QUADRAGINTA DUO
Medusa watched her personal assitant from the corner of her eye. Manghang-mangha ito sa kanyang mga nakikita na parang isang batang dinala sa amusement park. Halatang hindi nito inaasahang ganito ang hitsura ng tinawag niyang "haunted house" kanina.
'First impressions don't last, Aristello.'
"Now, why don't you take a seat and let my new assistant groom you, human?" Masiglang sabi ni Morgana nang nakangisi pa rin kay Rein. Hindi nakalagpas sa paningin ni Medusa nang pasimpleng pagsipat ng mangkukulam sa binata. She had to clear her throat to catch her friend's attention.
'Lusting over my employee? What an itchy witchy bitch. Tsk!'
Samantala, lalo namang naguluhan si Rein sa kanyang narinig. Naiilang siyang lumingon kay Morgana, "Ah, hindi ako kumportable sa mga ganito. Hanggang barber shop lang ako."
"Nonsense! Propesyunal ang assitant ko. She'll make you look so handsome that you won't even recognize yourself! Kung gusto mo, pwede ka rin naming gamitan ng spell para maging kamukha mo ang iniidolo mong artista."
Kuminang naman ang mga mata ni Rein nang marinig 'yon. "T- Talaga? Kahit sinong artista?"
Ngumisi naman si Morgana at namaywang, "Oo naman. Tom Cruise, Leonardo DiCaprio, Zayn Malik, Daniel Padilla.. kahit sino!"
Hindi na nagugustuhan ni Medusa ang pinatutunguhan ng kanilang usapan. Alam niyang kung hindi niya pipigilan si Morgana sa pang-uuto kay Rein, baka lalo lang itong mapahamak. In the end, Morgana will probably use a spell to make him look like a donkey. Kilalang-kilala niya ang mangkukulam na ito.
"That's enough. Just give him a normal and stupid haircut. No spells."
Para namang nalugmok ang kanyang personal assistant sa narinig. "But, Lady Medusa! Pagkakataon ko na ito para maging ideal man ni---"
"NO SPELLS!" She snapped at him, "Subukan mo ulit magreklamo at baka iwan kita dito."
Ilang sandali pa, napabuntong-hininga na lang si Rein at marahang tumango. "Opo, Lady Medusa."
Maging si Morgana, mukhang nanghinayang. Pero nang titigang maigi ni Medusa ang ekspresyon ng mangkukulam, she saw the amusement and curiosity dancing in her eyes. Isinawalang-bahala na lang niya ito at pumuwesto sa harap ng salamin.
"So, are you curling my hair or do I need to yell at you first? Ayokong magsayang ng boses, Morgana."
Mahina namang natawa ang mangkukulam at napapailing na lang na naglakad sa papunta sa kanya. Nang silipin naman ni Medusa si Rein, napansin niyang tuluyan na itong namutla habang sinisimulan na siyang ayusan ng assistant ni Morgana.
Oh, did she mention that Morgana's assistant is a gigantic man-eating spider? Kaya siguro ganoon na lang ang reaksyon ng kanyang mortal.
Still, Medusa couldn't help the smile forming on her red lips.
'You always try to act so brave, Rein.'
"Your personal assitant seems... interesting." Panimula ni Morgana habang inaayos ang kanyang mga kagamitan. Medusa glared at her friend's reflection. "Don't even think about it."
"Think about what?"
"Hindi mo bagay magmaang-maangan, Morgana. Alam nating dalawa na galit ka sa mga tao at pinag-iisipan mo kaninang gawing sex slave si Rein bago mo siya patayin at pakainin sa assistant mo."
Lalo lang lumawak ang ngiti sa mga labi ni Morgana. That sadistic smile that fooled a thousand men before---both mortal and immortal. Pero ang sumunod niyang sinabi ang nakapagpatigil kay Medusa.
"Rein, huh? May pangalan pala ang aso mo."
Hindi na napansin ni Medusa na naikuyom na pala niya ang kanyang kamao. Her fingernails pierced the flesh of her palm, pero wala na siyang pakialam dito. Is she angry? Fuck yes.
"Hindi siya aso. He's my personal assistant!"
"And is he doing a good job?"
Sandaling natahimik ang Gorgon. Naging mabuting empleyado nga ba si Rein Aristello?
Syempre, unang sagot na papasok sa utak ni Medusa ay "hindi". Palagi itong nagrereklamo at kinukwestiyon ang kanyang mga desisyon. Tapos palagi pa siya nitong tinatawag na "walang-pusong halimaw" (kahit pa literal naman itong totoo). And who the heck would forget the time when he even made out with his crush inside Medusa's own bedroom?! Siguro kung bibilangin ni Medusa ang perwisyong naibigay sa kanya ni Rein mula nang kunin niya itong PA, baka mas marami pa ito kaysa sa koleksyon niya ng mga sapatos.
But then again, a part of her argued otherwise.
