Chapter 13
Iris Nevaeh's POV.
'Ako si Nevaeh, ang pangalawang buhay ni Isabelle na nasa makalumang panahon. Napadpad upang Ayusin ang buhay ko dati upang maitama rin ang nasa makabagong buhay bilang Nevaeh, nagsusumao huwag ko sanang makalimutan kung sino at ano talaga ako.'
Pagkasulat na pagkasulat ko sa mga yan ay Iniipit ko siya sa isang Tala arawan na sisimulan ko pa lamang basahin. Nandito na kami sa lugar namin ngayon sa mansyon nang mga Montemayor hindi pa ako lumalabas nang bahay dahil tinatamad.
Ika-una:
Ito ang kauna unahang beses kong nagsulat sa aking tala arawan na bigay pa ni Leandro, si Leandro ang kababata kong kaibigan Nakakatuwa dahil parehas daw kaming may ganto 18 years old na ako ngunit hindi pa rin siya nakakabalik, Iniwan niya ako at sa tingin ko sa Espanya sila naninirahan nang magulang niya.
Ano nga ba dapat talaga ang aking isusulat sa papel na ito? Ang araw araw dapat na ganap ko sa buhay pero hayaan na natin parati naman akong nalulungkot simula nang mawala siya sa aking tabi nais ko man siyang padalahan nang sulat ngunit ayokong iba ang Isipin nila ama at ina lalo pa't aasarin lang nila ako na nahulog nang talaga ang loob ko kay Leandro kahit na hindi naman, Hindi naman talaga eh.
Naguguluhan,
Isabelle.
Napangiti ako dahil kahit pa hindi ko maalala ay alam kong magkaparehas talaga kami nang paraan nang pag-iisip, dahil may blangkong papel sa Likod nang unang pahina ay Kumuha ako nang pwedeng ipangsulat at narealize ko na sadyang pala sulat at pala basa talaga si Isabelle.
Nag-isip ako nang maaring isulat at doon parang biglang may nagtulak saakin na isulat ang mga nasa isip.
Sa hindi malaman na dahilan kanina ay parang kakilala ko si Leandro kahit na ito ang unang pagkakataon na nagkatagpo kami, parang Hindi lang siya si Leandro may kakaiba sakanya bagay na gusto kong malaman at isa pa duh Gwapo naman talaga siya pero maganda rin naman si Isabelle syempre ako nga siya edi Purihin ahehehehe iyan lamang sa ngayong araw ikakasal na ako sa Batang taon patay ako kay Lola Brianna na nasa makabagong panahon pag nalaman niyang kinasal na talaga ako pero kasi sabi ni Lola na nakakaalam about kay Isabelle at Leandro sa panahong ito ako talaga si Isabelle at hindi si nevaeh pero kailangan ko talagang hindi makalimutan na ako si Nevaeh yan na nga lang kaloka
Natatawa,
Nevaeh hihi.
"Anak.." agad ay napalingon ako sa Pintuan at tinago ang Tala-arawan sa Drawer.
"Ama, Napadalaw ho kayo." bati ko sakanya.
"Nasa ibaba ang mga Florentino, tara na at bumaba." nagulat ako.
"Ngunit ama hindi pa ho ako nakakapaghanda." sambit ko.
"Limang Minuto lamang anak, maghanda ka na." nginitian ko si ama at ganun rin siya maya maya Pumasok si lorita para tulungan ako.
"Napakaganda niyo na Binibining Isabelle, inaantay pa ho kayo nang isang Prinsipeng napakagwapo." natawa ako sa sinabi niya.
"Maganda ka rin eh, Hayaan mo pag may oras tayo ay aayusan kita." nanlaki ang mata niya at nabahidan nang tuwa.
"Talaga ho? Dati ho kasi ay ayaw niyo na nakikialam ako nang gamit niyo." Ngumiti ako, At saka tumayo nalang Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka Isabelle sa ganda nang pamilya mo papaano ka nalulungkot?
"Tara na, Bumaba na tayo." aya ko sakanya.
Nang makababa ay agad kong nasilayan si Leandro na maganda ang pagkakangiti habang hawak ang mga Bulaklak na napakagaganda. "Nandito na ho si Binibining Isabelle." sambit ni lorita at dahil doon napalingon silang lahat saakin.
"Napakaganda talaga nang Inyong anak. Walang duda na magiging napakagaganda nang lahi nang magiging anak nila." nasamid ako dahilan para mapaubo maya maya ay Lumapit saakin si Leandro at Inabot ang Bulaklak.
"Para sayo Binibini." Nginitian ko si Leandro at tinanggap yon.
"Maraming salamat Ginoong Leandro." bati ko pa, Ngumiti siya at saka Naman ako nailang.
"Nais mo bang Pumunta sa Kabilang bayan? Piyesta doon paniguradong matutuwa ka." nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sakanya.
