UNDESEXAGINTA

Dati, akala ko exaggerated lang 'yong mga tao tuwing sinasabi nilang "masakit kapag iniwan ka".

Ngayon ko napatunayan na nabiktima na naman ako ng maling akala.

After what happened between us, she just left. Lady Medusa just fucking left me, even when I begged her to stay. Kanina nang mapansin kong wala na akong katabi, napabalikwas ako ng bangon at kamuntikan pang mahulog sa kama. "L-Lady Medusa?" Natataranta ko siyang hinanap, pero tuluyan na akong naiwang mag-isa sa kwarto ko.

'Shit! Panaginip lang ba na naman 'yong kagabi?'

Nang lumipas ang ilang segundo ng katahimikan, handa na sana akong maniwala na imahinasyon ko lang 'yong nangyari nang mapagtanto kong nakahubad pa ako. I cursed under my breath and scanned my body for any more "evidences". In the end, I finally confirmed that everything that had happened last night was real when I spotted a few hickeys on my torso.

Inis akong napabuntong-hininga.

'Damn it, Medusa!'

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, pero may kutob akong may masamang mangyayari.

Pinatay niya si Poseidon. Kung kasama ito o hindi sa mga plano ni Ares, alam kong hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito. Gagamitin niya itong alas para makuha ang gusto niya. That twisted bastard already made it clear that he's willing to do all kinds of mischief in order to take Zeus' throne.

Medusa is in danger, but until now, my former boss is still too stubborn to ask for help.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Baby? Kanina ka pa tulala diyan. Is something wrong?"

And then there's Pamela.

Huminga ako nang malalim at nilingon ang babaeng kanina pa nag-aalala sa'kin. Alam kong napapansin niya mula pa kanina na wala ako sa sarili. During class hours, I barely paid any attention to her and focused on the discussions. Hindi ko rin siya binati ng "good morning" o hinalikan man lang nang magkasalubong kami. Nang sumapit ang tanghalian, kamuntikan ko nang nakalimutan na sabay nga pala kaming kakain kung hindi lang ako pinaalalahanan ni Desmond.

Alam kong ramdam ni Pamela na iniiwasan ko siya, at pakiramdam ko lalo lang akong nagi-guilty. Afterall, I just cheated on her last night despite the sad truth that we've only been together for more than 24 hours.

Pakiramdam ko tuloy ako ang pinakagagong boyfriend sa mundo ng mga mortal.

Pilit akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. Pamela's eyes lingered on our entwined hands. Mabuti na lang at walang masyadong customer ngayon sa café.

Ngayong gabi na sana ako pupunta sa kanila. Ngayong gabi na sana namin aaminin kay Professor Lavista ang tungkol sa relasyon namin.

Pero imbes na paghandaan ang mahaba-habang speech at magsulat ng back-to-back essay tungkol ng "Bakit Ako Karapat-dapat Para Sa Anak Mo, Prof", pinili kong ayain muna rito si Pamela.

Dahil alam kong walang namang madaling paraan para sabihin ito sa kanya.

I sighed.

"Pam, alam mo bang crush na crush na kita mula pa noong elementary tayo? Palagi kitang pinapanood noong nagpa-practice kayo ng sayaw para sa pangeant. Palagi ka kasing muse. I want to be your escort, pero palagi lang akong nadadaya sa botohan," mahina akong natawa. Ngumiti naman si Pamela, pero bakas pa rin sa ekspresyon niya ang pagtataka. She wanted to ask something, but she was too scared to face the answer.

I didn't give her an opportunity to speak yet and squeezed her hand.

