8. The Mission

The pressure got heavier, and the temperature suddenly dropped. Sobrang seryoso ng mga ekspresyon ng mga kasama ko.

Sins? Who are they?

"I really fucking hate those sins," iritadong sambit ni Kartini.

"Yeah, specially the blood guy," dagdag ni Sadie.

"Yup, that fucking blood guy," pagsang-ayon ni Lucien.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Nang akmang magtatanong na ako ay biglang bumukas ang pinto na nakakuha ng mga atensyon namin.

"Red!"

Kaswal na pumasok sa loob ang guild's master kasama si Iris.

"We've got a mission," nakangising sambit ni Iris.

Lumiwanag ang mga ekspresyon ng mga kasama ko sa narinig. Mabilis kaming nagsikilos at nagtipon-tipon sa isang lamesa. May inilatag si Red na isang papel sa gitna.

"So, tomorrow is our mission. It's the governor's birthday party," panimula niya. Nanatili kaming tahimik at nakikinig.

"Gaganapin ito sa isang bayan. Called, Endaya."

"Are we going to assassinate the governor?" tanong ni Varis.

Natatawang napailing ang guild's master namin.

"Our goal, is this."

Muling naglapag si Red ng isang panibagong letrato ng babae. Hindi hamak na hindi maitatanggi ang maganda niyang itsura. Pero ang pinakakapansin-pansin sa kaniya ay ang suot-suot niyang kuwintas.

It has diamonds. . . many fucking diamonds.

"Ito ang anak ng governor na kasama rin sa event."

"This necklace is known as, The "L'Incomparable" necklace. It features 407.48-carat yellow diamond, 229.52- carat white diamond, intertwined by 18-karat rose gold branchlets."

"And it costs 55 million dollars. Almost 2.7 billion pesos. In short, 5 billion drennies."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi lamang ako kung hindi ang iilan sa mga kasama ko. Five billion drennies?! That's too many!!

"Woah! We're going to be rich!" masiglang sambit ni Sadie. Pumapalakpak pa ito sa tuwa.

"Yeah, ilang linggong pahinga rin iyon," dagdag ni Kartini.

Nagsimula silang magsaya nang biglang sumingit ang isa sa mga kasama namin.

"It's too early to celebrate," pagbara ni Rocco.

Inayos niya ang salamin niya bago seryosong tignan si Red.

"It's too risky, Red. Sigurado akong bantay-sarado and party. It's okay if there's only normal people. But I'm pretty sure that they'll ask guilds for help."

Natatawang napailing si Iris. "Of course, we know that. Parang hindi na tayo nasanay. We're a dark guild, remember?"

Hindi nakumbinse sa sinabi niya ang lalaking kasama namin. Bagkus ay sumang-ayon pa si Acel kay Rocco.

"Yeah. . . i-it doesn't feel right, paano niyo nakuha ang info na ito? Imposibleng-"

"Relax, Acel." Pampapagaan ng loob ni Red.

"We always do this kind of thing. 'Wag ka ng mabahala."

Acel bit his lower lip to stop himself from answering. Nagpatuloy kami sa pag-uusap at pagpaplano tungkol sa mission.

I can't help but to admire the way they plan this mission through. Hindi maiitangging sanay na talaga sila at marami na silang nagawang ganito.

"Okay, be ready. Tomorrow. . . we're going to be rich."

Everyone cheered. Kahit bakas sa mukha nina Acel at Rocco ay pilit silang sumabay sa pag-cheer ng mga kasama ko.

Nang matapos ang pagpaplano ay naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Napunta ang tingin ko sa guild's master na kumurba ang labi sa akin.

"Good luck to your first mission, Erks."

He tapped my shoulder before going ahead.

Natigilan ako sa paglalakad sa ginawa niya. Maigi ko silang pinagmamasdan habang nag-aayos at naghahanda para bukas.

Sana. . . umayon lahat sa plano.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising at nagsiayos. Everyone packed what they needed.

Habang nag-aayos ay nabigla ako nang makitang tumatakbo papalapit sa akin si Kartini.

"Erks! Erks!"

May dala-dala siyang itim na bagay. Nang napunta siya sa harapan ko ay tuluyan niyang ipinakita sa akin ang hawak-hawak niya.

"Here! Wear this!"

Napaawang ang bibig ko nang makita ang damit na pinapasuot niya sa akin. No, it's not a clothe.

It's a freaking costume.

