Chapter 10

Iris Nevaeh's POV.


Bigla ay parang tumalon ako sa ibang mundo dahilan para mapabangon ako at napatingin sa Buong paligid. Puting kisame, amoy chemical pagkatingin ko sa kapapasok ay isang Nurse.

"Nasaan ako?" tanong ko sakanya.

"Ay ma'am nasa Ospital po kayo, kamusta na po ang pakiramdam niyo? Bumili lang ho sandali ang Nobyo niyo." sambit niya.

"Nobyo ko po?" tanong ko.

"Yung matangkad at maputi na lalake." napatango nalang ako at napasandal sa kama, mabuti nalang panaginip lang yon nakahinga ako nang maluwag dahil takot na takot ako sa panaginip na iyon parang makatotohanan.

Bumukas ang pinto at si Mommy yon agad siyang lumapit saakin at yumakap. "Mom, I have a dream." aniya ko sakanya, hinaplos ni mommy ang mukha ko at hinalikan ako sa Noo.

"Akala ko napano ka na anak, Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni mom.

"Okay naman na mommy." sagot ko.

"Buti nalang at bumalik si Cloud kaya naitakbo ka namin kaagad dito, naiwan niya kasi ang cellphone niya." sambit ni Mommy.

"Anong oras na po?" tanong ko.

"9:30 P.M anak." nanlaki ang mata ko, papaano nangyari na ganun ako katagal nakatulog? Sa sobrang takot ay parang ayoko nang matulog.

"Ano bang nangyari anak?" tanong ni mommy.

"Bigla pong sumakit ang ulo ko tapos nakaramdam po ako nang hilo mommy, tapos nanaginip po ako nang hindi naman masama pero parang totoo." kwento ko sakanya bumuntong hininga si Mommy.

"At ano ang meron sa panaginip na yon?"

"Mommy tinatawag nila akong isabelle, tapos para po akong nasa kalumaang mundo yung bahay po ay kahoy pero parang palasyo." napaisip naman si mommy.

"Kakaibang panaginip." napanguso ako.

Ngunit biglang may Kumatok at iniluwal non si Cloud na may dala dalang paper bag. "Hi, How are you?" tanong ni Cloud nang may ngiti sa Labi at ibinaba ang dala sa Mesa at lumapit saakin.

"O-okay lang." at siya naman ay si Leandro sa panaginip ko? Bakit siya nakasama sa Panaginip ko?

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya saakin.

"Okay naman na." bumuntong hininga siya.

"Ang tagal kitang hinintay." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hinintay saan?"

"syempre na magising, May dala dala pala ako. Gustong sumama eh." nangunot ang noo ko nang kunin niya ang bag tapos buksan yon sa harap ko dahilan para manlaki ang mata ko nang makita si Boogie na agad na umingaw at Lumingkis saakin.

Hinaplos ko naman siya at Itinabi saakin. "Salamat." sambit ko.

"Kumain ka na muna, Bumili rin ako." aniya niya at inilabas ang laman sa Paper bag.

"Tita sabayan niyo na ho kami." aya niya pa.

"May kilala ka bang Leandro?" bigla ko yung nasabi kay Cloud dahilan para matigilan siya at magbago ang Facial Expressions niya.

"W-wala." sambit niya.

"Sige." sagot ko nalang.

Dumating ang oras na magpapahinga nanaman ako, umuwi na si Cloud dahil mukhang ramdam niya siguro na Wala akong gana o pagod pa rin ako bagay na tunay, kanina ko pa Iniisip ang napanaginipang bumabagabag saakin.

"Matulog ka na anak." napatingin ako may Mommy.

"Si daddy po?" tanong ko.

"Nasa bahay anak, pagod siya eh." sa sagot ni mommy ay nahiga ako at nagtalukbong nang kumot, naramdaman ko naman ang sakit sa Dibdib.

Pagkapikit ko ay bigla nalang akong nagising ngunit umaga na at tumatama sa mukha ko ang sinag nang araw kung kayat bumangon ako pero bigoang kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"N-nandito nanaman ako?" sambit ko.

