TRIGINTA DUO
"N-Nawawala si Rein.."
Sa kanyang gilid, napansin ni Medusa ang pagkabigla ng kanyang mga tauhan.
"Teka, wala siya sa dorm niyo?"
Desmond shook his head at Markus' question. Tumutulo pa rin ang pawis ng binata at kapansin-pansing hindi pa maayos ang pagkakabutones nito sa suot niyang polo.
"Kaninang umaga ko pa nga siya kinakatok sa kwarto niya kasi sisingilin ko sana siya sa inutang niya sa'kin noong Grade 5 kami---"
"Tsk! Are you serious? Isang dekada na yata ang nakakaraan, saka mo lang siya sisingilin?" Walang-ganang pagsabat ni Medusa habang pinapaypayan siya ni Caprissa. She looked like she wasn't interested in Rein's disappearance.
"Lady Medusa, paano kung talagang nawawala nga si Rein? Baka kinidnap na siya ng mga tauhan ni Ares!"
"Oh, come on, Markus! Baka nandiyan lang sa tabi-tabi ang walang modong mortal na 'yon. In fact, maybe he's celebrating since ugly Pamela confessed her love for him last night. Let him be. Hindi siya kawalan."
Sa kanyang tabi, kumunot ang noo ni Caprissa dala ng pag-aalala.
"Lady Medusa, wala ka bang pakialam kay Kuya Rein?"
"Rein who? Psh! Wala akong kilalang Rein." She brushed the child off and started walking away.
Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mong mawalan ng pakialam sa isang bagay? In psychology, that feeling is called "liberosis". It is described as the desire to care less about things.
'Wala naman talaga akong pakialam kahit mangabilang planeta na siya! He's replaceable. Sigurado naman akong makakahanap ako ng kapalit niyang mas kaya akong irespeto,' Lady Medusa thought. Wala silang dapat ikabahala kaya hindi niya maintindihan kung bakit natataranta si Desmond.
Wala nang nagawa sina Markus at Caprissa kundi sundan siya. Pero hindi pa man sila nakakalayo, umalingawngaw sa katahimikan ng campus ang boses ni Desmond.
"Well, he wasn't there! Napansin rin naming sira yung lock sa kwarto ni Rein tapos nakakalat pa sa sahig yung damit niya kahapon. We tried contacting his cellphone, but then we discovered that he left it inside his room! Kilala ko ang ugok na 'yon, Medusa. Hindi niya iiwan ang kanyang cellphone lalo pa't may war kami mamaya!"
The sound of heels stopped.
Walang-emosyong nakatingin sa kanyang harapan ang dalaga. Ni hindi niya nilingon sina Desmond. Mahinang napamura sa inis si Medusa, and she can feel her frustration attempting to transform her hair into snakes again. 'At ano naman ang pakialam ko? Let him die! O baka naman kinidnap na nga siya nina Ares tapos tino-torture na siya ngayon sa Olympus...'
Ini-imagine pa lang ni Medusa ang hitsura ni Rein habang nababalutan ng dugo ang katawan nito, para na siyang nanghihina. At isa pa, kung ang mga tauhan nga ni Ares ang kumidnap sa siraulong 'yon, bakit hindi nanlaban si Rein?
Medusa has a bad feeling about this.
"Fuck it!"
Mas binilisan ni Medusa ang paglalakad. Nang maramdaman niyang walang sumusunod sa kanya, inis siyang bumaling kina Desmond, Markus, at Caprissa.
"Bilisan niyo! Baka may naiwang clue sa kwarto ng walang-modo kong PA kung sino ang dumukot sa kanya."
"Eh? Pero, Lady Medusa, akala ko ba ayaw mo na kay Kuya Re---"
"Hindi dapat tayo nagsasayang ng oras!"
And she stormed away. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nina Desmond at Markus sa kanyang likuran, pero kaluanan, sinundan na rin siya ng mga ito papunta sa dormitoryo nina Rein.
*
"Ano sa tingin niyo?"
Markus picked up a piece of crumpled paper on the floor. Naapasimangot lang ang emo nang makitang isang lumang resibo lang pala 'yon sa convenience store. "Mukhang wala namang kakaiba sa kwarto ni Rein. Makalat lang din."
