DUODEQUINQUAGINTA
Noong sinabi kanina ni Adonis na nawasak ang warehouse namin, nakalimutan niya yatang i-describe na parang winasak ng lindol ang lugar.
'Please tell me this is just a fucking nightmare...'
Then again, nightmares really happen in reality, right? You know, it's funny how we can see something tragic like this, but you end up wishing it wasn't real. Parang in denial pa ang isang parte ng utak mo dahil ayaw mong tanggapin na nagkatotoo ang bangungot mo.
"Ginamit daw ni Anteros ang lyre ni Orpheus para manggulo kanina. Eventually, he made his twin believe that Medusa was behind that chaos. Sa huli, sinundan daw niya si Eros papunta rito, and I think you can guess what happened next... Anyway, we're just lucky that he stopped playing it. Nawawala na rin ang epekto nito kaya kaunti na lang ang mga umiiyak." Mahinang sabi ni Adonis habang nakapamulsa.
Hindi ko na napigilan ang galit na sumiklab sa loob ko. I balled my hands into fists and cursed under my breath, "I'll kill that bastard! Wala nang mabuting ginawa ang gagong 'yon."
Mahina namang natawa si Adonis na para bang nasisiraan na ako ng bait. Tinapik niya ako sa balikat at marahang umiling, "Bad idea, mortal. He's a god, remember? No offense, pero baka hindi ka tumagal ng isang minuto kung magkakaharap kayo."
Damn it.
Bakit ba kasi napapalibutan ako ng mga imortal?! This is really unfair. 'Pero tama nga naman si Adonis. Para ka lang magpapakamatay kung bigla mo na lang susugurin si Anteros. Bukod sa kakampi siya ng diyos ng digmaan, mapanganib ang mga pana niya,' paalala na naman sa'kin ng utak ko. Tsk! Then I'll just need to find a way to take him down.
Sa huli, huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at lalapitan na sana sina Caprissa at Lady Medusa.
Kaso natigilan ako sa paglalakad nang matapakan ko 'yong sirang karatula ng warehouse. When I picked up a piece of the broken sighboard of the Cella Warehouse, it finally sunk in.
We have nowhere to go.
Paniguradong gagamitin nina Zeus o ni Ares ang oportunidad na ito para huliin si Lady Medusa. Kung wala kaming magagawa para pigilan ito, she will either be locked up in Hades' dungeons again or worse---executed. Napalunok na lang ako. No, damn it! That's not gonna happen. Not when I'm still breathing.
And then, there's that thing about Linae.
Ibinalik ko na lang sa lupa ang karatula at pinilit ngumiti.
"Mind if I join your girl talk?"
Mabilis na lumingon sa'kin si Caprissa. Her worried face momentarily lit up upon seeing me. Nakakalungkot isipin na dahil sa sobrang problemado niya sa nangyari sa warehouse, ngayon niya lang ako napansin. Mukha siyang stressed, at agad akong naawa sa batang ito. She's just twelve years old, for pete's sake!
"K-Kuya Rein!"
She immediately ran towards me and enveloped me in her embrace.
Magrereklemo na sana ako dahil sa higpit ng pagkakayakap niya (seryoso, para na akong hindi makahinga!) pero agad ko rin naitikom ang bibig ko nang marinig ko siyang humihikbi. Tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko nang mapagtanto kong umiiyak na pala si Caprissa. Ramdam ko ang lungkot niya at bahagya pang nanginginig ang kanyang katawan. She's being emotional again, like the time when she cried when she realized Lady Medusa might leave us someday.
Wala na akong nagawa kundi himasin ang likod niya at hayaan na lang siyang umiyak.
Sometimes it's best to just cry it out. Tuwing may nanghihingi ng advice sa'kin kapag may mabigat silang problema, palagi kong sinasabi na umiyak lang sila. Some would be weirded out, but that's honestly the best advice I could give.
You need to bleed out the pain in the form of tears, that way it'll hopefully lessen the emotional burden.
Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na ako, "I'm sorry."
Caprissa sniffed and looked at me with teary eyes, "Huh? Bakit ka po nagso-sorry, Kuya Rein? Wala ka naman pong ginawang masama. Si Anteros ang sumira sa hideout natin."