Of catwoman.

"E-Eh? Ayoko nga!"

Sinimulan ko siyang talikuran pero sinundan niya ako. "Oh, come on! It's a costume party! You'll need this!"

Pilit niyang inilalapit sa akin ang costume na pilit ko ring iniiwasan.

"The moment I saw this costume, I know it will look great on you! I mean, you have the curves-"

"Shh!! Mas bagay sa iyo 'yan, Kartini."

Akmang maglalakad na ulit ako papalayo nang matigilan ako nang makita ang taong nakaharang sa amin.

Hindi magawang makatingin sa akin ni Acel na namumula at nahihiya dahil sa suot niya.

He's fucking wearing a batman suit.

"O-Oh come on, woman. Just freaking wear it."

Malalim akong napabuntong-hininga at napailing. Umismid ako bago kunin kay Kartini na sobrang lawak ang ngiti sa mukha ang costume.

Habang nag-aayos ay natigilan ako nang may lumapit sa akin. Hindi kaagad ako naka-react nang ilapit ni Lucien ang noo niya sa noo ko.

Then I saw his eyes changed. It turned. . .

Into a pattern?

Natauhan ako nang alisin niya ang pagkakalapit ng mga noo namin. Sumalubong sa akin ang malapad niyang ngiti.

"Don't worry. My gift is telepathy. We can communicate using our minds. Just call my name inside your head and our minds will be connected."

Kumindat muna siya sa akin bago ako iwang nakatayo at tulala. I didn't expected that.

Nang matapos kaming lahat ay may huling paalala sa amin si Red.

"Okay, nakahanda na ang mga pekeng pangalan at mga impormasyon sa atin. We're going inside by pairs."

"Remember, no matter what happens, our top priority is each other. It's okay if we can't steal the necklace, as long as everyone is safe."

Sabay-sabay kaming tumango. Tinapunan ng tingin ni Red ang mga magpapares sa amin. Kaming magpapares ang aaktong look out sa loob ng party. Habang ang iba ay ang mga aaktong decoy, at ang mga kikilos mismo.

My partner is Acel. No'ng una ay hindi ako makapaniwala na pumayag siya at ni hindi man lang siya nagreklamo o nag-inarte man lang. Mukhang pagdating sa trabaho, wala siyang prolema at lagi niyang sineseryoso.

"Good luck, everyone."

Nagsimula na kaming magsikilos. Nagrenta kami ng mga sasakyan at mga drivers mula sa isang dark guild. Para magmukhang galing talaga kami sa mayamang pamilya at may konekta sa politika.

Hindi nagtagal ay narating namin ang bayan ng Endaya. Kapansin-pansin ang isang napakalaking hotel dito na pinagpupuntahan ng napakaraming tao.

Nang huminto kami sa tapat ng pintuan ay naramdaman ko ang paglapit sa akin ng lalaking kasama ko.

"This is a job. Make sure that you won't be a burden."

Hindi ko na nagawang makasagot nang bumukas ang pinto ng kotse. Sinalubong kami ng mga flash ng mga camera at mga iilang ordinaryong tao na nag-aabang ng mga bisita.

Acel immediately smiled and held my hand. Nang pareho kaming nakababa sa sasakyan ay hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ang sarili ko sa kaniya.

"Smile, woman," mahinang sambit ng katabi ko ng hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Sinunod ko ang sinabi niya at ngumiti. Patuloy kami sa pagbati sa mga taong nadadaanan namin hanggang sa makarating kami sa entrance ng hotel. Bantay-sarado ito ng mga guards at pinagkakapkapan pa kami bago tanungin ang mga pangalan namin.

"Attorney Lowel C. Franco and my wife, Attorney Pia A. Franco," pagpapakilala ni Acel.

Sinimulang tignan ng tagabantay ang listahan na meron siya at hanapin ang mga pangalan namin.

Alam kong kahit hindi ipahalata ni Acel ay kinakabahan siya. Hindi ko siya masisisi, kung ngayon pa lang ay wala ang mga pangalan na iyon ay laglag na kami kaagad.

Napalunok ako nang malalim habang naniningkit ang mga mata ng mga tagabantay sa amin.

"Hm. . . oh! Welcome, Attorney Lowel and Pia Franco. We're glad you made it. Have fun!"

Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ang pinto at sinalubong kami ng mga maraming tao sa loob. Nagawa naming makapasok ng walang problema.

All right. . . this is it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top