QUADRAGINTA UNUM
Nang sinabi sa'kin ni Lady Medusa na hindi dapat ako magtiwala sa mga nakikita ko rito sa Tartarus, hindi ko alam kung kasama ba sa "rule of survival" na iyon ang pagkain.
Kanina ko pa sinusundot ng chopsticks ang isang piraso ng karne na pinaghihinalaan kong ilong ng tao. Then again, maybe I'm just seeing things? Sa huli, napabuntong-hininga na lang ako at inubos ang seaweed burger sa plato ni Medusa. Ngayon ko lang nalaman na ayaw niya pala ng seaweed o ng burger. A seaweed burger is a double kill for her appetite.
Nang mapansin niya ako, agad siyang nagtaas ng kilay. "You don't like their assorted meat salad? Best-seller pa man din nila 'yan."
"Kahit pa 'yan na lang ang natitirang salad sa mundo, I won't eat it. Tinititigan ko pa lang 'yan, pakiramdam ko nagiging cannibal na ako. Why don't they indicate the ingredients?"
Napapailing na lang si Lady Medusa na para bang walang-saysay ang tanong ko. "That's the point, you stupid mortal.. they don't tell you what meat they used because it's their special! Kapag nalaman ng ibang restaurant ang ginagamit nilang sangkap, madali nila itong magagaya. And when that happens, this whole place will lose it's originality."
Marahan niyang inilapit sa kanya ang bowl ng assorted meat salad at walang pagdadalawang-isip na kinain ito. I silently watched as she chewed the nose meat. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa kinakain kong burger bago pa ako masuka.
"Cibophile."
Lady Medusa stared at me as it I were crazy. Nagkibit-balikat na lang ako, "A person who loves eating food."
After paying for our clothes, Lady Medusa dragged me to the second ground level of Tartarus. Agad niya akong dinala rito sa paborito niyang restaurant katabi ng isang casino. Mula sa kalapit na mga mesa, napapansin kong napapasulyap sa'min ang ibang mga nilalang na mistulang mga demonyo. If those horns and red tinted skin doesn't prove it, I don't know what will.
Nang maubos na namin ang pagkaing in-order ng boss ko, we sat in complete silence. The light from the candle between us flickered and casted an eerie glow. Nakapatong ang puting kandila sa isang bungo katabi ng itim na plurerang may bulaklak ng asphodel.
"Paano pala tayo makakabalik sa Eastwood? May exams ako sa susunod na linggo at wala pa akong nari-review. Tsk! Siguradong naibenta na rin ni Desmond ang mga gamit ko sa apartment." Inis kong sabi.
Seryoso, sasapakin ko talaga ang gagong 'yon kung pati na naman medyas ko naibenta niya! Kilala ko ang isang 'yon. Sa ngalan ng pera, walang pinapatawad. Noong nakaraang buwan lang, pati cellphone ko naisangla niya.
Surprisingly, Lady Medusa calmly rested her chin on the palm of her hand. Nakatitig siya sa'kin habang nakangisi. Minsan talaga kinakabahan na ako sa mga pangisi-ngisi niyang 'yan.
"Mas magiging delikado kung sa ilog ng Styx tayo dadaan. Ares knows we'll most likely take that route, so I won't be surprised if that bastard instructed Deimos and Phobos to wait for us by the riverbank."
"So, instead of going back through the river or by any other common means, doon tayo dadaan sa rutang hindi niya alam?"
Sumandal sa kanyang upuan si Lady Medusa at mabagal na pumalakpak. "Gumagana pa rin pala ang utak mo, Aristello. Congrats!"
Napasimangot na lang ako at inubos ang baso ng bloody lemon soda. Hindi ko pa rin maisip kung totoo bang may dugo, may lemon, o kung soda ba talaga itong iniinom ko. Weird, but it's quite refreshing. Dapat may ganito rin sa Eastwood.
"Paano naman natin gagawin 'yon? Ares is the Greek god of war, Lady Medusa. Siguradong alam niya ang lahat ng pwede nating daanan pabalik sa Eastwood! Bukod doon, hinahanap ka pa rin ng mga tauhan ni Zeus."