"Seryoso?! Tara sasama ako!" masayang sabi ko.
"Binibining Isabelle, Umakto ka sa Tama." napatingin ako sa Bulong ni lorita kaya nailang ako at natawa nang mahina.
"Pasensya hehe."
"Mamaya natin pupuntahan yon, magpapaalam muna tayo sa iyong ama." sambit niya at inalalayan ako papunta sa mesa nang hapag kainan.
"Kamusta ang pakiramdam mo Binibining Isabelle?" ngumiti ako sa tanong nang ina saakin ni Leandro.
"Maayos naman ho ako, Senyorita Teressa." magalang kong sagot.
"Mabuti kung ganun Binibini." ngumiti nalang ako Muli.
"Don Luciano maari ko ho bang ayain at isama si Binibining isabelle sa kabilang bayan upang dumalo sa Piyesta." sambit ni Leandro at nakangiti pang tumingin saakin magkaharap kasi kami.
"Ayos naman, Basta't kasama ka nang anak ko at iingatan mo siya. May tiwala naman ako saiyo mabuti rin yan para mas magkalapit kayo lalo." sambit ni Ama.
"At tawagin mo na rin akong Ina upang sumaya ako." ngumiti si leandro sa sinabi ni Ina.
"Ganun rin saakin isabelle tawagin mo akong ina at ama naman sakanya." ngumiti ako sa ina ni Leandro.
"Masusunod ho."
Habang kumakain ay napapatingin ako sa kanina pa nakatingin na si Leandro wala lang nagtataka ako sapagkat pamilyar talaga siya saakin kahit galing ako sa makabagong Mundo.
"Leandro, panay ang titig mo kay Isabelle. Talaga bang napupusuan niyo ang isa't isa?" nasamid ako at agad naman nilang inabutan nang tubig.
"Ah Ina huwag niyo ho kaming asarin dahil nahihiya si Binibining Isabelle." sambit ni Leandro kaya naman namula ang mukha ko.
"Maayos nga yon sapagkat mas maganda ang magiging samahan niyo." dagdag nang ama ni Leandro.
Lumipas ang oras at muli akong naghanda dahil ang Mag-asawang Florentino ay magsasayahan dito sa tahanan namin at kami ay aalis upang tumungo sa Piyesta. "Anong sasakyan natin patungo doon?" tanong ko sakanya.
"Isang bangka, malapit lang naman ang lawa kung saan tayo sasakay." aniya pa niya kalaunan ay sumakay na kami sa Kalesa patungo doon.
"Nakalagay sa Diary mo, na umamin dati si Leandro sayo na may gusto siya kay Krisetta Luna katunggali mo sa lahat nang bagay."
Napalunok ako kung ganun nagkagusto siya sa iba? At hindi kay Isabelle? "Kamusta naman kayo ni Binibining krisetta?" tanong ko bigla dahilan para mapalingon siya saakin.
"W-wala namang meron binibining Isabelle, Hindi ko pa rin siya nakikita." napatingin ako sa labas dahil napakaganda.
Kung ganun si Krisetta ay dati kong kaibigan at dahil kay Leandro magiging magkatunggali kami kung ganun hanggang dito ba naman hindi pa rin ako gusto nang gust— sino ba yung gusto ko? Wtf.
Nang makarating sa kabilang bayan ay hindi ko man maamin ay nakaramdam ako nang kaba. "Hindi ko inaasahan na Pupunta ka dito, Isabelle." agad ay sumama ang mukha ko sa babaeng nandito sa harap ko sino ba to? Pilingerang palaka.
"Para sabihin ko sayo, Pupunta ako sa kahit saan ko pumunta. At wala kang pakialam doon." sumbat ko pa.
"Oh? Lumalaban ka na ngayon Isabelle? Hindi ba't napakahinhin mong babae at takot ka sa mga away?"
"Krisetta pwede bang tigilan mo na si Isabelle?" so siya si krisetta?
"Oh Ginoong leandro hindi pa kayo nagkakausap nang gusto mong tao diba? Magsama kayo." inis na asik ko at saka Inirapan si Krisetta tapos mabilis na Lumayo doon.
"Sandali!" Binilisan ko lalo sa pagkainis, ewan ko ba feel ko lang ganto ang dapat kong maramdaman.
"Binibing Isabelle." agad akong nahila pabalik dahil sa paghawak at paghuli niya sa kamay ko kaya naman nagkalapit kami dahil patakbo ako eh tas biglang hinila pabalik? Sis naalis ata ang Braso ko sa pagkakakabit.
"Binibigyan ko lamang kayo nang pagkakataong makapag-usap." sambit ko at Iniiwas ang tingin sakanya.
"Ngunit hindi ko naman siya nais makausap." napairap ako.
"Palusot ka pa, Ganyan naman kayong mga lalake mga paasa." napamaang siya.
"Niloko ka na ba?" tanong niya.
