54. Red
Unti-unting namilog ang mga mata ko at napakurap-kurap. Parang tumigil sa pagtakbo ang oras at huminto sa paggalaw ang paligid.
Suddenly, I became deaf. The only thing that I can here right now. . . is her name.
Rouge.
Rouge. . .
Rouge?
Hindi ko alam kung mali lang ako ng pagkakarinig, o baka narinig ko lang ang gusto kong marinig. Baka hindi galing kay Red ang pangalan na 'yon, baka sa isip ko lang.
Pero ngayong kaharap ko siya, nakikita ko ang mga emosyon na ipinapakita ng mga mata niya. . . sinasabi nito sa 'kin na tama ang pagkakarinig ko.
The Spider that Chain killed. . . was Rouge?
Bumagsak ang magkabilang balikat ko at parang natuyo ang lalamunan ko.
No. . . is it just a coincidence? Coincidence that I also know someone named Rouge. In the middle of the forest, blind, and alone.
Muli akong napatingin sa lalaking kaharap ko na ngayon ay nakayuko na at walang imik. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ni Red at kita ko rin ang mariin niyang pagkagat sa ibabang labi.
"It's already been 3 years. . . 3 years. . . but I. . . I can't still let her go."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sa isang iglap, ang tatlong taon na pinagsamahan namin ni Rouge ay nagsipakita sa isipan ko.
It's been at least a month since I left her, but we spent 3 years together. Ngayon ko lang napagtanto, tatlong taon ko siyang kasama pero wala akong alam sa kaniya. Wala akong alam kay Rouge.
All I know is that she was also a gifted before, not until she became blind.
Ni hindi ko man lang naitanong kung paano at bakit siya nabulag, dahil nasa isip ko noon ay meron kaming mga bagay na ayaw naming pag-usapan— tulad ng sa akin.
Napalunok ako nang malalim.
Magkakatalo kami. . . sa gift ng tinutukoy namin.
Kung iisa nga lang talaga sila ng Rouge na kilala ko, iisa lang din ang gift nila.
"H-Hey. . . this Rouge, you're talking about. . ."
"Perhaps, her gift is the ability to control the-"
"PERSEPHONE, RED, RUN!"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang nag-echo ang boses ng isang pamilyar na babae. Pareho kaming natauhan ni Red. Muling bumalik sa amin ang realidad na nasa gitna kami ng mission, ng kamatayan.
Pareho kaming napalingon sa babaeng nawala ang pagka-eleganteng itsura na nakapikit habang mabilis na tumatakbo. Even if we're in the middle of life and death situation, I still can't stop being amazed at Hemera.
The fact that she's still beautiful while running and has a trouble look on her face, and the freaking fact that she managed to run. . . FROM A FREAKING MOVING LAVA.
Rinig ko ang pag-ismid ni Red nang makita ang sumusunod na pulang likido na parang tinunaw na bakal sa babaeng kasama namin. Hindi ko alam kung paano nagawang makatakbo ni Hemera at malaman na may ganyan sa kadahilanang nakapikit ang mga mata niya.
Sadyang mas matalas nga talaga ang pakiramdam niya kaysa sa amin.
Mabilis kaming sumabay ni Red sa kaniya sa pagtakbo. Sumunod din sa amin ang napaka-init na lava. Halos pitong talampakan lang ang pagitan namin dito at walang tigil pa rin ito sa pagsunod sa amin. Ramdam na ramdam namin ang init nito.
"Tsk, nalintikan na," iritadong sambit ni Red. "Alam na ng Big Shots na nandito tayo, sa lintik na Cael ang gift na 'yan," dagdag niya.
He looks frustrated and irritated, and I can't blame him. Naharangan na ng lava ang dadaanan namin na ruta. Dahil sa pagtatalo namin ay pwede kaming mapahamak lahat.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. But still. . . I still need to know about the person Red's talking about— about Rouge.
"Tsk, ask the ring for a different route!" muling sambit ng kasama ko na nakakuha ng atensyon ko.
