Chapter 11

Iris Nevaeh's POV.


Isang linggo, isang linggo na akong hind pa nanaginip, bumalik sa Normal ang lahat pero ang kalagayan ko? May kulang saakin bakit pakiramdam ko may dapat akong ituwid at ayusin?

Ilang araw ko nang hindi nakikita si cloud, hindi na rin niya ako dinalaw matapos ihatid papauwi galing ospital. "Ate Nevaeh, tulala ka nanaman." agad akong nagising at tinignan si Dane.

"Sorry, stress lang ako this sem." sambit ko sakanya.

"May bibilhin kang project ate diba? Mas mabuti kung makaalis ka na para marami ka pang oras pagbalik mo." sambit niya.

"S-sige una na ako." basta nalang akong tumayo nang iniisip si Cloud mukhang nilayuan niya talaga ako dahil sinagawan ko siya nang nakaraan.

Naglalakad ako papalapit sa exit nang hallway paderetso sa Parking lot nang bigla ay may Humawak saakin sa balikat kung kaya't nilingon ko ito. "Hija, Nasaiyo ang sagisag niya. K-kamukhang kamukha mo rin siya, i-ikaw si isabelle." nanlaki ang mata ko kung ganun hindi panaginip yon? Nag-eexist talaga silang dalawa?

"Kilala niyo po siya." sambit ko.

"Si Isabelle at ikaw ay iisa. Maniwala ka saakin! Buhay mo ulit ang nakalaan buhay niyo ni Leandro ang nakasugal pag hindi kayo nagtagumpay sa Misyon niyo!." sobrang bilis nang tibok nang puso ko.

"P-po?" gulat na tanong ko.

"Sisimulan niyo ulit, hanggang sa Umpisa. At pag napagtagumpayan niyo, magiging malaya kayo tulad nang ibon at ang matagal nang naitakda ay mangyayari iyon." nangunot ang noo ko.

"Lola, Ipaintindi niyo po saakin kung anong kawirduhan ang nararamdaman ko."  sambit ko at inakay si Lola sa Gilid.

"Kung ganun nabubuhay po talaga sila?" tanong ko ngunit hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa Puso.

"Ramdamin mo ang Buhay mo Isabelle, darating rin ang oras darating ang oras na makikilala mo ang sarili mo." kung ganun ako ai isabelle? nahihibang na ako kung paniniwalaan ko si Lola.

"Maiintindihan mo rin si leandro, matatanggap mo rin." umiling ako.

"Hindi ko po maintindihan lola."

"Sa iisang misyon, dalawang puso ang magtatagumpay ngunit matalo man magsasama pa rin hanggang sa kamatayan." bumilis ang tibok nag puso ko nang bigla ay may humawak kay lola at nakita ko si cloud.

"Hindi ka dapat nakikipag-usap sa kung sino sino." sambit niya tapos inalalayan si Lola.

"Lola, makakaalis na po kayo." sambit ni Cloud, Tinignan niya lang ako at saka Iniiwas ang tingin saakin tapos Naglakad na papaalis.

"Sandali." awat ko kay Cloud.

"Sorry nang nakaraan" sambit ko agad tumigil siya at tinignan ako.

Nakapamulsa siya ngayon napapulunok ako nang tapatan niya ang mukha ko at Bahagyang lumapit, napalunok ako ulit.

"B-bakit?" sambit ko.

"Conservative ako, Ayaw ko sa mas bata saakin Pero pag pasensyahan mo na ako sa Gagawin ko." malamig na sabi niya at halos manlaki ang mata ko nang itulak niya ako sa Pader at Idinikit ang labi niya sa labi ko nakapikit siya at ako nanlaki ang mata derederetso at hindi maawat ang puso ko.

Nang Humiwalay siya ay naglakad siya saakin papalayo habang ako napahawak sa labi ko na hinalikan niya? Hinalikan niya ako? "Shit!" bigla ay namula ako at hindi mapigilang napangiti.

Sinasabi ba niyang ayaw niya sa mas bata pero mukhang kinakain niya na ang sinabi niya? Tch wag ko na nga paasahin ang sarili ko bigla ay nawala lahat nang negative thoughts sa isip ko.


***


Gabi na at natapos ko na lahat nang assignment pagkahiga ko ay kasabay non ang pagpatay ko sa Lamp shade, pumikit na ako at inisip ang ginawa kanina ni cloud.

