VIGINTI QUINQUE

"Meow!"

I cursed under my breath when Medusa brushed her bushy tail over my nose. Napabahing pa ako dahil sa kanya. 'Kahit kailan talaga, parusa itong amo ko!' Beside me, Caprissa managed a forced smile. Hanggang ngayon ay pinupunasan pa rin niya ang mga luha sa mata niya.

"Napuwing" lang daw siya, pero alam kong hindi 'yon totoo.

Mukhang nasasaktan pa rin siya sa ideyang iiwan kami ni Medusa. Sabagay, sino ba naman ang hindi masasaktan kung gagawin kang "disposable"? Kapag napakinabangan ka na, basta-basta ka na lang isasantabi at papalitan ng bago. I haven't even been her personal assistant for a week, but it still bothers me.

"Rein!"

Akala ko guni-guni ko lang na may tumawag sa'kin, kasi unang-una sa lahat: hindi naman ako artista. Pero nang lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, bumungad sa'kin ang nakangiting si Eros. 'Bakit ba masama ang kutob ko rito?'

I stopped walking.

"Hey! Musta?"

At dahil sa bigat ng matabang pusang nakapatong sa ulo ko, inabot ko muna si Medusa kay Caprissa. I turned to the Greek god of love and desire and noticed the hesitant look on his face.

"I have a favor to make."

Ano namang "favor" ang kakailanganin ng isang diyos sa isang hamak na mortal na kagaya ko? Wait, maybe's going on a vacation and he wants me to take over his job as Cupid? Lumawak ang pagkakangiti ko. Paniguradong hahangaan ako ni Pamela---err, not that I want Pamela to admire me! No, not at all! Psh. Nagmu-move on na nga ako, 'di ba?

'Sinong niloloko mo, Rein?' pang-aasar sa'kin ng malaking bahagi ng utak ko na puro si Pamela ang iniisip.

Damn.

Pero nang sabihin ni Eros ang hinihingi niyang pabor, lalo lang akong naguluhan...

"Pwede mo bang kargahin si Pamela at iuwi na muna sa apartment mo?"

Literal na yatang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sa ilang taon ko nang pagiging tao, kahit kailan hindi ko naisip na posible palang pagsamahin ang mga salitang "kargahin", "Pamela", at "iuwi" sa iisang sentence. Tama ba ako ng dinig? O baka naman epekto ito ng injury ko?

"A-Ano? Bakit naman?"

The look on Eros' face told me that his request was serious. Napabuntong-hininga siya at lumingon isang direksyon. Nang sundan ko ang paningin niya, doon ko napansing inaalalayang pilit ni Keifer si Pamela. Kumunot ang noo ko nang makita kong parang hinang-hina ang dalaga. She was even clutching her chest as if someone was physically torturing her heart.

"A-Anong nangyari kay Pamela?"

Sumipol sa tabi ko si Caprissa. The twelve-year-old girl watched the scene like it was nothing to be worried about. Kalmado siyang sumagot, "Mukhang naparusahan siya ni Anteros, Kuya Rein. I've seen that god punish humans before. He uses his black arrows to inflict illness and sometimes death to people who can't reciprocate others' love. Nilalason ng pana niya ang puso nila.."

Pakiramdam ko namutla ako.

Damn it!

"PAMELA!"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na tumakbo papalapit kay Pamela. Kitang-kita ko kung paano siya halos matumba dahil hindi na niya kayang ibalanse ang sarili niya. Just in time, I caught her when she was about to fall (no double meanings). I stared at her pale face and noticed her shallow breaths. Para bang kinakapos na siya ng hininga.

"R-Rein?"

Shit!

Sa gilid ng mga mata ko, napapailing na lang si Eros habang nakatitig sa kanya.

"Nasa kritikal na kalagayan ang crush mo. Kung hindi ko malalaman kung paano aalisin ang epekto ng pana ni Anteros, I'm afraid we might be too late..."

Hindi ko na binigyan-atensyon ang masamang tingin sa'kin ni Keifer at ng iba pang mga estudyante. Mabilis ko siyang binuhat na parang bagong kasal kahit na halos mapasigaw ako sa sakit ng braso ko. The pain shot through me as I forced myself to use my injured arm.

Nag-aalalang lumapit sa'kin sina Caprissa.

"K-Kuya Rein.. yung braso mo---"

"Hindi ko siya pwedeng dalhin sa apartment. The other gods know my address, so it would be too risky. Sa warehouse ko muna siya dadalhin." Tiningnan ko ang pusang karga ng bata para hingin ang permiso nito.

Sharp brown eyes glared at me. But with Pamela almost unconscious in my arms, does she really have a choice? Hindi naman siguro siya ganoon kawalang-puso.

"Meow."

