala, Binibining isabelle nais mo bang sumama sa Piyesta mamaya? Sa kabilang bayan lang naman." napangiti ako.

"Ama maari ba? Nais ko rin makapunta sa Piyesta." aniya ko pa.

"Ngunit unang beses mo palang sasakay sa Bangka nakakasigurado ka bang hindi ka takot?" takot ba si Isabelle sa bangka? Edi ba hindi naman? Hindi nga ako takot para saakin exciting yon.

"Hindi ho ama, malaki na ho ako para matakot sa bagay bagay." napangiti si ama.

"Oh baka dahil kasama mo na Muli si Ginoong Leandro, diba mahal ko?" natawa ang lahat nang inaaya pa ni ama na Gumatong si ina sa pang-aasar saakin.

"Ama hindi naman po yon ang rason, mabuti na rin hong subukan ko ang bagay bagay upang malaman." Napangiti silang lahat sa sinabi ko.

"Napakatapang naman nang inyong anak, Natutuwa akong kayo ni Leandro amg nakatakda Binibining isabelle." pagbibigay galang rin ng ama ni Leandro.

"Ngunit Leandro bibilinan lamang kita, hindi marunong lumangoy si Isabelle." nanlaki mata ko Isang Bagay na pagkakapareha namin ni Isabelle.

"Ako na po ang bahala sakanya." Sambit ni Leandro.

"Hinding hindi ko ho siya hahayaang mahulog sa Lawa, saakin nalang ho sana." nagkantyaw silang lahat kung kaya't namula ako at tinignan nang masama si Leandro pero natutunaw ako nang ngiti niya.

Lumipas ang oras at naging masaya para saakin ang araw na ito dahil hindi ko na muli pang nabasa ang tala arawan ni Isabelle upang hindi ko alam ang mangyayari ayoko natatakot akong abangan ito.

"Simula ngayon tawagin niyo na kaming ama at ina, at ganun rin sayo Leandro." aniya ng ina ni Leandro kaya namula ako at bahagyang yumuko.

"Huwag kang lalayo kay Leandro, anak." bilin ni Ama.

"Opo ama, Hinding hindi ho ako lalayo sakanya." Kumaway kami bago sumakay sa Kalesa o karwahe na matatawag.

Nang makarating sa lawa ay nahihiya ako kasabay nang kaba dahil ito nga naman talaga ang unang beses ko at hindi pa uso ang life vest sa panahon ngayon kung kaya't nang makasakay ay Apat lamang kami dito sa Bangka dahil Nirentahan ni Leandro nang Solo.

Dalawang taga sagwan kaya naman kami ay nasa gitna hindi ganun kalaki ang bangka kaya medyo magkadikit kami ni Leandro at kinakabahan ako dahil hindi talaga ako marunong lumangoy pero gusto kong makasakay nang bangka.

"Natatakot ka pa rin ba sa Tubig?" tanong ni Leandro.

"Hindi naman ganun ang takot ko sa Tubig, hindi lang talaga ako marunong lumangoy." ngumiti si Leandro.

"Bata palang tayo takot ka na talaga pag malapit na sa Lawa o sa dagat. Kung hindi ka kakapit nang maigi para kang naestatwa na hindi na umalis sa kinatatayuan niya." seryoso? Ganun katakot ah.

"Ngayon ay nabawasan na kung lalapit man ako sa lawa o sa dagat ay kahit hanggang tuhod lang kaya ko pa basta hindi lumalampas sa  Ulo ko." kwento ko sakanya.

"Mabuti naman, dati rati kasi ay hindi ka nakakalapit sa tubig nang hindi ako kasama." nanlaki mata ko, ang aga lumandi ni isabelle ah makire den.

"Matagal tagal rin ba?" tanong ko pa.

"Hindi naman Gaano, malapit na rin to." aniya niya saakin.

Nang matanaw ang bayan na Puno nang maraming tao ay biglang sumaya ang puso ko dahil ganto ang lugar na gusto kong mapuntahan sa bagong mundo nang malapit na ay Inalalayan ako ni Leandro sa pagbaba.

"Hindi ko inaasahan na makikita kayong dalawa rito, Ginoo." napatingin ako, dahil nakasalamungha na kita sarap mong pigain sa leeg tapos takpan yang ilong at bibig mo para rekta kabaong ka na.

"Dapat ba ay Inaasahan mo?" maayos na tanong ko may pag ka Binibini kung magsalita tulad ni isabelle dati ngunit dati ay hindi lumalaban.