"Isabelle."

"Isabelle."

Napamulat ako at tinignan ang paligid, kumabog nanaman ang dibdib ko dahil ngayon lang ulit ako nanaginip. "Mommy?" hinanap ko ang tinig na yon ngunit agad na nagbago ang Itsura ko nang makitang hindi si Mommy yon isang magandang babae na nasa Age ni mommy.

Siya ang Ina ko bilang Isabelle? "Ina?" sambit ko.

"Ako nga ito anak ko, Pinagigising ka na saakin nang ama mo dahil pupunta tayo sa isang handaan." nangunot ang noo ko.

"Anong araw ngayon ina?" tanong ko, pag nalaman nila na hindi ako si Isabelle baka may gawin sila saakin o di kaya sabihin nila sinasaniban ako.

"Nobyembre 13 anak, bakit mo natanong?" umiling ako bilang sagot.

"Tara tutulungan na kitang maghanda anak ko, Naayos naman na ang pagliliguan mo kung kaya't ihahanda ko nalang ang susuotin mo para sa kaarawan nang isang malapit na kaibigan." ngumiti ako bilang tugon.

Para siyang si Mommy rin, hindi kaya ang Ina ni isabelle ay mommy ko? Bilang Nevaeh? Maybe i still have a lot things to find out. And once i figured it out? Aayusin ko kung ano man ang problema.

Natapos na ang lahat nang paghahanda at bumaba na ako na nakaayos. "Hanggang gabi ang Ganap na ito, kung kaya't maghanda kayo." Sambit ni Ama, ama ni isabelle.

"Isabelle, alam ko naman na ayaw mong makasal sa kung sinong lalake ngunit hindi mo pagsisisihan ang lalakeng ito." nangunot ang noo ko.

"Ama, Tara na ho." aya ko, atat ako hindi ko alam kung bakit kada nasa Mundo ako ni isabelle ay sobrang saya ko napakasaya nang pamilyang meron siya.

Ang Lola niya ay mabait sakanya, parating may oras ang ama niya sakanya sana ganun rin ako bilang Nevaeh. Sumakay kami sa isang kalesa at dahil doon natuwa ako lalo naignorante.

"Papaano po si Lola?" tanong ko.

"Sa susunod na karwahe sila anak ko, kasama ang taga pagsilbe mong si Lorita." ngumiti ako.

"Nakakatuwang palangiti ka na anak ko, Ikinatutuwa ko." sambit ni ama, kung ganun hindi pala ngiti si Isabelle?

"Masaya ako sa Pamilya na meron tayo ama, Papaanong hindi ako sasaya kung kayo ang magulang ko." sambit ko sakanila.

"Masyado kang mabulaklak magsalita anak, saan mo natutunan iyan? Sa ama mo ba?." asar ni Ina.

"Ahehehehe."

"Iyon naman ang Bumihag sa puso mo hindi ba mahal ko?" ang sweet naman ng ama at ina ni Isabelle papaanong hindi siya masaya?

Kalaunan ay nakarating kami sa isang mansyon na sobrang laki, oo masasabi ko na mansyon ito dahil kasing laki niya ang tahanan namin ang tahanan ni Isabelle.

"Florentino Hacienda?" sambit ko.

"Tama ka anak, Kaarawan nang iyong kababata." nangunot ang noo ko.

"Sino po?"

"Si Leandro, kaarawan niya ngayon nakalimutan mo na ba?" napalunok ako, kung ganun kaarawan niya ngayon?

"H-hindi ama, sadyang naging abala lamang ang isip ko sa mga bagay bagay." pagsisinungaling ko.

"Kung ganun ama—"

"Magandang Umaga sainyo, Don Luciano, Senyorita Cristiana." kung ganun iyon ang pangalan nang magulang ni isabelle?

"Magandang umaga Senyorita Isabelle." ngumiti nalang ako.

Pagkapasok sa Loob ay sunod sunod nang nagdatingan ang mga kalesa pumasok kami sa Loob. "Teressa, aking kaibigan ikinagagalak kong makasama ka muli." nagyakap si Ina at ang tinawag niyang teressa maaring ina ni Leandro?

"Pare, nakakatuwang nakadalo ka." lumapit ang isa kay ama at nagkamayan sila kung ganun matalik na magkakaibigan ang magulang nilang dalawa.