"Binibini gising na ho pala kayo." napatingin ako sa babaeng kasing taon ko rin sa pagkakaalala ko siya si Lorita.

"Lorita." sambit ko.

"Ano ho iyon binibini?" tanong niya.

"Nasaang lugar tayo?" tanong ko.

"Ha? Hindi niyo po alam?" tanong niya parang gulat na gulat.

"Maligo nalang ho kayo dahil nasa ibaba po si Ginoong Leandro." napalunok ako at saka Sinunod siya. Nang matapos ay naupo ako sa harap nang salamin.

"Buti po ay sinisipot niyo na siya?" natigilan ako, at doon nagsimulang maantig ang interes ko sa nangyayari ngayon.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil po dati ay ilang oras na siyang nag-aantay ngunit hindi niyo siya sinisipot. Nagtataka lamang po ako Binibini mukhang nahuhulog na ang loob niyo kay Ginoong leandro." hindi man ako si Isabelle ngunit ramdam ko na si cloud ang lalakeng si Leandro kung kaya't napangiti ako.

"Bakit naman hindi?" sagot ko.

"Nakakatuwa naman po, bagay na bagay ho kasi kayo ni Ginoong leandro." sambit ni Lorita.

"Talaga ba?" nakangiti itong tumango tango kung ganung makikilala ko si Cloud sa pamamaraan ni leandro aalamin ko kung ano ang pakay ko bat ko siya napapanaginipan.

Nang maayusan ay Bumaba na ako at nakita ko agad doon ang lalake na medyo kasing age ni daddy at ang lalakeng gusto ko ngunit siya si leandro dito.

"Anak, Lumapit ka kay leandro." utos saakin nang lalake kung ganun siya ang tatay ko?

"Masusunod ho ama." sambit ko, ngunit halos sumaya ang puso ko nang yakapin ako nito at doon ay napapikit ako bakit pakiramdam ko siya talaga ang ama ko? Mas ama pa siya kay daddy.

"Hiling ko ang kasiyahan mo anak." napangiti ako at doon ay bumitaw na siya para umalis lumapit naman ako kay Leandro daw na kamukhang kamukha ni Cloud.

"Magandang umaga sayo, Binibini." napangiti ako.

"Ikaw si Leandro? At hindi si cloud?" natatawa itong tumango tango sa tinuran ko dahilan para mapangiti.

"Kung ganun magiging ako muna si Isabelle." ngumiti siya.

"Bigla ka nalamang nawalan nang malay kahapon binibini, Kinabahan tuloy ako sapagkat natatakot akong baka napano ka na." aniya niya pa saakin.

"Ganun ba, Ang funny nga eh." nangunot ang noo niya.

"I mean nakakatawa." mas lalong nangunot ang noo niya.

"Ang sabi ko nakakatawa." ulit ko.

"Hindi ko alam na nag-iingles ka pala Binibining Isabelle, nauunawaan ko naman ang tinuturan mo." Ngumiti nalang ako.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa kung saan tayo unang nagkita." aniya niya pa saakin kaya nangunot ang noo ko.

"Tara." aya ko at sinabayan siya dahil hindi ko talaga alam kung saan ba.

Naglakad kami papalabas nang lugar na ito at doon ako lalong namangha sa dami nang bulaklak na nandirito kung pag-aari ko ito malamang ay mayaman talaga kami.

Napangiti ako nang makita ang isang Well, oo wishing well mismo na pinalibutan nang bulaklak. "Bata palang tayo Iniibig na kita, at dito tayo mismo unang nagkakilala at dito ko rin tayo gustong ikasal mahal ko." napamaang ako at namula nang todo.

"Hindi ba't sa simbahan dapat?" tila nalungkot ang mukha niya.

"Ganun na nga ngunit pinahintulutan naman ako nang iyong ama na dito nalang ganapin ang pasayawan." namula ako kung ganun sa panaginip ko ay Ikakasal kami ni cloud?

