DECIM

The guy with the blood red hair laughed and nodded. Mayabang pa siyang nag-bow na para bang isang maharlika.  Hindi talaga ako makapaniwalang nagkakatotoo ang mga Greek myths na pinag-aaralan lang namin noon. Cupid grinned and attempted to shake hands with me.

"The one and only! Though I'd like to go by the name 'Eros'. Greek origins, and all that. Pleased to finally meet Medusa's new assistant."

Hindi na ako nakipagkamay sa kanya. Bukod sa hindi pa rin ako makapaniwalang nakatayo ngayon sa harapan ko ang Greek god of love, napapansin kong mukhang ako lang ang nakakakita sa kanya. Pinagtitinginan na nga ako ng mga tao dahil para lang akong tangang nakatayo sa gitna ng sidewalk.

I boredly turned at Eros again.

"Erophile, a person who loves the aspect of love and love making."

He raised an eyebrow, "Huh?"

Damn mannerisms. "Nothing. Kakamayan sana kita, kaso ayokong ma-admit sa mental hospital dahil aakalain nilang nakikipagkamay ako sa hangin."

Alam ko namang dapat maging maingat ako sa mga sasabihin ko dahil kaharap ko ngayon ang isang diyos, pero nahihirapang mag-function nang maayos ang utak ko dahil sa kakulangan ng tulog.  Fortunately, Eros got my point, lowered his hand, and laughed. "I understand. Pardon me, pero ayoko munang magpakita sa mga mortal. Baka pagkaguluhan nila ako kung sakali."

I nodded and started walking towards the abandoned warehouse.

"Paano mo nalamang PA ako ni Medusa? At paano mo ako nahanap?"

Huminto ako sa tapat ng warehouse at nilingon si Eros. Mabuti na lang at wala nang masyadong dumaraan sa parteng ito. It was completely isolated from the other parts of Eastwood.

Sumeryoso naman ang eskpresyon ni Eros. He fiddled a red arrow and frowned. Kung hindi ako nagkakamali, iyan mismo ang mga panang ginagamit niya para paibigin ang mga tao. Cool.

"Mula nang tumakas si Medusa sa bilangguan ni Hades, naging wanted siya sa Olympus. Literally, there are wanted posters with face plastered everywhere in the halls! Ipinag-utos sa'min ni Zeus na hanapin siya at kaladkarin pabalik sa Underworld. The oracle keeps us updated from time to time, and she just told us yesterday about your employment. At kung paano kita nahanap, well, I'm a god.."

I sighed. Of course they'll know about everything. Mga diyos sila! Pero nang mabanggit ni Eros ang tungkol sa pagiging wanted ni Medusa, agad na tumalim ang mga mata ko. Hindi ko alam kung sineseryoso ko lang ang bilin ni Medusa na dapat nasa kanya ang loyalty ko o kung apektado pa rin ako sa naganap na minotaur attack kagabi.

"Nandito ka ba para hulihin siya?"

Eros smirked, "Dude, chill.. some gods took the old man's order seriously, but some gods---like me---don't give a shit about it. Hindi ako nagpunta rito para kaladkarin ang Gorgon na 'yan pabalik sa Underworld, kung 'yon ang iniisip mo. I'm just here out of curiosity!" Pagdedepensa ng diyos sa kanyang sarili.

At ngayong nasabi niya ito, I realized that Eros looks like a carefree and mischievous god. Para bang wala siyang pakialam tungkol sa pagiging wanted ni Medusa o sa utos ni Zeus. 'Zeus, the supreme ruler of all Greek gods.. sinong mag-aakalang totoo rin pala siya?' Makalipas ang ilang sandali, tumango ako.

Ngayong kausap ko na ang isang diyos, susulitin ko na ang pagkakataong ito para tanungin ang bagay na kagabi pa gumugulo sa isip ko.

"Alam mo ba kung sinong nagpadala ng minotaur sa'min kagabi?"

I am not stupid (well, most of the time). Malakas ang kutob kong may nag-utos sa minotaur para manggulo kagabi. Nakabantay ang mga diyos sa bawat kilos Medusa, at malamang noong nalaman nilang may nakuha na naman siyang "empleyado", hindi na ako magtataka kung may gustong "alisin" ako sa eksena. The less allies Medusa has, the better chances they'll catch her off guard.

Pero nadismaya lang ako nang umiling si Eros.

"Pasensya na, pero wala akong ideya kung sino. I've only heard about it earlier before I got here. Usap-usapan kasi sa dining hall sa Olympus."

Well, that was handy.

I averted my eyes to the abandoned warehouse. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Nang silipin ko ang lumang bintana, doon ko napansin ang pusang nakamasid sa'kin. The orange feline's sharp brown eyes glared at me through the window. 'Naiinip na siguro sa cat food niya,' napabuntong-hininga na lang ako sabay baling kay Eros.

"Look, I gotta go. Magagalit na ang boss kong mas malala pang magalit kaysa sa drago---Eros?"

Wala na siya.