"Palalampasin ko ba naman ang kaarawan nang anak mo, pare." napatingin saakin ang kausap ni ama kung kaya't napatitig ako rito.

"Ikaw na ba si Isabelle?" sambit nito.

"O-opo." sagot ko.

"Ang tagal rin nating hindi nagkita, ang laki laki mo na Hija." sambit niya.

"Nalayo si Leandro sayo dahil saamin, Matagal rin kaming nanatili sa Espanya kung kaya't sana magkasundo pa rin kayo." sambit nito hindi ko alam ang pangalan niya.

"Sana ho." magalang na sagot ko nalang.

"Antayin nalang natin ang paghahanda ni leandro." kung sa mga oras na to ay matagal kaming hindi nagtagpo maaring ito ang simula na sinasabi ni Lola yung matanda kaninang umaga.

"Felipe nais ko sanang pag-usapan natin ang plano." sambit ni Ama kung ganun felipe ang pangalan ng ama ni Leandro.

Naupo kami sa mga mesa dito at saka ako natahimik at inilibot ang paningin sa buong lugar napakaganda halos lahat dito pag dadalhin sa makabagong panahon ay higit na Milyon milyon ang halaga.

"Binibining Isabelle." napalingon ako sa isang lalake at halos Umurong ang dila ko nang makita na si Raiver ito oo siya mismo pero alam kong iba rin siya.

"Ginoo." sambit ko nalang at bahagyang Tumungo.

"Ako nga pala si Rocco, ang pinsan ni Leandro. Kamusta ka?" sambit niya kung kaya't bahagya akong ngumiti.

"Mabuti naman Ginoong Rocco." hindi ko alam kung ano ang dalawang ito si Isabelle at rocco ah wala akong alam.

"Papaano mo ako nakilala Ginoo?" tanong ko.

"Bukod sa sikat ka bilang nag-iisang anak nang mga Montemayor, Parati ka ring naibabahagi saakin ni Leandro." ngumiti akong muli.

"Ganun ba." sagot ko.

"Okay." nangunot ang noo niya.

"Wikang Ingles yan tama ba?" tumango ako.

"Magaling kang mag-ingles?" ang totoong Isabelle ay hindi? Ngunit si nevaeh ay kaya niyang mag-ingles hindi kaya nila ako pagdudahan?

"Tama lang, Ginoong Rocco."

"Marunong rin ako dahil sa Kursong aking kinuha ay natutunan ko yan."

"Mabuti para sayo ginoo" sagot ko nalang, hindi siya ang nais kong makita kundi si Leandro o Cloud kung tawagin.

"Mauuna na muna ako Ginoo." paalam ko at bahagyang nag vow tapos umalis na ngunit nakita ko ang isang babae ngunit kwintas niya ang napansin ko! Nakatingin rin siya saakin siya si Lola? Kung kanina.

"Isabelle." sambit niya.

"Lola, hindi po ba kayo yung nasa makabagong mundo?" tanong ko, Ngumiti ito at Inayos ang buhok ko.

"Nagbago man ang aking anyo ngunit nakilala mo pa rin ako, dumayo lamang ako sa mundo nang nakaraan mo Isabelle. Ngunit pakatatandaan mo, Ikaw pa rin si Nevaeh ang anak ni Shiela Gandia at Edgar." nanlaki ang mata ko.

"Bakit po ako nandirito?" tanong ko.

"Para Ituwid, at iligtas ang buhay niyong dalawa. Si Isabelle ay kilala sa kahit saan sa lugar na ito, at sa pamamaraan mo nang panaginip ay nakakabalik ka sa nakaraan upang ayusin ang dapat ay naituwid mo na noon." nangunot ang noo ko.

"Ngunit hindi ko pa rin po talaga maunawaan." ngumiti siya.

"Mauunawaan mo rin, lawakan mo ang pang unawa mo huwag mo nang gawin ang ginawa mo dati. At dahil sa ginawa mo na yon? Ang huling katagang iniwan niyong dalawa ay ang nagkulong saakin." nangunot muli ang Noo ko.

"Si Isabelle at Leandro po?" tanong ko.