"Boo!"
Caprissa peeked from under the bed. Bahagyang napapitlag si Desmond dala ng pagkagulat. "Sheesh! Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo eh. Hahaha! Mahal pa naman ang magpa-ospital at wala akong planong gumastos." Ngumiti ito nang malawak habang pinapakinggan ang pagkalansing ng mga barya ni Rein sa alkansya nito. Mabilis na kinuha ni Desmonds ang isang alambreng panungkit mula sa kanyang bulsa at in-exuse ang sarili---dala-dala pa rin niya ang alkansya.
Nagpakurap-kurap na lang si Caprissa at nakasimangot na binalingan ang kanyang Lady Medusa.
"Lady Medusa, bakit mahilig sa pera ang mga tao?"
Pero hindi ito sumagot. Nag-aalalang tiningnan nina Markus at Caprissa ang ginagawa ng kanilang amo. Pagkatapos nitong magwala at maging halimaw kagabi, they need to be more cautious around their lady.
Nakita nilang nakatitig lang sa kama ni Rein si Medusa. Her brown eyes narrowed at the sheets. Nakalagay sa likod ang mga kamay nito at kanina pa siya hindi umiimik.
"Hala! Nasira na yata si Lady Medusa. Hindi na siya nagsasalita, Markus." Caprissa whispered to the lazy emo.
"Hindi 'yan. Baka nami-miss lang ni Lady Medusa si Rein."
"Talaga? Yieeee! Pero sana ma-realize ni Kuya Rein na crush siya ni Lady Medusa!"
"Nah. Mahihirapan tayong i-ship sila, Caprissa. Parehong pasaway si Rein Aristello at Lady Medusa, and with Pamela in the picture, mukhang imposibleng magka-love story ang dalawang 'to."
Napasimangot naman si Caprissa at inikot-ikot sa kanyang mga daliri ang kanyang pigtails. "Aw! Ganoon ba? Ang gulo naman pala ng love. Kaya siguro marami pang single, tulad mo! Hahaha!"
Napabuntong-hininga naman si Markus at walang-ganang nagkibit ng balikat habang nakapamulsa. Today, he was wearing his favorite "Sleeping with Sirens" printed shirt with muddy brown pants and combat boots.
Nang akala nilang mag-aaya nang umuwi si Medusa dahil wala naman silang mapansing kakaiba dito, bigla siyang may inabot sa kama ni Rein. She picked up something semi-transparent. Kung hindi ito inangat ni Medusa, hindi pa nila mapapansin ang bagay na ito.
"Mukhang kilala ko na kung sinong nasa likod ng kidnapping ni Aristello." Tumalim lalo ang mga mata ni Medusa sa bagay na nakuha niya.
"Ano 'yan?" Markus coudn't help but ask. Hindi niya kasi mamukhaan ang bagay na 'yon. Pero kung tititigan niyang maigi, para itong...
"Snake skin!"
Sigaw ni Caprissa. Nanlaki ang mga mata ng bata at seryosong bumaling sa kanyang Lady Medusa. "I-Ibig sabihin nito, sila po ang dumukot kay Kuya Rein?"
Medusa nodded.
'Sila lang ang pwedeng mag-iwan ng ganito. Tsk! Ano na namang kalokohan ang ginawa ng mga kapatid ko?' Huminga nang malalim si Medusa at hinawi ang mahabang buhok. Kalmado niyang binalingan sina Markus at Caprissa. "Knowing Stheno and Euryale, malamang iniwan talaga nila ito para mahanap ko. I know my wicked little sisters. Tsk!"
"Ibig sabihin nito, kailangan nating pumunta kweba niyo para iligtas si Rein?"
Napasimangot si Medusa, "Can't you see, Markus? This is an invitation for me. Gusto nilang pabalikin ako sa walang kwentang kweba namin para iligtas ko ang walang kwenta kong personal assistant. Ginagamit nilang pain si Rein para mapasunod nila ako sa gusto nila."
"Pero, Lady Medusa.. b-baka mapahamak ka lang kung ikaw lang mag-isa ang magliligtas kay Kuya Rein!"
