QUINQUAGINTA UNUM

Umalingawgaw sa katahimikan ng parke ang pagbagsak ng patalim sa lupa.

Medusa stared wide-eyed at the man she almost killed. 'P-Paano nangyari ito?' Namamalikmata lang ba siya? Kanina ang "Desmond" na 'yan ay ang dati niyang nobyo! Ang parehong lalaking nang-iwan sa kanya noong kinailangan niya ang tulong nito. The same mortal who broke her heart to the point that Medusa was so sure it could no longer be fixed.

But then, there's Rein Aristello.

Mabilis siyang humakbang papalayo sa kanyang personal assistant na puno ng pagkadismaya ang mga mata. Sa likod ng mga ito, alam ni Medusa na naroon pa rin ang galit at pagkagulat nito. Kamuntikan na niyang napatay ang bestfriend ni Rein!

"R-Rein, maniwala ka sa'kin.. hindi siya kanina ang Desmond na kilala mo. Hindi ko alam kung anong mahika ang nangyayari rito, but presented himself earlier as my ex-boyfriend! H-He attempted to kill me!"

Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Rein Aristello. Para bang ayaw pa rin siya nitong paniwalaan. Panandalian niyang sinilip ang kalagayan ni Desmond. Kalaunan, napabuntong-hininga ang kanyang personal assistant.

"Attempted to kill you, huh? Too bad that won't happen because you're an immortal, Lady Medusa.. paano mo napagkamalang ang kaibigan ko ang lalaking minahal mo dati? Matagal nang patay ang Desmond mo. Look, I know that you're still struggling with your past, pero hindi ibig sabihin nito ibubunton mo na ang galit mo sa ibang mortal!"

"Damn it! Rein, maniwala ka sa'kin.. hindi ko sinasadyang saktan ang kaibigan mo! H-Hindi ko siya pinagdidiskitahan dahil lang kapangalan niya ang Desmond na nanakit sa'kin noon..." Medusa desparately told him. Hindi niya alam kung bakit ito nangyayari, pero pakiramdam niya ay may kinalaman na naman si Ares dito. Her brown eyes averted to Desmond's direction. "May ginawa na naman si Ares dito. Let me check if---!"

"Lady Medusa, tumigil ka na. Don't you think you've caused enough damaged for tonight?" Pagod na sabi ni Rein na para bang pinagsisisihan na niya ang pagpunta rito.

Naalala ulit ni Medusa ang sinabi sa kanya ni "Desmond" tungkol sa date nila ni Pamela. Gustuhin man niyang alamin kung totoo ba ito o hindi, Medusa knows that she might get hurt again. It's best to stop being curious to prevent anymore emotional pain. Huminga na lang siya nang malalim at lumayo kina Desmond at Caprissa.

"Fine."

Fortunately, Desmond was slowly regaining his consciousness. Unti-unti itong nagmulat ng mga mata at umupo habang hinihimas ang leeg. Sa parte kung saan siya sinakal ni Medusa kanina. "Damn.. anong nangyari? Bakit ako nandito?" Nagpalinga-linga siya sa paligid hanggang sa makita niya ang kaibigan.

"Yow, Rein! Akala ko ba may date kayo ni Pamela?"

Medusa stopped.

"May kailangan lang muna kaming pag-usapan nina Lady Medusa. Sinabi ko naman kay Pam na male-late ako."

'Ouch.'

Of course he had a date with Pamela. Sinubukang pakalmahin ni Medusa ang kanyang sarili. Wala naman siyang karapatang magselos.

Nanaig ang sandaling katahimikan sa pagitan nilang apat.

Finally, the twelve-year-old girl stood up and turned to Rein. "Kuya Rein, ihatid mo na lang po muna siguro pauwi si Kuya Desmond. Baka kung ano pang mangyari sa kanya." Kapansin-pansin na nangingitim ang ilalim ng mga mata nito na para bang inagawan ng tulog. Now that she thinks about it, Medusa wasn't even sure where Caprissa slept the night before. Madalas kasi sa warehouse ito namamalagi.

