Chapter 12
Iris Nevaeh's POV.
Agad kong hinabol si Lola na naglalakad sa papuntang garden namin, Nagising ako na umaga na at ramdam ko pa rin ang antok dahil sa nangyayari sa panaginip ko. "Lola." nang marinig niya ako ay tumigil siya.
"Ikaw pala." sambit niya.
"Lola, Ano pong mangyayari saakin pag hindi ko naituwid ang dapat?" tanong ko sakanya.
"Isa, sainyo ang mamamatay. Pero dahil hawak mo ang nakaraan niyo maaring siya ang mawala." kinabahan ako.
"Lola papaano ako napasok na gantong bagay? Hindi ko po ito ginu—"
"Hindi mo Ginusto? Baka gusto mong ipaalala ko sayo lahat lahat kung papaano ka nagmakaawa saakin nang panahong Si Isabelle ka pa?" bigla ay sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Nahanap mo na ba ang Tala arawan mo noon?" umiling ako.
"Iyon ang unahin mo, at simulan mo sa Gitna." bumuntong hininga ako.
"Magsisimula na ang Oras mo Isabelle, magsisimula na. At hindi ka magigising hangga't hindi mo napagtatagumpayan ang dapat mong maayos, tandaan mo pag nagkamali ka magigising ka nalang Wala nanaman si Leandro sa Piling mo." naramdaman ko ang sakit non.
"Si Cloud po ba at si Leandro ay iisa?" tanong ko.
"Oo, pero wala kayong maalala. At pag nagkamali ka ulit wala na akong kakayahang ituwid pa at palitan ang nakatakda." tinitigan ko si Lola.
"Si Leandro ang anak nang mga Florentino na ngayon ay nagngangalang Cloud Ribbero, galing sa isang mayaman na pamilya at ganun ka rin pag tumagal ka nang dalawang araw sa panaginip mahihirapan ka nang makabalik ngunit pag natagumpayan mo ay magigising ka na." sambit niya pa.
"Hindi mo ikamamatay ang pagbalik sa nakaraan, pero mamamatay ka sa pagkabigo sa pag-ibig hanapin mo ang tala arawan niya at alamin yon. Wala na akong pwede pang sabihin sayo ikaw mismo ang aalam sa nakaraan niyo." bumuntong hininga ako pero halos Manlamig ako nag bigla ay nawala si Lola sa harap ko.
"Magsisimula na." napasigaw ako sa Gulat ngunit agad na tinakpan ang bibig.
"Ano ba cloud! Papatayin mo ba ako sa atake." reklamo ko at napahawak sa dibdib ko then bigla kong narealize ang sinabi niya. Magsisimula na?
"May alam ka ba?" tanong ko.
"Saan?" tanong niya.
"W-wala, Saan magsisimula?" tanong ko.
"Reporting kaya, ano bang nangyayari sayo nevaeh? Sabi ko kasi wag makipag-usap sa kung sino sino." reklamo niya at saka ako Hinila ngunit naalala ko ang paghalik niya saakin.
Habang nagrereport ako ay bigla nakaramdam ako nang paninikip nang dibdib, asthma attack sa oras na nagsasalita lang ako? Imposible.
"Nevaeh?" napatingin ako kay Cloud yes, as off for today Kasama namin ang engineering sa reporting.
"Kunin mo sa bag ko yung Inhaler." hirap kong sabi agad namang naalerto siya at ang lahat.
"Sa clinic! Dalian niyo!" sigawan sa Room.
"Jusko aatakihin ako sa Puso anong gagawin ko!" Unti unti ay nanghihina ang tuhod ko at para bang may Humihila saakin papabalik.
Nagkatinginan kami ni Cloud ngunit nakita ko siya bilang Leandro, sa hindi inaasahan ay sabay kaming napaluhod at sa oras na yon? Kinabahan ako para sakanya.
Ngunit ramdam ko na sabay ang pagbagsak naming dalawa, at pagkamulat ko nandirito na ako sa Mundo ni Isabelle. "Ayos ka lang ba Binibining Isabelle? Bigla kang nawalan nang malay at muling nagising." napatingin ako kay Lorita.
"Si Leandro?" tanong ko, at nakita ko si Leandro na nakatingin saakin habang pinapaypayan nang kanyang ina habang ang aking ina ay kadarating lamang.
"Anong nangyari anak?" tanong ni Ina, umiling ako dahil hindi ko alam.
