QUATTOUR

Nagpakurap-kurap ako.

Baka kasi namamalikmata lang na naman ako o baka malapit na akong mawala sa katinuan. Though, I highly doubt that because I can recall every single philia I've read in psychology books.

'Baka naman nasa ibang dimensyon ako?'

"Um.. bata, ikaw ba talaga yung transferee?"

The twelve-year-old girl with braided pigtails beamed at me. Inosente ang kanyang ngiti habang nakahawak sa straps ng backpack niyang kulay pink.

"Opo, kuya! Just call me 'Caprissa'. Excited na talaga akong mag-aral dito!" Mangha niyang inilibot ang kanyang mga mata sa kabuuan ng Eastwood Central University, "Wow! Ang laki-laki pala ng school na 'to!"

Hindi talaga ako makapaniwalang college student na ang batang ito. For pete's sake, mukha lang talaga siyang elementary student na nasa fieldtrip! Mabilis kong sinapo ang noo ng bata. "Baka nilalagnat ka lang. May klase pa ako mamaya, kaya papahatid na lang kita sa bahay niyo."

Agad na tinabig ni Caprissa ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.

"College student nga ako!"

"Uh huh. At ako naman ang ambassador ng Mars."

Sarcastic Rein mode: ON.

Mukhang anumang oras ay magtatantrums na siya. Bago pa man ako makaangal, mabilis niyang kinuha ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang Dean's office. Nabigla pa ako dahil mas malakas pa pala siya kaysa sa inaakala ko.

"H-Hey! Bawal ang mga bata diya---!"

Knock! Knock! Knock!

"TAO POOOOO! TAO PO!"

Napanganga ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mrs. Catapang. Napalunok ako nang dumako ang mga mata ng striktong dean sa amin. Her eyes were sharp behind those thick eyeglasses and her hawk-like nose only made her even more intimidating! Pinagpawisan ako nang malamig. Halatang binulabog namin siya sa kalagitaan ng trabaho niya.

"Mr. Aristello?"

Agad kong itinago sa likuran ko si Caprissa at tinakpan ang bibig niya. Kabado akong tumawa at nagbaka-sakaling madadaan ko sa charms ko ang dean.

"A-Ah, ma'am. M-May tatanungin po kasi ako sa um.. schedule ko po.. may ano kasi..ano. Um... Ganito ka---AH! SHIT!"

Napasigaw ako sa sakit nang biglang kagatin nung bata ang kamay ko. I cursed in pain and glared at her. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humarap kay Mrs. Catapang at ngumiti nang matamis.

Damn! Ano na lang ang sasabihin ng dean kapag nalaman niyang may nakapasok na elem student?!

I was about to drag the kid away from the hawk-nosed dean when she suddenly hugged the elder.

"AUNTIE MIA!"

A-Auntie?

"Oh! Kanina pa kita hinihintay, Caprissa. Naku, ang laki-laki mo na! Teka, bakit wala ka pa sa klase mo?"

"Hindi pa po kasi tinuturo sa'kin ni Kuya Rein ang room namin!"

Napasimangot si Mrs. Catapang at bumaling sa'kin. Agad akong natuod sa kinatatayuan ko nang namaywang na ang dean. "Mr. Aristello, hindi ba may klase pa kayo ngayong umaga kay Professor Chen? Male-late na kayo."

"M-Magkamag-anak kayo?"

"Yes. Is there a problem with that?"

"Ah.. wala naman po. Pero bakit ba siya nandito? Baka hanapin siya sa elem--"

"Hijo, college student na siya."

Napanganga ako. Literal na napanganga! Nagpabalik-balik ang tingin ko kina dean at Caprissa. Just then, the little girl grabbed an ID and proudly showed it to me. Dati niya itong ID noong nag-aral siya sa Carlos Colleges Inc., ang kolehiyong pinasukan niya bago siya mag-transfer dito. Walang imik ko itong ibinalik sa bata at napabuntong-hininga.

"Err.. fine. Tara na, Caprissa." Huminga ako nang malalim at binalingan si dean, "Ma'am, pasensya na sa abala. Punta na po kami sa klase namin."

Mrs. Catapang nodded. Napapalakpak naman sa tuwa si Caprissa. "Okie dokie, Kuya Rein! Bye-bye, Auntie Mia!" Kumaway pa siya auntie niya.

Nakayuko lang akong dumaan ng mga pasilyo dala ng hiya. Samantala, kumakanta-kanta pa si Caprissa at manghang pinagmasdan ang mga nakadisplay na larawan at infographics sa College of Engineering.

'A 12-year-old college student? Damn. This is crazy!'

Marami talagang kababalaghang nangyayari sa buhay ko ngayon.

*

Nang sumapit ang lunchtime, inilaan ko ang oras ko sa pagtu-tour kay Caprissa. It's not like I wanted to, but she was too persuasive! Saka wala rin naman akong ibang gagawin ngayon. Habang naglilibot-libot kami sa iba pang mga kolehiyo sa ECU, masayang kumakain ng biskwit ang bata at nagkukwento ng kung anu-ano.

She was a bubbly girl. Hindi siya nauubusan ng kwento at paminsan-minsan, nangungulit siya sa ibang mga estudyanteng nakikita namin.

"Henyo ka siguro 'no?"

Napalingon sa'kin ang bata. "Henyo?"

