QUADRAGINTA QUINQUE
Naramdaman ko lang na may mali sa'kin nang makapasok na kami sa Labyrinth.
Shit! May lason kaya talaga 'yong pinakain sa akin ni Morgana?
Naiisip ko pa lang 'yon, para na akong nanlalata. Hindi pa ako pwedeng mamatay! Langya, ni hindi pa nga ako nakaka-graduate ng college. Ano na lang mararamdaman ng mga magulang ko? Sino na lang ang magiging makisig na personal assistant ni Lady Medusa? Paano kapag na-miss ako nina Markus at Caprissa? Paano na lang 'yong mga gamit kong siguradong ibebenta ni Desmond? No, screw that. Baka nga pati bangkay ko ibenta ni Desmond. Siguradong malaki ang kikitain niya kapag naibenta niya ang katawan ko sa mga medical schools na naghahanap ng pagpa-praktisan.
Pero higit sa lahat, paano na lang ang pag-iibigan namin ni Pamela?!
'Okay, calm the fuck down, Rein... Umasa ka na lang na pampa-LBM lang ang inilagay ni Morgana sa cookie na 'yon.'
Huminga ako nang malalim at tahimik na sumunod kay Lady Medusa dahil mukhang alam naman niya kung nasaan ang mga pakpak. Hindi ko na naman maiwasang mapatingin sa balakang niyang eleganteng sumasabay sa kanyang paglalakad. When my gaze fell lower, I could feel my cheeks burning up. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon na lang ang atensyon ko sa dinadaanan namin.
The whole Labyrinth was made out of carved and polished wood. Hindi tulad ng nasa labas, maayos pa rin ang kondisyon ng kahoy sa lugar na 'to. Just like a maze, nahahati ang mga daan nito. Pakiramdam ko tuloy isa akong lab rat katulad ng mga napapanood ko noon sa telebisyon.
Pero bago pa man ako makapagkumento tungkol dito, biglang nanikip ang dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad at naghabol ng hininga.
Damn, it hurts!
"Shit..."
Lady Medusa immediately turned to me. Hindi na niya naitago ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko. "Damn it! A-Anong nangyayari sa'yo, Aristello?" She rushed to my side and held my arms.
'Napag-aalala ko pa tuloy ang boss ko..'
Sinubukan kong ngumiti sa kanya kahit na alam ko namang halata pa ring nasasaktan ako.
"I'm fine, Lady Medusa."
Tumalim ang mga mata niya sa'kin.
"Wag mo akong pinaglololoko! Paniguradong epekto nga ito ng pinakain sa'yo ng bruhang 'yon! Argh. I hate that itchy bitchy witch." Mahina siyang napamura habang natataranta.
Nahihirapan na akong huminga. Napapikit na lang ako sa sakit. Halos matumba na ako dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.
And then the pain stopped.
Mabilis itong napalitan ng kakaibang pakiramdam. A sudden heat. Nagmulat na lang ako ng mga mata nang paulit-ulit na palang tinatawag ni Lady Medusa ng pangalan ko. When our eyes met, something snapped in me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi niya at mabilis kong hinawakan ang magkabilang gilid ng kanyang mukha.
I wasted no time and kissed my Lady Medusa.
*
When she felt his lips against hers, agad na umatras si Medusa. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. 'Ano bang nilagay ni Morgana sa kinain niya?'
Napasimangot siya kay Rein. Kasalukuyan na itong nakayuko. The Gorgon rolled her eyes and ignored the warm feeling in her chest. This is absurd.
"Kailangan na nating umalis, Aristello. Kung tapos ka n--"
"We're not done yet."
Bago pa man makakilos si Medusa, agad siyang naisandal ni Rein sa kalapit na pader. Sinamaan niya ng tingin ang kanyang PA. Bakit ba parang mas lalong naging agresibo ito? At hindi niya alam kung nagugustuhan niya ba ito o hindi.
"Rein..."
