DUODECIM
Huminga ako nang malalim.
'Act normal, Rein. Err.. kahit na hindi ka naman talaga normal kung tutuusin.'
Ibinalik ko ang atensyon ko sa diyosang si Artemis at ngumiti nang kaswal. Hindi ko na muna pinansin na parang gusto na niya akong patayin gamit ang mga mata niya. Kung may kapangyarihan nga lang na ganoon ang mga diyosa, malamang kanina pa ako pinaglalamayan.
"I'll give you three seconds to answer. Kapag hindi ka nakasagot, puputulin ko ang dila mo at ipapakain sa mga alaga ko."
Napalunok ako. Damn! Magagawa ba niya talaga 'yon?
"One.."
"Er... I---"
"Two!"
"Hey, chill out! Believe me, I would love to take you to my boss, pero kasi medyo mahigpit ang schedule ngayon ni Lady Medusa..." I raised my hands up in a defensive position. Alam kaya nilang nagiging pusa si Medusa tuwing araw? Pakiramdam ko hindi.
Dahil kung alam ito ni Artemis, hindi siya mag-aaksaya ng panahong pagbantaan ako. She could easily hunt a fat cat down!
Naningkit ang mga mata ng diyosa sa'kin. "Paanong mahigpit ang schedule? Hindi naman siya artista ah? 'Wag mo akong pinaglololoko!"
Think, Rein. Think!
"Bumalik siya sa Underworld! Um.. hindi niya kasi mahanap dito sa Eastwood si Linae kaya nakipag-meet up siya sa isa niyang kakilala sa Underworld para makakuha ng dagdag impormasyon."
Natigilan si Artemis. Para bang may inaalala siya. Still, she kept that deadly arrow pointed at my neck. Humakbang ako paatras at nagpaplano na para sa aking "dramatic escape". Sa kasamaang-palad, bigla akong tinahulan ng mga aso ni Artemis. The white hounds positioned themselves like bloody guard dogs, blocking my path.
Mukhang wala na talaga akong kawala.
"At ano naman ang pinaplano ni Medusa?"
Nagkibit ako ng balikat. "I don't understood half of what she said. Pero sa pakakaintindi ko, sa ibang lugar daw siya maghahanap. In fact, she asked me to book a plane ticket for her to London!"
Okay, maybe that lie was a little too exaggerated. Pero mahirap mag-isip ng matinong kasinungalingan kung kaharap mo ang isang diyosa! I've read what they can do to mortals when they get angry, and I'm not gonna take that risk.
Kinakabahan ako. Ayoko pang mamatay nang hindi ko man lang nahahalikan si Pamela! Screw that, ayoko pa talagang mamatay nang single!
"Anuptophile, a person who loves being single. Androphile, a person who loves men. Pluviophile, a person who loves the rain--"
"What in the name of almighty Zeus are you talking about?"
"Ah, w-wala. I just have this weird mannerism when I get nervous."
Artemis' gray eyes assessed me. Sana lang walang lie detector ang mga diyosa!
She lowered her weapon.
"Kung ganoon, kailangan ko nang mag-teleport papuntang London. A great hunter should know how to set a trap for her prey. Uunahan ko na siya roon.." Ibinalik ni Artemis ang pana niya sa sisidlan nito at tinawag ang mga alaga niya. Agad akong napaatras nang kamuntikan na akong lapain ng mga aso bago sila bumalik sa tabi ng diyosa.
"Salamat sa impormasyon, Rein. Sa oras na mahuli na namin si Medusa, sisiguraduhin kong gagantimpalaan ka ni Zeus sa Olympus. Maybe he could even grant you immortality." A small smile graced the goddess' lips.
I ran a hand through my messy hair. "Ah, hindi na. Immortality is not for me."
"Are you sure? Maybe Zeus can turn you into a god and you can live your wildest dreams. Kayamanan, kapangyarihan, kababaihan.. May espasyo pa sa Olympus para sa'yo, Aristello."