"H-hindi naman, pero bakit kayo magkasama?" tanong niya.

"Bakit naman hindi? May masama ba kung magsasama kami sa Piyesta?" tanong ko konti pa maiinis na ako.

"Ipagpaumanhin mo Binibining Krisetta ngunit mas mabuti nang iwasan niyo ang isa't isa dahil baka magkagulo nanaman." aniya ni Leandro at Bahagyang yumuko.

"Binigo mo ako Leandro." sambit ni Krisetta kaya ngumisi ako.

"Sa papaanong paraan Binibini?" tanong ko pa.

"Wala." inis na asik niya at Umalis na Bumuntong hininga ako pakiramdam ko ay apekto ako dahil apektado at mukhang nag-aalala si Leandro kay Krisetta.

"Saan tayo? Ginoo." sambit ko.

"Sa Bilihan." sambit niya tapos Naglakad kasabay ko dahil hindi ko alam kung saan sumunod ako bahagya sakanya.

"M-may paghanga ako kay Binibining Krisseta, ngunit dati na iyon binibini huwag ka sanang—"

"Hindi naman, sa totoo lang walang problema saakin kung ano ang pagtingin mo sakanya noon. Alam mo rin naman na hindi kami magkasundo." sambit ko at saka tumingin sa ibang bagay hinawakan ko ang isang Ipit na napakaganda.

At hinawakan ko ang isang magandang lira na may Gintong Kulay. "Ginoong Leandro, at binibining Isabelle ikinagagalak kong makita kayo rito!" masayang sabi nang isang Matanda na halos kalahati lang namin ang taon niya.

"Mang Reno kayo ho pala. Kamusta ho ang pangingisda sa pang pang ngayon?" napangiti ako nang makita kung gaano kaclose si Leandro sa mga tao rito matanda man o bata.

"Eh ayon maganda ganda naman at malalaki ang kita kaya nga araw araw ay maraming nakakain ang mga anak ko." sagot ni mang reno.

"Binibining Isabelle, hindi ko inaasahan na pupunta ka sa Piyesta. Ikinagagalak kong makita ka rito, nais niyo bang sumama saakin?." aya ni Mang reno kaya Ngumiti ako.

"Pepwede rin ho mang reno." sagot ko.

"Nako napakabuti mo talaga, tara na at sumama kayo Masarap ang Gawang relyeno nang asawa ko." ngumiti ako sa panahon na to? Kahit matanda ka na sadyang malambing ka pa rin sa asawa mo habang sa Makabago? Matanda ka na landi ka pa rin nang landi sa ibang may asawa na Gosh.

Nang makarating ay napangiti ako nang makita ang mga batang sumalubong kay mang reno. "Nako may Bisita ka pala, Halikayo at maupo. Naghanda ako nang pagsasaluhan." aniya mang asawa niya naupo naman kaming magkatabi ni Leandro.

"Siya si Binibining Isabelle." sambit ni Mang reno.

"Oo namumukhaan ko siya, Napakagandang dalaga. At habang ang paborito ko ay nandito Kamusta ka na Ginoong leandro? Mabuti naman at nakabalik na kayo." sambit nitong asawa ni mang reno.

"Ayos naman ho ako aling Iska, sa Totoo lang masaya akong bumalik rito na mapapangasawa na ang babaeng Gusto ko." namula ako at Napalunok, nakatingin sila sakaing lahat kaya Alanganin akong ngumiti.

Masyadong rekta magsalita to. "Aisus, mabuti naman dati lang ay ikinekwento mo saakin ang dalagitang si Isabelle at ngayon isa na siyang napakagandang Binibini." ngumiti ako.

"Napakaswerte ko po sakanya." aniya ni Leandro.

"Osya tara na at magsimulang kumain, kayo ba ay bihasang magkamay?" tumango si Leandro ngunit natahimik ako at namula.

"Binibining isabelle, kaya mo bang magkamay?" tanong ni Aling iska.

"Hindi ho e." sagot ko.

"Ako na ho ang bahala sakanya." nakangiting sabi ni Leandro, napalunok ako nang mapanood sila parang ang sarap kumain pag nakakamay.

"Ah." ibinuka ko ang bibig at tinanggap ang alok ni Leandro, Nginuya ko ang pagkain sadyang masarap talaga ito nang siya rin ang kumain ay Inaasar nila kami.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa, parehas kayong mababait." napangiti ako.