A lazy smirk tugged at his lips. He stared at her like she was the most gorgeous creature he had ever seen in his entire life. Sa mga sandaling 'yon, gusto sana itong paniwalaan ni Medusa---kahit na alam niyang kasinungalingan ito. Dahil alam niyang matagal nang ibinigay ni Rein Aristello ang titulong 'yon kay Pamela Lavista.
Napabalik sa kasalukuyan si Medusa nang haplusin ni Rein ang kanyang pisngi. He looked at her with so much affection that it almost scared her. Napalunok na lang si Medusa nang maglakbay ang isa nitong kamay sa kanyang baywang. She shivered under his touch and silently cursed her reaction.
'Bullshit! I'm sure this is one of Morgana's lust potions again.'
"Have I ever told you that I really like your hair? Green looks perfect on you."
"Snap out of it, you stupid mortal! H-Hindi nakakatuwa ang ginagawa mo. Lumayo ka sa'kin bago pa kita sipain sa parteng pagsisisihan mo."
Hindi ito natinag at lalong inilapit ang kanyang sarili. Rein pressed himself against her. His warm breath almost rendered her speechless. Tuluyan nang napipi ang si Medusa nang narinig ang sumunod na sinabi ni Rein Aristello.
"I told you before that you have my loyalty, Lady Medusa. Now, I think you also have my respect... and my full attention."
"Y-You're lying---"
"I'm tired of making excuses not to fall in love with you."
Puno ng sinseridad ng boses ni Rein nang ibinulong niya ito sa kanya. Hindi makapaniwalang tinitigan ni Medusa ang mga mata nito. 'Bakit ba lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon natin, Rein? Mali ito.'
Bumalik sa mga alaala ni Medusa ang nangyari noon sa templo ni Athena. Ang gabing hinalay siya ng diyos ng karagatan. Poseidon raped her on the steps of Athena's temple, and that changed everything. That night, Medusa knew she can never feel pure again. Tuluyan nang nasira ang buhay niya nang pagsamantalahan siya ng diyos na iyon---habang kasama niya ang kanyang nobyo.
Yes. Medusa and her Desmond were walking by the sea shore, hand in hand, that one tragic night. Masaya nilang pinagmamasdan ang ganda ng dalampasigan at ang repleksyon ng buwan sa matamlay na katubigan nang bigla na lang sumulpot ang diyos na si Poseidon. Bigla na lang siya nitong hinarangan at pinasadahan ng tingin ang kanyang katawan. Sinubukan nilang takasan ito, pero hinabol lang siya ni Poseidon hanggang sa makarating sila sa bukana ng templo. He pinned her down and hungrily crashed his mouth on hers. Soon, the god was already stripping her off her clothes and sexually assaulting her.
"N-No.. p-please, ayoko.."
"Too late, Medusa. Wala nang makakapagligtas sa'yo."
Medusa screamed and cried for help. Paulit-ulit dinungisan ni Poseidon ang kanyang katawan at inabuso ang kanyang pagkababae. All the while, Desmond just stared in horror while she was being raped. Tila ba natuod ito sa kanyang kinatatayuan at hindi makakilos. Hindi nito maalis ang mga mata sa kasintahang hinahalay. Of course, it would be useless if he attacked Poseidon.
Pero ang ikinagagalit ni Medusa, bakit hindi man lang niya sinubukan?
'Bakit hindi man lang niya ako sinubukang iligtas?'
Ilang sandali pa, tuluyan itong umalis. Iniwan siya ni Desmond noong mga panahong kinailangan niya ito. Maybe he never really loved her? Marami nang nagtangkang manuyo kay Medusa dahil lang sa kanyang kagandahan.
Akala niya iba si Desmond.
Then again, maybe it was her fault because she had loved him too much..
But of course, she doesn't want to accept the truth until she proved it herself.
So, after Poseidon satisfied himself with her body, nanginginig niyang pinuntahan ang tinutuluyang bahay ng kanyang nobyo. Pinigilan niyang tumulo ang kanyang mga luha dahil ayaw niyang magpakita ng kahinaan kay Desmond. Mabuti na lang at hating-gabi na noong mga oras na 'yon, kundi baka pinagtitinginan na siya ng iba pang mga mortal. Athan would've been ashamed of her.