"I-I'm saying sorry because I wasn't here when you and Markus needed me. Wala akong naitulong sa inyo noong umatake si Anteros.. I feel guilty. Sa sandaling panahong magkakasama tayo, pamilya na ang turing ko sa inyo. Kung nanlaban lang sana ako kina Stheno at Euryale, hindi sana ako makikidnap at hindi sana mangyayari ito.. I'm sorry I'm not strong enough, Caprissa.. I'm sorry you two had to face this tragedy alone."
Malungkot na ngumiti ang bata. "You shouldn't feel sorry, Kuya Rein. Hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo lalo na sa mga pangyayaring hindi mo naman kontrolado. We're just happy that you and Lady Medusa are safe."
Yup. Mas matured kaysa sa'kin ang batang ito.
"Meow!"
Napatingin kami sa kulay kahel na pusang lumapit sa'min. Mula nang dumating kami rito, hindi ko pa rin mabasa ang emosyon sa mga mata ni Lady Medusa. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may nagbago sa kanya mula nang maramdman niya ang presensiya kanina nina Ares at Poseidon. As much as I want to punch that rapist in the face and send him flying to the Arctic Ocean for what he did to Lady Medusa, alam kong mas lalo akong walang laban sa isang Olympian god.
But that doesn't mean I'll give up.
Hindi ako susuko hangga't hindi niya napagbabayaran ang ginawa niya sa boss namin. If Zeus was stupid enough to let him walk around like an innocent man, I fucking won't.
"Hey!"
Hinihingal na lumapit sa'min si Markus. Kanina pa ito may kausap sa telepono kaya lumayo siya sa'min kanina. Hindi naman sa pagiging tsismoso, pero base sa nakakunot niyang noo at mahinang boses, I could only guess that whatever the person on the other end of the line was telling him---it wasn't good.
"Glad you're finally back, Rein. Kamusta ang field trip mo sa Underworld?"
Napakamot ako ng ulo dahil sa tanong ni Markus. "Well, aside from the reverse waterfalls, weird meat salad, and the giant creepy spider, I'm just glad we survived.."
"Meow."
Pero noong mga sandaling 'yon, nagkatinginan sila ni Caprissa. 'Ano bang problema ng dalawang 'to?' isip-isip ko habang nakasimantot. Sa kabila ng trahedyang nangyari, nagawa pa rin nilang ngumiti nang nakakaloko sa'min. Finally, the lazy ass emo sighed and pocketed his hands. Parang tinatamad pa itong magsalita kahit pa mapang-asar ang ngisi niya, "So, since you and Lady Medusa were gone for a couple of days, did anything special happened?"
"W-What the hell?!"
"M-Meow?!"
Caprissa giggled at us.
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. I mean, Lady Medusa and I kissed---but it didn't mean anything, right? Tsk. Pero sa kabila nito, alam kong namumula ang mga tainga ko. Napaisip tuloy ako kung sa ilalim ng balahibo ngayon ni Lady Medusa, namumula rin kaya ang mga pisngi niya sa hiya?
No.
Hindi ko na dapat balikan ang alaala ng halikan namin ni Lady Medusa sa gubat. It was just a spur of the moment. Hindi ko kayang lokohin si Pamela, kahit pa mas lumalim ang samahan namin ng maldita kong amo.
'Tama nga si Chiron. You're always making up excuses to not have feelings for your boss.'
Pull yourself together, Rein.
Pagak na lang akong natawa, "N-Nothing happened! 'Wag na nating balikan.. ang mahalaga, nandito na kami. Kung hindi na natin maayos ang warehouse, maghanap na lang tayo ng ibang hideout. 'Yong lugar kung saan hindi tayo mahahanap nina Ares o ni Zeus."
But at the back of my mind, a voice was telling me it's useless. Ramdam kong alam na rin ito ni Caprissa dahil bigla sumeryoso ang tingin niya sa'kin.
Sa hindi malamang dahilan, lalong namuo ang tensyon sa pagitan namin.
Dahil hindi namin alam kung hanggang kailan namin maitatago ang katotohanan kay Lady Medusa.
Wala na siyang rasong manatili dito sa Eastwood dahil patay na ang nilalang na hinahanap niya.
Linae is dead.
Bago ako makidnap noon nina Stheno at Euryale, aksidente kong natagpuan ang libingan ni Linae sa Eastwood Cemetery. Doon, inamin sa akin ni Caprissa na matagal na niyang alam ang tungkol dito. Matagal na niyang alam na wala nang saysay ang paghahanap namin sa dating disipolo ni Athena. 'Wala pa rin akong tiwala sa ipinangako ni Ares kay Caprissa na hahayaan niyang manatili rito sa Eastwood si Medusa. Damn it!'
