QUADRAGINTA QUATTOUR

"Should I tell Artemis their location?"

The god of music and healing averted his eyes from the vision before them. Nang lingunin niya ang diyos, napansin niyang nakatintigin pa rin ito sa tubig at mukhang malalim ang iniisip.

Kalaunan, marahang umiling si Zeus, "Kung tama ang hinala ko, wala ring magagawa si Artemis para mapigilan sila. She's a great huntress, but her powers are only limited to land. Kaya sa'yo ko ipagkakatiwala ang trabahong ito, Apollo."

Napanganga si Apollo, "A-Ako po?"

"Is there a problem with that, Apollo? O baka gustong maikulong kasama ng mga kapatid niya? After Stheno and Euryale's failure, I might even take your immortality from you."

The god of the sky gave him a pointed look that immediately made him shut up. Sa ilang siglo na niyang pakikisama sa mga diyos ng Olympus, isa sa pinakamahalagang natutunan ni Apollo ay hindi (hinding-hindi) mo dapat galitin si Zeus. Pwera na lang siguro kung masokista ka at gusto mo talagang matamaan ng kidlat.

'Matapos niyang gambalain ang pagtulog ko kanina, ngayon naman gusto niya akong manghuli ng Gorgon? Plus he just blackmailed me! Just great.'

Pushing that sarcastic thought aside, Apollo sighed and bowed his head. He knows his place.

"Makaasa po kayong magtatagumpay ako."

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang lumabas na pala sa beauty parlor ni Morgana ang dalawa.

Kanina pa nila pinapanood si Medusa at ang mortal niyang assistant mula sa repleksyon ng sapa. Kung tama ang pagkakaalala niya, ilang dekada pa lang itong narito sa tabi ng templo. For all he cares, Zeus just probably got bored ordered some nymphs to make a pond. Magmula noon, dito na niya ipinapakita kay Zeus ang mga kaganapang hindi nakikita ng ibang mga diyos.

Apollo was an oracle. A few hundred years ago his powers were only limited to prophecies and seeing  future events. Pero nang matalo niya noon sa chess si Clotho, wala na itong nagawa kundi turuan si Apollo na palawakin ang kanyang kakayahan.

The "Fates" are composed of three sisters---Antropos, Clotho, and Lachesis. Sila ang namamahala at nakakaalam ng tadhana ng lahat ng mga nilalang, mortal man o imortal. Lingid sa kaalaman ng iba, ang bawat isa sa kanila ay may kakayahan ring makita ang mga pangyayari sa isang partikular na panahon. The three sisters were assigned with three periods of time: the past, the present, and the future.

Luckily, Clotho can see the "present" time, thus she blessed Apollo with this power the moment he declared "checkmate".

'Hindi ko naman kasalanan na mas magaling ako sa chess.'

Apollo approached the vision on the water's surface. Kasalukuyan nang naglalakad sa kagubatan ng Underworld sina Medusa. May pinag-aawayan silang dalawa pero hindi na ito inintindi ng diyos. Base sa direksyong tinatahak nila, alam na niya kung saan sila pupunta.

Zeus is right. His twin sister won't be able to stop them once they take that route back to Eastwood.

"Take your chariot. Kapag sinita ka ng Elders ng Underworld o ng mga tauhan ni Hades, sabihin mo agad sa'kin."

Apollo saluted, "Noted."

Pero ilang sandali pa, sumeryosong muli si Zeus. May pagbabanta ngayon sa boses ng pinakamalakas na diyos sa Olympus.

"Bring her back alive, Apollo. Ako nang bahalang magpataw ng karampatang parusa sa halimaw na 'yon.."

"What about the mortal? Itatapon ko na lang ba siya sa mga selda ni Hades?"

"Ang bilin ko lang na panatilihin mong buhay ay si Medusa..."

Naunawaan agad ni Apollo ang kahulugan nito. Wala na siyang nagawa kundi tumango at maglakad papalayo para ihanda ang kanyang chariot. He's probably take a piece of the sun with him.