Makalipas ng ilang beses niya pagkatok, Desmond finally opened the door.
"D-Desmond..."
Pero para bang lalong naubusan ng lakas si Medusa nang makita ang pandidiri sa mga mata ng nobyo.
Halos hindi na rin ito makatingin sa kanya.
"Ayoko na, Medusa. Just go before you make a fool of yourself."
And that broke her heart even more--well, if that was even possible. Pakiramdam niya kasi literal na dinikdik ang kanyang puso nang mapagtanto niyang hindi talaga siya minahal ni Desmond. He was just one of those many mortals (and immortals) who loved her for her beauty and purity. To them, she's just a prize to behold, and nothing more.
Wala silang pakialam kahit pa mapahamak siya.
'Hindi ko alam na aabot sa ganito.'
Nagpakatanga lang pala si Medusa.
Sa huli, hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha. Hinayaan na lang niyang dumausdos ang mga ito habang nanghihina siyang naglakad siya pabalik sa templo ni Athena.
Least did she know, the goddess of wisdom was already waiting for her return.
"Bakit ka umiiyak, Lady Medusa?"
Napabalik lang sa kasalukuyan si Medusa nang maramdamang pinupunasan ni Rein ang mga luha sa kanyang pisngi. Ni hindi niya napansing umiiyak na pala siya. 'Damn.. matagal nang nangyari ang trahedyang 'yon. Hindi ko na mababago pa ang naging desisyon ko.'
At wala na siyang planong baguhin pa ang mga plano niya.
Mahinang natawa si Lady Medusa at tinitigang maigi si Rein. It's like seeing her same stupid mortal PA, but in a different light.
This feeling... It was both overwhelming and terrifying for her.
Huminga siya nang malalim at mapait na ngumiti, "You don't need to lie to me, Rein.. I know that you like Pamela because she's pretty, inside and out. Mabait siya at matagal mo na siyang pinapangarap. Me? Let's just say that I'm just a bitch who's rotten to the core. Masama ang ugali ko at wala akong puso. Hindi ako nakakaramdam ng awa at ilang dekada ko nang ginagawang estatwa ang mga inosenteng tao para pampalipas oras ko... I'm worthless. In reality, I'm just a pretty face, and that's why nobody bothered to see pass that."
"Ano bang sinasabi mo, Lady Medusa? H-Hindi ko gusto si---"
"Kung nasa katinuan ka ngayon, alam kong hindi mo sasabihin 'yan. Kung nasa katinuan ka ngayon, alam kong hindi mo ako hahalikan, at hindi mo pupunasan ang mga luha ko.... It's just the potion Morgana gave you that's making you do these things you normally won't, you silly man. Dahil kung papipiliin kita, alam kong palagi mong pipiliin si Pamela."
Just then, Medusa felt the small bottle tucked inside her dress' pocket. Marahan siyang umiling at pilit kinalimutan ang tungkol dito.
'Who could ever love a monster like me? Tsk.'
Rein Aristello just sighed and rested his forehead on hers. Hinayaan na lang ni Medusa na manatili sila sa ganitong posiyon ng ilang minuto. Alam niyang 'di magtatagal, baka mawalan na rin ng bisa ang salamangka ni Morgana. Potions like these are temporary unless its mean to kill you.
But if things were differently, would they even have a chance? Of course not.
"Don't you dare say you love me when you're not even sure of yourself, Aristello. Si Pamela ang gusto mo, at hindi ako. 'Wag kang mag-alala, papalayain na kita sa pagiging personal assistant ko kapag nakabalik na ako sa templo ni Athena."
"Anong gagawin mo kapag nakabalik ka na roon?"
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ng Gorgon. Hindi niya ito pwedeng sabihin kay Rein o sa kahit kanino. Ilang taon na niya itong pinag-isipan, at ngayon buo na ang desisyon niya.
"Hindi mo na kailangang malaman."
"Pero---"
Para hindi na nito usisain pa ang mga detalye, si Medusa na mismo ang humalik sa kanyang personal assistant.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top