Dumako ang mga mata ko sa pusa. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa'min. Her eyes were glued to the destroyed warehouse.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman na niya ang totoo?
I know I should just tell her the truth. Hindi na dapat namin pinapaasa si Lady Medusa. Bukod pa rito, paniguradong magagalit sa'min si Lady Medusa dahil inilihim namin ito sa kanya. Heck, she might even turn us to stone!
Hindi na maaalis pa ang sumpa sa kanya at hindi na rin siya makakabalik sa templo ni Athena.
Kaya bakit nahihirapan akong sabihin ang totoo?
Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang biglang napabuntong-hininga si Markus. Dahil dito, napalingon kami sa kanya. Bigla akong kinabahan nang makita ang malungkot niyang ekspresyon. However, Caprissa looked oblivious to this. "Anong problema?"
Ngumiti siya nang malungkot. And suddenly, those rock band t-shirts didn't look the same.
"Hindi na ako makakasama sa inyo. Tinawagan ako kanina ng kuya ko at...ang sabi niya, napagdesiyunan nilang pag-aralin ako ulit. Pinipilit na nila akong umuwi ngayon sa amin para maihanda ko na ang mga gamit ko...They want me to study abroad and made sure that I won't rebel against it." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagkabasag ng boses ni Markus.
Binalingan niya ang amo namin na halatang nagulat rin sa kanyang sinabi. He crouched down, forced a smile, and patted Lady Medusa's head, "I'm sorry, Lady Medusa. Sa pagkakataong ito, hindi ko na matatakasan ang reyalidad ko. Pasensya na.. Hindi na kita mareregaluhan ng tinik ng isda sa Valentines.. hindi na kita maipagtatanggol. 'Di bale, malaki ang tiwala ko sa kakayahan nina Caprissa at Rein. Sana mahanap mo na si Linae... I-I'm resigning as your henchman."
Is this really happening?
"Meow."
Nag-iwas ng tingin ang pusa. She's trying her best not to be affected, kahit na alam naming lahat na nalulungkot rin siya sa balita ni Markus.
Napalunok ako. Tiningnan ko si Caprissa. Nang magtama ang mga mata namin ng bata, alam kong pareho kami ng iniisip.
Ngayong nasira ang warehouse, aalis na si Markus, at itinatago namin ang sikreto ng tungkol kay Linae kay Lady Medusa, ano nang mangyayari sa amin?
*
After Markus announced his resignation and left to go home, bigla na lang nawala si Lady Medusa. Akmang susundan ko na sana siya nang pigilan ako ni Caprissa.
"Kuya Rein, hayaan na muna natin si Lady Medusa. Hindi man niya ipinapahalata, pero alam kong nalulungkot din siya."
"Do you think she'll be okay? B-Baka ma-depress bigla si Lady Medusa at---"
"That won't happen. Alam po nating pareho na marami nang napagdaang mas masasakit na pangyayari sa buhay niya si Lady Medusa. Baka mas magalit pa siya sa'tin kung makikita niyang pinanghihinaan rin po tayo ng loob, Kuya Rein.."
Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba minsan pakiramdam ko nananadya ang tadhana? Damn. Kung kailan pa lalong nagiging desperado sina Zeus at Ares, saka nagkaganito. I can't help but feel like the gods are conspiring against us.
"Ano nang gagawin natin? Hanggang kailan natin isisikreto kay Lady Medusa ang... tungkol kay Linae?" Hininaan ko ang boses ko. Delikado na at baka may makarinig sa'min kahit pa kami na lang ni Caprissa ang nandito.
"I'll talk to Ares. Ako na pong bahala."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bata. Hindi ko alam pero bigla akong nainis. Alam kong isang henyo si Caprissa, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nagtitiwala kay Ares. This is just crazy! Alam naming lahat na walang magandang maidudulot ang pakikipagkasundo sa diyos ng digmaan. He'll just use us for his plans!
"You've got to be kidding me..." Pagtitimpi ko. Kung naguguluhan ako kanina, mas lalo na akong naguguluhan ngayon.