Pero ni hindi man lang nabahala si Lady Medusa sa sinabi ko. Tinatamad lang niyang binalingan ang kanyang wineglass. She used a finger to trace circles on its rim.
"Ang hirap talagang maging maganda. Tsk! Kita mo nga, pinag-aagawan pa rin ako ng mga diyos.. such foolish and sexy gods, indeed!"
"Lady Medusa."
Hindi talaga ako nakikipagbiruan sa kanya. Bukod sa exams namin at pagbebenta ni Desmond ng mga gamit ko, alam kong nag-aalala na rin si Pamela. I have no worries with Caprissa and Markus, dahil panigurado namang alam nilang nakidnap ako. But with Pamela, my sweet and pretty Pamela, it's different.
Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang marinig kong nabasag ang wineglass ni Medusa.
Tumalim ang tingin niya sa'kin na para bang alam na niya kung ano---o "sino"---ang iniisip ko. To say that she looks pissed off is seriously an understatement. Parang gusto na niya akong ihagis sa aquarium ng mga pating.
"Hindi alam ni Ares ang lahat ng mga ruta. There's one route that he doesn't know of... Ngayon, pwede bang kalimutan mo muna ang pangit mong crush kapag kasama mo ako? I find it really displeasing, you stupid human."
"Bakit ka ba galit sa kanya? Pamela isn't doing anything wrong! She's kind, smart, talented, pretty and---"
"She's fake. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kanya. Masyado 'perpekto' ang mortal na 'yon, and that's exactly the reason why I dislike her."
Bago pa man ako makasagot, agad nang tumayo ang amo ko at namaywang. Tuluyan nang nagbago ang mood niya. "I don't want to talk about that ugly mortal again, Rein. At bilisan mo nga diyan! I still need to go to the parlor and get my hair curled. Ayokong magmukhang haggard kapag bumalik na tayo sa Eastwood."
Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang tama nga ang palaging sinasabi sa'kin dati ni Bart tuwing mag-iinuman kami.
Palaging nananalo sa mga argumento ang mga babae.
"Masusunod po, Lady Medusa."
Mukhang kailangan ko nang maging maingat tuwing magiging topic namin si Pamela. As much as I want to defend the love of my life, baka lalong mapasama ang sitwasyon. Hindi naman sa natatakot ako kay Lady Medusa, pero pinapahalagahan ko pa rin ang buhay ko. Ni hindi pa nga ako nakaka-graduate ng college, magiging estatwa na ako? Nah. Isa pa, baka madamay na naman si Pamela sa galit niya. My boss is like a ticking time bomb. If you're not careful, you might just die in the explosion.
Nang lumabas kami sa restaurant, kapansin-pansing nagkukumpulan ang ilang mga nilalang sa gilid ng casino. Hindi ko na lang pinansin ang mga wanted posters ni Lady Medusa. 'Bakit parang bagong dikit lang ang mga ito?' tatawid na sana kami sa kabilang bahagi ng kalsada nang mapansin ko ang bulto ng isang babae roon.
I immediately grabbed Lady Medusa's arm and stirred her away. My eyes narrowed at the hooded figure of the female goddess. Kahit pa nakasuot siya ng cloak, madali mong makikita ang matamlay na liwanag ng kaluluwa niya.
"Ano na naman?"
"It's Artemis. Looks like she's patroling the streets of Tartarus.." I answered but kept my voice low. Ilang sandali pa, biglang lumitaw sa kanyang tabi ang kanyang mga alagang aso.
Nanlaki ang mga mata ko nang sinimulan na nilang amoyin ang lupa papunta sa direksyon namin.
They're hunting us.
"Shit! Kailangan na nating umalis dito," agad kong hinila si Lady Medusa para sumabay sa mga nilalang na naglalakad sa sidewalk.
Nang marinig naming umalulong ang mga alaga ni Artemis, lalo naming binilisan ang paglalakad.
We ran and pushed through the crowd of mummies and zombies. Minura pa nga ako ng isang zombie na may sumbrero dahil nasagi ko 'yong braso niya. Nakalas tuloy. Gustuhin ko mang humingi ng pasensya, but we're still busy running for our lives.