"Ikakasal tayo? Kailan?" tinignan ako ni Clo—leandro at saka siya ngumiti nang sobrang ganda at saka hinaplos ang mukha ko.

"Sa susunod na taon pa, pagkatapos kong mag-aral sa Kursong medisina." napalunok ako, shit! Shit! Shitttt! Dahil sakanya ay gusto kong manatili sa panaginip na ito at dito nalang mamalagi pero ayaw kong iwan si Mommy at daddy kahit papaano tatay ko pa rin siya.

"Binibining Isabelle, Ikaw lang ang tinitibok nang puso ko simula pa nang una. Sana ay ganun ka rin dahil nais ko nang mapasaakin ka nang Lubusan." napaka-maamo niya.

Sobrang gentle nang pagkakasabi niya at nararamdaman ko ang sinseridad niya, Kung ako si Isabelle na nandito ngayon pero ako talaga si Nevaeh anong ibig sabihin nito?

May litrato ako sa bahay na ako mismo ano nga ba talagang nangyayari? Bakit parang litong lito na ako ngayon?

"H-hindi mo ba nagustuhan ang sinabi ko? Patawad Binibini naging mapuso—"

"It's okay." sambit ko at doon ay tumigil siya at tinitigan ako.

"Matagal na kitang kilala pero napapadalas na ang Ingles mo." ngumiti ako.

"Patawad rin, Sapagkat kakabasa nang mga libro ay naging gamay ako sa Ingles." sambit ko.

"Hindi ko alam ngunit nitong nakaraan ay lumayo ang loob mo saakin, iniiwasan mo ako nang napakatagal sa hindi ko malaman na dahilan. Ngunit sabi nang iyong ina ay Nakaramdam ka lamang nang paninibugho sa aking kaibigan na si Crisseta." napairap ako.

"Sinong crisseta naman yan?" inis na tanong ko.

"Si Crisseta ang kaibigan mo rin noon." napacrossed arms ako at saka Umirap saka padabog na naupo sa Bench na Bakal sa harap nang wishing well.

"Kung ganun tama nga ang iyong ina, Pinagseselosan mo siya mahal ko. Hayaan mo Iiwasan ko na siya para sayo." nanlaki ang mata ko.

"Talaga?"

"Oo naman, Kung sana ay sinabi mo saakin nang maaga." ngumiti ako at muling tumayo tapos niyakap siya at doon mabilis na tumibok ang puso ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik. "Alam mo bang sa oras na makita tayo nang iyong ama na ganto ang ginagawa ay baka isumpa niya ako." natawa ako at Humiwalay.

"Grabe naman kayo maging conservative, Sa makabagong panahon ay hindi naman." nangunot ang noo niya.

"Ano ang pinahihiwatig mo mahal ko?" tanong niya.

"Wala, Kako ang gwapo mo." sambit ko nalang dahilan para mamula ang dalawa niyang tenga at ngumiti saakin, nakakatunaw ang ngiti niya.

Naupo naman kaming dalawa at saka bumuntong hininga ako. Sa panaginip nalang ba ako magiging ganto kasaya? At sa panaginip ko nalang rin ba siya makakapiling?

"Binibining Isabelle, ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Leandro kaya naman ngumiti ako at kahit nahihiya isinandal ko ang ulo sakanyang balikat.

"Natutuwa akong makasama kang muli, pero sana sa susunod na makaramdam ka nang paninibugho sa kung sino man ay agaran mong sabihin saakin." aniya niya, hindi ko maiwasang mapangiti.

"Ahem!" agad akong napaayos nang upo nang may tumikhim.

"Ama." sambit ni Leandro kaya nangunot ang noo ko, wow ibig sabihin nito ama at ina na din ang tawag niya sa parents ko? Sarap sa earsss.

"Hindi ka ba nag-paalam sa magulang mo, leandro?" tanong ni Ama ko daw.

