Chapter 1

Iris Nevaeh's POV.

Ito na, kasisimula palang nang araw ko panay plastic na ang sumalubong saakin, They consider me as they friend because of Fame pero ako? I consider them as a Trash, famewhore lalapit saakin para sumikat, gagamitin ako para sumikat.

"Nevaeh Gusto mo bang sumama saamin mamayang gabi? Girl's Night out sa bar." napairap ako sa sinabi ni Aly tumikhim ako bago siya lingunin ngunit pagkaharap ko ay magsasalita na sana ako nang pataray nang dumaan siya! Si Cloud Ribbero.

(*Nevaeh pronounce as NA-VAY-UH*)

"Fine." sagot ko at saka nang malampasan kami ni cloud ay nilingon ko siya pero ayon siya nakaearphones habang may dalang libro at saka naglalakad na para bang walang ibang nakikita kundi daan.

"I'll go now." paalam ko sakanila at saka naglakad pasunod kay Cloud Stalker niya ako pero kahit na ganun hindi niya pa rin ako napapansin para bang he don't give a damn in this world.

"Iris! Can you come to my party tomorrow?" napamaang ako nang humarang ang lalakeng ito na hindi ko naman kilala mabilis tuloy na nawala si Cloud sa mata ko.

"Nope, i can't." sagot ko at naglakad nalang papunta sa room ko, dahil magsisimula na rin maya maya ang klase namin ang gwapo gwapo niya talaga sobra ang pula nang labi niya tinalo pa yung labi ko parang ang lambot lambot kasi nang labi niya tapos bumagay pa sa Kutis niya.

Makakapal na kilay at saka magagandang mata at matangos na ilong sinong hindi maglakagusto sa ganun na nilalang na dinedeadma ang babaeng nagkakagusto sakanya para bang may sariling mundo at tahimik.

No wonder kung bakit wala siyang kasamang kaibigan sa tabi niya eh pinagtiyatiyagaan pa siya nang pinsan niyang isa noh. "Ms.Gandia, are you just gonna stare at me the whole class? Or you're going to answer me?"

"Sir, I'm sorry. Pinoproblema ko lang po kung papaano ko iguguhit ang bawat sulok nang eskwelahan na ito kung sobrang crowded parati." napaisip rin ang Professor ko ugh lies.

"Well that's really a problem, but tomorrow I have my Seminar so you'll join other classes so you can still study. Ngayon ang gagawin natin ilabas ang TMA at gawin yon." napangiwi ako ano nalang gagawin ko? Kung maaga palang natapos ko na ang TMA.

"Ms.Gandia, again anong ginagawa mo? Bakit habang mas tumatanda ka nagiging makulit ka." nginitian ko ang professor ko.

"Sir, Una sa lahat kabibigay palang po tinapos ko na. Kung magbabasa naman po ako nang libro Baka po makabisado ko na." nakanguso kong sabi.

"Ang galing talaga ni Iris noh!."

"Kabilib siya lang ata nakilala kong ganun kasipag."

"Ang ganda na matalino pa."

Namula naman ako sa sinabi nila. They flatter me so much bagay na dapat ay hindi ko ipunta sa Ulo baka lumaki eh. "Really Ms.Gandia, no doubt talaga kung ikaw nanaman ang top 1 this sem." napayuko ako at saka inilabas ang Cellphone.

"Restroom po muna ako, thank you." paalam ko sakanila at saka tumayo na.

Naglalakad ako sa Hallway papunta sa Banyo nang matunton ay pumasok ako don para tignan ang sarili sa salamin inayos ko naman ang sarili. Makabili nga muna nang tubig sa Canteen.

Naglakad na ako papalabas at dumeretso sa canteen pasipol sipol pa ako dahil sobrang tahimik dito ngunit may nakita akong pamilyar na lalake at andon siya naglalakad. Napatingin naman ako sa Sahig agad kong kinuha yon at tinignan.

"Notebook ni Cloud." sambit ko tapos Ihinabol ko sakanya yon.

"Mister!" pero hindi pa rin lumingon kaya nang makalapit ay kinalabit ko siya saka ako hingal na napahawak sa Tuhod ko dahil hiningal ako.

"Why?" tanong niya mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko dahilan para maghabol ako nang paghinga.

"N-notebook mo." sambit ko at saka Inabot yon.