Sa hindi malamang dahilan, dumako ulit ang mga mata ng diyos sa tubig na nagpapakita ng kasalukuyang panahon. But something changed.. it wasn't showing the present anymore.

It was flashing him visions for a prophecy.

Lalo siyang naguluhan nang mapanood ang mga maaaring mangyari sa kinabukasan ni Medusa, partikular na sa mga taong nakapaligid sa kanya.

A lie.

A monster.

A sacrifice.

'One of them is going to die.'

*

"Please tell me you didn't eat it."

Nagkibit ako ng balikat, "I did."

What's the big deal?

Hindi ko alam kung bakit naiinis na naman sa akin si Lady Medusa. I swear, I didn't do anything wrong this time! Nang matapos akong gupitan ng buhok ng higanteng gagamba (no, it was not a good experience at wala akong planong pag-usapan pa ito), agad akong inalok ni Morgana ng isang chocolate chip cookie. At dahil hindi naman ako nakakain nang matino doon sa restaurant na pinuntahan namin ni Medusa, tinanggap ko ang alok ni Morgana.

Believe me, the cookie looked completely normal!

Kaya hindi ko alam kung bakit biglang nagalit si Lady Medusa sa'kin nang ikwento ko ang tungkol doon.

Napahinto siya sa paglalakad kaya agad akong lumingon sa kanya. Bakas sa kanyang mukha na naiirita pa rin siya dahil sa ginawa ko. Hindi na ako magugulat kung magiging mga ahas na naman ang pinakulot niyang buhok. Kung ganoon, masasayang lang ang pagpapa-parlor niya.

"Damn it, Aristello! Hindi ba naituro sa'yo sa mundo niyong mga mortal na 'wag kang tatanggap ng pagkain mula sa mga nilalang na hindi mo kilala? Mula pa talaga sa isang mangkukulam!"

Napasimangot ako nang sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon niya. Maybe she's jealous?

"Di ba mapagkakatiwalaan naman si Morgana? She looks harmless and sincere while offering that cookie to me! Sino naman ako para tumanggi?"

Isa pa, kung tinanggihan ko ang alok niya, baka bigla niya akong ipakain sa "assistant" niya. Hindi naman kasama sa mga pangarap ko sa buhay ang maging main course ng isang dambuhalang gagamba.

Umirap sa'kin ang amo ko. Mukhang hindi pa rin nawawala ng inis niya.

"You stupid human! That's exactly my point! Isang mangkukulam si Morgana at galit siya sa mga taong kagaya mo. Don't be deceived by her sweet attitude or by the generous view of her cleavage. Tsk! Marami nang napatay ang mangkukulam na 'yon.. baka nga lason na pala ang inilagay niya sa kinain mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang salitang "lason". Pakiramdam ko tuluyan na akong namutla habang iniisip ko ang posibilidad na 'yon. Shit! Paano kung totoo ngang may lason 'yong kinain ko?! Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Upon seeing my bothered expression, malakas na natawa nang pang-asar si Lady Medusa. Halatang naaaliw siya sa ekspresyon ko. Damn her!

"Don't worry, Rein. Kung aabot ka pa sa Eastwood bago ka patayin ng lason, baka magbago pa ang isip ko at bayaran ko ang funeral expenses mo. I'll even send some of those pathetic flowers decors with my picture on it."

Lady Medusa grinned wickedly and started walking further into the forest, leaving me behind.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya.

Nang makarinig ako ng kaluskos sa likod ko, mabilis akong tumakbo para abutan siya.

"L-Lady Medusa! Hintay!"

Mamaya ko na poproblemahin ang tungkol sa ipinakain sa'kin mi Morgana. For now, I just want to get out of this part of the forest.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kaming naglalakad sa kagubatang ito. Hindi tulad ng kagubatan malapit sa nakabaligtad na talon, mas nakakatakot ang mga puno rito. Para kasi silang may buhay. Minsan, hinaharangan nila kami sa daraanan namin o kaya naman papatirin kami sa paglalakad. 'And just when I thought the Underworld forest couldn't get any creepier.'