Lumipas ang ilang oras at bumalik na kami sa Piyesta kasama pero ang ilan sa mga anak nila mang reno, may mga sumasayaw dito ngunit bumalik kami sa Bilihan.

"Natitiyak kong bagay sayo ito kaya bibilhin ko na." nanlaki ang mata ko.

"Hindi na, Okay lang.. Nakakahiya naman kung ikaw pa bibil—"

"Wala namang masama sa gagawin ko para sayo binibining isabelle." namula ang mukha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ang gwapo naman kasi nang nilalang na ito no doubt kung bakit nagkagusto sakanya si Isabelle.

"Ah-eh kasi ano h-hindi pa naman tayo kasal.." nahihiyang sagot ko.

"Ayos lang yun, Binibini. Bibilhin ko ito dahil sa kagustuhan ko dahil nababagay ito sayo." aniya ni Leandro at saka Binayaran ang kanyang napili.

"Maraming salamat Ginoo." sagot ko.

Ngumiti si Leandro at inilabas sa lagayan ang binili niyang Ipit na may Gintong kulay para itong Clip tama. Inayos pa niya ang buhok ko at saka Inilagay yon bakit alam nila ayusin ang clip hahaha bading ata to e.

"Yan, Ang ganda." nakangiti niyang sabi napaiwas tingin ako nang magtama ang mga paningin namin tapos napalunok.

"May sayawan na pagdagsa nang ala sais nang gabi." sambit ni Leandro at napatingin sa kalangitan tapos tinignan ang hawak niyang relos na galing sa bulsa at saka Ito muling itinago.

"Bakit parang uulan, ala singko palang ay nagdidilim na ang kalangitan lalo na ang mga alapaap." nangunot ang noo ko at saka napalunok.

"Cloud?" bigla ay napatakip ako nang bibig dahil tinitigan ako ni Leandro, bakit wala namang masama na nabanggit ko ang cloud ah tch parang may naalala lang ako pero parang hindi ko maunawaan.

"May Problema ka ba binibini?" tanong ni leandro.

"W-wala." sagot ko at tumingin sa likod nang kamay ko nang maramdamang may Pumatak dito. "Mukhang uulan nga, umaambon na e." aniya ko sakanya.

"Ganun ba, sandali at bibili ako nang payong." nakangiting sabi ni Leandro at saka pinantayan ako sa paglalakad maya maya ay may nakita kaming payong at siya nanaman ang Gumastos bakit ba hindi ko naisip na may kakayahan pala talaga ang bigla ay napaisip ako ano na ulit apelyido nila?

Florentino? Oo tama Florentino nga. "Binibining isabelle, konti nalang talaga iisipin ko nang may gusto ka saakin." bigla ay nagising ako.

"B-bakit?"

"Ganda nang pagkakatitig mo saakin." nang-aasar pa niyang sabi kaya Inirapan ko siya.

"Ginoong Leandro Florentino may iniisip lang ako kaya ako natutulala sa Mukha niyo matakot po kayo pag sa ibang parte na ako napatitig." namula ang tenga niya.

"S-saan?"

"Luh, tatanungin talaga hahaha tara na nga Umaambon na oh." napangiti siya nang dumikit ako sakanya para makipayong. Iba naman gusto mo eh si krisetta sayang lang pero sa Umpisa lang ata talaga yon? Dahil ang alam ko nahulog si Leandro nang muli silang magkita edi ito yon? Pero kasi iba ang ugali ko sa ugali ni isabelle.

Kaya nasisigurado kong mahihirapan ako ngayon. "Bakit kaya umulan ngayong Piyesta? Sabi nila hindi daw magandang pangitain ito." nangunot noo ko naniniwala siya sa ganon.

"Base sa mga matatanda ang pag-ulan sa araw nang piyesta ay ang pagdating nang pagbabalat kayo nang isang tao." bigla ay napalunok ako.

"Pagbabalat kayo?" tanong ko.

"Pagpapanggap." napalunok ako at pinilit ngumiti.

Kung ganun totoo nga? Pero hindi naman pag papanggap ang ginawa ko ako naman daw talaga si isabelle tumahimik na ako at naglakad ngunit bago pa man ay malakas na ang ulan at sinamahan nang kulog.

"Kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari hindi tayo makakabalik sa bayan natin." sambit ni Leandro at muling tinignan ang orasan.