"Ikaw at siya, tandaan mo IKAW si isabelle pero wag mong kalimutan na ikaw si Nevaeh nang makabagong mundo. Sa oras na makalimutan mo yon tuluyan nang magkakapalit ang landas at masisira ang nakatakda." napanguso ako.

"Wala po talaga akong maunawaan sa kahit anong sabihin niyo." sambit ko.

"Hanapin mo ang Tala arawan mo, Sa kwarto mo." sambit niya.

"At doon mababasa mo ang Buong buhay mo noon bilang isabelle."

"Lola ako ba talaga si Isabelle? Papaanong nangyari na Ako si Nevaeh?" tanong ko.

"Hindi ako naniniwala sa Reinkarnasyon, pero sadyang makapangyarihan ang puso upang totohanin na maipagatuloy ang naudlot niyong pagmamahalan." sambit niya.

"Isa po akong Reincarnation?"

"Hindi lang, Kung kaya't wag ka nang magtanong dahil limitado ang oras kong makadalaw sayo upang ipaunawa na mag-iingat ka sa galaw mo dahil wala ka pang alam lahat ay nalimot niyo." sambit niya tapos umalis na siya hindi na ako humabol baka pagdudahan nilang nahihibang na ako.

"Hindi ko inaasahan na makikita ko agad ang Binibining matagal ko nang nais makita." nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses.

Hindi kaya dahil sa pagiging makata namin ni Cloud ay nangyari ito? Baka nababaliw na ako? Hindi ba naman diba? Masyado akong maganda para mabaliw.

"C-lou— Leandro?" patanong kong sambit at nilingon siya.

"Namukaan mo ako, Ang tagal na rin kasi nang huli nating pagkikita." tinitigan ko siya, papaano ka naging ganto kagwapo? May lahi ka ba? Bakit ang Puti mo anong lahi ni Leandro at Isabelle?

"Gaano na ba katagal?" tanong ko.

"8-9 Years." nanlaki ang mata ko.

"Napakatagal naman." sambit ko sakanya, Ngumiti siya.

"Hindi ka na ba galit? Sa huling liham ko ay hindi mo ako tinugunan at nalaman ko sa iyong ina ang pagdadalamhati mo dahil iniwan kita." kung 8-9 years ang bata pa namin don ang landi naman nitong si leandro kabaliktaran ni Cloud.

"Oy hindi ah!" tanggi ko. Ngumiti siya.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" tanong niya.

"Ah Oo nga pala, maligayang kaarawan sainyo Ginoong Leandro. Ikinagagalak kong makita ka muli from the bottom of my heart letche." bulong ko sa kinaduluhang parte ngunit ngumiti siya para mapatitig ako nakakainis natutunaw ako.

"Maraming salamat, Binibining Isabelle." hindi maalis ang mga tingin ko sa labi niya kailan lang hinalikan ako nang mga labing iyan ah.

"Tara, Kumain tayo nang sabay." aya niya saakin at sinenyas ang dadaanan kaya sumunod ako.

"Apo, sandali lamang." nilingon ko si Lola.

"Lola, Bakit po?" tanong ko.

"Mamayang Ala sais nang gabi ay may pagpupulong na magaganap. Sana ay hindi ka mawala." ngumiti ako.

"Masusunod lola." ngumiti ito.

"Maligayang kaarawan sayo, ginoong leandro. Lumaki ka talagang napakakisig at magandang lalake." sambit ni lola dahilan para ngumiti si Cl—leandro at Inalok ang kamay nang iabot ni lola ay hinalikan yon ni Leandro tapos nagpasalamat.

"Maraming salamat Senyorita Luciana." kung ganun ang pangalan nang ama ko ay kinuha sa lola ko i mean ni isabelle.

Umalis na si lola at doon ay napatingin saakin si Leandro nang may ngiti sa labi. "Napakaganda mo talaga." natawa ako.

"Hindi naman." sambit ko.

"Mabuti naman at pala ngiti ka na muli, hindi lang pala tawa na rin." natigilan ako at tumikhim tapos naupo kami sa isang mesa.

"Wala namang mangyayari kung hahayaan kong maging malungkot ang aking sarili." sagot ko.

"Ngunit bakit ngayon? Parang nagsisisi ka na at ayaw nang bumalik sa kung saan ka paroroon?" nangunot ang noo ko at tinignan siya, ano ang ibig niyang sabihin? Alam niya rin ba na hindi ako si Isabelle.



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top