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Sumasakit na rin kasi ang mga paa ko sa paglalakad. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil hindi na ako nakapaa. Miraculously, the shoes Lady Medusa bought me at the BOO-tique are a perfect fit.

She glanced at me from the corner of her eye. "Hindi 'saan', kundi 'kanino' tayo pupunta.."

Lalo lang yata akong naguluhan sa sinagot niya. "Sinong pupuntahan natin? Look, if we're meeting another paranormal creature again with a big fat spider assistant, could you atleast give me a warning?"

Lumawak ang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi, "From what Caprissa told me, you've learned some Greek myth stories in high school, right?"

"Yeah. Why?"

"Sabihin na lang nating makikilala mo ang isa sa pinakamagagaling na karakter sa mga kwentong nabasa mo..."

Hindi na ako umimik. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya habang binabalikan sa mga alaala ko ang lessons namin sa English dati. Sa tagal na ng panahon, pakiramdam ko nakalimutan ko na ang iba roon. Sino naman kaya ang makakatulong sa'min para makabalik sa Eastwood?

Habang tumatagal, napapansin kong lalong nagiging matarik ang dinaraanan namin. The ground started sloping upwards. Bigla akong kinabahan na baka nakabaliktad din ang burol na inaakyat namin. I honestly don't know if I'll suvive another reverse gravity fall without vomitting the food I ate.

Thankfully, that wasn't the case.

Nang marating na namin ang tuktok nito, literal ko na yatang nakalimutang hinihingal pa ako nang makita ko ang nagtataasang mga pader. "A-Ano namang lugar 'to?"

"Malalaman mo rin," Lady Medusa said before confidently waltzing towards a wall. Naalala kong bigla ang Great Wall of China dahil dito. Ang ipinagkaiba lang nila, imbes na yari sa bato, gawa sa kahoy ang mga pader sa harapan namin. They towered over us and I couldn't even see the top! Nababalutan na rin ng lumot at tinutubuan na ng mga halaman ang ilang bahagi nito.

'Xylophile, a person who loves wood.'

I stopped beside Lady Medusa. Nakatitig lang siya sa pader na para bang...

Oh, shit.

'Kailan pa nagkaroon ng mukha ang pader?'

No, this doesn't have a double meaning, pero humihingi na rin ako ng pasensya sa mga natamaan.

Anyway, I stared in amazement as a face morphed into view. Its wooden eyes stared at us in curiosity. At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mapadpad ako rito sa Underworld, hindi ako nakaramdam ng takot. Base sa kanyang hitsura, mukhang matanda na ang mukha. Lalo lang akong namangha nang bigla itong magsalita.

"Ano naman ang ginagawa ng isang Gorgon dito? Zeus banned you here."

"Zeus can't manipulate me. I'll go wherever I want, whenever I want."

"Hindi ka pa rin nagbabago. Kamusta na pala si Athena? Matagal-tagal na rin mula nang mapunta ako sa templo niya."

Napansin kong naikuyom ni Lady Medusa ang kanyang mga kamao, "H-Hindi ko alam. Tsk! Cursed ones aren't allowed inside her temple, remember?"

"Oh. I almost forgot.."

Kalaunan, humalukipkip si Lady Medusa at nagtaray, "Just let us in, Daedalus. Hihiramin lang namin ang mga pakpak na ginawa mo para makabalik sa Eastwood. It's an emergency. Kung hindi mo pa napapansin, nasira na nang tuluyan ang manicure ko!"

As much as I wanted to tell my boss that ruined nails aren't really a life and death situation, pakiramdam ko tuluyan na akong nawalan nang boses nang marinig ko ang pangalang 'yon. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa mukhang nasa pader.

"Daedalus? THE Daedalus?"

