TREDECIM
Kumbinsido na talaga akong noong nagpaulan ng kamalasan sa mundo, nakalimutan yata akong ipasok sa loob ng bahay ng nanay ko. I mean, how many darn chances do you have to miss one single shot with cupid's arrow? 'Mukhang katulad ni Eros, tinatawanan na ako ngayon ng karma.'
Gusto ko sanang sasihin si Desmond. Dahil sa pagiging kabute niya, nasira tuloy ang love life ko. Pero hindi ko naman siya masisi dahil: una, hindi naman niya alam na ninakaw ko ang pana ni kupido para gamitin kay Pam; pangalawa, natulak lang naman ako ng isang estudyante sa kasagsagan ng earthquake drill; at pangatlo, hindi ko masisi si Mond dahil kasalukuyan na akong na-"speechless" sa ikinikilos niya.
And he's still holding my damn ass.
"Rein, pare.. ang bango-bango mo pala!"
Kinilabutan na naman ako.
Nang makabawi na ako sa pagkagulat, agad ko siyang tinulak papalayo at nagtago sa likod ni Pamela. Mahinang natawa ang crush ko at ngumiti nang matamis sa'kin. Mamaya ko na lang ide-describe kung gaano siya kaganda.
"Kayo pala ni Desmond? Naku, Rein! Hahahaha! Hindi ko alam na mga macho rin pala ang type mo." She even winked at me. "Don't be shy. Dapat nga matagal ka nang nagladlad, sis."
I froze on the spot. 'A-Ano raw?'
INIISIP NIYA BANG BAKLA KO?!
Anak ng kupido naman oh! Ano na bang nangyayari sa buhay ko? Now the love of my life thinks I'm not straight!
Aside from memorizing philias, I've read in a psych book that there is something call a "pratfall effect"---at sana nga ganito ang mangyari sa sitwasyon ko ngayon. Sinasabi sa "pratfall effect" na mas "attractive" daw para sa mga tao kapag nagkakamali ka. Halimbawa, may magkasintahang nagde-date, tapos bilang natisod 'yong lalaki at nagmukhang tanga sa harapan ng girlfriend niya. Ang magiging reaksyon daw ng babae ay mas magiging attracted siya sa lalaki. Pratfall effects tells us that imperfection is more attractive for humans, dahil nakaka-turn off kung "perpekto" ang taong hinahangaan mo.
At sa katangahan at kahihiyang ipinapamalas ko ngayon, I could only wish that Pamela will be more attracted to me.
"Pam! I-It's not what you think.. hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Mond! Baka nauntog na naman sa poste o baka na-allergy na sa pera! Believe me, he's not my type!" Tuwid ako, Pamela!
"Um.. okay?"
"Maniwala ka sa'kin!" I sighed frustratedly and turned to Eros for help. Pero imbes na tulungan ako, nagkibit lang ng balikat ang diyos ng pag-ibig at bigla na lang naglaho sa isang kisapmata.
Ilang sandali pa, sinita na kami ng ilang mga propesor.
"Ano pang ginagawa niyo rito? Mga anak, earthquake drill ito. Kung nagkataong may lindol nga, baka kanina pa kayo nabagsakan ng building!" Professor Hesse, a tall man with a balding head, frowned at us. Mukhang stress na stress na rin sila sa isinagawang surprise drill.
"Sorry po."
Wala naman na kaming nagawa kundi humalo sa iba pang mga estudyante papunta sa designated area. Pero habang naglalakad kami, nararamdaman ko ang malagkit na tingin sa'kin ng bestfriend ko. Bullshit! I need to get away from him! Kaya't imbes na sa kaliwang hallway, mabilis akong tumakbo papuntang kanan.
"Pare, iniiwasan mo ba ako? Uy, Rein! What did I do wrong? Don't do this to me, baby~!"
Pwede bang sumuka muna?!
This is crazy! Sana talaga magkaroon ng malaking bitak sa lupa tapos lamunin ako nito at dalhin sa Underworld! Pinagpapawisan na ako nang malamig dahil sa sitwasyong 'to eh! 'Nasaan na ba kasi si Eros?! Langya, iniwan na talaga ako ng diyos na 'yon!'
"REIN! MAHAL KITA, PARE! 'WAG MO 'KONG LAYUAN! I NEED YOU, 'TOL!"
What the hell?!
"GAGO! POGI AKO PERO HINDI KITA PAPATULAN!"
"MAGKANO KA BA? 150? 250? KAYA KITANG BILHIN!"
Dati ibinebenta niya ako, tapos ngayon binibili niya ako? Nababaliw na talaga siya!
I ran as fast as I can and jumped over the rose bushes in the garden. Agad akong nagtago sa likod ng isang puno at ipinagdasal na sana sumulpot si Eros para maibalik na sa katinuan ang kaibigan ko. Malala palang magmahal ang siraulong 'yon! Akala ko wala nang mas lalala pa sa pagiging sugapa niya sa pera.
But instead of the god of love, I found someone else behind the tree.
"Hey! Maghanap ka ng ibang taguan. Nauna ako dito!"
Black eyeliner, black rockband shirt, at ang ekspresyong parang laging tinatamad sa mundo. Kumunot ang noo ko. Among all people, I didn't expect to see him here on campus grounds. Sa unang tingin kasi, para siyang isang "autophile" (a person who loves being alone). Madalas kasi napapansin kong napipilitan lang siyang makisama dahil sa kakulitan ni Caprissa. He looks more at peace when he's by himself.
"Ano bang ginagawa mo rito, Markus?"