"Manghang-mangha ako sa'yo noon kada sasagutan mo 'yong madugong math problems ni Sir Ivan noong Grade 8 tayo. Hindi ko sinabi sa'yo, pero ako 'yong nag-iwan ng rose noon sa desk mo noong Valentines Day. Dapat may kasamang tsokolate 'yon, pero nautangan ako ni Desmond kaya nabutas ang bulsa ko. Palagi akong nakatulala sa'yo noong History class natin kasi mas naging interesante akong isipin ang 'future' natin kaysa pag-aralan ang nakaraan. Noong Senior High naman, noong nagka-issue na may ka-MU ka raw sa kabilang section, nagselos talaga ako pero nainis rin ako sa sarili ko kasi alam kong wala naman akong magagawa. Palagi akong torpe 'pag dating sa'yo, Pam. For many years, I've learned to be content while sitting in my spot---admiring your from afar."

"Rein..."

Confusion was written all over her face. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at kinakabahang tinanong ang kanina pa gumugulo sa isip niya. "Rein, hindi kita maintindihan. B-Bakit mo 'to sinasabi sa'kin ngayon? Akala ko ba okay tayo? Kung tungkol ito kay daddy, 'wag kang mag-alala---"

"Pamela," malungkot akong ngumiti sa kanya. "That's exactly the reason why I'm saying this. Wala na akong mukhang maihaharap kay prof pagkatapos ng sasabihin ko sa'yo ngayon..."

Namayani ang sandaling katahimikan. I feel guilty for what I'm about to do, pero alam kong mas magiging malala ang "guilt" na 'yon kapag ipinagpatuloy pa namin ito. Pamela will always have a room in my heart.. but Lady Medusa already bought the whole place.

"Pamela, I'm breaking up with you. I-I'm sorry."

Matagal na hindi nakaimik si Pamela. Tuluyan na niyang binitiwan ang kamay ko. Hindi ako makatingin sa kanya dala ng hiya. 'Rein, you just broke up with Pamela, the girl of your dreams!' hindi mapaniwalang sabi ng isang parte ng isip ko. Well, come to think of it, I must be the stupidest man on the planet right now.

Pero hindi ko ito pinagsisisihan. Hindi ko kayang paasahin si Pamela o ang sarili ko dahil sa huli, alam ko namang hindi ko na maibibigay ang puso ko sa kanya.

Finally, she flashed me a pained smile. There's always something about her that looked angelic. Hindi ko maitatanggi 'yon.

"Is this about your boss? Do you..." Huminga siya nang malalim at sandaling pumikit. Para bang nahihirapan siyang sabihin, "D-Do you love her?"

I paused.

"Rein, kung papipiliin kita ngayon, sinong pipiliin mo? Ako o si Medusa?"

There's that question again.

If I were the same Rein Aristello a month ago, agad kong isisigaw ang sagot ko nang walang pagdadalawang-isip: si Pamela. Sweet, kind-hearted, loveable, pretty, perfect Pamela. The same girl I've been admiring for the last few years.

Pero para bang kasabay ng paglipas ng oras, napagtanto kong hindi na rin ako 'yong dating Rein Aristello na nakasentro ang mundo sa babaeng nakaupo ngayon sa harapan ko.

I've realized that love is a snake that can slither its way inside your chest and poison your entire being. Then, you'll feel really stupid because you don't want that snake to leave you. You want to keep it even if it means taking the risk.

'I won't mind getting poisoned if it means I can keep her by my side.'

Ngumiti ako kay Pamela.

"I'm sorry, Pam.. but my loyalty, my respect, and my heart belongs to Lady Medusa."

Napayuko si Panela nang marinig ang sinabi ko. I feel really guilty for doing this to her, pero aaminin kong may maliit na parte sa'kin ang nakahinga nang maluwag. Atleast we won't have to prolong the agony anymore. Lalo na't alam kong mahihirapan akong suklian ang pagmamahal ni Pam sa'kin kung sakali.

Because there's a thin line between love and infatuation. So if you're new to this, you'll have a hard time knowing where infatuation ended, where love started, and what connects them.

Inakala kong pagmamahal ang paghangang nararamdaman ko kay Pamela.

"I'm sorry, Pam."

