VIGINTI QUATTOUR
Red hair and golden eyes.
The Greek god of love and desire leisurely sat on the edge of a building, his legs dangling in the air. Itinuon ni Eros ang kanyang atensyon sa mga mortal na abala sa kani-kanilang mga buhay. He twirled his red arrow in one hand and watched them from above. 'Ah, love is in the air!'
"Sino naman kaya ang naka-schedule kong panain ngayon?"
Mabilis niyang inilipat ang pahina ng lumulutang na logbook sa kanyang tabi at hinanap ang eksaktong petsa at oras. Katapat nito ay ang pangalan at litrato ng taong naka-schedule na mainlove ngayon. Eros nodded in satisfaction and snapped his fingers, making the logbook vanish in thin air. Huminga siya nang malalim at tumalon pababa.
Eros gracefully landed on the sidewalk where students from ECU started flooding the area. Mukhang kakatapos lang ng klase nila. Hinanap niya ang binatang papanain niya. Mabuti na lang talaga at hindi siya nakikita o nararamdaman ng mga tao, kaya't walang kahirap-hirap siyang nakalagpas sa mga estudyante nakaharang.
'Uuwi na nga lang, magtsi-tsismisan pa!'
Finally, the red haired god spotted his target.
"Keifer Ferrero."
Eros grabbed his bow and positioned his arrow. Kasalukuyang nagsisintas ng sapatos ang binata. Ilang metro mula sa kinaroroonan ni Keifer, paparating ang isang babaeng nakasimangot habang naglalakad. She looked distracted and bothered. Kumunot ang noo ni Eros nang makilala niya ito. Kung hindi siya nagkakamali, siya 'yong dalagang crush na crush ni Rein Aristello!
"What's her name again? Piranha? Prinsesa? Aha! It's Pamela."
Ibinalik ni Eros ang mga mata sa pana nang mapagtanto ang ibig sabihin nito. 'Paniguradong magwawala si Rein kapag nalaman niyang nakatakdang mainlove si Keifer sa crush niya.'
Ito ang mahirap sa pagiging diyos. Hindi nila hawak ang mga pangyayari sa natural na mundo, and Eros can't do anything but follow the schedule. Kung mag-soulmate pala sila Keifer at Pamela, wala na siyang magagawa doon. Their red strings will be tied up forever. Kung hindi naman sila para sa isa't isa, eh di agad ring mawawalan ng bisa ang pana/pagmamahal ni Keifer.
And Eros can't decide which one is better for Medusa's personal assistant.
Sumilip siya sa kanyang ginintuang wrist watch. Wala nang oras si Eros para problemahin ang pagmamahalan ng mga mortal. He has a job to do and a schedule to follow!
And so, Eros aimed his arrow at Keifer's heart.
Bull's eye.
Nang tumama ito sa dibdib ng binata, agad na naglaho sa hangin ang pana. Napakurap-kurap ang mortal at kamuntikan nang matumba sa hilo.
'Side effects,' Eros reminded himself and waited.
Ilang sandali pa, nag-krus ang mga landas nina Keifer at Pamela. The boy immediately noticed her and smiled. Kung tama hinala ni Eros, matagal nang may "crush" si Keifer kay Pamela---but it was only because of her beauty. Hindi seryoso ang lalaking ito at may pagka-babaero.
Pero ngayong tinablan na siya ng pana ni Eros, paniguradong magbabago ang pananaw nito sa pag-ibig.
That's what Cupid's arrows do. They embed themselves inside the mortal heart and guides them to truly fall in love. Love beyond appearance and materialistic needs.
Pero nang akala ni Eros na tapos na ang trabaho niya, biglang umiwas si Pamela sa akmang pakikipag-usap ni Keifer.
She doesn't seem interested in him.
"Oops. That's gonna be a problem."
Naikuyom ni Eros ang kanyang mga kamao. Hindi naman niya masisisi ang mga mortal. Minsan kasi, kahit na mayroon nang magmamahal sa kanila, tinatanggihan pa rin nila at itinataboy papalayo. It's still their choice if they would respond to that person's love. Ganoon talaga.