"Shh!" Natataranta siyang lumingon sa may hardin at pinanlisikan ako ng mga mata. "Wag kang maingay, 'tol! Baka marinig niya tayo!" Hindi ko alam kung bakit pero para siyang kinakabahan. Napansin ko ring hinihingal siya at mukhang kakatapos lang mag-marathon.
"Teka, sino bang tinatakbuhan mo?" Hindi naman siguro mas malala ang sitwasyon niya kaysa sa'kin, 'di ba?
Huminga nang malalim si Markus. "Sa lahat talaga ng mga nagha-hunting kay Lady Medusa, siya talaga ang pinaka-agresibo. Damn! Now I know why that old man Zeus hates him."
"Hates who?" Alam kong may nabasa ako kanina sa mythology book eh. Kaso parang nag-evaporate bigla ang natutunan ko dahil sa nakapangingilabot na ikinikilos ni Desmond.
"Si---"
SLASH!
Natuod ako sa kinatatayuan ko nang biglang bumagsak ang punong pinagtataguan namin. I stared in horror as the tree was cut into half and exposed our hiding spot. Kamuntikan nang madaplisan ang balat ko ng ginamit na blade!
"Oh, shit." Kabadong bulong ni Markus. Nang makita ko kung sino ang may gawa nito, napa-second the motion ako sa pagmumura.
Standing in front of us, a man with wild black eyes glared. Nakasuot siya ng damit pandigma at may pilat sa gilid ng kanyang mukha. Hawak-hawak na niya ngayon ang isang pamilyar na katana habang nakangisi sa amin. And the soft golden glow emitting from his aura is enough indication that he's not one of us. Biglang nag-click sa isip ko kung sino ang isang ito.
"Ares..." Natataranta akong lumingon kay Markus at inalog-alog ang balikat niya. Langya, sino bang hindi magpa-panic?! "Hindi mo naman sinabing ang Greek god of war pala ang tinataguan mo! We're screwed, man! Walang kahirap-hirap niya tayong mapapatay!"
Inis na kumalas sa pagkakahawak ko si Markus. "Sasabihin ko na sana sa'yo kanina, but it looks like he already found us just because you couldn't keep your damn mouth shut, you bastard!"
"Ako pa talaga ang may kasalanan?!"
Kung alam ko lang na papatayin ako ng isang diyos ngayon, sana pala naghanda na ako ng last will and testament kagabi. Sana rin naghanda na ako ng love letter kay Pamela para kung sakali mang ito na ang katapusan ko, malaman man lang niyang may isang Rein Aristello na labis na nagmamahal sa kanya.
Natigil lang ang panghihinayang ko nang biglang humagalpak nang tawa si Ares.
"Wala nang silbi ang pag-aaway niyo, mga mortal! NASAAN SI MEDUSA?!"
Itinutok niya pa sa leeg ko ang katana. Kung hindi ako nagkakamali, katana ito ni Markus. And based from the demonstration I saw when he cut off that minotaur's arms, may ideya na ako kung gaano katalim ang espadang ito. Beside me, Markus managed a nonchalant answer, "Gago ka ba? Our loyalty resides with Lady Medusa. Kahit pa pugutan mo kami ng ulo at ipakain sa mga lobo ang laman-loob namin, we won't fucking tell you where she is!"
Nanlata ako sa sinabi ni Markus. I raised my hand up and nervously laughed at Ares, "Pero mas okay sana kung hindi mo na lang kami pugutan ng ulo at ipakain sa lobo ang mga laman-loob namin. Pero kung mapilit ka talaga, si Markus na lang ang patayin mo. 'Wag mo na akong idamay kasi may klase pa ako mamaya-maya. Kung makakapaghintay ka, pwede kong ibigay sa'yo ang address ng hideout namin."
Napasapo na lang ng kanyang noo si Markus.
What? He should be supportive that I think about my studies first!
Suminghal naman si Ares, "It looks like you're not very loyal to that fucking monster. Hindi ka ba tinablan ng charms ng Medusa na 'yon? HAHAHA!"
Hindi na ako umimik.
Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ng diyosang si Artemis, lalo lang akong nagdududa sa bago kong boss. Paano kung nagsisinungaling lang pala sa'min si Medusa? Damn. Hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang ipagtanggol ang halimaw na 'yon. She's just an attractive monster with nice curves--and that's all there is to her.
Sumulyap ako kay Markus. Well, he's the lazy emo genius! Baka-sakaling may alam siyang paraan para makatakas kami kay Ares.
Pero sinamaan niya lang ako ng tingin na para bang traydor ako. Tsk! Hindi ko naman kasalanan kung hindi ko kayang ipaglaban hanggang kamatayan ang boss namin. I'm not an idiot, and I'm certainly not a martyr.
Kaya nagulat na lang ako nang bigla siyang bumulong..
"Kapag sinabi kong 'henyo si Markus', tumakbo ka na."
Napasimangot ako roon.
Teka, tumakbo?
Well, that's fine with me. I've been running away from all the shitty things in my life, so I guess I'm an expert at it.
"Anong binubulung-bulong niyo diyan?! Tell me where your fucking boss is!" Dumagundong ang paligid sa sigaw ni Ares.
Huminga ako nang malalim at hinintay ang signal ni Markus.
"HENYO SI MARKUS!"
At mabilis na akong kumaripas nang takbo. Hindi ko alam kung anong plano ng isang 'to, but if it means staying alive, then I have no complaints.
Nang tumakbo ako papalayo, inaasahan kong may kukuning granada si Markus o kaya naman nagtawag man lang siya ng batalyon ng mga mandirigma para kalabanin si Ares. Pero hindi ko inaasahang makakarinig ako ng isang malakas na...
"MEOW!"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top