Marahan siyang umiling, "Don't be. Hindi mo na kailangang humingi ng tawad para sa nararamdaman mo, Rein. It's in human nature to be a little confused sometimes. May gusto nga rin pala akong aminin sa'yo..."

Hindi ko gusto na biglang nagseryoso ang maamong mukha ni Pamela. Sa hindi ko malamang dahilan, kinabahan na naman ako.

"Rein Aristello, the truth is, I am---"

"REIN, MY FRIEND!"

Nagulat kaming pareho nang bigla naming narinig ang boses na 'yon. 'What the hell? Anong ginagawa niya rito?' Nang lingunin namin ang pinanggalingan nito, agad na bumungad sa'min si Desmond na malawak ang pagkakangiti. Gusto ko sanang sabihing "parang nanalo sa lotto" ang ngiti niya, kaso alam ko namang masyado siyang kuripot para tumaya roon.

"Hey, um.. Nakakaistorbo ba ako sa date niyo?"

Napasimangot na lang ako nang sumiksik sa tabi ko si Desmond at walang kahiya-hiyang inubos ang kape ko.

'Kalma lang, Rein. 'Wag mo munang ihagis sa kabilang kontinente ng mundo ang siraulo mong kaibigan.' paalala sa'kin ng lohikal na parte ng isip ko. I decided to listen to him.

"Mond... What the fuck are you doing here, dude?"

Napahawak siya sa batok, "Er.. yeah. May naghahanap kasi sa'yo kanina sa dorm. At---"

"At sinuhulan ka na naman para sabihin sa kanila kung nasaan ako?"

"Ganoon na nga. Tatanggi pa ba ako sa grasya? HAHAHAHAHA!"

Kilalang-kilala ko na talaga ang gagong ito. Hindi na nga ako magtataka kung ibinibenta na niya ang kaluluwa ko eh. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Tsk! How did you even find out I'm here?"

"Easy! I used the GPS tracking system and traced your phone."

Napanganga na lang ako. Mukhang alam ko na kung bakit hindi niya ibinenta ang cellphone ko nang makidnap ako ng mga kapatid ni Medusa. Tuso talaga ang isang 'to eh!

"At sino naman ang naghahanap sa'kin?"

"Kami."

The three of us turned our heads to the two gods who graced us with their presence. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Eros, pero nagtataka lang ako kung bakit kasama niya ang huling diyos na gugustuhin kong makita ngayong araw. The bastard who ruined our warehouse and Ares' partner in crime.

Anteros.

Tumalim ang mga mata ko sa kanya pero kalmado niya lang akong hindi pinansin. He looked bored as hell while glancing around ths shop! Bago pa man ako tumayo para suntukin siya sa dami ng atraso niya sa'min, biglang humarang si Eros at seryosong nagsalita, "Mahabang kwento. Mamaya na natin pag-usapan kapag ligtas na si Medusa at ang iba pang mga diyos."

I froze upon hearing her name.

"A-Anong nangyari kay Lady Medusa?"

"She's now being held captive in Olympus, along with the other gods and goddesses who refuse to join Ares. Kani-kanina lang, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pag-angkin ni Ares sa trono ni Zeus," sagot ni Eros na halatang hindi rin mapakali sa nalaman. Sumulyap siya sa kakambal niyang tahimik lang na nakatitig kay Pamela. The god of love sighed, "At base sa sinabi ni Ares noon kay Anteros, may mas malaking trahedya pa ang paparating. Ares is planning to move the temple of Olympus to Eastwood!"

"He said he'll built his empire here or something. Tsk! Humanda talaga ang demonyong 'yon kapag nagkaharap na kami." Anteros grumbled.

Shit.

This is worse than I thought.

"Kailangan nating pumunta ng Olympus! We need to save Lady Medusa.."

Pagak na natawa sa'kin si Anteros. His wicked red eyes flared in amusement and mockery. Napapailing na lang siya, "You think it'll be that easy? Mas marami pa ang hukbo ni Ares kaysa sa inaakala mo. He's been recruiting a large number of followers who weren't pleased with Zeus' leadership. Isang batalyon ng mga imortal na diyos at diyosa ang makakalaban mo. So if you're going to foolishly throw yourself into battle without a plan, you might as well call it 'suicide'."