Hindi ko naman sinasadya, pero hindi ko maiwasang i-imagine ang magiging buhay ko kung isa na nga akong diyos. I mean, it would be so damn cool! Naka-topless ako tapos ipapangalandakan ko ang abs ko. Matutuwa ang mga kababaihan dahil sa makisig kong pangangatawan tapos ipagluluto nila ako ng masasarap na putahe. Girls would worship me! Hindi na talaga ako magugulat kung papagawan pa nila ako ng rebulto at templo. And finally, my name would be imprinted in those Greek mythology books kung saan maaalala ng lahat ng mga estudyante ang katapangan at kakisigan ng isang diyos na si Rein Aristello!
'Pero syempre, imposibleng mangyari 'yon kasi: una, nagsinungaling ka kay Artemis, at pangalawa, wala naman talaga akong abs.'
Salamat sa moral support ng lohikal na bahagi ng utak ko, bumalik na naman ako sa kasalukuyan. Huminga ako nang malalim at umiling.
"Nah. Immortality isn't for me. Kuntento na ako sa simple kong pamumuhay bilang isang mortal."
Pagak na natawa si Artemis, like I just said a joke. "Isa kang hangal kung ipagpapalit mo ang pagiging diyos sa pagiging mortal. Even that bitch Medusa wants to have immortality. Kamuntikan pa niyang patayin si Athena para lang maging isang diyosa at mapabilang sa amin sa Olympus."
Teka, ano raw?
"Medusa wanted to be a goddess?"
Akala ko ba pumunta siya noon kay Athena para humingi ng tawad at ipawalang-bisa na niya ang sumpa niya?
Pero seryoso pa ring nakatitig sa'kin si Artemis. Napansin kong sumiklab ang galit sa mga mata niya. "That monster has been trying to kill us to be a goddess! Naging usap-usapan sa Underworld ang pag-aaral niya ng black magic para sa hangaring ito. Once she kills a goddess, she can possess her soul and take over her body. Magiging imortal siya at magagawa na niya ang kahit anong gusto niya. Mabuti na lang talaga at nadakip namin siya bago niya mapatay noon ang diyosang si Athena. It's understandable that she wants to hunt down Linae because she wants the goddess' ex-disciple to open the portal that will lead her to Athena's temple."
"I-Ibig sabihin, gusto niyang patayin si Athena?"
"Yes. Kaya kahit anong mangyari, kailangan namin siyang huliin bago pa man siya makapaghiganti kay Athena.. that ugly Gorgon still harbors hatred because of Athena's curse on her."
Then, this means Medusa is seeking for revenge? Akala ko ba hinahanap niya lang si Linae para tanggalin nito ang sumpa ng pagiging pusa sa kanya? Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon.
"I am warning you, Rein Aristello.. 'wag na 'wag kang magpapalinlang sa halimaw na 'yon. Medusa's heart is rotten to the core---well, if she even has a heart." Huling bilin sa'kin ni Artemis bago sila naglaho sa isang kisapmata.
Nakahinga ako nang maluwag.
Pero hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko na sigurado kung kanino ako dapat maniwala. Ano ba talaga ang totoo?
*
Lutang akong pumunta sa klase ko at naupo sa pinakadulong upuan. Walang-gana kong kinuha ang notes ko at nakatulalang nakinig sa propesor. I'm still thinking about what Artemis said earlier. Kung totoo ngang naghihinganti pala si Medusa, I think I just did the biggest mistake of my life and lied to a goddess!
Ang masama pa niyan, nagsinungaling ako para ipagtanggol si Medusa.
'Ni hindi ko nga alam kung nagsasabi ba talaga sa'kin ng totoo ang boss ko. Damn it! What am I gonna do now?'
"Rein?"
Agad akong napalingon sa katabi ko. My heart suddenly remembered he was abnormal and started doing his abnormal heartbeat again. Nakatitig ako sa nakangiting mukha ng babaeng matagal ko nang hinahangaan. Sweet, sweet Pamela! Kung alam ko lang sana na magkakatabi kami ngayon, eh 'di sana nakapaglagay man lang ako ng deodorant. Oh, shit. Hindi ko maalala kung nag-toothbrush ba ako o hindi kanina!