Sumulyap ako sa likod nang lumakas ang pagtahol ng mga aso. Malakas ang pakiramdam kong sinusundan na kami nina Artemis. 'Great. Paano naman namin matatakasan ang diyosa ng pangangaso? We're dead meat!'
"Rein, dito tayo!"
Hindi na ako umangal nang hinila ako ni Lady Medusa papasok ng isang eskinita. Hindi tulad ng mga eskinita sa mundo ng mga mortal, mas malinis dito. Wala akong nakikitang basura sa paligid maliban na lang sa ilang kalansay at isang lumang karwahe.
She dragged me towards a closed metal door. Hinihingal man, nagpresinta pa rin akong buksan ito. Kunot-noo naman akong tinitigan ng boss ko na para bang nasisiraan na ako ng bait.
"Stand back, Lady Medusa. Ako nang bahala dito!"
Sinubukan kong itulak ang pinto, pero makalipas ng ilang pagtatangka, wala pa ring nangyari. Napataas ng kilay si Lady Medusa at humalukipkip.
"Aristello, ako nang---"
"Kaya ko na 'to, boss!"
Nirolyo ko ang manggas ng suot kong damit. 'Panahon na para ipakita ang kakisigan ko!' I ran towards the metal door and slammed my shoulder will full force. Sa mga napapanood ko sa telebisyon, palaging dramatic ang nangyayari tuwing ginagawa nila ang move na 'to. Yung tipong dahil sa taglay na lakas ng bidang lalaki, pa-slow motion pang nakakalas ang pinto.
Pero sa ginawa kong stunt, bakit parang 'yong balikat ko ang nakalas?
"ARAAAAAY! SHIT! SHIT! SHIT!"
Malalakas kong pagdaing nang bumagsak ako sa lupa. Hawak-hawak ko ang balikat ko habang iniinda ang sakit. Nabalian pa yata ako ng buto! Nang silipin ko ang "kalaban" ko, doon ko napagtantong hindi pa rin bumubukas ang pinto. Damn! Ibang klase ng metal yata ang ginamit nila dito eh! Madaya.
Meanwhile, Lady Medusa just sighed and massaged her temples. Maya-maya pa, may kinuha siyang susi mula sa kanyang wallet.
Napanganga na lang ako nang gamitin niya ito para buksan ang pinto nang walang kahirap-hirap.
"BAKIT HINDI MO AGAD SINABING MAY SUSI KA PALA?!"
She shrugged, clearly amused with my condition. "That's what I've been trying to tell you, you idiot! Ang lakas ng loob mong magpasikat, akala mo naman uubra sa payatot mong katawan." Malakas siyang tumawa at nauna nang pumasok sa loob. Her bright red heels made an irritating sound against the marble floor, leaving me dumbfounded.
What the fuck?
"HINDI AKO PAYATOT!"
Damn it.
*
"Nasaan tayo?"
Nang makabawi na ako mula sa sakit ng balikat ko (at mula sa kahihiyan), I followed Lady Medusa inside the creepy looking room. May mangilan-ngilang kandilang nakasindi sa paligid. Nakakamangha lang na lumulutang pa ang ilang mga kandila. Gumagalaw pa na para bang mga multo ang may hawak sa mga ito. Heck, I wouldn't even be surprised if a ghost suddenly popped out of nowhere!
If craziness is normal in Eastwood, creepiness is normal in the Underworld.
"N-Naramdaman mo ba 'yon?" Kinilabutan ako nang dumampi ang malamig na hangin sa balat ko kahit na sigurado naman akong walang bintana dito. At teka, bakit parang ang dami kong naaninag na mga agiw?
Lady Medusa finally stopped and turned to me. Nakangisi pa rin siya nang pang-asar sa'kin, "Behave yourself, Aristello. Nandito tayo sa beauty parlor ni Morgana."
"B-Beauty parlor?" Inilibot ko ulit ang mga mata ko sa silid, pero binabalutan pa rin kami ng kadiliman. "Um.. magkaiba yata tayo ng depinisyon ng parlor. I'm pretty sure a 'beauty parlor' is not a synonym for a haunted house. Saka, sino ba si Morgana?"
Hindi pa rin nawawala ng pang-asar na ngiti ng boss ko. "She's standing behind you." Kasabay nito, naramdaman kong may presensiya sa likuran ko. I can even feel someone's hot breath fanning against my neck, giving me goosebumps.