She smiled at the twelve-year-old. Mukhang malapit nang maluha si Caprissa dahil sa pag-aalala. 'Kahit kailan talaga, iyakin ang batang 'to,' she thought and patted Caprissa's head in a sisterly manner.
"Sa tingin mo ba magpapatalo ako sa mga kapatid ko? Hahahaha! Dealing with Stheno and Euryale is a piece of cake, Caprissa. I'll just be gone for a few days. Linisan niyo na lang ang mga sapatos ko habang naghihintay. Pagbalik ko, ikakadena pa natin si Rein para hindi na siya makaperwisyo pa sa'tin."
Caprissa smiled a bit, pero alam ni Medusa na napipilitan lang ito. Samantala, mukhang hindi pa rin kumbinsido si Markus sa plano ng kanilang Lady Medusa. Minsan talaga, hindi maunawaan ni Medusa kung bakit may pagka-overprotective ang batugang ito sa kanya. Wala naman silang dapat ipag-alala!
"Lady Medusa, masama ang kutob ko rito. Paano kung---"
"Oh, shut up. I can handle this, okay? Ngayon kailangan ko na lang... Meow! Meow? Meow?!"
Napanganga na lang sina Markus at Caprissa nang bigla na lang nagbagong-anyo ang kanilang mataray na amo. Her long legs morphed into chubby feet. Medusa's fair skin was soon covered in orange fur and her manicured fingernails were replaced by sharp cat claws. Sinubukang magsalita ni Medusa, pero puro "meow" na lang ang lumalabas sa bibig niya.
Nawalan na ng bisa ang anti-kitty serum.
She frowned. 'Mukhang mamayang gabi pa ako makakaalis.'
Sana lang ay hindi pa kinakain nina Stheno at Euryale ang personal assistant niya.
*
The chubby orange cat walked down the busy streets of Eastwood. Sa ilang pagkakataon, kinakailangan niyang kalmutin ang mga taong nanggigigil sa kanya at sinubukan siyang iuwi sa kanila. 'Ang kapal naman ng mga mukha nila! I know I'm adorable, but they're crazy if they think they can own me!' Halos umirap na lang ang pusa at mabilis na dumaan sa isang madilim na eskinita.
"Meow!"
Nakasalubong niya pa roon ang isang itim na pusa na may kulay asul na mga mata. Medusa ignored the black cat and jumped over the wooden fence.
Huminto siya sa tapat ng bukana ng kagubatan at pinakinggang maigi ang paligid. Ilang sandali pa, narinig na ni Medusa ang mahinang musikang nagmumula sa kalapit na puno.
Papalubog na ang araw, kaya mabilis niyang ginamit ang abilidad niya bilang isang pusa at umakyat ng puno ng mangga (kahit pa medyo nahirapan siya dahil sa bigat niya). There, the orange cat sat on a branch and waited for the clock to tick.
"Meow!"
Soon, she transformed back to her normal self.
Walang-ganang nag-cross legs si Medusa habang nakaupo sa sanga at binalingan ang lalaking gulat na nakatingin sa kanya. He was sitting on the branch adjacent from hers, at huminto na ito sa pagtugtog ng musika. Literal na nakanganga ang lalaki, halatang hindi inaasahang makita siya.
"M-Medusa?"
She doesn't have time for this. Kung alam lang sana niya ang shortcut papuntang Gorgon Island via Underworld, baka kanina pa niya sinimulan ang paglalakbay kahit na naka-anyong pusa siya.
Pero sa ilang daang taon nang pamumuhay ni Medusa, she knows asking directions from this man is her best shot.
"I have a favor to ask, Orpheus."
Napasimangot naman si Orpheus at inayos ang lyre sa kanyang gilid, "At bakit ka naman manghihingi ng pabor sa'kin? I thought the almighty Medusa can do anything. Baka akala mo pinatawad na kita? Tinuklaw ng ahas mo ang asawa ko!"
Pagak na natawa si Medusa. 'Oops! Is he still bitter about his Eurydice?'
