QUINQUAGINTA DUO
"---and she's already dead!"
Medusa felt like she was suddenly plunged into a freezing lake in the middle of winter. Her entire body felt cold as she momentarily forgot how to breathe. Para bang ayaw pang paniwalaan ng kanyang mga tainga ang sinabi ng kanyang personal assistant---dating personal assistant. Tinanggal na nga pala niya ito sa trabaho.
When Medusa finally found her voice, it came out more like a whisper.
"A-Anong sinabi mo?"
Umaasa siyang namali lang siya ng dinig.
'Linae is dead? N-No.. that can't be. This must be a fucking joke!'
Para namang nahimasmasan si Rein sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Sa kanyang tabi, patuloy pa ring umiiyak si Caprissa habang umiling-iling. Her voice broke, "I-I'm sorry Lady Medusa.. m-matagal ko na po itong tinatago sa'yo---"
"Matagal na namin tinatago sa'yo. We're both guilty." Mariing sabi ni Rein na ibinalik ang mga mata sa dati niyang boss. Huminga siya nang malalim at idinagdag, "Nahanap namin ang puntod ni Linae sa sementeryo. She's been dead for years now. I'm sorry."
Medusa felt like she'd been slapped by Morgana. Sa kasamaang-palad, mas masakit pa pala ang mga simpleng salita kaysa sa anumang pisikal na pananakit.
"S-Si Linae....? That's bullshit! Nagsisinungaling lang kayo! She can't be dead! Eh 'di para saan pa ang ilang dekada ko nang paghahanap sa kanya?! She's Athena's ex-disciple! She has a longer life span than any mortal! S-She's..."
Nanghinang bigla ang mga tuhod ni Medusa. Ayaw na niyang isipin ang mga posibilidad. No, Linae can't be dead. Dahil kung patay na pala ang babaeng makakatanggal sa sumpa niya at makakapagpabalik sa kanya sa templo ni Athena, ibig sabihin nagsayang lang pala siya ng pagod at panahon para sa wala.
She can hear the snakes hissing violently. Hindi na niya makontrol ang kanyag mga alaga. Hindi na niya sinubukan. Hinayaan na lang niyang magwala ang mga ito habang pilit pinipigilan ang halimaw sa loob niya. Nararamdaman niyang nahihirapan na naman siyang huminga. She's being unstable again and the monster inside her just might kill anyone, especially her former employees.
'Oh, aren't you a bit curious to know how it will feel to have their blood on your hands?'
She tried to ignore that sinister thought like how she tried to ignore the rumble of thunder above. Nang mapansin nina Rein na unti-unti na naman siyang nawawalan ng kontrol, sinubukan siyang nitong lapitan. Bakas na naman ang awa sa mga mata nito na lalong nakakapagpasiklab ng galit ni Medusa.
"She's dead.. we're not lying to you. Alam naming mahihirapan kang tanggapin ito. I'm sorry."
"At anong gusto mong gawin ko? Patawarin kayo? Darn it! Unless apologies can bring Linae back from the dead, I won't give a damn about what you say!"
"Lady Medusa, nandito lang kami kung kailangan mo ng tulong... Ipinapangako ko sa'yo, hindi ako titigil hangga't wala akong nahahanap na paraan para maalis ang sumpa mo. Caprissa and I will---!"
"HAHAHAHA! What? Keep fucking secrets from me again?! You ignorant mortals! Wala nang ibang paraan, Rein! Habambuhay na akong magiging pusa tuwing araw at hindi na ako makakabalik sa templo ni Athena!" She gave them a deadly glare, "AT KUNG ALAM NIYO NA PALANG NAGMUMUKHA LANG AKONG TANGA SA PAGHAHANAP KAY LINAE, BAKIT PINATAGAL NIYO PA?! ARE YOU THAT FUCKING DESPRATE TO KEEP ME HERE?!"
Her voice roared like the impending storm. Kasunod nito, unti-unting bumagsak ang unang mga patak ng ulan. Hindi na ito inalintana ng tatlo kahit pa nagbabadya na ang isang bagyo.
'Kill them. It would be fun.'
"Loyalty my ass."
Dahan-dahang lumayo si Medusa sa kanilang dalawa. Sa tindi ng nararamdaman niyang galit at sama ng loob sa kanila, alam niyang malaki ang posibilidad na mapatay niya sina Rein at Caprissa. She was holding on to that little bit of sanity left as she ran away from them. Bahala na.
"LADY MEDUSA!"
Dahil ang totoo, kahit na nagsinungaling sila sa kanya at itinago ang tungkol kay Linae, Medusa doesn't want to hurt them. Pero dahil sa nalaman niyang balita, unti-unti na niyang nabibitiwan ang kadena ng halimaw sa loob niya. Her conrtrol was slipping away and that terrified her more than the thought of transforming into a cat forever.
Medusa cursed under her breath.
She needed to see it for herself.
"Please, sana nagkamali lang sila ng basa... S-Sana hindi ang dating disipolo ni Athena ang naroon."
Panandalian lang siyang huminto sa pagtakbo para tanggalin ang kanyang sapatos. Afterwards, she forced her legs to take her as fast as they can allow her to the Eastwood Cemetery. Wala na siyang pakialam sa nabasa niyang damit o nasira na niyang mga kuko. Sa pagkakataong ito, mas mahalagang malaman ni Medusa ang katotohanang makakapagpabago sa kanyang mga plano kaysa sa panlabas niyang histura.