Mahina akong napamura. A part of me doesn't want to admit this, but Anteros has a point. Para sa kaligtasan ni Lady Medusa at ng buong Eastwood, hindi makakatulong kung basta-basta na lang kaming susugod doon.

"Damn it.. so, what's the plan?"

Eros hesitated, "To take Ares down, we need to get all the help we can get. Nitong mga nakaraang buwan, unti-unting ipinapatapon ni Ares ang mga diyos na kumakampi kay Zeus. Right now, they're being held in Hades' dungeons in the Underworld.. even Caprissa is in there."

Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Teka, tama ba ako ng pagkakarinig? C-Caprissa is in the Underworld? No.. She's just a kid! Imposibleng ipatapon siya roon ni Ares---but then again, the god of war is a cold hearted asshole who doesn't care about others.

Pakiramdam ko lalong kumulo ang dugo ko sa matinding galit. I even made a mental note to find a way to kill Ares.

'Kailangan naming iligtas sina Medusa at Caprissa.'

"We need to go to the Underworld first. Kailangan nating pakawalan ang mga nabilanggong mga diyos at diyosa roon at hingkayatin silang umanib sa'tin. If we're going against the god of war, we need an army."

"Pero paano si Lady Medusa?"

Umirap naman si Anteros, "She'll still be alive after we free the prisoners, lover boy. Bago niya patayin si Medusa, gagamitin niya muna itong pain para magpakita sa kanya si Athena. He knew the goddess of wisdom is still concerned about her former priestess, even after she left the temple."

Wala na akong nagawa kundi tumango. Ayoko mang magtiwala sa mga sinasabi ni Anteros, pero alam kong kailangan ko na munang isantabi ang galit ko sa kanya para sa kapakanan nina Medusa at Caprissa.

I turned to Desmond and Pamela, "Kailangan na naming umalis."

Pero napasimangot lang ang matalik kong kaibigan at biglang tumayo. "Dude, I want to help! Hindi ako papayag na maupo na lang dito habang sinisira 'nong Anus na 'yon---"

"Ares," I corrected.

"---ARES na 'yon ang bayan natin! Ano pang saysay ng pagkakaroon ng maraming pera kung magiging alila naman ako ng mga diyos?! 'Di ako papayag! Plus, I still think your boss is hot. So, I'm coming with you!"

Napabuntong-hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako?

Umalis na kami sa café, pero nabigla ako nang sumabay sa'min si Pamela. Para bang may nag-iba sa kanya. I stopped walking and glanced at her in confusion. "Pamela, ano bang ginagawa mo? Umuwi ka na."

Sa tabi ko, umismid naman si Anteros. Ilang sandali pa, ngumisi siya nang nakakaloko habang natitig pa rin kay Pamela. "Don't you think it's time to show your true form, goddess?"

Goddess?

Mabilis akong bumaling kay Pamela. "Ano bang sinasabi niya?"

An apologetic smile crossed her angelic face. "That's what I've been trying to tell you earlier, Rein."

Sa pagkakataong ito, tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko. Mangha lang kaming nakatitig nang biglang lumiwanag ang katawan ni Pamela. It almost blinded me. The smell of fresh roses wafted in the air. Nang naging matamlay na ang liwanag, halos mapanganga na ako nang makitang nagbagong-anyo na rin si Pamela. She now wore a white Greek goddess dress with a golden belt wrapped around her small waist. Her ink black hair was pulled into an elegant bun ontop of her head. Her skin glowed with immortality. Nang magmulat ng mga mata si Pamela Lavista, nabigla ako nang tinitigan ako ng kulay ginto niyang mga mata.

Ngayon, naunawaan ko na kung bakit sobrang "attracted" ako sa kanya dati.

"Y-You're Aphrodite..."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top