VIGINTI TRES
Sandaling nag-loading sa utak ko ang sinabi ng lalaki. Hindi ko alam kung anong katol ang nasinghot niya, pero hindi ko mapigilang mapahagalpak nang tawa. Nabitiwan ko pa ang hawak kong pusa. Lady Medusa glared and hissed at me.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Pakiramdam ko malalagutan na ako ng hininga dahil sa sinabi ng lalaking 'to. I even had to hold onto the wall for support because I couldn't stop myself from laughing.
"HAHAHAHA! S-Sorry, bro. Hindi ko kasi maisip kung paano ka naging ex-boyfriend ng boss kong ubod ng pagkamaldita. Anong gayuma ang ginamit niya sa'yo para magamit ko rin sana para sa crush ko? Mukhang mabisa eh."
But the strange guy just stared at me seriously. Kumunot naman ang noo ko. 'Hindi ba siya nagbibiro?' Mabilis kong binalingan ang kahel na pusa. Nakasimangot pa rin si Medusa sa'kin na para nang nainsulto siya sa sinabi ko. She gave me a look that said: 'He's telling the truth, you stupid mortal!'
Oh, shit! Mukhang totoo nga.
Mabilis akong umayos ng tayo. I cleared my throat and attempted to look cool.
"A-Ah, i-ibig sabihin ex ka nga ni Lady Medusa?"
The guy nodded. Err.. Okay? Wala pa rin akong tiwala sa kanya, at wala itong kinalaman sa mukhang lamang lang siya ng ilang muscles kaysa sa'kin. Hanggang ngayon, napapansin ko ang kakaibang kulay ng aura niya. It's like a soft light was eminating from his skin, making him look all holy and god-like. And maybe he is. Sumeryoso ang mga mata ko sa lalaki.
"Isa ka rin bang diyos?"
He smiled. "Yup. And don't worry, I'm not an enemy. Nagpunta lang ako dito sa mundo niyong mga mortal para kamustahin ang kalagayan ng dati kong kasintahan." Ilang sandali pa, inilahad niya ang kamay niya sa'kin, "My name is Adonis."
Nag-alangan talaga akong makipagkamay sa kanya.
Kung tama ang pagkakaalala ko, si Adonis ang tinaguriang "god of beauty and desire". Anak siya ng hari ng Syria na si Haring Theias, at ng anak nitong si Myrrha. Ang sabi sa nabasa ko sa libro, nain-love raw si Myrrha sa kanyang sariling ama kaya nilinlang niya ito upang makipagsiping sa kanya. Nang napag-alaman ni Haring Theias ang ginawa ng anak, pinahanap niya ito para patayin. Nagmakaawa si Myrrha sa mga diyos na ibahin ang kanyang anyo para hindi siya mapatay ng ama. The gods heard her plea, and then she was transformed into a myrrh tree---at habang isang puno si Myrrha, ipinanganak niya si Adonis (na bunga ng pakikipag-sex niya sa sariling ama).
So yeah, King Theias is Adonis' father and grandfather. Crazy, right?
Magulo ang Greek mythology at mukhang mas gugulo pa ngayon sa kwento ko. As you can see, I am now living in a different (crazier) version of those myths. Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan ko sa dami ng mga diyos at diyosang sumusulpot sa buhay ko magmula nang pumayag akong maging PA ni Medusa. Sumasakit na nga ang ulo ko eh.
Nang ma-realize siguro ni Adonis na wala akong planong makipagkamay sa kanya, agad rin niyang ibinaba ito at napasimangot sa'kin.
'Good job, Rein! Mas masteral degree ka na sa pambibwisit ng mga diyos.'
Naramdaman ko namang bumalik sa tabi ko si Lady Medusa. Her tail brushed against my leg, as if she wanted to tell me something. Ngayong alam na ni Adonis na ang pusang ito si Medusa, mas delikado na ang sitwasyon namin.
"Paano ko malalamang nagsasabi ka ng totoo? As you can see, I don't really trust gods and goddesses anymore. Muntikan na nga akong mapatay ng mga tauhan ni Ares eh." I gestured to the sling on my injured arm. Hangga't hindi malinaw ng motibo ni Adonis, hindi ako magtitiwala sa kanya.
My loyalty lies with Lady Medusa.
Napabuntong-hininga naman si Adonis. "Nabalitaan ko sa Olympus na gustong tugisin nina Zeus si Medusa. Almost two-thirds of the gods and goddesses wants to either kill her or lock her up in Hades' dungeon. Believe it or not, I'm here to help. Naniniwala akong inosente si Medusa. She would never attempt to murder Athena or any of the goddesses, right, baby?"
Sabay baling niya sa pusa. On the other hand, Medusa, the fat orange cat, still looked uninterested with Adonis.
Siya siguro ang nakipag-break noon.
"Meow."
At dahil mukhang wala namang patutunguhan ang reunion ng dating magkasintahan (unless Adonis can speak cat language or "Meowage"), agad kong binuhat si Medusa at ipinatong siya sa ibabaw ng ulo ko. The cat snuggled herself ontop of my hair and hissed at Adonis.
Ngumisi ako sa diyos, "I have to apologize, but it looks like my boss doesn't want to talk to you, dude."
Tumalim ang mga mata ni Adonis sa'kin. Mukhang anumang oras mula ngayon, kakailanganin ko na ng kabaong.
"Sino ka ba sa inaakala mo para ilayo siya sa'kin, mortal?!"
Nagkibit ako ng balikat.
"Rein Aristello, Lady Medusa's handsome personal assistant."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top