TRES

"M-Medusa?"

Shit.

Shit, shit, shit!

Baka naman binabangungot na ako? Tsk! I'm pretty sure nightmares aren't this seductive, pero ayaw pa ring maproseso ng utak ko ang katotohanang may babaeng halimaw na nakadagan sa'kin! At sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung normal ba itong panaginip para sa isang hamak na lalaking kagaya ko.

Napalunok ako. Why the heck couldn't I move my body?

'Oh, damn. NAGING ESTATWA NA RIN KAYA AKO?!'

Napabuntong-hininga si Medusa. "Stop staring at my babies! Sensitive sila! Tsk. And no, you idiot, hindi pa kita ginawang bato!"

Pero hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa lintik na mga ahas na 'yan! Kung may phobia lang ako sa ahas, malamang kanina pa ako hinimatay dito.

"Bakit parang nagulat ka pang makita ako? Hindi ba sinabi ng sakim mong kaibigan na naibenta ka na niya sa'kin? Too late, though.. so don't try escaping from me, Rein."

Medusa smirked and inched closer. Pigil-hininga kong iniiwas ang mga mata ko sa mga ahas na mukhang tutuklawin na ako anumang oras. Napapikit tuloy ako para maisalba ang sarili ko. Mahirap na't baka maging bato pa ako--plus, her cleavage is practically showing off. Napalunok ako nang sunud-sunod.

Calm down. Calm the fuck down...

'Nananaginip ka nga lang yata, Rein. Kung makakaligtas ka ngayong gabi, magpa-schedule ka na ng appointment sa psychiatrist.' My logical side reminded me. Because---DAMN IT! MEDUSA IS IN MY FREAKING BEDROOM! Sabog na yata ako kakasinghot ng mantika!

"G-Get off me! H-Hindi ka totoo!"

"What the---"

"Umalis ka na, masamang espiritu!"

At mabilis ko siyang naitulak papalayo. I sat on my bed and grabbed a cross from my nightstand. Mabuti na lang talaga at may panlaban ako sa mga masasamang elemento! Pero mukha namang hindi man lang natinag si Medusa.

If anything, she just looks irritated.

"The hell?! Idiot! Ang kapal naman ng mukha mong palayasin ako, mortal!"

Nang hindi pa rin siya umaalis, pinagtabuyan ko na siya. Napasigaw sa inis ang dalaga nang buksan ko ang pinto at itulak ko siya papalabas ng kwarto ko. Before she could even protest, I slammed the door shut and locked it.

"Hay, salamat! Wala nang seksing babaeng may mga ahas sa ulo.."

I sighed in relief. Ngayong wala nang magandang bangungot sa buhay ko, makakabalik na ako sa pagtulog. Inaantok akong naglakad pabalik sa kama ko nang harangan ako ng dalaga.

"How dare you try to avoid me! Alam mo bang ilang lalaki noon ang halos lumuhod na sa harapan ko para lang mabigyan ko sila ng atensyon, tapos ikaw itong pinatatabuyan pa ako?!" Sharp brown eyes glared at me, "Ang lakas naman ng loob mo, mortal!"

Napamura na lang sa gulat nang mapagtantong sumulpot na naman si Medusa. 'Te-Teka, pero paano niya...?' Nagtataka akong lumingon sa pinto na nakasara pa rin. Shit! Paano nangyari 'yon?

Napasimangot si Medusa at humalukipkip.

"Like I told you, you can't escape me, Rein! 'Wag mo akong gagalitin kung ayaw mong mamatay nang maaga."

"A-ARAY!"

Nawalan ako nang boses nang bigla niya akong tinulak nang malakas. Tumama ang likod ko sa pinto na halos matanggal na sa lakas ng impact. 'Damn, that hurts!' Nanlaki ng mga mata ko nang halos ipagdikit na ni Medusa ang mga katawan namin. She doesn't look happy with what I did. Patay na.

Ngayon, unti-unti ko nang tinatanggap ang posibilidad na hindi ito isang panaginip.

This nightmare is real, and she's really standing in front of me!

"L-Look, nagkaroon lang ng misunderstanding! Mukhang pera lang talaga 'yong kaibigan ko kaya niya ako naibenta. Kung nalaman niya agad na totoo ka, baka hindi niya 'yon nagawa!" ---o baka ibenta niya ako sa mas mataas na presyo dahil gago siya--- "K-Kaya kung gusto mo, babayaran na lang kita. Ibabalik ko na lang 'yong binayad mong ₱250 para kwits na tayo!"

