NOVEM

Kung alam ko lang sana na kasama sa pagiging personal assistant ni Medusa ang tangkang pagpatay sa'kin ng isang minotaur at pagtaste-test ng cat food, baka hindi ako nagpatinag sa pamba-blackmail niya.

After the commotion last night during Pamela's party, hindi na ako halos nakatulog nang umuwi kami ni Desmond sa dorm. Mukhang na-trauma rin ng kaibigan kong sakim sa pera dahil hindi pa siya nagsasalita mula pa kagabi. Well, I couldn't blame him. Being chased around by a monster that you've only read in books is beyond traumatizing.

Humikab ako't tinitigan ang mga container ng mga cat food sa harapan ko. Napasimangot ako. Damn. This is so awkward! 'Why the heck am I doing this again?'

I sighed.

"Trabaho lang 'to, Rein. Nothing personal.. bibili ka lang naman ng cat food para sa boss mong si Medusa na isinumpang maging pusa tuwing sisikat ang araw. This is completely normal."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang kumbinsihin ang sarili ko. Napabuntong-hininga ulit ako at siniguradong walang nakatingin bago ko binuksan ang isang container. I gulped. Magkakasakit kaya ang tao kapag kumain siya ng cat food?

Only one way to time out..

I stared at the oddly manufactured food and was about to taste it when a random saleslady saw me. Oh, shit.

"Sir! Bawal pong buksan 'yan... Um. Bawal rin tikman. Cat food po 'yan."

Natataranta kong ibinalik ang container sa shelf at napaubo. Langya, nakakahiya talaga! Ngumiti ako sa babae at napakamot ng ulo. "A-Ah, k-kasi.. may alaga akong pusa! T- Tinitikman ko talaga muna ang cat food niya p-para malaman ko kung...um.. masarap ba? 'Di ba may flavors 'to at... Basta."

The poor girl looked at me like I was a patient from the Eastwood Asylum. Kahit sino naman yata pagkakamalan na akong nasisiraan ng bait!

"Um.. okay po? Gusto mo kuhanan kita ng kutsura para mas madali mong ma-taste test ang um.. cat food?"

I laughed nervously. "Hindi na. Salamat, miss."

She nodded hesitantly.

Nang mawala na ang saleslady, agad akong pamura sa hiya. 'Damn you, Medusa! Bakit pa kasi kailangan ko munang i-taste test ang cat food mo? Hindi ba pwedeng hagisan na lang kita ng tinik ng bangus?' Huminga ako nang malalim at pinagkukuha ang mga container ng cat food. Bahala na! 'Wag na siyang mag-inarte sa lasa.

'Buti na lang at naghulog ng pera sa bank account ko sina Caprissa.'

Inis akong pumila sa may counter. Mukhang matagal-tagal pa 'to. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko at napangiti nang makita ko roon ang picture ni Pamela. Can you call me a love-sick fool if I told you that she's my homescreen and lockscreen wallpaper? Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing makikita ko ang mga ngiti niya, para bang kaya ko nang harapin ang anunang kalokohang ipapagawa sa'kin ni Medusa---pwera lang magtaste-test ng cat food.

Napapamahal tuloy ako sa cellphone ko dahil kay Pamela (nemophile, a person who loves cellphones).

Sinadya ko munang umabsent ngayon. Bukod sa napipilitan akong bumili ng cat food para sa spoiled brat kong amo, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Pamela matapos ang minotaur attack sa debut niya kagabi. I know I have no control over it, pero pakiramdam ko kasalanan ko ang nangyari. I feel guilty as shit.

I stared at her number and mentally debated whether to call her o not.

Sa huli, nanaig pa rin ang kagustuhan kong kausapin siya. 'Act cool, Rein.'

After a few rings, she finally picked up.

"Rein!"

Good heavens, even her voice is enough to send me to euphoria.

"H-Hi, Pam! Kamusta na?"

"Okay lang. Ikaw? Bakit hindi ka pumasok? I was worried sick about you.."

As gay as it sounds, that just made my heart skip a beat again. Damn it, Pamela! Alam mo ba ang epekto mo sa'kin?

Napangiti ako kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. "No need to be worried about me. Masama lang ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok.. I just called to apologize for what happened last night."

Napalunok ako.

"Ha? Bakit ka naman magso-sorry? It's not your fault, Rein.. hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwalang ginulo ng isang halimaw ang party kagabi, but it doesn't matter. What matters is that we're all safe. Right?"

'As long as Medusa is my boss, I'll never be safe.' Isinantabi ko muna ang katotohanan na 'yon nagpaaalam na kay Pamela. Ibinulsa ko na ang cellphone ko at ibinalik ang atensyon ko sa pila. Bakit parang hindi pa rin umuusad? Tsk.

Napatingin ulit ako sa cat food na binili ko. Ngayong personal assistant na ako ni Medusa, ano pa kayang mangyayari sa buhay ko? She mentioned something about greek gods and goddesses and escaping from the Underworld. Kung nasa ibang sitwasyon lang sana kami, baka tinawanan ko siya.

But now, it seems like all those Greek mythology books aren't myths at all.

'She's right. My life wouldn't be the same.'

Nang mabayaran ko na ang cat food na pinamili ko, agad akong sumakay ng jeep papunta sa abandonadong warehouse (a.k.a. "opisina") namin. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang pansinin ang mga mag-syotang naglalampungan.

"Baby, ako na magbibitbit nito para hindi ka na mahirapan."

"Aww! Ang sweet naman ng baby ko!"

"I love you!"

"I love you more!"

"I love you most!"

I frowned. 'What the heck?' Madalas naman wala akong pakialam sa mga taong ipinapangalandakan ang pagmamahalan nila sa isa't isa, pero sa pagkakataong ito, parang gusto kong ibuhos sa kanila ang cat food na dala ko. Sheesh, don't these people have anything else to do instead of sucking each other's faces in public?

Pero ang nakakapagtaka pa, mukhang walang ibang nakakapansin sa kanila. No one looks disturbed with their little make out scene.. not even the driver!

Lahat sila ay abala sa kani-kanilang mga buhay.

"Ano bang kalokohan 'to?"

Nang bumaba ako ng jeep, napansin ko ang pagdami ng mga magkasintahan. Lahat sila ay magkahawak-kamay o 'di kaya naman ay abala sa pambobola. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong may kakaibang aura sa kanila. It's like an invisible force bounding lovers. A strong one.

Nang lumiko ako sa kanto, mabilis akong umilag nang may bumulusok na pana sa harapan ko.

I dodged it just in time as the red arrow hit the chest of a police officer on duty. Tatawag na sana ako ng ambulansya, pero mukhang hindi naman nasaktan ang pulis. The red arrow vanished in thin air as a look of affection passed his eyes. He turned to his co-police officer, a woman in her early twenties, and asked, "Do you want to grab a cup of coffee after work? My treat."

Namula naman ang mukha ng babaeng pulis at tumango.

Damn. What the fuck is happening?

"Ah, love is in the air! Don't you think, Rein Aristello?"

Mabilis akong napalingon sa nagsalita. Just in time, I saw a man leaning against a lamp post. He wore a white button-up shirt and white pants. Aside from this, he held a bow and had a bundle of red arrows tied at his waist. His blood red hair fell over his golden eyes.

"Who the heck are you?"

"Nang-iinsulto ka ba, mortal? You know me very well."

Oh, shit. Kung totoo si Medusa, at inatake ako ng isang minotaur kagabi, mukhang kilala ko na kung sino ang hudas na 'to..

Napabuntong-hininga ako.

"Let me guess, you're Cupid?"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top