Agad akong tumango sa sinabi ni Red at napatingin kay Van habang tumatakbo. "You heard him, Van. May iba pa bang ruta kaming madadaanan?" mabigat na paghingang tanong ko.
Nalipat ang tingin ko sa dinadaanan at nag-intay ng sagot. It took a couple of seconds before Van answered my question.
"Yes, Miss Erks. There is another route that you can use that is just a couple of meters away from where you are right now."
"Great! Show us the way!"
"Understood, Miss Erks. Now, turNnN sjalxpqkanudk-"
Kusa akong napatingin sa singsing ko at hindi maipinta ang mukha nang biglang nagbago ang pananalita ni Van. In a snap, we lost connection.
"W-What happened- Van! Van!" sunod-sunod na pagtawag ko.
Pare-pareho kaming nahinto sa pagtakbo dahil sa nangyari.
"W-What happened?" tanong ni Hemera.
"We suddenly lost connection-"
"Hindi niyo na magagamit 'yan. Kahit gaano pa kamahal o kagaling ang gumawa niyan, basta electronic devices, kayang-kayang ipa-sabotage ng myembro ko 'yan."
Kusang bumigat ang tensyon sa paligid nang nagkaroon ng mabigat din na presensya. Another voice filled the room, I blanched.
Napunta ang mga tingin namin ni Red at napaharap si Hemera sa direskyon niya. Sa direksyon ng pamilyar na lalaking nagsalita.
Barabbas.
"Red, masyado mo atang sinasayang ang mga pagkakataon na binibigay sa 'yo ni Andina." Kumurba ang labi niya sa isang ngisi at mababa kaming tinignan.
Nakaharang siya sa pasilyo na dadaanan namin. Kahilera ang isa—tatlong dosenang gifteds. Hindi sila katulad ng mga nakalaban ko kanina. Nakasuot sila ng pare-parehong itim na uniporme at may seryosong ekspresyon sa mukha.
They have their own heavy presences.
One of them have different eyes, he's using his gifts. His eyes turned into a. . . blueprint?
Tsk, looks like he's the one sabotaging Van.
"Kahit pa sabihing paborito ka ni Andina, hindi kita mapapalagpas, alam mo 'yan, Red," pagbabanta ni Barabbas.
Walang bakas sa mukha ng lalaking kasama ko ang takot. Bagkus ay taas noo pa siyang humakbang sa harap naming dalawa ni Hemera
"Hindi ko kasalanang baliw si Andina sa'kin, Barabbas. Looks like you're jealous to see your owner obsessed with me." Pabalang na sagot ni Red.
Naglaho ang ngisi ni Barabbas sa labi. Kusang nagbago ang ekspresyon niya at nawalan ng buhay ang mga mata niya.
"Gago ka talaga. Swerte ka lang at mabait pa sa'yo si Andina. Alam nating pareho na kayang-kaya kang paikutin ng babaeng tinatawag mong baliw."
There was a sudden silence. The pressure is suffocating not until someone chuckled.
Red's chuckles got louder and louder and turned into a laugh.
Kusang namilog ang mga mata ko at parang humigpit ang dibdib ko nang makita ko ang pagkakaroon ng itim na kadenang tinta sa balat ni Red.
A familiar one. . . the same as Selene's.
"Paikutin? Andina's gift is giving curses. Kaya kayo nandito, kaya kayo tapat sa kaniya, kaya niya kayo napapaikot," natatawang sambit niya.
Unti-unting namuo ang itim na usok sa paligid niya. That moment, I learned why Red was the Spider's guild's master.
The reason why I got the goosebumps when I first met him. Why he's one of the Sins. Why Andina, the leader of the Big Shots is crazy to have him.
Red's eyes changed, there are. . . black chains inside of it, together with a skull.
"The reason why Andina wants me but can't take me at the same time is that. . ."
"She can give curses with a look."
"And I have a takeover gift. I'm the curse myself."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top