"Kung ganon saan tayo manunuluyan?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam binibini, ngunit wag kayong mag-alala hindi ko kayo pababayaan." palihim akong ngumiti kung gaano talaga kababait ang kalalakihan noon.

Kahit na bumuhos nang malakas ang ulan at mabasa ang iba ay nagpatuloy ang sayawan dahil sa pasayawan naman ay may Takip dahil para itong Maliit na Ball room pero open ang paligid.

"Tara at makisayaw nalang." aya ni Leandro at Nang makapunta sa Ball room ay ibinaba niya ang payong tapos hinawakan ang kamay ko at ipinunta doon sa Gitna hindi ba bawal maghawakan nang kamay?

"Hindi ba bawal ito?" tanong ko habang nakatingin sa kamay namin ngumiti siya.

"Mapapangasawa na kita Binibining Isabelle at nang mga bata tayo ay naglalaro tayo at nagkakahawak rin nang kamay." napamaang ako.

"kaya pala." natatawa kong sabi medyo inilapit niya ako sakanya at sumayaw kami nang para kasing love songs ito.

Kahit ano pang hiya ko I end up meeting his gaze, sobrang ganda nang mata niya at kahit pa sa panaginip kami nagtagpo? I really felt a strong connection between us at parang ang hirap isipin na nagustuhan ko siya nang ganito kabilis.

"Binibini, Nais ko sanang magtiwala ka saakin hindi dahil kaibigan mo ako nang matagal na panahon." binitin niya ang sasabihin.

"kundi dahil may tiwala ka talaga saakin, kahit pa anong gawin ko." ngumiti ako.

"Masusunod Ginoo." nakangiti na sabi ko.

"Ginoong Leandro, maari mo ba akong isayaw?" napalunok ako nang marinig ang boses ni krisetta nagkatinginan kami ni leandro at agad na iniiwas ang tingin ko sakanya.

"Uh maari bang sa susun—"

"Sumayaw na muna kayo, magpapahinga lamang ako." labas sa ilong kong sabi.

"Kung ganun umalis ka na." bastos na sabi ni Krisetta at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak kay leandro nagtimpi ako ngunit napalunok ako nang alisin ni Leandro ang pagkakahawak ni Krisetta sakanya at Kinuha ang kamay ko tapos Hinila papalapit sakanya dahilan para tumama ako sa dibdib niya.

Shet ang tigas! Naramdaman ko yon uso na pala ang abs sa panahong ito. "Pagod na rin ako Binibining Krisetta, sasamahan ko nalang muna si Binibining isabelle sa pagpapahinga." sa hindi maipaliwanag ay sumaya ang puso ko at namula ang mukha ko.

Inis na inis ang mukha ni krisetta at saka Umalis nang padabog nagkatinginan kami ni Leandro at parehas na Iniiwas ang tingin sa isa't isa medyo lumayo rin ako at saka naglakad na nauuna.

"Binibini." tawag niya kaya binagalan ko.

"Mas lumalakas ang pagbuhos nang ulan, wala tayong matutuluyan." aniya ko.

"Sandali, malayo kasi rito ang bahay tuluyan." sagot ni Leandro.

"Wala rin gaanong kalesa sa Lugar na ito lalo na't maulan." sambit pa niya.

Ang bahay tuluyan ay ang Hotel base sa pagkakaalam ko dahil inaral namin to nang High school ako. "Mang reno!" napatingin ako sa tinatawag niya at lumapit naman si mang reno saamin.

"Kayo pala Ginoong Leandro, binibining isabelle." bati niya.

"Hindi ho kasi kami makakabalik patungo sa kabilang bayan, maari niyo ho ba kaming mahanapan nang tutuluyan?." tanong ni Leandro.

"Nako! Hindi na kailangang maghanap tamang tama kayo nang pinagtanungan sa Gilid nang bahay namin may isa bang bakanteng kwarto pero maliit lang yon kung kaya't magtabi nalang kayo." napalunok ako.

"Magtatabi po? Hindi po ba bawal yon?" tanong ko.

"Naku hindi naman ganun kabawal dahil malapit na kayong ikasal, kaya walang problema yon." sambit ni mang reno ako ang namula.

"Sige yun na po." nanlamig ang kamay ko at saka napalunok nang todo makakatabi ko si Leandro nakuuuu hindi Behave ka self ha baka makagawa ka nang katarantaduhan may pagnanasa ka pa man din sa Ginoong yan na halatang mas Conservative sayo.

'I'm dead'


√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top