59. Part of the plan

I can feel Chain's warm as his arms are wrapped around me.

Ramdam ko ang paghampas ng hangin habang nasa ere kaming dalawa. It almost felt like a dramatic scene. Flying towards the shore, the sun is about to set, and. . . freaking thousands of gifted below us, ready to kill us at any moment.

Inasahan ko ng nasa amin ang atensyon ng karamihan dahil nasa ere kami. Hinanda ko ang sarili ko sa mga atake na pwede nilang gawin. Pero hindi ko pa nagagawang makita ang mga pagbabago ng mga mata nila, pareho kaming pinalibutan ni Chain ng dugo niya.

Lumawak ang pakpak niyang gawa sa dugo na naging bilog, as if a barrier. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"A private space, just for us." I heard him chuckled. Walang buhay ang mga mata kong nakaharap sa direksyon niya.

Wala akong makita, madilim sa loob ng bilog. His blood is really intact and solid, I can hear the attacks outside but none of them are breaking through.

Hindi biro ang ginagamit niyang dugo ngayon, he's too reckless.

"My blood can at least take you to the shore, kit-ten," malambing na sambit ng sadistang kasama ko. "Now, all you have to do is-"

"You can drop the act," pagputol ko sa sasabihin niya.

Nahinto sa sasabihin niya sa Chain sa biglaang sinabi ko. I can't see his expression because of the darkness, but I can feel it changed.

"Everything was already planned from the beginning, right?"

"You already know who I am since the start, and you're just doing this because of the mission."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi kaagad nakasagot ang lalaking kausap ko sa sinabi ko. Ramdam ko ang marahang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

I want to see. . . what character of his, he is showing right now. The pervert one? The childish? Maybe the sadist one?

Ilang segundo rin ang tumagal bago ko marinig ang pilit na pagtawa ng kasama ko. "Hm, my kitten learned something she's not supposed to know."

Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangisi siya ngayon, pinapakita ang pangil niya.

Napaismid ako. "May pagkagaling ka ring umarte, ano? You kept saying that in the end, you're the one who's going to kill me. But, in the end, you're the one who's going to get killed."

Muling nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pakiramdam ko, iba ang takbo ng oras sa loob ng bilog na 'to. It felt like we really are the only people right now, in this time, in this second.

Too bad, I can't see his expression. . . and I can't feel my own emotions.

"An act, huh? Just because of the mission. . ." Rinig kong sambit ni Chain.

"Yeah, I know who you really was. Everything was already planned from the beginning."

"Me, meeting you."

"Me, taking you to Solar Academy."

"Me, acting that you're just someone from the Spiders."

I can hear Chain's chuckles. Wala ng buhay ang mga mata ko, pero ngayong naririnig ko mismo sa kaniya ang mga salitang 'yon, parang tuluyang nandidilim ang paningin ko.

Yeah. . . everything was just a part of the plan-

"But do you know what's not part of the plan?" Natigilan ako nang muling nagsalita si Chain. His voice softened.

"Me, calling you kitten."

"Me, telling you about my brother."

"Me, keeping you all mine. . ."

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras kasabay ng pagkurap-kurap ko. Hindi kaagad napoproseso ng utak ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Chain.

Before I know it, I felt a soft lips, touching mine.

Kasunod nito ay ang pagbukas ng bilog na gawa sa dugo, unti-unting pumasok ang liwanag sa loob at doon ko nakita ang ekspresyon ng lalaking kasama ko.

He's smiling, with his eyes. "It wasn't all an act, when I told you that I won't mind falling in love again, if it's you. . ."

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang tumalon patalikod si Chain, palabas ng bilog, iiwanan ako. Nakangiti siyang nakatingin sa akin, hindi inaalis ang mga tingin namin sa isa't isa.

"I mean it, Erks."

Chain jumped outside of his blood barrier, falling to thousands of enemies. Hindi kaagad ako naka-react sa nangyari. Natauhan na lang ako nang magsara ulit ang bilog na gawa sa dugo niya.

Naiwan ako sa loob, mag-isa.

What the fuck did just happened?

I can't feel anything, I don't know what is this feeling called. . . but, but I can't stand it.

Nagtutubig na naman ang mga mata ko, nanlalabo. Unti-unting nagsara ang kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi.

That stupid sadist! Alam niya ba kung gaanong karaming dugo ang ginamit niya para rito?! Paano siya makakalaban sa libong gifteds sa ibaba?!

Napaismid akong tumingin sa paligid. Wala akong nakikita, saradong-sarado ang lahat. Naririnig ko man ang mga atake ng iba at nararamdaman ang iba, walang nakakapasok sa loob.