"Lolokohin mo palang." natawa siya at halos manlaki ang mata ko nang ngumiti siya saakin matapos kong sabihin yon at doon ko ein napagtanto ang sariling katangan jusko Nevaeh maghunus dili ka namang babae ka Conservative sila dito at kakasimula niyo lamg wala ka namang gusto sakanya diba?
"Masyado ka naman saakin, Kailan ba kita Niloko Binibining Isabelle? Sa pagkakaalam ko kasi ikaw ang mas magaling mambuyo saating dalawa." napangiwi ako.
"Basta balikan mo na siya, Tutal may gusto rin kayo sa isa't isa bat di nalang siya pakasalan mo." natawa si Leandro sa inasta ko.
"Nakakaramdam ka pala nang Paninibugho." napangiwi ako lalo.
"Hindi, Malabong mangyari yon okay? Hindi ko lang talaga gusto si Krisetta."
"Pero magkaibigan kayo dati." aniya ni Leandro.
"Magkaiba na ang dati sa ngayon kaya wag na nating ibalik." bitter na sabi ko.
"Tara na nga Binibini, marami tayong pwedeng mabili sa banda doon ano bang gusto mo?" tanong niya kaya naman napalunok ako sa pagkakaalam ko sa kalumaan ay malaki ang halagang piso.
"Pwede bang isabelle nalang? Ang galang mo naman masyado." reklamo ko natawa siya.
"Ibang iba na talaga ang isabelle na aking binalikan, mas nakakapanibago ka." ngumiti nalang ako kasi hindi naman na ako sanay sa buhay ko noon.
"Tawagin mo akong Isabelle pag wala sila Ina at ama tatawagin kitang leandro pag wala ang magulang natin sa paligid." aniya ko pa.
"Kung ganun ang iyong nais Bin— Isabelle." nginitian ko siya.
"Baka magtampo sayo si Krisetta." sambit ko pa.
"Gusto mo ba talagang matuloy ang kasalan na magaganap? Kung gusto mo talaga si Krisetta tutulungan kita sakanya." labas sa Ilong kong sabi.
"Pwede rin, hahaha." napangiwi ako.
"Sige, Tutulungan ko kayo pero sa isang Kondisyon." nangunot ang noo niya.
"A-ano?"
"Pabasa ako nang tala-arawan mo." nanlaki ang mata niya.
"Papaano mo nalaman na may tala arawan ako?" kinindatan ko siya.
"Hinulaan ko lang." sagot ko seryoso niya akong tinignan at saka halos agad akong napaatras at mukhang nagulat rin siya sa ginawa na biglang paglapit nang mukha sa Mukha ko.
"Pag-iisipan ko Binibini, Ngunit bakit mo naman nais mabasa?" tanong niya saakin.
"Dahil Gusto ko lang." sambit ko pa.
"Tara na, Mamili ka at bibilhin ko para sayo." aniya ni Leandro at saka nakapamulsang naglakad kasabay ko.
"Leandro, maari ba akong sumama sayo?" sambit bigla ni Krisetta na nasa Likuran namin napairap ako.
"Ah Maari ba Isabelle?" tumango nalang ako.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay Pagpikit ko at pagmulat bigla ay nasa Mundo na ako nang makabago. "MALING MALI ISABELLE!" gulat na gulat akong napatingin sa Lola na nandito.
"B-bakit po?" tanong ko.
"Bakit mo sinabi yon? Hindi mo dapat gawin yon Isabelle. Nanghina ako dahil sa ginawa mo at pag nagpatuloy yon ikamamatay ko na nagmamakaawa ako sayo sa pangalawang pagkakataon Ibabalik kita sa Simula.. Ayusin mong mabuti." naramdaman ko ang sakit sa Dibdib.
"Ang Tala Arawan mo ay basahin mo muna, Ngunit sa pagkakataong ito babaguhin mo na. Hindi dapat alam ni Leandro na alam mong may gusto siya kay krisetta hindi ito ang gusto mo noon bakit mo sinabing tutulungan mo sila." inis na sabi ni Lola kaya naman napalabi ako.
"Ayoko na po." sambit ko.
"Pero ang hiling mo ay kapalit nang buhay ko, Kailangan mo lamang mapagtagumpayan yon Isabelle." umiling ako.
"Sisimulan natin sa Kaarawan ni Leandro, Parang awa mo na isabelle. Ayoko ring mapahamak ang isa sainyo dahil saakin pero responsibilidad mo ito dahil Hiling mo ito." niyakap ako nito dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang pagdilim nang paningin at biglang pagmulat ko ay nasa isang malaking mansyon na ako Ngunit nakayuko kaya naman bumuntong hininga ako.
Nakakapagod, nakakapanghina ang naganap. Kung ganun nagsimula ako ulit upang maayos na ang mundong meron kami at kailangan kong maging si Isabelle talaga upang magtagumpay.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top