Kumunot ang noo ko. Ano pa nga bang aasahan ko? He's the god of love. Malamang may naka-schedule pa siyang panain. At ngayon, nagsisisi na akong hindi ko nai-request na panain niya si Pamela para mahalin niya rin ako.

'Good job, Rein. You wasted another damn opportunity..'

Sayang.

Walang imik na lang akong pumasok sa may warehouse kung saan naghihintay sa'kin ang pusang si Medusa. I feel a little less intimidated by her now that she's a cat. I smirked and called her, "Psst! Tabachoy, dala ko na ang pagkain mo---SHIT! ARAY!"

Napaatras ako nang bigla na lang niya akong kinalmot! Gawain ba ng mabuting boss 'yan?!

"Meow!"

Hindi na niya ako pinansin at inamoy na lang ang cat food na aksidente kong natapon sa sahig. Before I knew it, Medusa the cat was already eating in silence. Napapailing na lang ako. "You're welcome, Lady Medusa."

Napatingin sa'kin ang pusa. Walang emosyon ang mga mata niya at sigurado akong ito ang bersyon niya ng pagtataray.

I shrugged, "In-advance ko lang, boss. Mamaya mo na ako pasalamatan kapag nakakapagsalita ka na. Just keep your snakes to yourself."

The cat hissed at me before resuming her meal.

Pakiramdam ko ito pa lang ang simula ng mas marami pang kamalasan sa buhay ko.

*
After lunch, I was trapped inside my small office space inside the warehouse. Hindi ko alam kung paano nagawan ng paraan ni Markus na magkaroon ng internet connection ang "opisina" namin, pero alam kong hindi ako pwedeng magreklamo. Lalo na ngayong nakabantay sa'kin si Lady Medusa habang nagtatrabaho ako.

This is making me really uncomfortable.

"Sino ba kasi 'tong hahanapin ko? At bakit kailangan ko pang gawan ng Facebook account si Lady Medusa?"

After finally creating her account, I clicked the log in option and waited. I was honestly half-expecting this to make sense. Baka naman may Facebook accounts rin ang ibang mythological creatures at gusto niya pang i-add ko sila isa-isa?

Humikab si Markus, pero ni hindi man lang siya tumingin sa'kin mula sa pagkakahiga niya sa sahig. Inilipat niya lang ang pahina sa magazine na binabasa niya at mahinang sumagot, "Hahanapin mo ang dating disipolo ni Athena para ma-kidnap namin."

Natigilan ako.

"Err.. okay? Bakit niyo naman kikidnapin ang disipolo ni Athena?"

"Dahil siya ang nagpatong ng sumpang 'yan sa pinakamamahal nating Lady Medusa." The emo didn't even bother looking at me. Parang mas kinapalan pa niya ang eyeliner sa kanyang mga mata. Markus almost looked like a 90's rockstar, and I don't know whether I should be amused or bothered by it. Mukha rin kasi siyang drug pusher.

"Teka, Athena's disciple cursed her? Akala ko ba si Athena ang nagsumpa kay Medusa?"

O baka naman mali ako ng pagkakaintindi sa mythology lesson namin noong high school? Sa pagkakaalam ko kasi, isinumpa ng diyosang si Athena ang dalagang si Medusa bilang kaparusahan. That's how she had snake hairs that can turn anyone to stone.

The self-proclaimed lazy emo genius closed his magazine and turned his attention to me.

"Si Athena ang nagsumpa kay Lady Medusa na gawin siyang isang halimaw.. but your mortal books never mentioned the fact that after a thousand years, Lady Medusa returned to Athena's temple, asking the goddess' forgiveness.. pero isinumpa lang siya ng isang disipolo ni Athena. Linae was her name, and because she was one of those silly girls who were jealous of Lady Medusa's beauty back then, she cursed her to be a cat between the hours of 6 a.m. and 6 p.m. Kaya't kada araw, nagiging pusa si Lady Medusa. Matapos 'non, ipinadakip nila si Lady Medusa, inakusahan ng tangkang pagpatay kay Athena, at inikulong sa Underworld, sa emperyo ni Hades."

Tumango ako. Marami palang "untold stories" sa Greek myths. "Pero paano nakatakas si Medusa---I mean, Lady Medusa?"

Markus smirked, "Hades' guards didn't know that she can transform into a cat. Kaya't kinabuksan, mabilis na lumusot sa mga rehas si Lady Medusa at hinanap ang lagusan papunta dito sa Eastwood. A year later, she employed me and Caprissa as her henchmen."

"So our goal is to search for Athena's disciple and make her remove Lady Medusa's cat curse?"

"Bingo."

Well, at least that makes sense.

Huminga ako nang malalim at sinulyapan ang pusang nakasimangot na sa'kin. Mahina akong natawa, "Eto na po, babalik na sa trabaho. Thank heavens you're paying me a reasonable amount, you fat cat."

Tumalim na naman ang tingin niya sa'kin. Oops! Did I call her a fat cat again? Patay ako nito mamaya.

"Meow!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top