He wasn't really lying when he said that his blood is precious.

But, what's precious in a blood. . . if there's no sadist controlling it.

Agad akong nag-isip ng paraan. Paraan para hindi lang kaming dalawa ni Joker ang makaalis dito, kung hindi kaming lahat. I need to-

Hindi ko pa nagagawang kumilos nang kusa ng gumawa ng paraan ang tadhana para nga may maitulong ako. Pero hindi ko alam kung maganda bang senyales 'to.

Chain's precious blood, is slowly disappearing. Para itong nanlalanta at nawawalan ng kulay, nagiging tubig. Now I'm sure that he's freaking anemic.

Dahil dito, walang kaduda-dudang nahulog ako pababa sa napakaraming gifteds. Hindi pa 'ko nakakapunta sa pangpang, o maski maging malapit man lang.

There I saw why the sadist's blood disappeared. Chain was having a hard time fighting. Kahit malayo-layo ako sa pwesto niya, kitang-kita ko ang namumutla niyang balat at nangingitim na mga mata.

Napaismid na lamang ako bago malipat ang tingin ko sa mga nakaabang sa akin na mahulog. Walang buhay ang mga mata kong nakatingin sa kanila.

Too bad for them, neither them or the impact from the fall can kill me.

Nakatayo akong bumagsak. Ilang daang talampakan ang hinulugan ko pero walang ni isang galos ang makikita sa akin dahilan para mabigla ang mga gifteds na nakapalibot sa akin.

I used it as a chance, I felt my left eye changed.

Nagsilabasan ang mga malalaking ugat sa lupa na may matutulis na malalaking tinik. Some of them managed to avoid it or destroy it, while some of them didn't had a chance.

I have no time to waste, I need to get closer to Chain and the others. Hindi ko magawang makita kung nasaan sina Kris at Joker, pati na rin si Acel. Kalayuan, natatanaw ko sina Nyx at ang walang malay na si Hemera, katapat si Andina at ang Agila.

Everything was in chaos, or so I thought. . . it isn't close enough to be a chaos.

I was about to get closer to Chain, when I felt. . . bloodlust. Sa dinami-daming gifteds na gusto akong patayin at malapit sa akin, kaagad na napako ang tingin ko sa isang dere-deretsong pasugod sa akin. Ni hindi niya inalintana ang mga nadadaanan niya at pasugod lang siya sa akin habang nakasakay sa walis.

She still has that psychotic look of hers. The only thing that's new about her, is her eyepatch.

"LOOK WHAT YOU DID, YOU BITCH!" malakas na sambit ni Zabeth at pasugod sa akin. Napaismid ako bago palibutan ang sarili ko ng malalaking ugat, nang sa gano'n ay hindi niya magawang makalapit nang tuluyan sa akin.

Her gift is troublesome-

Imbis na kay Zabeth na mag-focus ang tingin ko, mabilis 'tong nalipat sa lalaking gusto kong lapitan. Kusang tumalim ang tingin ko nang makita ang isa pang Big Shot na pasugod sa kaniya.

The one he called 'Judas'.

"CHAIN!"

Parang bumagal ang pagtakbo ng oras. I did what I have to do. I know it's the last time that I should use it, so I will use it to the fullest.

Sumabay sa mabagal na pagtakbo ng oras ang pagbuka ng bibig ko, hindi pinapansin ang iba at tanging na kay Chain lang ang tingin ko.

I will make sure that with this. . . we can leave this place, together.

Iyon ang plano ko, dahil gano'n talaga sana ang dapat mangyari. Hindi man malaki ang tiwala ko sa sarili kong gift, sa kakayahan ng Diyos na 'yon, malaki ang tiwala ko.

Kaya habang binabanggit ko ang mga salita, hindi ko mapigilang kilabutan. Nakapako ang tingin ko kay Chain. . . pero kusa itong nalipat sa babaeng kaisa-isang natutuwa kapag ginagamit ko ang kakayahan ko na 'to.

Malayo ang pagitan namin, sobrang layo. Pero kitang-kita ko ang ngisi ni Andina na para bang pinapanood ako mula kanina at hinihintay na gumamit ako ng commandment.

"9th commandment. . ."

"-------"

Para akong nabingi nang tuluyang lumabas ang commandment sa bibig ko. I was waiting for it to happen, for the commandment to work.

But instead, Andina's smirk widened.

For the first time. . .

The last commandment that I could use. . .

Didn't worked.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top