"H-Hi Pamela!"
A worried look flashed on her face. Ilang sandali pa, bigla niyang sinapo ang noo ko. Her soft palm felt great against my forehead. Hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa kanya.
"Okay ka na? 'Di ba sabi mo kahapon masama ang pakiramdam mo?"
"Ang ganda mo talaga..."
"Huh?"
"I-I mean, maganda na ang pakiramdam ko!" Nag-flex pa ako ng muscles ko para machong tingnan (sana). Pagak akong natawa para hindi mapaghalataang kinakabahan ako. "Hindi mo na kailangang mag-alala sa'kin. I'm fine, Pam!"
Pamela smiled.
"Good!"
Kapag ngumiti ka pa talaga ulit, baka mahalikan na kita. And I'm not sure you're father will approve of us going to the counsellor's office because of PDA. Baka lalo lang ako ayawan ni Prof Lavista. Or worse, baka ibagsak niya pa ako this sem!
Huminga ako nang malalim at ibinalik na lang ang mga mata ko sa harapan. But then again, something caught my attention.
Namamalikmata lang ba ako?
Dahil sa pinakasulok ng silid, nakatingin sa'kin ang lalaking may kulay pulang buhok. Golden eyes and those impossibly white clothes. 'Bakit naman nandito si Eros?'
I raised my hand up.
"Yes, Mr. Aristello?"
"Sir, CR lang po. Maglalabas lang ng sama ng loob at hinanakit sa mundo."
Mukha namang naunawaan ng propesor namin ang sinabi ko kaya tinatamad siyang tumango bago bumalik sa pagtuturo. Hindi ko na pinansin ang tawanan ng mga kaklase ko at mabilis na akong lumabas ng classroom.
When I reached the restrooms, I sighed and locked the door.
Hindi na ako nagulat noong nagsalita sa likuran ko si Eros. Mukhang normal na sa mga diyos ang mag-appear-disappear sa kung saan-saan.
"Gusto mong tanungin kong anong ginagawa ko rito, tama ba?"
"Exactly! Akala ko ba busy kayong mga diyos? Wala ka bang mga papanain ngayon para dumami pa ang mga taong nagpapakatanga para sa 'forever' at 'true love'?"
Napapailing na lang sa'kin si Eros. "Hindi mo talaga maiintindihan ang pag-ibig, Rein. O baka naman nagkakaganyan ka lang dahil one-sided lang ang pag-ibig mo para sa babaeng katabi mo kanina?"
Shit. How does he know that?
"I'm the god of love, dude. I can sense infatuations and romantic relationships easily."
Napayuko ako. "Eh 'di ibig sabihin nito, one-sided lang talaga ang nararamdaman ko?"
"Sa ngayon, oo."
Kumunot ang noo ko sa sagot ni Eros. "Sa ngayon? Ibig sabihin mamahalin din ako ni Pam balang-araw?"
"Depends. Ang nakakamangha sa pag-ibig, nagbabago ito at patuloy na magbabago hangga't hindi pa ninyo nahahanap ang soulmate ninyo. Love can take on any form, and it remains unpredictable. Pinapana ko lang ang mga taong nakatadhanang magmahal sa isang partikular na oras, pero hindi ko rin sigurado kung hanggang kailan magtatagal ang bisa ng mga pana ko."
"What do you mean? Ibig sabihin pwedeng mawalan ng pagmamahal ang isang tao?"
"Oo naman. Just like I said, love can change until you find your soulmate. Halimbawa kapag pinana ko si Pamela ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang epekto ng pana sa kanya. Pwedeng magtagal lang ng tatlo o dalawang taon ang pagmamahal niya sa'yo.. hindi natin masasabi. Pero kung kayo talaga ang nakatadhana, hindi mawawalan ng bisa ang epekto ng pana ko. It will make an imprint in her heart and your heart strings will be tied together for all eternity."