"H-Hindi pa pwedeng mamatay si Linae..."
But isn't it amazing how a person keeps denying the truth until it bites you like an vicious beast?
It took her a few minutes because of her dim surroundings, but when she finally saw the headstone, tuluyan nang napalunod sa lupa ang Gorgon. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa lapida. Dumausdos ang tubig-ulan sa kanyang maputlang mukha. Pakiramdam niya, tuluyan na siyang naisahan ng tadhana.
Gustuhin man niyang itanggi ito, Medusa can't deny the familiar emblem on the stone. Engraved on her tomb, was the sacred mark of Athena---an owl that symbolizes wisdom.
"L-Linae..."
She touched the carved words and smiled bitterly. "Nagsayang nga lang ako ng ilang taon. How stupid of me.."
Napayuko na lang siya at hinayaan na niyang bumuhos ang kanyang mga emosyon. She felt so frustrated and defeated. Para bang kahit anong gawin niya, hindi pa rin siya nilulubayan ng sakit. Hindi pa rin siya tapos patayin ng mapait niyang nakaraan.
Medusa remembered that night, when she finally decided to talk to Athena about her curse.
Hapon na noon at marami nang nagbago sa templo mula nang isumpa siyang maging halimaw ng diyosa. Medusa sneaked into the temple with her hair transformed to normal. Delikado na at baka mamukhaan pa siya ng mga disipolo ni Athena at isipan pa siya ng masama.
"Athena?"
But the goddess wasn't in her room.
Medusa sighed. Mabuti na lang at alam niya kung saan ito nagpupunta tuwing wala ito roon. Mabilis na lumiko ng pasilyo si Medusa at tinahak ang daan papunta sa silid-aklatan nito.
She opened the door, expecting to see the goddess seated in her usual spot next to the grand fireplace.
"Athena, nandito ako para---"
Pero hindi niya inaasahang matagpuan doon ang disipolo nito. During her stay as Athena's priestess, Medusa wasn't too friendly with the others. Hindi siya nag-abalang kabisaduhin ang kanilang mga pangalan. Medusa always thought remembering the names of "temporary" people is just a waste of brain power. Pero ngayong kaharap niya ang misteryosong dalagang ito, medyo nagsisi ang Gorgon.
"Sino ka naman? At anong ginagawa mo rito sa library ni Athena? Disciples aren't allowed here unless the goddess herself requested your presence. Tsk!"
The girl smiled, unfazed by Medusa's attitude.
"My name is Linae. I guess we're even, then. Ang alam ko ipinagbabawal rin ni Athena ang pagpasok ng mga taong isinumpa sa templong ito.. tama ba ako, Medusa?"
Natigilan si Medusa sa kanyang sinabi. 'A-Alam niya kung sino ako..' Agad niyang isinantabi ang kabang nararamdaman niya at walang emosyong bumaling sa disipolo.
"It's complicated. May mga kondisyon ang sumpa sa'kin ni Athena, but I don't want to get into details with a bitch like you."
Pero imbes na umalis, lumawak pa lalo ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Linae. Her orange eyes glowed in an unnatural manner as she approached her. Kung tutuusin, maamo ang mukha nito at ramdam ni Medusa ang kabutihan ng kanyang puso, pero wala nang pakialam doon si Medusa.
"Nandito ka siguro para patayin si Lady Athena, hindi ba? Well, I can't let you do that, monster.." Linae waved a hand. In turn, Medusa's hair transformed back into snakes. Nagulat si Medusa sa kapangyarihang taglay ng dalaga at mahinang napamura, "What the fuck?!"
Kalmado lang tumugon si Linae. Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
"...no matter what you do, you will always be a monster. Inside and out. Matagal ka nang nawalan ng karapatang tumapak sa templong ito, at kung ang isumpa ka ang tanging paraan para lumayo ka kay Lady Athena, I'll gladly bestow a curse upon you myself."
Bago pa man makalayo si Medusa, naramdaman na niya ang pananakit ng kanyang buong katawan. Napasigaw siya sa sakit habang pinagmamasdang humikli ang kanyang mga braso at binti. Unti-unti, nabalutan siya ng kulay kahel na balahibo. Hell, she even felt herself getting smaller! She glared at Linae and...
"Meow!"
'S-She transformed me into a cat?!'
Mahinang natawa si Linae at tinapik ang kanyang ulo. Her eyes were full of mischief as she spoke in a calm manner, "You'll thank me one day, Medusa. Sa ngayon, i-enjoy mo muna ang pagiging pusa."
"MEOW?!"
'ANO?!'
Linae cleared her throat just as Athena waltz into the room. Kasabay nito, tila isang artistang nagsisisigaw ang disipolo na nanggaling raw doon si Medusa. Naalarma ang buong templo pero nang hindi nila mahanap ang normal na "anyo" ni Medusa, sumuko na sila. Of course they can't find her, because she was transformed as a cat!
Meanwhile, Linae kicked Medusa the cat out herself.
"Magiging masama na ang reputasyon mo nito sa Olympus. Just be thankful that only you and I know about the cat curse."
Nang subukan niyang bumalik, naramdaman ni Medusa ang barrier sa pintuan. Agad siyang nanlumo nang maalala ang mahikang inilagay ng diyosa sa kanyang tahanan.
'The cursed ones shall not be allowed inside Athena's temple.'
Pagak na natawa si Medusa habang tinititigan ang lapida ng libingan ni Linae.
"Ano nang gagawin ko ngayon, Athena?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top