*

Tahimik akong nakasandal sa isang gilid habang naghihingalo na si Pamela sa kama ng boss ko. Kanina pa sinisilip ni Eros ang pulsuan ni Pamela. Makalipas ang ilang sandali, napabuntong-hininga ang diyos ng pag-ibig. His golden eyes darted to mine.

"She needs chocolate."

Nagpakurap-kurap ako sa sinabi ni Eros. Hindi ko alam kung may sininghot din ba ang isang 'to o nasobrahan sa pamamana ng mga puso. Baka naman ginu-goodtime na pala ako ni kupido?

"Um.. chocolate?"

"Yes. Mas maganda kung imported na tsokolate para mas mabilis gumaling ang crush mo. Milk chocolate para mas masaya."

"Bakit tsokolate?"

Napasimangot si Eros na halatang nakukulitan na sa'kin. "Iba-iba ang 'lunas' sa mga epekto ng pana ni Anteros. My twin is an asshole, and he's also my opposite. In Pamela's case, she needs to negate all the bitterness in her heart, at para magawa 'yon, kailangan niyang kumain ng tsokolate."

"Eh, bakit hindi asukal---?!"

"Bumili ka na, mortal."

I sighed in defeat. Pangontra pala sa mga "negativities" ni Anteros ang tsokolate. Akala ko talaga props lang ito tuwing Valentines day.

Weird.

Hindi na lang ako umimik pa at tumakbo na papalabas ng kwarto ni Medusa. Hindi ko na lang pinansin ang amo kong masama ang tingin sa'kin. Kanina pa siya nakabantay sa may pintuan, at minsan nag-aalala ako na baka atakihin si Pamela 'nong sawa sa ilalim ng kama ni Medusa. Err.. hindi naman siguro.

"Meow!"

"I'll be back, boss! Manghuli ka muna ng daga diyan. Don't miss me too much!"

Parang gusto na niya akong kalmutin.

Nadatnan ko pa sina Markus at Caprissa na abala sa paglalaro ng chess. Kumaway ako sa kanila at mabilis na nag-jogging sa pinakamalapit na grocery store. Buti na lang talaga at may pera pa ako sa bulsa. Fortunately, I'm not the type of guy to use a wallet. 'Di bale nang maubos ang pera ko, basta gumaling lang si Pamela.'

Pero hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na may nakamasid sa akin.

Maybe it's nothing, but then again.. it's like I can hear snakes hissing.

'Imagination mo lang 'yan, Rein. Ang importante, makabili ka na muna ng tsokolate ni Pamela.'

*

Hinihingal akong bumalik sa kwarto ni Medusa at inabot kay Eros ang plastic na naglalaman ng sandamakmak na mamahaling tsokolate (naubos talaga ang pera ko, langya). Tumatagaktak pa ang pawis ko dahil sa pagod. I struggled to catch my breath, "S-Sorry. Damn! Ang dami kasing bumibili eh."

Kinailangan ko pa tuloy mag-disguise kanina para makasingit ako sa "priority lane" ng grocery. No choice. Ang hirap palang magpanggap na babaeng buntis. Kumpleto costume pa ako kanina---make-up, duster, wig, at pakwan.

No, I don't want to talk about it.

Gusto ko nang kalimutan ang alaalang 'yon.

Nang maipakain na ni Eros ang tsokolate sa naghihingalong dalaga, bumalik ang tingin niya sa'kin at sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit may pakwan sa loob ng damit mo?"

Damn.

Ninenerbyos akong tumawa at pasimpleng tinanggal ang pakwan sa loob ng t-shirt ko. Nahihiya ko itong nilapag sa nightstand ni Medusa. Napakamot na lang ako sa ulo ko. "I-I bought it for Pamela! Baka kasi gusto niyang kumain ng pakwan mamaya pagkagising niya."

Marahan namang tumango si Eros kahit na alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

I stared at Pamela again. Habang nginunguya nito ang tsokolate, napapansin kong bumabalik ang kulay sa mga pisngi niya. Her pale skin returned to its natural color. She wasn't suffering from shortness of breath anymore. Napangiti na lang ako.

The chocolate was working.

'Atleast naging sulit ang pagod ko.'

"Well, looks like my work here is done." Tumayo si Eros mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at nag-inat. He twirled an arrow in between his fingers and smiled at me, "Hintayin mo na lang siyang magising. She's gonna be fine."

"Paano ba nangyari 'to? Bakit pinarusahan kanina si Pamela ng kakambal mo?" I haven't met Anteros yet, but since he did this to my Pamela, he instantly ranked #1 in my hate list.

Subukan niya lang lapitan ulit si Pamela at baka masampolan ko pa siya ng karate skills ko!

Huminga nang malalim si Eros. Para siyang nag-aalangang sabihin ang totoo. Kalaunan, nagsalita na rin siya.

"Pinana ko si Keifer kanina. He... He was scheduled to fall in love with Pamela. Pero dahil hindi siya gusto nito, Anteros came into the scene and shot her with his black arrow. Tulad ng sinabi ni Caprissa kanina, pinapasurahan ni Anteros ang mga mortal na hindi kayang suklian ang pagmamahal ng iba."