"Oh really, Thank you." sambit niya kaya naman tumayo na ako nang maayos pero nahirapan lang ako Huminga.

Kinginang asthma to hindi pa makisama. "Miss, Are you okay?" tanong niya saakin nang tignan ko siya ay pakiramdam ko natupad ang kahilingan ko pero not at this state.

"I'm fine, You can go." sambit ko tapos Hinabol ang paghinga.

"Asthma attack." Rinig kong sabi niya kaya naman nangunot ang noo ko nang akayin niya ako at saka ako namula pero hindi ko na maisip ang bagay na iniisip ko kinginang asthma ito.

Agad naman akong inasikaso sa Clinic tapos nilagyan nila ako nag Oxygen. "Miss yung Inhaler mo daw?" umiling ako.

"What?? Wala kang Inhaler pero may asthma ka. Ang Reckless mo naman." inis na sabi ni Cloud at saka May dinukot sa Bulsa at doon ay natigilan ako nang inhaler yon may asthma rin siya?

Ininhale ko yon at ilang minuto lang ay naramdaman kong okay na ako. "Miss next time Wag na wag mong ihihiwalay ang Inhaler sayo." namula ako kingina dream come true si Cloud Ribbero to oh!

"Ngayon lang po kasi Umatake, dahil tumakbo ako." sagot ko.

"J-just don't run then, sayo na yan. Thank you for the note book." sambit niya at saka Naglakad na at tinalikuran ako napangiwi naman ako.

Hindi niya lang ako tinignan, kinausap at nahawakan ko pa siya Ang gandang swerte naman ngayong araw dahil good mood ako at wala namang ginagawa sa klase nagpahinga muna ako sa Clinic.

Nang makapagpahinga ay Tumayo na ako at saka lumabas nang Clinic pupunta na ako sa Canteen Nakakatakbo naman ako nang hindi inaasthma ano kayang arte nang lungs ko? Oh baka sumabay ang puso nakita si Kwass HAHAHA.

>> KINAUMAGAHAN <<

Nandito kami sa Classroom inaantay yung Professor na sinasabi nang prof namin sa lahat daw kasi nang subjects niya doon muna kami sa Klase na yon tutuloy dahil parehas kami nang pinag-aaralan.

"Good Morning, I'm sorry I'm late hinandle ko pa kasi at pinagsabihan ang mga estudyante ko." sambit nang professor na kapapasok lang.

"Are you ready? Lilipat na tayo ngayon." sambit nito.

"Yes sir!" sagot nang lahat bukod saakin tumayo na ako dala dala ang Libro ko at ang Bag tapos ako ang pinaglead nang prof na hahawak saamin ngayon.

"Saan po ba tayo sir?" tanong ko.

"Well dahil marami na tayo Lilipat tayo sa room na mas malaki at mas sapat ang chairs." sagot nang prof na ito.

"Sundan mo nalamang ako, dahil surpresa yon." napamaang ako at sumunod nalang nang makita ay napangiti ako ang daming aircon dito eh.

Nang buksan nang Prof namin ay bigla nanaman siyang nagsalita dahil ngayon lang ako nakapunta rito sobrang lamig agad. "Ang mga estudyante ko ay papunta palang kaya naman humanap na kayo nang seats niyo." napangiti ako at pumunta sa Wala gaano.

Nang makaupo ay sumandal ako kaagad Table kasi dito na Mahahaba tapos Mono Block ang upuan para siyang Lab style.

"Pwede ba kitang tabihan?" tinignan ko ang lalake at saka ako Umiling.

"I want to be alone, Go somewhere else." tamad na sagot ko tapos Inilabas na ang Ballpen ko at saka Sumandal sa kinauupuan maya maya ay dumating na ang mga—

Nananaginip ako..

Hindi ako naniniwalang totoo ito, napayuko ako at saka kinurot ang sarili ko matagal at marami rami rin para magising na ako sa  panaginip na ito. Pagtingin ko ay halos manlaki lalo ang mata ko nang asa harap ko na siya at naupo sa Tabi ko.

Si Cloud nga, pero mukhang nakalimutan niya na ako kaagad kaya naman parang medyo nabawasan ang Hiya ko. "So Let's start! Class they are Graduating already at kung nagtataka kayo bakit same topic wala tayong magagawa yon ang nasa Libro niyo." tumikhim ang Professor at pinilit ko ring magfocus sakanya.

