UNDETRIGINTA
Linae.
Mahigit kalahating oras na siguro akong nakatulala.
Paulit-ulit kong binasa ang pangalan. Baka kasi mamaya namamalikmata lang pala ako dahil sa kamuntikang pagpatay sa'kin ng boss ko. But after a few minutes of just staring at the headstone, the letters still spelled the same name.
Pero paano nangyari 'to?
Bakit may kapangalan ang dating disipolo ni Athena dito sa Eastwood Cemetery?
'O baka naman siya talaga 'yan.. ang Linae na matagal nang hinahanap ni Medusa.' Muling bulong ng lohikal na boses sa utak ko. Sa sitwasyong 'to, parang ayoko na muna siyang pakinggan.
Dahil ang hirap paniwalaang ang babaeng makakapag-alis sana sa "cat curse" ni Medusa ay nakahimlay na pala sa ilalim ng lupa. Napalunok ako at pasimpleng kinurot ang sarili ko—just in case this is all just some crazy dream.
But it isn't.
"Mukhang natagpuan mo na ang babaeng matagal nang hinahanap ng amo mo, Rein Aristello."
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. My eyes instantly narrowed when I saw him. Agad kong hinanda ang sarili ko kung sakaling atakihin ako ng kanyang mga tauhan, dahil ang nilalang na nakatayo ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay walang iba kundi ang diyos ng digmaan.
Ares' eyes stared at me, as if daring I'd do something reckless in his presence. Pero kung inaakala niyang mai-intimidate ako sa peklat niya sa mukha at sa baluti niyang pang-kabalyero, nagkakamali siya. Then again, his sudden appearance isn't what caught me off guard.
The girl standing beside him did.
"Caprissa?"
Bakit magkasama sila ni Ares?
Bahagya akong napaatras hanggang sa halos katabi ko na ang puntod ni Linae. Nakalimutan ko na ang sakit ng braso at leeg ko. Adrenaline pumped through my veins as I eyed the twelve-year-old girl.
Inis akong bumaling sa diyos, "Anong ginawa mo sa kanya?!"
Pero kalmado lang na sumagot si Ares. "Wala akong ginawa sa kanya, kaya't wag mo akong akusahan kung ayaw mong permanenteng manatili sa sementeryong ito, mortal."
I clenched my jaw in frustration. Nagsisinungaling siya! This is crazy. Malamang may ginawa siyang mahika para manipulahin si Caprissa! 'Damn it,' pero nang tiningnan ko ulit ang batang henyo, napansin kong ni hindi siya nagrereklamo. She just stood there calmly. An apologetic smile on her face.
"Tama ang sinabi ni Ares, Kuya Rein.. He didn't do anything to me, don't worry. Kusang-loob akong sumama sa kanya." Huminga nang malalim si Caprissa at mapait na ngumiti sa'kin, "ang totoo niyan, m-matagal ko na ring alam na patay na si Linae."
Napapailing na lang ako. Tangina, ano bang kalokohan 'to? Hindi ko na alam kung bakit biglang gumulo lalo ang buhay ko. I don't know what to believe in anymore. Pagak akong natawa. Nakakatawa talaga.
"Caprissa, nababaliw ka na ba?! Kung alam mo na palang patay na si Linae, para saan pa 'yong kadramahan mo kaninang umaga?! Bakit hindi mo sinabi? Sa ating tatlo, ikaw ang pinaka-attached kay Lady Medusa!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Napapitlag si Caprissa at medyo na-guilty ako. But who on earth can blame me?
I've already been physically tired since this morning, tapos dadagdag pa 'to?
Walang-hiya talaga.
"That's the thing, Kuya Rein.. Nasabi ko na sa'yo noon na matataas masyado ang expectations ng magulang ko sa'kin 'di ba? Kaya ako nag-take ng advance classes at nag-accelerate sa pag-aaral... But I never felt happy with my real family. Nang nagtrabaho ako kay Lady Medusa, naramdaman kong nagkaroon ako ng tunay na pamilya. Si Lady Medusa, si Markus, tapos dumagdag ka pa.. the three of you became a family to me. And I guess I love our Lady Medusa so much, that when I found out that Linae is already dead, sinadya kong itago ang totoo." Huminga nang malalim si Caprissa.
The glint in her eyes told me she's serious. Wala na akong makitang bakas ng immaturity sa batang 'to.
She knows what she's doing.
"I want Lady Medusa to stay in Eastwood, that's why I hid the truth. Masama ba 'yon, Kuya Rein? Masama bang magsinungaling kasi gusto kong manatiling buo ang bago kong pamilya?" Caprissa smiled bitterly.
Hindi ko na alam. Langya, hindi ko na rin sigurado kung ano ang tama sa mali.
"Pero ano naman ang kinalaman ni Ares dito?"
"Hiningi ko ang tulong niya, Kuya Rein. Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Linae. Ipinangako ni Ares na tutulungan niya tayong itago ang impormasyong 'to sa iba pang mga diyos at diyosa, lalo na kay Zeus. He said he'll help me make Lady Medusa stay in Eastwod."
"That's right," bigla namang sabat ng diyos ng digmaan na halatang nawiwili sa mga nangyayari. "I'll help you hide that monster from Zeus, but in return, you need to convince Medusa to help me with the rebellion. Magagamit ko ang kapangyarihan niya para labanan sina Zeus at tuluyan kong maagaw ang trono sa kanya."