Ang lakas talaga ng loob kong sabihin 'yan kahit na wala rin naman akong pera ngayon. Malapit na nga akong mamulubi eh.

Pero kahit anong pagkumbinsi ko, mukhang wala akong balak pakawalan ni Medusa.

Her snakes hissed at me.

"Wala ka nang magagawa. Once I claim something, it's mine. Plus, your bestfriend told me you need some money right now, am I correct?" Mahina siyang natawa. 'Yong tawang pang-kontrabida talaga. "Dahil diyan, magta-trabaho ka sa'kin, Rein. You'll be my personal mortal assistant until the day you die. Ang exciting, 'no?"

ANONG EXCITING DOON?!

Susubukan ko pa lang sanang magprotesta nang punitin ni Medusa ang t-shirt ko at hinalikan ang balikat ko. Her lips pressed firmly on my shoulder. Literal akong napasigaw sa sakit. Para bang pinapaso ang balat kong dinadampian niya ng kanyang mga labi. I cursed under my breath as the pain flooded my body.

'A-Anong ginagawa niya sa'kin?!'

Nang tanggalin na niya ang kanyang mga labi, Medusa stared at me seriously. She smirked and ran a finger down my chest---nag-iwan ng hiwa ang dinaanan ng kanyang kuko. "That's my mark, Rein. Ngayon, hindi ka na makakapagtago sa'kin. Hindi mo na matatakasan ang kapalaran mo bilang PA ko."

In a blink of an eye, Medusa vanished.

Mahina akong napamura at mabilis na tumakbo papuntang banyo. Natataranta kong binuksan ang ilaw at tiningnan ang balikat ko. 'What the hell?' Napanganga ako nang mapansin ang kulay itim na tattoo roon.

It was a black kissmark.

*

Medusa.

Nagpapakamabuting estudyante na ako, pero aminado naman akong hindi ako tambay sa library. Siguro kung bookworm ako, baka matagal ko nang inimpake ang mga gamit ko't tumira sa isang kwebang gawa sa libro. Don't get me wrong, the library here in ECU is amazing---lots of books, books, and... umm.. books. Basta maraming libro!

To make the long story short, I was never a reading geek (except for books about philias).

Other than that, I'm no Hellenophile. Kaya't kakunti lang ang alam ko sa mythology nila. ("Hellenophile" = a person who loves anything related to Greek culture, traditions, etc.)

But here I am, pouring over the pages like a madman. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin tumatawag sa mental hospital ang librarian at tanungin kung nakatakas ba ako sa kanila eh. Maging ang ilang mga estudyanteng gumagawa ng research nila, napalayo na rin sa'kin na para bang may nakakahawa akong sakit.

"Medusa," Funny. Her name literally means 'guardian' or 'protectress'. Mapailing na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa, "In Greek mythology, she was a monster, a so-called 'Gorgon', that can turn anyone who looks at her to stone. Medusa, Stheno, and Euryale were considered the 'Three Gorgon Sisters', being the offsprings of Phorcys and Ceto."

Pero kahit na ilang pahina na yata ang nababasa ko, wala pa ring nababanggit kung paano ko matatanggal ang marka ni Medusa sa'kin.

Sa pagkakatanda ko, some stories claim Medusa was once a beautiful maiden who was envied by many. Naging halimaw na lang siya nang parusahan siya ng diyosang si Athena. I sighed and slammed my forehead on the table, "Kung aksidente akong naibenta ng magaling kong kaibigan sa isang diyosa, baka hindi ako magreklamo."

Well, Medusa is pretty---pero mahirap ma-appreciate ang ganda niya dahil sa mga ahas sa ulo niya! Hindi rin nakatulong 'yong pangamba na baka bigla na lang niya akong gawing bato tulad ng ginawa niya kay Mang Rico. As crazy as it sounds, but I still value my boring life!

Napabuntong-hininga na lang ako. "Makapunta na nga sa klase." Aasa na lang akong kusang mawawala 'yong lintik na marka ng halik ni Medusa!

Napahawak ako sa balikat ko.