"Ibig sabihin, pana ka lang ng pana, pero hindi mo alam kung sino talaga ang mag-soulmates?" Hey, I'm just curious!
"Yup. It's a bit complicated, but yeah. That's typically how it works. I still follow a schedule. Bale naka-trial and error lang ang pamamana ko hanggang sa mahanap ninyo ang soulmates niyo. But in some cases, humans do a trial and error love with the wrong persons, and eventually die without even meeting their true soulmates."
That's sad. Sana naman hindi ako matulad sa mga taong 'yon. Gusto ko pa naman magkaroon ng sarili kong pamilya at makitang lumaki ang isang Rein junior. Magpasalamat na lang sa'kin ang future anak ko dahil magandang lalaki ang tatay niya. Pinagpala siya sa pogi DNA.
"May kinailangan akong panain kanina sa mga kaklase mo. Let's just hope that their relationship will last long." Akmang aalis na sana si Eros nang mabilis akong nagsalita, "Hey! Pwede mo bang panain si Pamela para sa'kin?"
Eros' eyes glared at me.
"That's not a good idea, Rein. Madalas kasi kinakarma ang magkasintahan kapag pinapana ko sila nang wala pa sa schedule." He snapped his fingers and a red logbook popped out of nowhere. Mabilis na inilipat ni Eros ang mga pahina hanggang sa huminto siya, "See here? Next month pa ang schedule na pamamana ko kay Ms. Pamela Lavista."
Napasimangot ako. Ang killjoy naman ng diyos na 'to! Kung pwede ko lang sanang...
An evil thought tickled my mind.
'Malakas naman ang kutob kong kami ang mag-soulmates ni Pamela, kaya hindi kami kakarmahin!'
"Eros, tingnan mo si Batman!"
"Huh? Saan?"
Nang mapalingon si Eros sa direksyong tinuturo ko, agad kong kinuha ang isang pana mula sa lalagyan niya at mabilis itong itinago sa likod ko.
Pasimple akong humakbang papalabas ng banyo. "Ah, eh.. biglang nawala eh! Hahaha! Well, see you later!"
At tumakbo na ako pabalik ng classroom. Pero sa kasamaang-palad, may earthquake drill pala! Mahina akong napamura habang nakikipagsiksikan sa mga estudyante. Papasalubong sila sa'kin at halos hindi ako makadaan. When I spotted Pamela a few meters away, agad akong kumaway.
"PAM!"
Mabilis akong nakipagsiksikan, hawak ko na ang pulang pana ni kupido. When the coast was clear, I ran at full speed and gripped the arrow. 'Kailangan ko lang naman 'to isaksak sa dibdib niya.. then, she'll fall in love with me!'
"PAMELA!"
I smiled.
Heto na. Isasaksak ko na ang---!
"YOW! PARE!"
Napanganga ako nang biglang humarang sa daraanan ko si Desmond. And what's worse?
Aksidente akong naitulak ng ibang estudyante kaya naisaksak ko sa dibdib ng bestfriend ko ang pana. My eyes widened in horror as the red arrow vanished. Desmond's eyes then found mine.
Oh, shit.
Shit! Shit! Shit!
Ilang sandali pa, niyakap na ako ng sakim sa pera kong kaibigan. "Rein, pare.. ang sarap mo palang yakapin?" Natuod ako at halos mangiyak-ngiyak na nang ma-realize ko ang nangyari. THIS IS JUST PLAIN CRAZY!
"D-Desmond! Packing tape, 'tol, b-bitiwan mo 'ko!"
"Pare.. I won't let you go." Hinaplos niya pa ako sa pwetan. "I will never let you go, 'tol."
WTF?!
Pamela raised an eyebrow at us.
Sa 'di kalayuan, napansin kong nakatingin sa'min si Eros. Napapailing na lang siya, pero kitang-kita kong nagpipigil na rin siya ng tawa.
Tangina, naniniwala na yata ako sa karma!
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top