TRIGINTA SEPTEM
Knock! Knock! Knock!
Iritableng ibinaba ni Desmond ang hawak niyang ballpen at dinapuan ng tingin ang pinto. 'Baka naman guni-guni ko lang? Kakapunta niya lang ng limang beses dito kanina, kaya imposibleng---!'
KNOCK! KNOCK! KNOCK!
Pero para bang nang-aasar talaga yung taong nasa likod ng pinto at talagang nilakasan pa ang pagkatok. Sa sobrang lakas nga nito, akala ni Demond ay matatanggal na sa bisagra ang pinto niya. Kung sakaling mang magkaroon ng damage ang pinto, naletse na. Wala siyang planong maglabas ng perang pampagawa nito. Or worse, maybe that old landlady will make him pay for it!
'Magbabayad? Tapos mababawasan ako ng pera?'
Kinilabutan si Desmond sa naiisip.
So instead of taking that risk, he hurriedly got up and unlocked the door. Hindi na siya nag-abala pang magsuklay ng buhok o ayusin ang nagusot na sandong may butas na sa bandang laylayan. Well, what's the use of changing clothes? Hindi naman siguro inaasahan ng taong kumatok na magbabago ang damit niya sa loob lang ng ilang minuto noong huli siya nitong ginulo.
He sighed when he saw her. Again. 'Kaya ayoko sa mga babae eh. Nakakatakot na nga silang gumastos, nakakatakot pa sila in general.'
"Hello, Pamela."
Katulad ng tinanong nito kanina...
"Desmond, may balita ka na ba kay Rein?"
At katulad ng isinagot niya rito kanina...
"Wala pa."
Seryoso. Pang-anim na beses na siyang binulabog ng crush ng kaibigan niya ngayong umaga! Hindi naman talaga iritable si Desmond. Nah. In fact, he's a happy-go-lucky (and greedy) kind of guy. Pero kung anim na beses siyang aabalahin ni Pamela habang nasa kalagitnaan siya ng pagbebenta ng mga sapatos ni Rein sa isang online buy-and-sell site, ibang usapan na 'yon! Income na niya ang nakasalalay dito.
Napabuntong-hininga na lang siya at seryosong tiningnan ang nag-aalalang si Pamela. She's very pretty---kaya nga siya nagustuhan agad ni Rein noong elem eh---but in Desmond's non-biased opinion, mas maganda pa rin si Medusa.
'And hot. Medusa has a really nice ass.'
"Pam, kung may plano ka pang bumalik dito sa susunod na limang minuto para kulitin ulit ako tungkol sa bestfriend ko, I'm already telling you: Rein is still missing. Kapag nahanap na namin siya o kapag na-realize na niyang kailangan na niyang bumalik dito bago ko maibenta ang lahat ng gamit niya, I'll text you."
Pamela forced a smile and nodded. Inilabas nito ang kanyang cellphone. "Sorry sa abala, Mond. Eto ang number ko.. 0909---"
"Alam ko na."
"T- Talaga?"
"You recited your number to me five times already. Tuwing ginugulo mo ako, automatic mong binibigay ang number mo." Napahawak sa batok si Desmond na para bang hindi na niya alam ang gagawin niya sa babaeng 'to, "Look, just trust me. Rein's fine. I'll text you as soon as he gets back, okay?"
Ngayon naman, si Pamela na ang napabuntong-hininga. She looks tired and defeated. Magmula nang malaman niya kagabi na hindi pa umuuwi rito sa apartment si Rein (at hindi niya rin nakita ang binata kahapon sa klase), hindi na halos nakatulog ang dalaga. She tried contacting him but it turns out, he left his phone. Nang puntahan niya si Caprissa sa warehouse na tinutuluyan nila, wala rin daw doon ang Kuya Rein niya.
'Ano na kayang nangyari sa isang 'yon?'
It was Saturday, but she still can't help but feel so damn worried. May klase pa siya mamaya, pero parang mahihirapan siyang mag-concentrate.
Nahihiya na rin siyang guluhin si Desmond, pero wala na siyang ibang pwedeng makuhanan ng impormasyon tungkol kay Rein Aristello. If anyone knew where Rein is, his bestfriend is her best shot.
"Salamat, Mond. Sorry talaga sa abala.. I just wish I were as calm as you are. Hindi ka ba nag-aalala?" Pamela's eyes reflected something like suspicion in them.
Napalunok naman si Desmond at ninenerbyos na natawa. "H-Hahaha! Nag-aalala ako, syempre. Pero mas nag-aalala ako na baka wrong timing ang balik ni Rein tapos mahuli niya akong binebenta ang mga gamit niya online."
