DUODEQUADRAGINTA

Hindi ako veterinarian. Ni hindi ko nga kayang gamutin ang sarili kong mga sugat o kahit sugat ng mga tao, ang sa hayop pa kaya? Kung nandito lang siguro si Bart, baka magka-ideya ako sa gagawin. Vet kasi ang mga magulang niya--I know so because he would always complain about being bossed around in their little animal clinic. Kaya nga nang malaman ng mga magulang niya na wala siyang planong sumunod sa mga yapak nila, nadismaya sila.

Well, I guess it's understandable.

But it's surely not a sin if we can't reach our parents' expectations of us.

Minsan, tinuturo na nila tayo sa isang partikular na daan, pero hindi natin ito sinusunod. Parents tend to lay out a blueprint for our lives, and expect us to follow the instructions they carefully wrote on top of it. At dahil mabubuting mga anak tayo, we try our very best to follow every word written there.. only to realize that we can't.

I'm guilty of that too.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang pusang wala pa ring malay. Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras na ang lumipas, pero dahil natuyo na ang robe na binigay sa'kin ni Chiron at ang boxers ko, sa tingin ko medyo matagal-tagal na rin mula nang mapadpad kami dito ni Lady Medusa.

Nang maisuot ko na ang boxers ko, kinuha ko ang natuyong robe na isinampay ko kanina sa isang sanga at ikinumot ito kay Medusa. I tried my best to cover her wound, but it was still bleeding.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

She purred in pain and it almost broke my heart---err.. dahil mahilig ako sa pusa. At ayokong nasasaktan yung ano.. yung pusa.

Napabuntong-hininga na lang ako habang naka-indian sit sa lupa. Hindi ko na pinansin ang paghampas ng malamig na hangin sa balat ko, at ang iritableng katotohanang naka-boxers lang ako. Nakakabingi pa rin ang ingay na nagmumula sa kalapit na talon. the cold red water smashing down against the small pond. Mukhang ito na nga ang dulo ng ilog ng Styx.

'Makakabalik pa kaya kami sa Eastwood?'

No matter how awesome the Underworld might be, ayoko namang makulong dito habambuhay. Pero sa huli, alam kong wala na akong magagawa kundi magtiwala kay Lady Medusa. She probably knows all the possible routes from here.

Napatingin ulit ako sa pusang wala pa ring malay.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin naghihilom ang sugat ni Medusa. Shouldn't immortals have healing abilities or something? O baka naman exemption ang mga halimaw?

"Kailangan nating magamot ang sugat mo."

Lumingon ako sa kagubatang nasa likuran namin. Unlike richly the green forests of Eastwood, these trees looked dead and decayed. Kulay puti ang kanilang mga katawan na may batik-batik na pula. Their long and needle-like branches had no leaves, making them look even creepier.

A "biophile" is a person who loves nature. Pero mamahalin pa kaya nila ang kalikasan kung nakakakilabot ang histura nito dito sa Underworld?

Mula rito, naaaninag ko ang usok sa di-kalayuan, kaya alam kong malapit-lapit na rin kami sa kabihasnan.

'Baka may bahay doon o tindahan? Maybe they could spare me some medicine for Lady Medusa?'

Mas okay sana kung may veterinarian akong mahanap dahil wala talaga akong experience sa panggagamot at baka lalong lumala ang sugat ng amo ko dahil sa'kin. But if worse comes to worst at kinailangan kong maging doktor, wala na akong magagawa.

I'll do anything to stop her bleeding.

Mabilis kong binuhat ang pusa at kinarga na parang isang sanggol. I wrapped her with the black robe and kissed her feline forehead. The soft purr coming from her throat almost made me smile.

"Lady Medusa, hang in there.. we're gonna get you some help, okay?"

At sinimulan ko nang maglakad papasok sa masukal na kagubatan. Kapansin-pansin ang pagiging tuyo at ang malalaking bitak sa lupa. May usok pang kumakawala sa ilalim ng mga ito na parang sumisingaw mula sa impyerno. I pushed that thought aside and walked faster past the dead forest. Napangiti ako nang matanaw ko ang isang marketplace sa di-kalayuan.

Or, atleast it looks like a marketplace?

May ilang palapag kasi ang lugar na parang sa mga RPG na nilalaro ko. The place was divided into three layers of land, with only a narrow elevator shaft connecting them. Para silang mga CD na itinusok sa barbeque stick.

I laughed at my own silliness.

'Langya, nababaliw na yata ako sa gutom.'