Matagal bago naiproseso ng utak ko ang sinabi ni Eros.

Just then, my eyes widened in realization. Namalayan ko na lang na inaalog-alog ko na pala sa mga balikat ang diyos ng pag-ibig habang natataranta.

"KEIFER WAS SCHEDULED TO FALL IN LOVE WITH MY PAMELA?! Are you crazy, Eros?! Hindi pwede 'yon! Maghahain ako ng petisyon! Kahit saang korte ng Olympus pa tayo magkaharap!"

Basta 'wag si Desmond ang abogado ko. Madaling suhulan ang gagong 'yon eh.

Pero sa isang kisapmata, biglang naglaho si Eros. He reappeared at the other side of the room with his hands up in defense. "H-Hey! Hindi ko naman kontrolado ang mga pangalan at schedule na lumalabas sa log book ko!"

The red-haired god sighed, "At saka kung papayagan kong magreklamo ang mga tao tuwing hindi aayon sa kanila ang takbo ng kanilang lovelife, malamang nagkagulo na ang mundo. Sometimes we just have to accept the fact that fate doesn't always lead us to the person we want to be with."

Napasimangot pa rin ako. Kung itali ko na lang kaya si Eros tapos ipabago ko sa kanya ang nakasulat sa log book niya? O kaya pilitin ko siyang ipawalang-bisa ang pinana niya kay Keifer?

"Don't even think about it, Rein. Naaalala mo pa ba ang huling beses na sinubukan mong makialam sa trabaho ko?" Eros smirked at me.

Kinilabutan na naman ako nang bumalik sa memorya ko ang karmang inabot ko dahil sa pagnanakaw ng pana ni kupido. Hanggang ngayon binabangungot pa rin ako dahil sa kalandian ni Desmond. Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine. Susubukan ko na lang mag-move on kay Pamela kahit na alam kong imposible talaga! Langya. Eros, wala ka bang manual diyan kung paano mag-move on sa babaeng minahal mo ng ilang taon? Walang bang tips diyan? Techniques? Love hacks? Cheats?"

He just shrugged. "You aren't listening, are you? Pamela rejected Keifer's love. Ibig sabihin, kahit na ligawan 'nong Keifer na 'yon ang Pamela mo, hindi niya ito magagawang mahalin. It seems like she likes someone else."

"Is that a good thing or a bad thing?"

"Depende." Ngumisi si Eros at sinilip ang orasan sa pader ng kwarto ni Medusa. "Duty calls. Someone is scheduled to fall in love in Paris in ten minutes. See yah!"

And with a snap of his fingers, Eros vanished in thin air.

Nang malaman niyang kwarto ito ng Gorgon na tinutugis ng mga diyos sa Olympus, Eros didn't seem interested at all. And somehow, I trust him. Mukha namang wala talaga siyang interes na hulihin ang boss ko (pero siguradong masesermonan na naman ako ni Lady Medusa mamaya).

Dumako ang mga mata kay Pamela na mahimbing pa ring natutu---

"Rein?"

Oh, shit. Kanina pa ba siya gising?!

Agad akong napalunok at kinakabahang ngumiti sa kanya. She sat upright and stared at me with those angelic eyes. Bakit ba ang kapal ng mga pilikmata niya? It only added to the many assets she has. Kaya marami akong karibal eh.

"H-Hey, Pamela... Kamusta ang pakiramdam mo?" Lumapit ako sa kanya at pinigilang mapangiwi dahil sa pagkirot ng braso ko.

"Let me guess, you're a clinophile?"

"Huh?"

Stupid Rein. Dumadaldal ka na naman!

"Um.. a person who loves beds."

But she just stared at my injured arm before finding my eyes again. A small frown on her lips. "Yung lalaking kausap mo kanina.. he's Cupid, isn't he?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na akong maisip na palusot para pagtakpan ang totoo. Eventually, I nodded my head. "Yeah.."

"Tama ang sinabi niya, Rein."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Pamela. Baka naman may side effects yung Toblerone na binili ko?

At bakit nakangiti na siya?

Just then, Pamela inched closer to me.

"I-I rejected Keifer's affection because I like you, Rein Aristello."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Pamela. Take, pakikurot nga muna ako? Damn, parang nananaginip pa rin yata ako eh. O baka naman na-comatose na pala ako nang hindi ko nalalaman? O baka namatay na pala ako tapos ito ang bersyon ng "langit" ng utak ko para sandaling makalimutan ko ang malupit na katotohanang hindi na pala ako humihinga?

"A-Ayos ka lang ba, Pam? Baka kasi nagka-amnesia ka na pala tapos iniisip mong gusto mo pala ako at---"

But Pamela rendered me speechless again.

This time, with a kiss.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top