"Nakita ko sila ni Ginoong Leandro na Nawalan nang malay sa mismong harapan namin." napatingin ako kay Rocco na si Raiver.
"Nawalan kami nang malay? Sa anong kadahilanan?" tanong ko.
"Wala pang nakakaalam dahil patungo palang ang Doctor, Ngunit binibini kayo ba ay Uminom nang alak?" sambit niya.
"Hindi, hindi ako umiinon nang alcohol." sambit ko.
"Napapadalas ang Ingles mo binibini, hindi ka naman ganyan?" Nginitian ko si Lorita.
"Lahat nang tao nagbabago, Maraming aklat sa aking silid kung kaya't nakukuha ko rin yon sa pagbabasa ko. May kaduda duda ba sa aking angking kagalingan?" tanong ko sakanya natahimik siya.
"Leandro Kamusta ka?" tanong ni ina sakanya.
"Bigla ay nakaramdam lamang ako nang hilo sapagkat dama ko pa rin ang pagod." sambit ni Leandro nang nakatingin saakin.
"Ikaw Binibini? Kamusta?" nang tumingin siya saakin ay Napalunok ako.
"Maayos naman na, ginoo. Nais ko muna sanang magpahinga." sambit ko sakanila.
"Belinda, dalhin mo sa isang bakanteng kwarto si Binibining isabelle." inalalayan naman ako ni ama na maglakad ngunit Yumuko ako bago magsalita.
"Kaya ko na ama." sambit ko.
"Hanapin mo ang tala arawan ni Ginoong Leandro, dahil hindi lahat nasaiyo."
Napahawak ako sa Sintido ko, boses ni lola yon? Yung babaeng matanda na nakakaalam sa nakaraan ni Isabelle. "Ayos ka lang ba anak?"
"Oo ama, ayos lamang ako." sambit ko.
Inalalayan ako ni Belinda at tahimik naman naming tinahak ang daan papataas sa bahay nang Florentino, Saan ko hahanapin ang tala arawan ni Leandro?
"Belinda, hayaan mo na ako na samahan siya. Bumalik ka na sa ibaba." aniya bigla nang boses lalake sa Likod kung kaya't napalingon ako dito at nakita ko si Leandro.
"Masusunod Ginoo." nang magkatinginan kami ni Leandro ay Ngumiti siya.
"Gusto mo bang Iikot kita sa bahay namin Binibining Isabelle?" tumikhim ako at Tumango.
"Sa makabagong panahon na sinasabi mo kanina, Tama ba na kunin mo ang buhay ni Isabelle?" tanong niya kaya naman napaatras ako. Papaano niya nalaman? Nasabi ko ba?
"Wala naman akong sinasabing ganun." aniya ko.
"Malinaw saakin ang lahat, Nevaeh." nanlaki ang mata ko.
"Cloud?" tanong ko sakanya.
"Mm." napabuntong hininga ako.
"Kung sa tingin mo ay ginusto ko ito nagkakamali ka, Ngunit papaano ka nakapunta rito? Sino yung huling kausap ko na Leandro? Ikaw rin ba yon?." tanong ko.
"Simula palang ako na, Buhay ni Leandro ay Buhay ko rin." sambit niya.
"At ipapaalala ko sayo na ang buhay ni Isabelle ay pag-aari ko wala akong inaangkin Leandro." sambit ko.
"Wala nga ba talaga?"
"Wala, Aayusin ko lang ang gulo ko sa buhay dati." sagot ko.
"Bakit hindi ka nakinig saakin? Mapapahamak ka sa Mundong ito. Bumalik ka na Nevaeh Umalis ka na ako na ang aayos nito." aniya niya pa.
"Huwag mo akong tawaging Nevaeh, pag may nakarinig sayo masisira nang tuluyan ang misyon ko."
"Misyon natin. Misyon na natin to simula palang, tsk nakakapangsisi na ako si leandro." para bang dismayado niyang sabi.
"Tch sana talaga si Leandro ka nalang, ag sungit mo." inis na asik ko.
"Aba, Malay ko ba."
"Mabait si Leandro kesa sayo noh, napakaGinoo niya kung gumalaw hindi tulad mo Arogante." nakangiwi kong sabi.
"Sa lahat nang panaginip mo ako yon, kaya magtigil ka Nevaeh." sinamaan ko siya nang tingin.