Nagpakurap-kurap na lang ang dalaga at pasimpleng sinilip ang loob ng silid ni Desmond. True enough, Rein's personal belongings are in there! Pati ilang boxers at shaving cream, naroon din. Teka, pati ba ang mga gamit na medyas ni Rein, planong ibenta ni Desmond?
She backed away and nodded hesitantly.
"Um.. okay. Sige, una na ako. M-May klase pa kasi ako. Bye!"
At mabilis nang umalis si Pamela. Malamang na-wirduhan sa ginagawang "negosyo" ni Desmond. Mahina namang natawa ang binata at isinara ang pinto. Matapos niya itong i-lock, huminga na lang siya nang malalim at pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.
Bakit nga ba siya kalmado?
Yesterday, Desmond and his other dorm buddies panicked when Rein went missing. Pero imbes na tawagin ang Eastwood police, minabuti ni Desmond na sabihin ito kina Medusa. Nang magpunta sila rito kahapon para maghanap ng clues sa pagkawala ni Rein, hindi na masyadong nakapag-focus si Desmond dahil naging abala siya sa pagsungkit ng barya sa alkansya ng kaibigan. Pagkabalik niya, nagulat na lang siya nang makita ang isang kulay orange na pusa sa kama.
"Err.. nasaan si Medusa? Saka saan nanggaling ang matabang pusa na 'yan?"
The cat hissed at him. Hindi tulad ni Rein, hindi masyadong friendly si Desmond sa mga pusa. A stray cat bit him when he was a kid, at hindi makakalimutan ni Desmond ang pagpapaturok niya ng anti-rabies shot sa takot na baka magkaroon siya ng rabies---o baka mag-transform siya sa isang pusa.
Anyway, Markus shrugged as Caprissa carried the cat out of the room.
"Ang sabi ni Lady Medusa wala kayong dapat ipag-alala. Alam na niya kung nasaan si Rein. In fact, nagpunta na roon si Lady Medusa para sunduin siya."
"Ah, ganoon ba.. psh! Sayang naman pala ang pagda-drama ko. Babatukan ko talaga ang gagong 'yon pag-uwi!" At isa-isa nang kinuha ni Desmond ang mga gamit ng kaibigan. Binungkal niya pa ang mga kabinet at kinuha ang mga medyas sa laundry basket.
Nagtatakang pinanood ni Markus ang ginagawa niya.
"Para saan naman 'yan?"
"Ibebenta ko. Tatatlong piso lang pala ang laman ng alkansya ni Rein. Hindi pa 'yon sapat para mabayaran ang utang niya sa'kin noong Grade 5 kami, pati na rin yung interest."
Hindi na umimik pa ang emo at walang-kibong lumabas na ng silid ni Rein Aristello.
Napabalik sa kasalukuyan si Desmond nang marinig ang pagtunog ng notification sa laptop niya. Agad siyang bumalik sa pagkakaupo niya sa kama at binasa ang message na natanggap. His eyes literally sparkled when he read what it was about.
'Oh, la la! Mukhang umaariba na ang negosyo ko.'
May buyer na kasi sa mga sapatos ni Rein. Mabilis na nireplayan ni Desmond ang buyer at lumawak ang ngiti niya nang mabasang gusto na daw makipagkita ngayon ng buyer. Nasa kabilang kanto lang pala ang bahay nito! Desmond grinned, "Aha! Ang swerte ko naman talaga. Hahaha!" Mabilis niyang binalot ang sapatos ni Rein at nagpalit ng mas presentableng damit---yung walang butas sa laylayan. Pagkatapos niyang magpapogi ng kaunti, pasipul-sipol na siyang lumabas ng dorm, bitbit ang ibebentang sapatos ng kaibigan.
'Sorry, pre. Nangangailangan lang talaga. Hahaha!'
Naglalakad na siya sa walang katao-taong kalye ng Eastwood nang bigla niyang narinig ang isang malungkot na musikang pumapailanlang sa paligid. Kumunot ang noo ni Desmond at napahinto siya sa paglalakad, pilit hinahanap ang pinanggagalingan nito.
Hindi siya masyadong mahilig sa mga instrumento, pero parang alam niya kung anong instrumento ang lumilikha ng musika..
"Isang lyre?"
Lalo lang siyang naguluhan. Kung nasa campus siya, hindi na siya magtataka kung may magpapatugtog. Nagiging past time kasi ng mga estudyante ng College of Music ang pagpa-practice ng kanilang "musical skills" sa quadrangle ng campus. But here, who the hell would play the lyre in a busy neighborhood?
That melody is too damn sad.
Hindi na namalayan ni Desmond na umiiyak na pala siya dahil sa lungkot ng musika. He was weeping with no apparent reason.
'Anong nangyayari sa'kin?'
Nang balingan niya ang mga batang naglalaro lang kanina sa kalye, nakita niyang umiiyak na rin sila.
Lahat sila ay humahagulgol na ng iyak.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top