Pero nang makarinig ako ng yabag ng mga sapatos papalapit sa pwesto ko, agad akong naalarma. Err.. oo na, kinakabahan ako! Damn. Nandito ba si Medusa para kidnapin ako?!

I turned to the bookshelves and posed in a fighting stance. Panahon na para mai-apply ko ang mga natutunan ko sa paglalaro ng Street Fighter!

"Yow!"

Kumunot ang noo ko. Bakit naging lalaki ang boses ni Medusa?

Nasagot rin ang tanong na 'yon nang bumungad ang mukha ng bestfriend kong tukmol na walang katarungang naibenta ako sa isang mythological monster. Ngumiti nang malawak sa'kin si Desmond. Ang nakakapagtaka pa, may bitbit siyang karatulang may nakasulat na: POGI FOR SALE!

"What the fuck?"

Hindi na naman yata nakainom ng gamot ang siraulong 'to.

"Ano 'tol, ayos ba? Hahaha! Naisip ko kasing baka maging busy ka na kapag nagtrabaho ka kay Medusa. Delikado na, baka mawalan pa ako ng kabuhayan!"

I frowned. "At dahil hindi mo na ako mabubugaw, ibubugaw mo na lang ang sarili mo? Kahit kailan, mukha ka talagang pera."

"Money is life! Di bale, kapag naging bilyunaryo na ako, hindi kita kakalimutan, pre." Sabay akbay pa niya sa'kin. Agad ko siyang tinulak papalayo nang mapansin kong pasimple niyang dinudukot ang bente pesos sa bulsa ng polo ko. Langya, bente pesos na nga lang, hindi pa pinatawad?!

"Gago ka talaga. Sigurado ka bang accounting ang course mo o nag-shift ka na sa pagiging magnanakaw?"

"Ang cheap mo naman para tawagin akong magnanakaw, 'tol. Psh! Talent ang tawag dito. HAHAHAHAHA!"

Tumawa nang malakas si Desmond. Ilang sandali pa, bigla siyang nagseryoso.

"Uy, mamaya na 'yong party ni Pamela ah. May panregalo ka na?"

Isa pa 'yan sa pinoproblema ko. Magmula pa kanina, bente pesos lang ang laman ng bulsa ko at wala akong ideya kung hanggang saan aabot ang bente pesos na 'to na pwedeng panregalo sa crush ko. Nangungutang ako kaninang umaga sa iba pa naming ka-dormmate, pero gipit din daw sila ngayon. Bakit ba ang malas ko?

Nang hindi ako nakasagot, alam kong alam na ni Desmond ang ibig sabihin 'non.

"Alam mo, bro... paano kung legit naman palang bibigyan ka ng trabaho ni Medusa?"

I pretended to busy myself by gathering the scattered books on the table. Ni hindi ako umiimik habang nagsasalita ang kaibigan ko. Para talaga siyang advertiser sa mga mall.

"Think about it, Rein! Baka ito na yung swerteng hinihintay mo. Hindi ka naman siguro pagbubuhatin ng mga sako ng bigas ni Medusa, 'di ba? Malay mo, mas mataas pa ang sweldo mo sa kanya!"

"Tapos hihingi ka ng porsyento at pagkakakitaan na naman ako?" Walang-gana kong sagot habang bitbit ko na ang mga librong kinuha ko kanina.

But Desmond only stared at me and sighed. Alam ko namang may pakialam siya sa'kin, pero nakakapanibago pa rin talaga kapag naipapakita niya ito. Whether he's a money laundering bastard or not, he's still the brother I never had.

And right now, I can see that he's guilty.

"Rein, hindi naman ito tungkol sa pera. Ang sinasabi ko lang naman, baka pwede mong bigyan ng pagkakataon ang alok ni Medusa? Maybe she's not as bad as we think she is! Hindi ka naman siguro niya gagawing assassin o paglilinisin ng kubeta, 'di ba?"

'Gagawin niya akong PA.'

Napahawak na naman ako sa balikat ko. I can still feel the pain of her marking. Maging personal assistant ni Medusa?

Oo, nangangailangan ako, pero hindi naman ako siraulo para kumapit sa patalim. No matter how pretty she is, she's a dangerous monster.

"Uy, saan punta mo?" Pagtawag ni Desmond sa'kin nang naglakad na ako papalayo. I waved a hand and didn't even bother to look at him.

"May kailangan pa akong samahang transferee."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top