*

Nang marating na namin ang lugar, agad kong napansin ang karatulang nakasabit sa gilid. It was made out of black iron, the metals elegantly curved to form the words: Tartarus.

'Tartarus?'

Kung ikukunsulta ko ang nabasa ko noon sa Greek myth books sa ECU library, ang Tartarus ay ang isang bahagi sa lupain ni Hades para sa mga masasama at makasalanang mga nilalang. But knowing how twisted my story had become, I have a hunch that this Tartarus is different from the book version.

The place was filled with paranormal creatures and strange establishments. One street was lined with shops and flanked with merchants selling odd things such as potions, talking scissors, mermaid pants (WTF?), and fire-eating gummy worms! Napaatras pa ako nang kamuntikan na akong mabunggo ng ilang mga taong-lobong may hawak na dyaryo. Bahagyang yumanig ang lupa nang dumaan ang isang cyclops na naka-business attire. Nang mag-angat ako ng mga mata, doon ko naman nakita ang ilang mga mangkukulam na nakasakay sa kanilang mga walis---they displayed a large tarpaulin that advertised a 50% off on mummy glue.

Napalunok ako..

"T- This place is crazy!"

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang matabang pusang karga ko. Sumasakit na talaga ang braso ko sa bigat niya, pero hindi na ako nagreklamo. I need to find a vet, or anyone who knows how to treat animals. Mukha namang walang nakakapansin sa presensiya ko, kaya mabilis kong nilapitan ang isang garden gnome na nakikipag-away sa katabi niyang tikbalang.

"Excuse me, sir?"

Tumalim ang mga mata ng gnome.

"Babae ako!"

Napanganga ako. Hey! It's not my fault! Malay ko bang lalaki pala, eh balbas-sarado at "patag" siya? I cleared my throat and smiled awkwardly. "S-Sorry, miss. Magtatanong lang sana ako. Saan may beterinaryo dito? My cat is injured, and I really need someone who could help me."

Tinitigan ako ng babaeng (?) garden gnome mula ulo hanggang paa, na parang ngayon niya lang ako nakita. She scrunched up her nose, a look of disgust in her black beady eyes. "Isa kang tao!" Kapansin-pansin na pati yung tikbalang na kausap niya kanina, napaatras.

'Pati ba dito sa Tartarus may discrimination?'

"Oo," I sighed in frustration. Nararamdaman kong lalong nanghihina si Lady Medusa at tumatagos na sa roba ang dugo niya. "Saan?"

"Hindi ka dapat nandito." Napapailing na sabi ng pandak na nilalang. No offense, but garden gnomes really are just a foot tall. Para siyang mga duwende, pero mas mukhang yari sa porselana ang katawan nila.

Malapit na talaga ako maubusan ng pasensiya.

"Look, can you just tell me where the vet---?!"

"Mahigpit na ipinagbabawal ang mga tao sa Tartarus! Nakasaad iyon sa Tartarean Act No. 6089. You need permission first from King Ha---"

"BULLSHIT! WALA AKONG PAKIALAM SA PULITIKA NIYO RITO SA UNDERWORLD, PANDAK! NASAAN ANG BETERINARYO?!"

Nanliit lalo ang garden gnome dahil sa takot sa pagsigaw ko. Nanginginig niyang itinuro ang direksyon ng isang kalye. "N-Nasa 15th avenue ang clinic para sa mga werecats. P-Pwede doon ang pusa mo.. it's beside the old vampire dentist  clinic."

Medyo na-guilty ako nang parang mangiyak-ngiyak na siya sa takot. Masyado bang napalakas ang boses ko kanina? Damn. Kalaunan, pinilit ko na lang ngumiti at mahinang nagpasalamat sa kanya. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa sinasabi niyang werecat clinic.

*

After a few unusual minutes of just walking down the street filled with unusual creatures, narating rin namin ang sinasabing clinic ng garden gnome. Kamuntikan pa akong natawa nang makitang katabi nga nito ang isang vampire dental clinic---ang "Vampire Smiles". It even had neon lights in the shape of vampire teeth, complete with fangs and dripping blood.

Samantala, sa isang maliit na espasyo lang nakatayo ang werecat clinic ("I'm Feline Good Today!---no werewolves allowed"). Gawa sa salamin ang labas nito at may karatula pa ng salitang "OPEN" sa may pinto. Hindi ko na lang pinansin na parang may whiskers pa ang doorknob at mabilis na akong pumasok sa loob, karga ang isang nanghihinang Lady Medusa cat.

"Hello?"