Magulo ang pag-ibig. Kapag nagkakaroon ng mga ganitong anomalya, either the other person will exert too much love than the other, or it will end up as what Eros fears the most:
"Unrequited love."
Ang pag-ibig na hindi kayang suklian.
Eros watched in horror as Pamela completely ignored Keifer. Mahinang napamura ang diyos. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang pakialam sa desisyon ng dalaga, pero alam na niya kasi ang mangyayari tuwing may kaso ng "unrequited love".
Before Pamela could even take another step away, a black arrow shot through her chest.
'Oh, shit. Nandito na siya!' Pilit na hinahanap ni Eros ang pinanggalingan ng itim na pana, pero mukhang nakalipad na siya papalayo.
Napahinto si Pamela at bahagyang sinapo ang dibdib. Ilang sandali pa, inuubo na siya at para bang nawawalan ng lakas.
Bago pa man makalapit si Eros, bigla siyang hinarangan ng isang diyos. Instead of wearing white clothes like Eros, this Greek god wore all black.
Blonde hair and red pupils glared at Eros in a crazed manner.
"What's the matter, Eros? Bakit mukhang hindi ka na naman masayang makita ang sarili mong kakambal?" Ngumisi nang nakakaloko ang binata at inikutan ang kapatid. May hawak-hawak pa rin itong kulay itim na pana.
Huminga nang malalim si Eros para pakalmahin ang sarili.
"Alam mong makakagulo na naman ito sa balanse ng pag-ibig, Anteros. Congrats! You just ruined another life."
Nagkibit ng balikat si Anteros na para bang walang pakialam.
"It's her fault! Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ng Keifer na 'yon, kaya pinaparusahan ko lang siya. No need to feel all guilty over mere mortals, brother! Mga diyos tayo. We just do what needs to be done."
Kahit kailan talaga, magkaiba sila ng prinsipyo ng kambal niya.
In Greek mythology, Anteros is the god of "unrequited love". Pinaparusahan niya ang mga taong hindi kayang suklian ang pagmamahal ng iba. Madalas ring pinaparusahan ni Anteros ang mga taong walang interes sa pag-ibig. He embodies all the negativities in love, and that's what Eros hates most about him. All that bitterness and negativity gave birth to Anteros---his twin brother who doesn't give a shit about mortals.
Nababagay lang ang pangalan niya. Sa English dictionary kasi, kapag may "ant-" sa unahan ng salita, ibig sabihin 'non ay "anti" o kabaligtaran.
Anteros is the complete opposite of Eros.
"Tapos ako na naman ang aasahan mong mag-aayos ng epekto ng pana mo? Damn it, Anteros!"
Pagak na natawa si Anteros. "Tutal, ikaw naman ang may pakialam sa kanila, ikaw nang mamorblema diyan. If you need me, I'll be at Hermes' pharmacy, searching for some new poisons that I can use against Medusa. Kapag nahanap ko talaga ang halimaw na 'yon, tiyak na gagantimpalaan ako ni Zeus! Who knows? Maybe he'll even reserve a spot for me in Olympus. Hahaha!" At sa isang kisapmata, naglaho na si Anteros. Umalingawngaw pa rin sa paligid ang pagtawa nito.
'Wala talagang puso ang isang 'yon,' inis na isip ni Eros. Ibinalik ni Eros ang mga mata niya kay Pamela. Inaalalayan na siya ni Keifer at mukhang habang tumatagal, pahina nang pahina ang dalaga.
Eros sighed.
'His arrows have different effects on mortals. Ano nang gagawin ko ngayon?'
Kailangan na muna niyang i-check up si Pamela at alamin kung paano maaalis ang epekto ng pana sa kanyang puso. But how on earth would Eros approach her without being suspicious?
Inilibot ng diyos ng pag-ibig ang kanyang mga mata hanggang sa mahagip niya ang bulto ng isang pamilyar na lalaki. Ontop of his head, a fat orange cat rested. Kasabay niya sa paglalakad ang isang batang babaeng mukhang abala pa sa pagpupunas ng luha. Lihim na napangiti si Eros.
"Rein!"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top