Bumalik sa mga alaala ni Medusa ang pagligtas sa kanya ni Rein kina Deimos at Phobos at ang pagbili niya ng catfood at ng iba pang mga luho ni Medusa.. Ang pagdala sa kanya nito sa Tatarus para maghanap ng veterinarian na maaaring gumamot sa kanya, kahit pa wala itong kaalam-alam sa panganib na naghihintay sa kanya sa Underworld. He stayed by her side and defended her, even when he knew he was uncapable of doing so.
Somehow, all these little things outweighed the negative ones.
And then, there's that warm feeling inside her chest.
'After that night in Athena's temple, is it even possible for me to love again?' Naiisip pa lang niya ito, parang gusto na niyang bumalik sa Gorgon Island at magtago roon. Then again, the best option is to find Linae, make her uplift her cat curse and make her create a portal to Athena's temple. Nang sa ganoon, maisakatuparan na ni Medusa ang ilang taon na niyang plano.
Kaya nang mapansin niyang nakatingin pa rin sa kanya si Morgana habang naghihintay ng sagot, umirap na lang si Medusa.
"Yes, he's doing his job."
Namayani ang sandaling katahimikan sa pagitan nila. Maya-maya pa, habang kinukulot ng mangkukulam ang kanyang lutiang buhok, Morgan leaned close enough to whisper.
"Of all the bitches in the Underworld, ikaw ang huling nilalang na inaasahan kong magkakagusto sa isang tao, Lady Medusa."
"Just like your cousin, hindi mo talaga maiwasang maging pakialamera, Morgana. Does that run in your witch family? Kaya hindi nakapagtatakang marami kayong kaaway."
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Morgana nang mabanggit ang kanyang kamag-anak. She scowled in hatred and her eyes turned a shade darker. "Oh, please. Mas pagsisisihan nilang kalabanin ako. Morticia isn't nearly half as dangerous as I am."
"Hmm? Kaya pala sa witch rankings, sinasabi ng Elders na mas makapangyarihan pa rin si Morticia kaysa sa'yo---partida pa 'yan dahil patay na siya. Can't even beat your dead cousin's rank? Poor Morgana."
"Bullshit! You're really a bitch, Medusa." Gigil nitong sabi.
"Thank you. I'll take that as a compliment."
Sa pagkakataong ito, si Medusa na ang nawiwili sa inis na reaksyon ng kanyang kaibigan. She knew she hit a nerve, lalo pa't isang sensitibong topic kay Morgana ang ikumpara siya sa kanyang pinsan. Their family tree is composed of several bloodlines, and Morticia was from the main one---the purest of blood. On the other hand, Morgana is the offspring of a pure witch and Arachne, the girl Athena cursed a long time ago. Hindi puro ang kanyang dugo, kaya limitado lang ang spells na kaya ni Morgana. This is the reason why she opened a beauty parlor at the other side of Tartarus. 'Ayaw niyang ipinapaalala sa kanya ang tungkol kay Morticia.'
"Wanted ka pa rin ng mga diyos sa Olympus. Palagi nang nagpupunta rito ang mga diyos at diyosa, nagbabaka-sakaling mahuli ka nila rito. Even Hades' guards are searching for you. You need to be careful, bitch." Paalala sa kanya ni Morgana na abala pa rin sa kanyang ginagawa. Napabuntong-hininga naman si Medusa. "See? Sikat na talaga ako. Magkano naman ang ipinatong nilang reward ngayon sa maganda kong ulo?"
"Five hundred Olympian dollars. Kung hindi ako nagkakamali, fifty billion pesos ang katumbas nito sa Eastwood. Aside from that, Zeus even offered immortality and an exclusive room in Olympus. I could easily turn you in, Medusa. Magagamit ko ang perang 'yon para ipa-renovate ang parlor ko."
But the Gorgon only smirked at the witch, "Bitch, please. You won't do that even if they offer a thousand Olympian dollars."
"Tsk!"
Of course, Morgana wouldn't do that. Kilala ni Medusa ang kanyang "kaibigan". Sure, they really have an odd friendship. Normal na nga sa kanilang galitin at pagsalitaan ng masasakit na salita ang isa't isa. Pero sa huli, they won't betray the other. They have that unspoken rule in their friendship.
Ilang sandali pa, naramdaman na lang ni Medusa na may inilalagay na botilya si Morgana sa kanyang kamay. Nang tanungin niya kung para saan ito, the witch only answered, "For emergency situations. You might need that someday.." at pasimple nitong binalingan si Rein na pinipilit pa ring pakalmahin ang kanyang sarili. Mukhang malapit na itong matrauma sa malaking gagambang gumugupit sa kanya.
Sinilip ulit ni Medusa ang potion at napangiwi sa nakasulat sa label nito.
'Why would I need a love potion? Ako si Medusa. Everyone loves me.'
Noong mga sandaling 'yon, bigla na naman niyang naalala ang eksena sa restaurant at ang ekspresyon sa mukha ng kanyang personal assitant. He had this dreamy and love-struck look on his face, kaya agad na nahulaan ni Medusa na iniisip nito si Pamela. That thought alone brought a surge of pain in her chest.
Everyone loves Lady Medusa...
Everyone, except Rein Aristello.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top