"Sabi nang wag kang maingay eh, nakakainis ka naman! Ang bait bait mo saakin kanina tas gaganyanin mo nanama—" nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako sa Labi.
"Ikaw ang nag-iingay, binibini." nanlaki ang mata ko.
"Hoy! Hindi sila manyakis dito!" natawa si Cloud.
"Tawagin mo akong Leandro, tatawagin kitang Isabelle tawagin mo akong cloud tatawagin kitang Nevaeh. Tawagin mo akong mahal, tatawagin rin kitang mahal. Hind ba mahal ko?" sobrang namula ang mukha ko.
"Bakit nga ba tayo napunta rito?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko rin alam. Bigla nalang isang araw nagsimula akong managinip at nagulat ako nang nandoon ka pero 20 years old ako nang mangyari yon at tulad mo ngayon 20 years old ka rin kaya nagsisimula na. Matagal nang pinaunawa saakin nang matandang yon ang Misyon." napanguso ako.
"Pag isa ang namatay saating dalawa sa panahong ito, mamamatay rin tayo sa mundo natin ngayon. Pag hindi tayo nagtagumpay Iisa nalang ang babalik sa Mundong yon." aniya niya pa.
"Ang napag-usapan ngayon? Mawawala ito sa ala ala natin dahil paglabag na ito. Mamaya magigising tayo bilang hindi alam na may Koneksyon tayo sa makabagong panahon makakalimutan kong ikaw si Nevaeh at makakalimutan mo na ako si Cloud. Pamamaraan yon upang walang sagabal, nevaeh kahit anong mangyari wag na wag mong hahayaan ang sarili mong mahulog kay Leandro.. Saakin lang dapat." nanlaki ang mata ko.
"Makakalimutan rin natin to, mawawala saatin ito kaya sinasabi ko na ngayon. Gusto kita, matagal ka nang kasama sa mundo ko dahil nakatira ako sa Mundo mo. Hanggang sa panahon ngayon sa makabago tayo ang nakatakda tayo lang. Tayo." Naramdaman ko ang sakit sa dibdib.
"Sa oras na sumakit ang dibdib mo, pag kawala nang malay mo Oras na yon para mawala ang kaalama natin na ito at mabubuhay tayong hindi kilala ang isa't isa bilang Cloud at nevaeh. Pero alam natin na tayo si Cloud at nevaeh pag nagtagumpay tayo makakalimutan natin ang panahong ito pero magbabago ang ikot nang mundo." sambit ni Cloud.
"Babaguhin ko ang Mundo mo mahal ko, Sayo dapat ang pamilyang mapagmahal pero dahil sa parusa na ito makukulong tayo rito, ihahatid na kita sa kwarto mo na tutuluyan bago pa tayo mawalan nang malay." aniya niya pa.
"Tandaan mo wala kang cloud na kilala pagkagising mo, pero sana pag nagtagumpay tayo mahalin mo pa rin ako bilang cloud at Leandro."
"Matagal na kitang gusto, sa pagkatagal tagal non nagawa kong balewalain to." tukoy niya sa Puso niya.
"Cloud, sumasakit na ang dibdib ko." ngumiti siya at Inilapit ang mukha niya saakin para halikan ako sa Pisngi.
"Paalam nang panandalian, Magkakakilala tayo muli tandaan mo yan. Pero perpekto na Galingan mo sa Misyon mo." tumango ako.
"Ikaw rin." hinatid niya ako sa Kwarto kaya naman pagkapasok ay agad kong ihiniga ang sarili sa Kama dahil pinahihina ako nang puso ko wala ba akong Inhaler?
***
"Anak, ganun ba kasama ang pakiramdam mo?." napatingin ako kay Ina.
"Ano pong ginagawa ko rito?" tanong ko sakanya.
"Huh? Hindi ba't hinatid ka rito ni leandro?" nangunot ang noo ko.
"Hindi ko ho maalala Ina." sambit ko.
"Ah eh baka kasi dahil sa pagkahilo mo anak, kamusta ka?" tanong niya saakin at hinaplos ang mukha ko.
"Maayos naman ina, Tara na sa ibaba upang masimulan na ang dapat." aniya ko, bakit parang may kakaiba saakin? May ginawa ba akong nakaligtaan ko?
"Sandali, ayusin muna natin ang buhok mo." nginitian ko si Ina, para siyang si Mommy umasta.
"Ina napakagaling niyo naman hong mag-ipit nang buhok, saan niyo ho natutunan iyan?" tanong ko.