"Oo. Seriously, I'm still dumbfounded by the fact that you're already a college student at the age of twelve." Noong mga ganyang edad ako, abala lang ako sa panonood ng mga cartoons sa telebisyon namin. Lilipas lang talaga ang maghapon na kain-tulog-nood-ligo-laro-repeat lang ang buhay ko.

Kung naging henyo lang siguro ako, baka maaga rin akong nakapagtapos ng kolehiyo.

Well, it's not like I can change the past now, can I? Hindi naman talaga ako matalino kaya ayos lang.

Pero ikinabigla ko ay ang mahinang pagtawa ni Caprissa. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa tapat ng College of Performing Arts kung saan natatanaw namin ang mga nagkaklase. The grass seemed more vibrant on this side of the campus, and I have no idea if it's light tricks or just a natural phenomenon.

"I guess you can say I'm not a genius by choice."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Nakatuon ang atensyon ni Caprissa sa punong nasa kabilang bahagi ng hardin. She stare at it, deep in thought.

"I just don't want to disappoint my parents. Gusto ko kasing maging proud sila sa'kin, kaya natuto akong isubsob ang sarili ko sa mga libro. Noong panahong puro Barbie dolls ang nilalaro ng mga kaedad ko, ako naman nagte-take na ng advanced lessons sa Calculus."

She sacrificed her childhood to make her parents proud.

"Hindi ka ba nagsisi? I-I mean, it's not like being advanced is a bad thing, pero para kasing hindi naging sulit ang childhood mo."

"I want to be the perfect daughter. Kung masaya man ako o hindi, hindi na po mahalaga 'yon."

Napabuntong-hininga si Caprissa. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o may nakita talaga akong lungkot sa mga mata niya. But it quickly vanished as she turned to me. Para bang may switch ang kanyang mga emosyon. At a young age, she knows how to control her emotional state and that's impressive.

Hoy, hindi pedophile ha! Nililinaw ko lang. ("Pedophile" = a person who is sexually attracted to kids)

"REIN!"

Agad akong napalingon sa boses. Para bang nagkaroon ng mga puso ang paligid nang makita ko si Pamela. 'That smile should be illegal! It's too angelic and beautiful..' Naglakad siya papalapit sa amin. Hindi na rin naalis ang ngiti sa mga labi ko. She always lightens up the mood. I have no idea how she does that, but it adds up to the many reasons why I love her.

'Damn, Rein.. malakas na talaga ang tama mo kay Pam.'

"Kuya Rein?"

Ang ganda-ganda talaga ni Pamela..

"....."

"KUYA REIN!"

Napapitlag ako nang sinigawan na ako ni Caprissa. She crossed her arms over her chest and frowned. "Kanina ka pa po nakatulala sa kanya! Mapaghahalataan kang crush mo siya eh."

Agad akong namula. Lalo na't nakatingin na sa'min si Pamela. Shit! Narinig kaya niya?!

"H-Ha?! Anong crush? Naku, bata ka! B-Bawal pa sa'yo ang mga crush-crush na 'yan! H-Hehehe!"

"Eh? Pero hindi ba crush mo po siya---!"

"CRUSHED ICE! Oo, um.. crushed ice ang ginagamit mismo sa mga halo-halo. Hindi ba, Pamela?" I hopelessly turned to her.

Tumango naman si Pamela. "Ah, oo. Hahaha! Naaalala mo ba noong mga bata tayo, Rein? Palagi mo akong nililibre ng halo-halo doon sa may kanto."

'Noong mga panahong may pera pa ako.'

"Yeah. 'Di bale, ililibre kita ulit doon."

Pamela's smile widened. Hindi ko maiwasang matulala sa kanya. Mayamaya pa, bigla na niyang iniba ang usapan. "Pupunta ka mamaya, 'di ba? Wag mong kakalimutan, Rein, ha!"

"O-Oo naman."

"See you later!" At sa gulat ko, namalayan ko na lang na niyakap na ako ni Pamela. The warmth of her soft skin lingered on mine as I watched her walk away. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Beside me, Caprissa whistled. "May panregalo ka na ba sa kanya, kuya?"

Nabasag ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko 'yon. Napayuko ako't napabuntong-hininga. Damn, oo nga pala. Nabasa siguro ni Caprissa ang ekspresyon ko dahil bigla na naman siyang nagsalita. This time, her voice held a certain confidence to it.

"May alam akong pwede mong pasukang part-time job, kuya. Ilang oras ka lang matatrabaho mamaya, tapos malaki pa ang sahod. Makakahabol ka pa sigurado sa party ng crush mo."

Sounds fishy. Baka mamaya, scam na naman ito. Mahirap umasa sa mga easy money jobs. Baka ilegal pala at mababa ang pasahod..

'Pero wala pa rin talaga akong regalo para kay Pam mamaya.' Napalunok ako. Wala naman sigurong masama kung tingnan ko muna ang part-time na sinabi ni Caprissa, 'di ba? She's a genius, so I guess she won't recommend anything illegal.

"Magkano ba ang sahod?"

Ngumisi si Caprissa at ibinulong sa'kin ang amount.

Sa pangalawang pagkakataon, napanganga ulit ako. Bago pa man ako makapag-isip, may ibinigay nang address sa'kin si Caprissa. It was written on a piece of paper. The twelve-year-old smiled.

"Pumunta ka po diyan mamaya. Siguradong gusto kang makilala ng boss namin."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top