"Hello, human..."
"ANAK NG PUSA!"
Bigla akong napatalon sa takot at mabilis na nagtago sa likuran ni Lady Medusa. Um.. baka kasi matakot siya. Mabuti nang nandito ako sa likod niya para maprotektahan ko siya.
'You're the king of denial, Rein. 'Di mo na lang aminin na naiihi ka na sa takot.'
Minsan talaga gusto ko nang isipin na ayaw akong kampihan ng utak ko.
Humagalpak naman nang tawa si Lady Medusa at kalmadong kinausap ang kung sinumang halimaw sa harapan namin.
"Long time no see, Morgana. Nagpalit ka ba ng mga kandila?"
"Ugh, yes. My last assistant literally ate the old ones. Kakadeliver lang ng mga kandila na 'yan. So, what brings you here, Lady Medusa? At sino 'yang duwag na taong kasama mo?"
Biglang nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng 'nong babae. Sinong tinatawag niyang duwag?! Damn it! Huminga muna ako nang malalim at matapang na hinarap ang kaibigan ni Lady Medusa. I was honestly expecting to see a three-headed beast or an eyeless old lady.
But it turns out, Morgana looks normal.
"Hello again, human. 'Wag kang matakot sa'kin."
She was a pale and attractive woman with curly violet hair. Nakasuot siya ng kulay itim na bestida at halos matakpan na ang kanyang leeg ng kanyang mga kwintas. Kapansin-pansin ang tattoo sa kanyang dibdib, just above a breast. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang hinaharap at sa kurba ng kanyang balakang.
"Sa taas ka tumingin, tao. Nandito ang mukha ko."
When I looked up, her almost black eyes met mine. Morgana's violet lips tugged upwards. Bigla akong nahiya sa ginawa ko. Right now, I can feel Lady Medusa's death glare at me. Pagak na lang akong natawa at napahawak sa batok, "Err.. okay. Hindi mo naman sinabing tao si Morgana. Akala ko naman isa na namang paranormal creature ang makakaharap ko! Tsk."
My boss rolled her eyes at me. "She is a paranormal creature, you stupid man."
"H-Ha?"
"Morgana is a witch."
Kamuntikan nang malaglag ang panga ko roon. Mabilis kong tiningnan ulit si Morgana habang nakakunot ang noo ko. Mangkukulam siya? Hindi talaga halata eh. "Akala ko ba pangit lahat ng mangkukulam?! Tapos may patusok silang sumbrero at malaking kaldero ng kumukulong nakakadiring sopas?"
Tinawanan lang ako ni Morgana. "Ganoon pa rin ba kami i-describe sa mga libro niyong mga mortal? That's so old school. At hindi sopas ang niluluto namin sa kaldero, mga potions 'yon. But recently, we just buy ready-to-use potions that come in cute little bottles."
Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga nangyayari. Parang noong isang araw lang, wala akong kaalam-alam na nage-exist pala ang Tartarus. Ngayon, nasa loob na ako ng beauty parlor ng isang mangkukulam!
"Oh! Where are my manners?" Pumalakpak si Morgana. Ilang sandali pa, biglang namatay ang apoy mga kandila at napalitan ng ilaw na nagmumula sa isang malaking chandelier.
Ngayong maliwanag na ang paligid, agad kong napansin ang mga kagamitang nakalibot sa'min. The place was full of beauty equipment. Kaagad na umagaw sa atensyon ko ang mga salaming nakahilera sa isang bahagi ng itim na pader na may spider web designs. The mirrors themselves were adorned with elegant silver frames. Sa isang tabi, maayos na nakasalansan sa glass cabinet ang mga hair blowers, curlers, make-up, nail polish, at iba pang ginagamit sa pagpapaganda. Only then had I noticed the golden letters plastered on the opposite wall. Katabi nito ang logo ng parlor, isang gagambang may wig.
"Arachnophile, a person who loves spiders."
Lumawak ang ngiti ni Morgana at inilahad ang kanyang mga kamay.
"Welcome to 'The Itchy Witchy', where beauty is our top priority!"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top