Tumango naman si Rein at aalalayan na sanang tumayo si Desmond nang tinabig nito ang kamay niya, "Nah. I'm fine! Sige na, mag-meeting na kayo.. pupuntahan ko na lang sina Bart. Ang alam ko nasa casino sila ngayon! Hahaha!" At tumakbo na ito papalayo.

Tumalim ang mga mata ni Medusa sa mortal na 'yon. 'May hindi talaga tama sa ikinikilos niya. And I'm sure as hell didn't imagine that little encounter earlier! Tsk.'

Ngayong naiwan na silang tatlo, lalong namuo ang tensyon.

Huminga nang malalim si Medusa at pinakalma ang mga ahas sa kanyang ulo. Gustong-gusto nang manuklaw ng mga ito. Seeing "that man" earlier unsettled her more than she'd admit it. Kaya hindi na siya nagulat nang si Rein Aristello na ang bumasag sa katahimikan.

His expression was serious. "Tinext ako kanina ng nanay ko. Someone named 'Lady Medusa' transferred over a half a million pesos in her bank account. Ito ang huling sweldo ko, hindi ba? Don't even try to deny it, Lady Medusa. Nakatanggap rin ng ganito si Markus nang kontakin ko siya sa social media kanina. Kung tama ang hinala niya, pampalubag-loob mo raw ito sa'min."

Caprissa sighed, "I-I received it too..."

"Good."

"Good?" Nagkakatakang sabi ng dalawa.

Kalmado ngunit malungkot na ngumiti si Medusa. "Don't look at me like that. Alam niyo na rin siguro kung ano ang ibig sabihin nito. Consider it as your separation pay."

Nang hindi sila nakaimik, walang emosyong nilinaw ni Medusa ang kanyang sinasabi. 'Why are they making even harder than I expected it?' Isinantabi na muna niya ang bigat ng kanyang nararamdaman. Alam niyang kailangan niyang gawin ito. Buo na ang desisyon niya.

"Caprissa and Rein Aristello.. like Markus, the three of you had been very useful to me these past few weeks. Pero kung hindi niyo pa napapansin, nagbabago ang mundo at patuloy pa rin itong magbabago, gustuhin man natin o hindi. We just need to accept the changes and move on. Bilang employer niyo, nagpapasalamat ako sa ipinakita niyong katapatan at dedikasyon sa trabaho. However, I am no longer in need of your services."

Caprissa was the first to recover from the shock.

"B-Bakit po? Bakit mo po ito ginagawa sa'min, Lady Medusa?"

Hinga nang malalim.

"Hindi niyo na kailangang alamin ang dahilan ko. Just go. I don't need any of you anymore."

Medusa hated how her own voice sounded so foreign to her, but that's the point. Show no emotion. Show nothing that will give them the wrong idea. Alam niyang walang madaling paraan para sabihin ito sa kanila, kaya ang magagawa na lang niya ay subukang ipakita sa kanilang hindi siya apektado. Dahil kung ipapahalata ni Medusa na nasasaktan rin siya sa desisyon niyang ito, alam niyang hindi niya makukumbinsi sina Caprissa at Rein na lumayo sa kanya.

Well, of course it'll be easy for her to fake this.

She's an expert at pushing other people away. Kaya nga walang nagtagal sa ugali niya ng ilang siglo... She just simple repels everyone.

And that's what she's planning to do now.

Nang hindi pa rin umiimik ang mga "dati" niyang tauhan, huminga nang malalim si Medusa at tumalikod na sa kanila. Show no emotion. Sa kabila nito, hindi niya alam kung bakit, pero lalo lang siyang nalulungkot tuwing iisipin niyang mag-isa na lang siya ulit.

'But if I survived this loneliness before, I know I can survive it again.'

She'll miss them.

"Ganoon na lang 'yon, Lady Medusa? Ganoon na lang kadali sa'yo na itulak kami papalayo? Bullshit! You're talking to us an 'employer', but you're not making any sense as our 'family'. Kung inaakala mong matatapalan ng pera mo ang pinagsamahan natin, nagkakamali ka. You can't just push us away like this. Dahil kahit na itanggi mo ito sa'min ngayon, alam kong pamilya rin ang turing mo sa grupo natin!"