Ngumiti naman sa'kin ang mukha ng matanda. "Another fan of my crafts, I see? Nakatuwa namang natatandaan pa rin ng mga kabataang kagaya mo ang pangalan ng isang payak na manggagawang kagaya ko."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Sigurado akong mukha na akong fanboy ngayon. Kung may nakalimutan man ako sa mga Greek myths stories namin noong high school, paniguradong hindi ang mga kwento ni Daedalus. Come on! Who could ever forget the greatness of the greatest craftsman in his time?

Si Daedalus ang gumawa ng Labyrinth! It was a giant maze under the court of King Minos of Crete. Nilikha niya ito para magsilbing kulungan ng minotaur---'yong kalahating tao, kalahating torong halimaw na umatake sa'min noong birthday ni Pamela. When he was imprisoned inside a tower, he created two pairs of wings for him and his younger son, Icarus, in order to escape. Ginawa niya lang ang mga pakpak na 'yon sa pamamagitan ng pagdidikit ng feathers at wax.

Daedalus was one of the few characters in Greek myth stories that I idolize so much...

"P-Pero, teka, bakit ba nandiyan ka? I mean, why don't you have arms and legs and um... the rest of your body?" Ngayon ko lang talaga napagtantong literal na mukha lang siyang nakaukit sa kahoy na pader.

Sa tabi ko, napairap na lang sa'ki si Lady Medusa. "Nerd."

Hindi ko na lang pinansin at itinuon ang atensyon ko kay Daedalus. Ang alam ko talaga tao siya at hindi isang nagsasalitang mukha sa pader. Pwera na lang kung namali na naman sila ng inilagay sa mga libro.

Napabuntong-hininga naman si Daedalus.

"Nang mamatay ako, nagmakaawa ako kay Hades na iangkla ang kaluluwa ko sa mga nilikha ko. In the end, he cursed me."

Well, that's not surprising. Base sa mga naririnig ko, masamang nilalang talaga si Hades.

Tiningnan ko ulit ang malalaking pader at doon ko napagtanto kung ano ito.

This is the Labyrinth.

And the cursed craftsman is probably guarding the entrance.

'Tapos gamitin namin ang mga pakpak na ginawa niya para makabalik sa Eastwood? Yup, I now conclude that I have a freakin' crazy life.'

"So?" Biglang nagsalita si Lady Medusa habang naiinip tinatapik ang kanyang high heels sa lupa. "Kung tapos na kayong magdaldalan diyan, we really need to get going. Sayang ang pagpapaayos ko ng buhok."

In the end, Daedalus sighed defeatedly. "Nakakalimutan mo na bang itinuturing kang isang kriminal sa Olympus? Kahit na naging pader ako, nakikibalita pa rin ako sa mga nangyayari roon. Zeus banned you from here a long time ago, Medusa."

Ngumisi naman si Lady Medusa at namaywang. "Oh, please. Like I said, don't give a shit about those silly gods. 'Wag kang mag-alala, ibabalik rin namin ang mga pakpak at hindi ka namin isusumbong."

Napasimangot si Daedalus at matagal na nag-isip. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa hanggang sa naipikit na lang niya ang kanyang mga mata.

"Good luck."

Ilang sandali pa, biglang naglaho ang mukha ni Daedalus sa pader at may lumitaw na lagusan. Kasing-laki ito ng isang pinto. Sa kabilang bahagi nito, bumungad sa'min ang kadiliman ng Labyrinth. Lady Medusa flipped her hair and started to gracefully walk in. Ilang talampakan lang ang layo ko sa kanya, pero agad akong napahinto. I started coughing... Damn. Bakit parang naninikip pa ang dibdib ko?

Lumingon sa'kin si Lady Medusa. She tried so hard, but I can still see the concern etched on her face.

"Are you dying, Aristello? Wala akong planong buhatin ang bangkay mo kaya umayos ka."

I managed a small smile at her. Nag-thumbs up pa ako at tumayo nang maayos bago siya sinundan sa loob.

"I'm fine, Lady Medusa."

Well, I hope so.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top