"Starting today, Magiging parehas na ang Room niyo hanggang next week kung magtatagal pa si Mr.Flores sa Seminar niya asahan niyong magiging Classmate kayo for the mean time." kunyare ay nalungkot ako pero ang totoo? It's a dream come true ang makasama siya parati ay ikasasaya nang puso kong patay na patay sakanya.

"Sir, Start na tayo." sambit nang isnag estudyante kaya naman tumikhim na si Sir.

"Dala niyo ba ang Ipad niyo?" nagsagutan ang lahat na Oo, inilabas ko na yung saakin at Ipinatong sa table pero nagkasagi ang Siko namin ni Cloud shit Ilang boltahe yon?

"Yung gamit niyo para sa Drawing? Kumuha kayo nang Plates." napalunok ako naubusan na ako nang Plates papaano na ito nakakahiya.

Naglabas naman ang katabi ko, wow Kumpleto nakalimutan kong Top natcher rin siya, pero graduating na siya kaya hindi ako makikipagkumpetensya sakanya.

"Mr.Ribbero, and Ms.Gandia Nagtabi ang both Top 1." namula ako tapos napayuko nalang.

"Ms.Gandia anong masisimulan mo kung hindi ka naglalabas nang Plates?" napapikit ako at saka pilit na ngumiti sa Prof na may hawak saamin ngayon.

"Naubusan po kasi ako kahapon lang." sagot ko.

"Oh, You should buy now Ms.Gandia." tatayo na sana ako nang biglang may naglapag nang limang plates sa Tapat ko.

"No need sir, I can still provide. Baka Atakihin pa nang asthma 'to." namula ako at saka napatingin sa iba jusko naman walang nakakaalam na asthmatic ako Cloud— naalala niya ako?!

"Thank you." sambit ko at saka naupo na ulit.

"That's a good action of you Mr.Ribbero." pumalakpak pa si sir naging tahimik ang lahat pati na ako.

Sinimulan ko na ang plate ngunit nagkakatama kami nang siko dahil left handed siya at nasa Right side ko siya. Nag-adjust naman ako at saka ko sinimulang gawin ang dapat panay linya at saka ko pinantay ang tatlong kahon.

"You're doing it wrong." nagulat ako kaya naman tinignan ko si Cloud na nakatingin sa Gawa ko.

"Kung sisimulan mo sa Right mahihirapan kang simulan ang left nang hindi mo maipapantay." napalunok ako at pinigilang mapatili sa ginagawa niyang pagtuturo.

"Sige po." sagot ko tapos ginawa ang sinabi niya kaya pala ako parating nahihirapan.

"Magandang magtabi kayong dalawa, Tiyak kong walang kopyahan ang magaganap." natatawang sabi nang prof namin.

"Sir papaano naman kaming mga Top 2 hanggang top 10 kung sila lang pinupuri niyo." reklamo nang isang Nerd.

"Magagaling rin naman kayo, lalo na kung matatalo niyo ang top 1 niyo." natatawamg dagdag nang Prof namin nagfocus na ako sa Ginagawa.

"Osya Ipasa niyo pagkatapos." naupo muna ang prof namin mamaya tatayo yan at iikot nanaman nang matapos ko ang first plate ay tinignan ko ang pangalawa.

"Ask me if you need don't know a thing, Graduating naman na ako kaya baka matulungan kita." sarap naman sa ears non baby cloud napangiti ako.

"Thank you po." sagot ko.

"Papalitan ko nalang po yung Plates na Binigay niyo." hindi na siya tumugon kaya tuloy mas ginanahan akong gawin ang plates na ito.

Lumipas ang oras at pagkatayo ko kasabay na tumayo si Cloud. "Are you done? Ako nalang magpapasa." kinuha niya yon at saka Naglakad na papalapit sa Prof ko.

"OWEMJI ANG BAIT NI CLOUD SAKANYA."

"ANO KA BA GODDESS NATIN YAN."

"SA ANGHEL NIYANG MUKHA SA TINGIN MO HINDI SIYA MAGUGUSTUHAN?" nang tignan ko ang nag-uusap usap ay tumigil sila at nagbulungan nalang.

"Sa mga tapos na pepwede na kayong umalis para magrecess, at bumalik pagkatapos." aniya nang Professor kaya tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko saka ako naglakad.




√√√

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top