Hindi na siya nagulat nang marinig iyon kay Rein. Walang-emosyon niyang binalingan ang binata at sarkastikong ngumiti, "Family? You must be delusional, Aristello. Hindi ko kasalanan kung napamahal na kayo sa isa't isa, kaya 'wag mo akong sisisihin kung nasasaktan ka na."

'Don't make this anymore complicated, Rein. Please.'

Agad na nag-iwas ng tingin si Medusa nang makita ang ekspresyon ni Rein. Hindi na niya naitago ang mga emosyon sa likod ng kanyang mga mata, and it's funny how Medusa can recognize every single one of them... Pain, frustration, anger, confusion. Inaasahan na niya ito.

Rein Aristello had always been an interesting mortal.

"Wag mo na akong lalapitan, Aristello. Baka tuluyan ka nang maging estatwa."

Rein cursed under his breath.

Sa kanyang tabi, nagpipigil na lang ng kanyang mga luha si Caprissa, "L-Lady Medusa.. alam k-ko pong may mabigat kang rason kung bakit m-mo ito ginagawa.. pwede mo naman po itong s-sabihin sa'min. We'll find a solution together! That's what we always do."

Naalala na naman ni Medusa ang mga panahong palagi niyang inuutusan noon sina Markus at Caprissa. Palaging magrereklamo si Markus habang si Caprissa naman ay mangungulit at pupurihin pa muna siya. Sa huli, ginagawa nila ang anumang ipinag-uutos niya, kahit pa madalas wala itong kwenta. They always tagged along with her like they were her shadow.

She'll miss those days.

'I'm sorry for making you cry again, Caprissa.'

Ayaw na niyang madamay sa gulo ang sinuman sa kanilang tatlo. Markus, Caprissa, and Rein are the only mortals who had successfully crept into her stone heart. They made her "care", and she hated it.

"Wag mo na akong tawaging 'Lady' Medusa. Hindi na kita empleyado." Umirap siya at akmang aalis na nang humabol sa kanya si Caprissa.

Mabilis siyang niyakap ng bata habang umiiyak.

"L-Lady Medusa! Wag ka pong umalis.. w-wag mo po kaming iwa---"

"CALL ME THAT AGAIN AND I'LL CUT OUT YOUR STUPID TONGUE! Hindi mo ba alam na nakakairita na 'yang pagiging childish mo?!"

Unti-unting kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Caprissa. The twelve-year-old's eyes grew wide in shock at what she said. Para itong natuod sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa narinig. Meanwhile, Rein rushed to Caprissa's side and gently pulled her away from Medusa. Matapang niyang sinalubong ang tingin ng dating amo.

"Ano bang problema mo?! Pati si Caprissa, sinisigawan mo na!"

Pagak na natawa ang dalaga. Hindi siya dapat nagpapaapekto. She's doing this to spare them the drama.

"So, is this the part where you start calling me a monster again, Aristello? O baka naman tatakbo ka na papalayo papunta sa pinakamamahal mong si Pamela? Do as you please. I don't care anymore, darling. Kaya kong maghanap ng mas matinong personal assistant na mas magkakaroon ng silbi sa paghahanap kay Linae." She spat with a bitterness in her voice. Naaalala pa lang niya na may "date" sila ni Pamela, para nang pinipiga ang puso niya. Medusa expected this to happen...

But she never expected it to be this painful.

Rein Aristello cursed uner his breath. He looked pisssed off. Dahil dito, tuluyan na nitong hindi napigilan ang sumunod na mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Why bother hiring new employees? Matagal na naming nagawa ang ipinag-uutos mo, Lady Medusa. Nahanap na namin si Linae---"

Sinubukan siyang pigilan ni Caprissa, "K-Kuya Rein, p-please, 'wag mo pong sasa---!"

Too late.

"---and she's already dead!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top