Napamura ako sa gulat nang biglang sumulpot ang isang babae mula sa likod ng front desk. Nagpakurap-kurap ako kasi mas mukha siyang isang malaking pusa kaysa babae. Kung hindi nga lang dahil sa ribbon sa may tainga niya, at ang kulay pulang lipstick sa kanyang labi, baka napagkalaman ko na namang lalaki ang nilalang na 'to.

When it was clear that she wasn't gonna talk, I started. "Um.. nandito ako para ipagamot ang pusa ko? S-She had an accident.."

Her eyes widened when she saw the orange cat's condition. Mabilis siyang naglaho at kinuha ang isang stretcher. Then, she took Lady Medusa from my arms and gently placed her on it. Ibinalik niya sa'kin ang duguan kong roba at dinala sa isang silid si Lady Medusa.

Hindi ko alam kung pipi ba ang pusa o talagang ayaw niya lang akong kausapin?

I sighed, wore the black robe, and sat down on one of the chairs. Mamaya ko na poproblemahin kung paano ko sila mababayaran. Wala nga pala kasi akong dalang pera ngayon. Iba-ban kaya nila ako sa Tartarus kapag hindi ako nakapagbayad? Oh shit! Paano kung ikukulong na lang nila ako sa isa sa mga dungeons sa kastilyo ni Hades at gagawing alipin?

Sa lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansing may pumasok sa clinic at umupo sa tabi ko. Abala sa pagbabasa ng dyaryo ang lalaki. Nakakatuwa kasi kamukha ito 'nong dyaryong bitbit kanina ng dalawang werewolves. Dala ng kuryosidad, sumilip ako sa nakasulat sa headlines.

MEDUSA: AN EXECUTION IN OLYMPUS?

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pamagat na 'yon. Damn!

The article was all about Zeus' attempts to drag her back to Underworld, pero ang sabi dito hindi sang-ayon ang ibang mga diyos (sa pangunguha ni Ares) na ikulong ang halimaw. They wanted to execute Medusa to ensure the safety of all the other goddesses. May parte pa nga sa article na sinasabing malamang daw ay ginagayuma raw ni Medusa ang kanyang mga empleyado eh! And look! There's my name right there.

Rain Aristello...

Teka!

"Mali pa ang spelling nila! It's spelled as R-E-I-N! Rein! Psh. Ginawa ba namang ulan!"

Sampahan ko kaya ng kaso ang sumulat nito?

Just then, the guy holding the newspaper put it down and stared at me. Kamuntikan na akong mapabalikwas sa pagkakaupo nang mapansin ko ang aura niya. Likd Ares and Eros, this dude has the same "god-like" glow to him. Bigla akong napalunok. He eyed me suspiciously, "Paano mo nalamang mali ang spelling?"

Fuck. Ano nang gagawin ko ngayon?!

"A-Ah.. k-kasi, um.. n-narinig ko kanina! Oo, tama. Narinig ko kasi kaninang nag-uusap yung dalawang werewolves tapos ang sabi nung isa, mali raw ang spelling. Hindi ko alam kung paano nila nalaman. H-Hehe!"

Mukha namang naniwala siya sa sinasabi ko. Marahang tumango ang diyos at ibinalik ang atensyon sa binabasa kanina sa dyaryo.

"Kailangan na talagang mahuli ang halimaw na 'yon. Hanggang ngayon nga ay pinagbabantaan pa rin niya ang buhay ng mga diyosa sa Olympus. Desperada talaga siyang maging isang diyosa. Tsk! That hideous creature deserves an execution."

Pinilit kong hindi ipahalata ang gulat ko.. 'Paanong pinagbabantaan ni Medusa ang mga diyosa? Wala siyang ginagawa!' Well, none that I know of. But I'm pretty sure if she really was silently threatening other goddesses behind our backs, malalaman at malalaman din namin! Mula noong nakilala ko si Lady Medusa, wala na siyang ibang layunin kundi hanapin si Linae at bumalik sa templo ni Athena..

'Then again, Artemis said that Medusa wanted to kill Athena and the other goddesses.'

Marahan akong umiling. No. Damn it! Ipinangako kong magiging tapat akong empleyado kay Lady Medusa.

She has my loyalty.

Kaya nang bigla na lang lumabas ang beterinaryo kasama ang babaeng pusa na kanina pa hindi nagsasalita, agad akong lumapit sa kanila. Karga ng vet (na mukhang normal maliban na lang sa cat ears sa tuktok ng kanyang ulo) ang matabang pusa at ngumiti sa akin nang nakakaloko. Hindi na ako magtataka kung kamag-anak pala ng isang 'to yung Chesire Cat sa nobelang Alice in Wonderland. I can vaguely remember his description of grinning from ear to ear

Creepy.