"You're fucking insane if you think we'll agree to that. Sige, sabihin na nating kung matutulungan kang manalo ni Medusa sa rebelyon mo kay Zeus at ikaw na ang magiging lider ng mga Olympians, then what? You'll just throw her away in Hades' dungeons or worse---kill her! Tatraydorin mo rin kami, so I see no fucking reason why this is a good idea."
Hindi ako tanga. Paniguradong may masamang ibinabalak si Ares kay Medusa. Malakas ang kutob kong hindi siya tutupad sa usapan.
But Caprissa butted in, "Pero ipinangako ni Ares na kapag siya na ang hari ng mga Olympians, hahayaan na niyang manatili sa Eastwood si Medusa. Hindi niya sasaktan si Lady Medusa!"
Damn.
Damn everything.
"Anong gusto mong gawin ko, tanawin ko pang utang na loob sa diyos na 'yan ang pagtulong niya sa'tin? Do I need to remind you that he attacked us a few days ago?! Caprissa, what the freaking hell are you thinking!"
Huminga nang malalim ang bata at malungkot na ngumiti sa'kin. "Kuya, ito lang ang naisip kong paraan para manatili sa atin dito sa Eastwood si Lady Medusa. Kapag nalaman niyang patay na si Linae, wala rin naman siyang magagawa. Zeus will just drag her back to the Underworld."
Nagkamali rin yata ako ng akala kay Caprissa. Just when I thought she's smart! Tsk. This is bullshit.
Wala na palang pag-asang maalis ang sumpa ng pagiging pusa ni Medusa. At lalong wala nang pag-asang makabalik siya sa templo ni Athena.
Sa inis ko, sinipa ko ang lapida ni Linae at mabilis na naglakad papalabas ng sementeryo. Nagpapasalamat na lang talaga ako sa mangilan-ngilang streetlights dito sa parteng ito ng bayan.
The cold night breeze gave me goosebumps as I ignored everything else.
Nang makarating na ako sa apartment namin, sumalubong sa'kin si Desmond na nakaupo sa may gilid ng kalsada katabi ng isang lata. Butas-butas at marumi pa ang suot niyang damit. When he saw me, his face immediately lit up.
"Rein, my friend!"
"Hindi ko na tatanungin kung anong trip mo sa buhay, pero kung balak mong manlimos sa'kin, pinapangunahan na kita: wala akong pera."
Tumawa nang malakas si Desmond. Para bang inaasahan na niyang isasagot ko 'yon, like an actor repeating a script for his final rehearsals. Wala talaga ako sa mood para sa siraulo kong kaibigan at kung tutuusin, wala talaga akong pera pagkatapos kong bumili ng tsokolate kanina. I guess, for the next few days, I'll still be broke. Sigurado kasing hindi na ako makakabalik pa kay Medusa. Malamang maghahanap agad 'yon ng ibang personal assistant, yung kayang makipagsabayan sa ugali niya.
Maya-maya pa, kumunot ang noo ni Desmond. I'm not surprised if he can sense my lack of enthusiasm.
"Ayos ka lang, bro? Bakit parang nakakita ka ng multo?"
"Hindi ako nakakita ng multo. Libingan ng bangkay ni Linae ang nakita ko."
"Err... Hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo eh. Do you want to talk about it over a bottle of beer?"
Napasimangot ako, "Tapos ako bibili?"
"Oo naman! Hahaha! Kailan ba ako gumastos? Dahil ikaw ang may problema, ikaw ang bumili! Moral support lang ako. Uy, tapos bumili ka na rin ng pulutan ah? HAHAHAHA!"
"Baliw ka talaga."
Hindi ko talaga malaman kung bakit ganito ang kaibigan ko. Napabuntong-hininga ako at pumasok na sa loob. I'm too damn tired to deal with Desmond's craziness. Nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong ini-lock ang pinto, naghubad ng pagtalon at t-shirt, at walang seremonyas na humiga sa kama nang naka-boxer shorts. Pero hindi pa man ako nakakatulog, biglang bumalik na naman sa alaala ko ang maamong mukha ni Pamela at ang sakit sa mga mata ni Lady Medusa.
'Damn, I wish this is all just a bad dream.'
Ayoko nang isipin kung paano ako nakatulog. I just want to forget everything. Ngayon nauunawaan ko na kung bakit maraming naghahanap nagda-drugs, umiinom, gumagala, at nanonood ng Kdrama--it's their way of escaping reality.
'Sometimes, I wish I could escape mine.'
Soon, I found myself being dragged into a deep slumber.
*
Hindi ko maalala kung ilang oras na akong tulog.
Ang naalala ko na lang ay ang ilang beses kong pag-ikot sa kama. Hindi ako mapakali at pakiramdam ko pinagpapawisan pa rin ako nang malamig. I was having a nightmare, and that particular nightmare included hissing snakes...
Hissing snakes?
Nanindig ang balahibo ko nang maramdman kong may gumagapang sa dibdib ko. The snake left a cold trail on my skin. 'Shit!' My mind panicked. Hinihingal at kinakabahan akong nagising.
At noon ko lang napansin ang dalawang pares ng mga matang nakatitig sa'kin. Their hair made of snakes hissed at me and their lips were curled into a mischievous smirk.
"A-Anong---?!"
Bago pa man ako nakapagsalita, mabilis na nilang tinakpan ng sako ang ulo ko. I tried to shout for help, but the sack muffled my voice. Ilang sandali pa, napadaing ako sa sakit nang tuklawin ako ng ahas sa dibdib ko. Humagikhik ang dalawang halimaw at namalayan ko na lang unti-unti na akong nawalan ng malay.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top