"Hindi ho ako nakapag-paalam ama, wala naman ho silang pakialam saakin." nangunot ang noo ko at tinignan si Leandro, bakit parang hindi siya maayos sa pamilya niya?

"Hijo, Alam mo ang mga magulang talaga kung minsan ay ganyan baka nagtatampo sila dahil parati kang nandito. Ayos lang naman saakin pero sakanila? Ayos ba?" tanong ni Ama.

"Ama, tunay hong wala silang pakialam saakin. Kung nasa bahay man ako ay ramdam kong hindi sila natutuwa sa ginagawa ko." sambit ni leandro kaya naman parang nakaramdam ako nang awa sakanya.

"Kung kaya't mas nais kong narito nalamang dahil mas magulang pa ho kayo saakin. Panay ang pinsan ko lang naman ang tinatrato nila nang tama." sambit ni Leandro at doon ay natauhan ako.

Sa makabagong mundo ay parang ako siya at ang marangyang buhay siguro na meron si isabelle ay kabaliktad ngayon sa bagong panahon ay buhay ni Cloud.

"Pero cloud—"

"Cloud? Sino naman ang taong iyon anak? Kung sabagay mahilig tumingin sa mga alapaap si leandro mahilig sa kalangitan." napamaang ako.

"Wala ama." sagot ko.

"Leandro ang buhay na natatamo mo ngayon ay natatamo rin nang halos kalahatan at nauunawaan ko ang nararamdaman mo." sambit ko.

"Kung ako rin ang nasa Kinatatayuan mo masasabi kong mas nanaisin ko nalang pumunta rito kung saan mas dama ko na mahalaga ako." sambit ko sakanya.

Ngumiti si leandro at ganun rin si ama. "Tila nag-bago na nga ang pananaw mo anak ko, nakakatuwang makita na ganyan ka Isabelle." ngumiti ako.

"Salamat ama." sana ganyan rin ang tingin saakin nang ama ko.

"Pumasok nalang kayo sa Loob kung kailan niyo maisipan, nakahanda naman na ang Umagahan. Isabelle, mamaya kakausapin ka nang iyong ina." sambit ni ama.

"Sige ama." sambit ko.



"NEVAEH!"

Agad akong napabangon dahilan para manlaki ang mata nang makita si Cloud na nasa harapan ko at sobrang lapit niya.

"Huwag na huwag mong hahayaan ang sarili mong mainvolve sa Kahit anong problema." sobrang bilis nang tibok nang puso ko as in kung kaya't pagkabangon ay inabot ko ang tubig.

"Anong alam mo cloud?." tanong ko nangunot ang noo niya.

"Hindi namin mawari kung bakit ayaw mo gumising kahit anong gising sayo nevaeh." napansin ko ang panginginig nang kamay.

"Lumayo ka saakin." sambit ko, nagsimula to nang pagtagpuin nila ang landas namin ni cloud at dapat ko itong pigilan.

"Huh? May problema ba?" gulat na tanong niya.

"Lumayo ka saakin sabi eh!" sigaw ko, napaatras siya kung kaya't bigla akong natauhan.

Hindi ko na alam kung saan ang totoo at panaginip. "Mom! Mom! Take this off." nagulat si mommy at hindi alam ang gagawin.

"Pero ana—"

Akmang aalisin ko na nang pahablot nang hawakan ako ni Cloud sa mukha gamit ang dalawang palad at doon ay nakaramdam ako nang pagkalma saka ako Pumikit at naramdaman ko ang pagbagsak nang luha sa mga mata.

"Kumalma ka Nevaeh, nandito kami kung ano man ang mali maayos yun okay?" bigla ay natauhan ako bakit? Bakit nagkaganto bigla?

"Cloud.." sambit ko sakanya.

"Tumahan ka na." pinunasan niya ang luha ko sa mata kung kaya't pumikit ako para pakalmahin ang puso ko.

Pagkamulat ay halos manlaki mata ko, kakaibang pakiramdam na ang nararamdaman ko. Why do he care like this? Do i stood a chance to him?



√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top