"Okay na ang alaga mo, sir," the cat-like creepy doctor said, "We stitched her wound and gave her vitamins. Mabuti na lang at walang natamaang vital organs."

Kinarga ko ulit si Medusa na nanghihina pa rin. She barely opened her eyes and 'meow'ed at me. I sighed in relief.

Pero nang maalala ko ang tungkol sa bayad, kinakabahan kong binalingan ang veterinarian. I smiled sheepishly. "Um.. pwedeng utang muna? W-Wala kasi akong dalang pera ngayo---"

"Ako nang magbabayad, mortal."

Nagulat na lang ako nang biglang nagpresinta ang diyos na kausap ko kanina. May kinuha siyang maliit na pouch mula sa kanyang suot na puting jacket at iniabot ito sa babaeng pusang hindi pa rin nagsasalita. The vet looked at the god and nodded, "That's very generous of you, Hermes. Sabagay, yumayaman ka naman dahil sa pharmacy mo. Nakahanap ka na ba ng lason na pwedeng gamitin kay Medusa?"

Nanlamig ang buong katawan ko.

Hermes.. the god of commerce, who acted like a messenger between gods and mankind. Siya ang tagapangalaga ng mga manlalakbay, magnanakaw, at mga atleta. In the Greek myths, he was described to be quick and he also protected humans. Ang Roman counter-part niya ay si "Mercury".

'Tapos may nagmamay-ari siya ng isang pharmacy?'

Well, just a bit of a trivia. Ang Mercury Drugstore sa mundo ng mga nating mga tao ay ipinangalan nga kay "Mercury" ang Roman counterpart ni Hermes. Ginagamit rin kasi yung hawak niyang "caduceus" (yung staff na hawak-hawak ni Mercury sa logo 'nong sikat na drugstore) bilang simbolo ng medisina.

Nang mabayaran na ni Hermes ang vet, pasimple akong lumabas ng shop. Delikado na at baka madiskubre pa niyang ang pusang binayaran niya ng pampagamot ay yung halimaw na gusto nilang lasunin. Yes, how fucking ironic!

"Meow!"

"Don't worry, Lady Medusa.. ligtas ka na."

Mabilis akong tumakbo pabalik sa daang tinahak ko kanina. Pinagtitinginan ako ng mga manananggal at aswang na para bang takas ako sa mental. Mabuti na lang talaga at may sense of direction ako, kundi baka kanina pa ako naligaw sa magulo at pasikot-sikot na mga daan dito sa Tartarus.

Hinihingal akong lumabas ng Tartarus at bumalik sa kagubatang pinanggalingan namin kanina. 'Mas delikado si Medusa kung doon kami sa Tartarus magtatago. Who knows what Hermes might do to her?'

"Meow.."

I stared at her brown eyes and smiled. Alam kong sinusungitan niya na naman ako, pero halata kong nanghihina pa rin si Lady Medusa. She tried to jump down and walk on her own, pero para lang siyang pusang lasing. Pagewang-gewang at napapangiwi sa sakit ng tagiliran niya.

"Alam mo, mas mapapadali kung kakargahin na lang ulit kita."

"Meow!"

I sighed.

Bakit ba ang maldita pa rin ng amo ko?

Nang hindi pa rin nagpapatinag si Medusa, mabilis ko siyang binuhat at ipinuwesto sa likuran ko. She hissed at me but clutched at my neck for support. Hindi na lang ako nagsalita nang aksidente pa niya akong nakalmot.

I smirked and turned my head to glance at her.

"I am giving a piggyback ride to my piggy-sized orange cat boss. Astig 'no?"

"MEOW!"

Pero hindi na siya nag-abalang bumaba. Nang sinimulan ko nang maglakad pabalik ng gubat, naramdaman ko ang unti-unting pagbabago ng anyo ni Medusa. Soon, her long legs strandled me and her arms wrapped around my neck. Her head reste on crook of my neck as her green hair fell over my shoulder. 'Mukhang iba ang takbo ng oras dito sa Tartarus. Mas mabilis yatang lumilipas ang isang araw dito...I guess Medusa's cat curse follows the mortal clock.'

"Rein Aristello?"

"Yes, Lady Medusa?"

"Thank you.."

She murmured before she lovingly kissed the black kissmark tattoo I had on my neck.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top