"Dalawa kaming magkapatid, dahil doon nagawa naming mag-imbento kung kaya't natuto kami." ngumiti ako.
"Ayan, napakaganda na nang anak ko." aniya niya pa kaya napangiti ako.
Nang makababa ay halos kami nalang ang tao ang pamilyang Florentino at Montemayor. "Ina bakit po ba pala tayo nandirito?" tanong ko.
"Maririnig mo rin, anak." nakangiting sabi ni Ina.
"Maupo kayo." aya ni Ama kung kaya't naupo ako sa harapan ni Leandro, napakagwapo niya tsk ano ba yan ang landi ko naman kamukha niya kasi— bigla akong natigilan sino naman? Hala ang weird ko.
"Bata palang kayong dalawa, alam na naming may pagtingin kayo sa isa't isa." napatitig ako kay Ama.
"Ama hindi ho kaya." tanggi ko.
"Mm sabi mo eh, dahil nga madikit ang pamilya nating dalawa ang Florentino at Montemayor. Itinatalata kong Ikasal kayong dalawa base sa napagkasunduan namin." nanlaki ang mata ko at napatingin kay Leandro na para bang ayos lang sakanya.
"Po? Ang bata ko pa po para sa kasa—"
"Sumangayon ka base sa nakatakda Isabelle, tandaan mo kailangan mong magtagumpay."
"Sige po pala, masusunod ama." sambit ko at bahagyang yumuko.
"Napaka masunurin talaga nang anak mo pare, nakakatuwa." napatingin ako kay Don Felipe Nang ngumiti siya ay ngumiti ako.
"Magsimula na tayong kumain." aniya ng Ina ni Leandro.
Nagkatinginan kami ni leandro kaya naman mabilis akong napaiwas tingin. Naiilang ako sakanya sa hindi malaman na dahilan, hahanapin ko na talaga ang tala arawan ko.
"Ina, Nais ko muna sanang magpahangin." sambit bigla ni Leandro kaya lahat ay nakatingin sakanya.
"Kasama sana si Binibining Isabelle." napatingin sila saakin.
"Tamang tama, tapos na akong kumain." aniya ko at dahan dahan na tumayo.
"Ina, ama magpapahangin muna kami ni Ginoong Leandro. Lola Kumain ho kayo nang mabuti." sambit ko sakanila tumango sila nang may ngiti sa labi.
"Saan naman tayo paparoon Ginoo?" tanong ko.
"Sa paborito kong lugar, binibini." ngumiti ako.
"Sangayon ka ba sa kasalang sinasabi nila?" tanong niya bigla.
"H-hinde." sambit ko.
"Mm sige." aniya niya at saka Tumahimik na nang tignan ko siya ay napansin ko ang mataangos niyang ilong at ag pagiging Maputi niya bagay na nakuha niya sakanyang ina.
Ang mga kilay niyang sobrang simple pero ang lakas nang dating hindi ako magtataka kung bakit nahulog ako sakanya sa kapanahunan noon. "Alam ko namang hanggang ngayon ay may sama nang loob ka pa rin." tinignan niya ako.
"Iniwan mo ako nang walang paalam pero ikinagagalak kong nakabalik ka na." sambit ko papaano ko nalaman na Iniwan niya ako nang walang paalam?
"Nagagalak ka ba talaga?" nabigla ako sa sarili nang tapikin ko siya sa Balikat.
"Binibining Isabelle." sita niya at bigla ay naalala ko ang sobrang pagkaconservative nang lalake rito.
"Oh my gosh sorry!"
"Huh?" sambit niya.
"Ang sabi ko Patawad." ngumiti siya.
"Wala namang nakakita, at tayo naman ang nakatakda." aniya niya pa.
"Gusto mo naman." sambit ko.
"Mas nais ko namang ikaw ang makasama kesa sa di ko kakilala." sagot niya kung kaya't napalunok ako at namula tapos tumingin nalang sa ibang bagay.
"Naiilang ka ba Binibini?" tanong niya kaya naman tinignan ko siya at umiling.
"Binibining Isabelle, Magkaibigan pa rin ba tayo?" Awkward akong natawa at saka tinignan siya muli.
"Bakit naman hindi?" sambit ko.
"Binibini, mukhang Uulan pumasok na tayo sa Loob." aya niya kaya sabay kaming naglakad papaloob.
√√√
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top