Kalmado namang ngumiti si Caprissa.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawang ngumiti kahit na alam kong peke lang ito. It's like her smile was fabricated to convince herself more than to convince others.
"Kuya Rein, just trust me on this. Ako nang bahalang makipag-negosasyon kay Ares."
"Sa gagawin mong 'yan, lalo pang mapapahamak si Lady Medusa! Nakita mo naman kung anong nangyari sa warehouse, 'di ba?" Iminuwestra ko ang direksyon ng nasirang gusali at nagkabitak-bitak na lupa, "Wala tayong laban kina Ares kung sakaling traydorin niya tayo! Damn, he won't even care what happens to us, he just wants to execute Lady Medusa and claim that stupid throne to Olympus!"
"That's why I'm doing this, Kuya Rein. Gagawa ako ng paraan para maayos ito. Para makasama pa po natin si Lady Medu---"
"WHAT THE FUCK, CAPRISSA?! Alam kong gusto mong manatili dito sa Eastwood si Medusa para makasama pa natin siya, kaya mo itinatago sa kanya na matagal na palang patay si Linae, pero ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na baka nagiging selfish ka lang?!"
Kamuntikan ko na yatang masabunutan ang sarili ko dala ng sobrang inis sa sitwasyon namin. Bullshit! We only have limited options left, at kahit anong landas pa ang piliin namin, parang palaging "dead end".
Kung makikipagkasundo kami kay Ares at tutulungan siyang maupo sa trono ng Olympus, paniguradong tatraydorin niya kami at ipapapatay si Lady Medusa.
Kung hindi si Ares ang makakadali sa'min, baka naman tuluyan nang mahuli ng iba pang mga diyos o ni Zeus mismo si Lady Medusa. Ang ending? Ipapatapon niya ulit sa kulungan sa Underworld ang amo namin. Hell, I don't even know what kind of punishment he might have in store for us!
At syempre, kung hindi naman sina Ares o Zeus ang papatay sa'min, baka si Lady Medusa na mismo ang gumawa 'non. She'll be furious when she finds out that the person she'd been looking for was actually resting in peace at the cemetery---she'll surely kill us because Caprissa and I kept the painful truth from her.
It's like we're stuck in some twisted labyrinth, but no matter how desprate we are to escape, there's literally no way out.
'Bakit ba naging ganito kagulo ang buhay ko?' isip-isip ko. Hindi ko na namalayang nakakuyom na pala ang mga kamao kong nanginginig na sa galit. Nang mapansin kong nakatitig pa rin sa akin ang inosenteng mga mata ni Caprissa, tumalikod na ako at naglakad papalayo. Gusto ko na munang kalimutan ang problemang 'to. Babalik na lang ako sa dorm, magkukulong sa kwarto, matutulog, at aasang sa susunod na siglo na ang gising ko.
"Ako lang ba talaga ang selfish dito, Kuya Rein?"
Natigilan ako nang biglang magsalita ang bata. Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya at pinakinggan ang mga sumunod niyang sinabi. Tuluyan na akong natuod sa kinatatayuan ko nang umalingangaw sa katahimikan ang sinabi niya.
"Kanina, handa mo rin pong ilihim kay Lady Medusa ang tungkol kay Linae. Somehow, you don't want her to find out about Linae's death.. kung talagang hindi ka pabor sa pagsisinungaling ko kay Lady Medusa, sana sinabi mo na kanina sa kanya ang totoo. You had all the opportunities to do so! Bakit, Kuya Rein? Bakit ayaw mo ring magsabi ng totoo kay Lady Medusa?" Nabasag ang boses ni Caprissa. Umiiyak na naman siya..
Nanuyo ang lalamunan ko nang mapagtanto ko ang tungkol doon. Caprissa was right. If I hated her so much for lying to Lady Medusa, why am I doing the same? Kung tutuusin, dapat nga sinabi ko kay Lady Medusa ang tungkol kay Linae noong nasa Underworld pa lang kami. She deserves to know the truth that all her efforts are nothing but wasted actions.
Pero imbes na gawin ko ang tama, isinantabi kong pilit ang katotohanan. I unconsciously locked up the truth and focused on Lady Medusa while we were in the Underworld.
Why?
'Because you want her to stay in Eastwood.. because you know the truth will kill her.. and maybe, just maybe, because you lo---'
"Bullshit."
Inis akong napailing sa sinasabi sa'kin ng utak ko at padabog na umalis.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top