"Hindi ko naman kasalanan na inapakan ng asawa mo ang isa sa mga babies ko. Ayan tuloy, natuklaw siya."
"Oo, at ikinamatay pa niya ang lason sa tuklaw na 'yon! Kinailangan ko pa tuloy bawiin kay Hades ang kaluluwa niya. Damn it."
"Oh, shush! Past is past, Orpheus sweetie. Ngayon, kailangan kong ituro mo sa'kin ang lagusan papuntang Underworld na makakapagdadala sa'kin sa Gorgon Island."
"At bakit?" Naningkit ang mga mata ni Orpheus sa kanya. Kamuntikan nang umirap si Medusa. 'Minsan talaga, ang sarap ipokpok ng lyre sa ulo niya.'
But of course, if she wants to save Rein Aristello, kailangan na muna niyang isantabi ang inis niya.
Medusa sighed, "Kinidnap nina Stheno at Euryale ang personal assistant ko."
Pagak na natawa si Orpheus at marahang umiling. He smirked at Medusa, a cold look in his eyes. "Ang bilis naman ng karma. Hahaha! Nah. Kung inaasahan mong tutulungan kita, nagsasayang ka lang ng oras, Medusa." At tumalon na ito pababa ng puno. Walang kahirap-hirap na nag-landing si Orpheus sa ibaba at pinagpag ang kanyang pantalon.
Mahinang napamura si Medusa. 'Kung hindi madadaan sa pakiusap, idaan sa pagpapahirap!'
She elegantly jumped down, landed in front of Orpheus, and dangerously grabbed his throat. Tumalim ang mga mata ni Medusa at hinayaang kumawala ang isang ahas mula sa kanyang buhok. The snake then traveled her arm and hissed at Orpheus when it was just a few inches away from his face.
Napalunok naman ang lalaki.
"Let's do a little experiment, shall we? Tingnan natin kung tutubusin rin ba ng pinakamamahal mong si Eurydice ang kaluluwa mo kung sakaling ikaw naman ang tuklawin ng isang ahas."
Natatarantang umiling si Orpheus, bakas ang takot sa kanyang mga mata. Finally, he gave up. "E-Eto na! Tutulungan na kitang makapunta s-sa Underworld... W-Wag mo lang akong patayin!"
"Tutulong ka rin pala, ang dami mo pang arte. Tsk! Pitiful mortals."
Humalakhak si Medusa at ipinabalik ang ahas sa kanyang ulo. She let go of his throat and humalukipkip. She impatiently tapped her foot as Orpheus still struggled to catch his breath.
Kalaunan, umayos ng pagkakatayo si Orpheus at sinamaan siya ng tingin.
"You really love manipulating people, Medusa. Hindi ka talaga nagbago."
Pagak na natawa si Medusa, "Hindi ko kailangang magbago dahil tanggap ko nang hindi ako kayang tanggapin ng lahat ng tao. After going through a shitty life, I've learned that it is impossible and exhausting to please everyone. Once you've realized that, you'll be more comfortable with who you are."
Hindi na umimik pa si Orpheus at napabuntong-hininga. Kinuha na lang niya ang kanyang lyre at sinimulang patugtugin ito habang nagpatuloy silang naglakad papasok ng masukal na kagubatan. Makalipas ang ilang sandali, napansin ni Medusa ang bahagyang pagbabago ng kanilang paligid. The music continued playing as the trees slowly shifted.
"Ang pinakamabilis na ruta para makarating ka kaagad sa Gorgon Island mula sa Underworld ay kung lalakbay ka sa ilog ng Styx. Kapag naroon ka na, kailangan mong makipagnegosasyon sa bangkerong si Charon para maihatid ka niya. He can transport you anywhere in Hades' realm. But sometimes, you need to sacrifice something valuable as his service fee."
"At anong naisakripisyo mo sa kanya noong tinubos mo ang kaluluwa ni Eurydice kay Hades?"
Ngumiti nang mapait ang musikero at nag-iwas ng tingin.
At nang titigang maigi ni Medusa ang gilid ng mukha ni Orpheus, napansin niyang tinatakpan ng kanyang magulong buhok ang katotohanang tapyas ang dalawa nitong tainga.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top