53.5 His older brother

RED'S POINT OF VIEWS (10 YEARS AGO)

I have loving parents. Simple lang ang buhay pero masaya kaming tatlo nina mama at papa. Basta magkakasama kami. . .

Gano'n no'ng una.

Then he came to our lives.

Don't get me wrong, I was happy when I learned that I'm having a younger brother. Pero ako lang, ako lang ang masaya no'n.

Lalo na't hindi bunga ng pagmamahal si Chain, at dahil na rin sa pagdating niya, nagbago nang tuluyan ang buhay namin.

Tinanggap ko siya, hindi ko inisip na magkaiba kami ng ama. I gave him everything as his older brother. I will protect him even from our parents.

Pero nagsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi pumasok sa isip ko minsan na sana hindi na lang siya dumating. Na sana masaya pa rin at kumpleto ang pamilya namin.

Pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa kapatid ko, sa puntong kaya kong talikuran ang sarili kong ina kung para sa kapakanan niya.

I will protect him. After all, we're chained by blood. As long as that red liquid flows in our veins, we're brothers.

When we chose to leave, I thought that's the end for both of us. Ano pa bang aasahan? 11 lang ako, limang taon si Chain.

Ang gift ko, hindi ko pa gano'n gamay. Wala kaming malalapitan, wala kaming maasahan. Kaming dalawa lang ni Chain ang meron kami.

And as his older brother, I will risk my life for him.

Then we met her. It was raining that day when we met Rouge.

Si Rouge na mas lalaki pang umasta sa amin, si Rouge na tinutukoy ng mga matatanda na bad influence, si Rouge na. . . tinanggap kaming dalawa ni Chain.

She was just 18 back then. Just a kid, like us.

Pero pinalaki niya kaming dalawa ni Chain gamit ang perang nakukuha niya sa kung ano-ano—masasamang gawain.

Binigay sa amin ni Rouge ang mga bagay na dapat sa kaniya na lang sana mapupunta. Nangarap siya hindi para sa kaniya, kung hindi para sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Rouge, I want to join a Dark Guild when I'm old enough," seryosong sambit ko sa babaeng kasama ko.

Nagluluto siya ng pagkain namin. Si Chain na ngayon ay walong taong gulang ay naglalaro sa labas, at ako naman ay tinutulungan si Rouge na maghiwa.

Nahinto siya sa paghalo ng niluluto niya at kunot noo siyang tumingin sa akin. She didn't waste a second. I felt a sharp thing, like a needle, poke my skin.

"Aray!" giit ko. It was the wind, Rouge's gift.

"Baliw! Anong pinagsasabi mo, ha?" reklamo niya. "Kung tutuusin, 14 ka na, pwede ka ng pumasok sa mga Academies para sa-"

"Ayoko nga," pagtigil ko sa kaniya.

Seryoso at matalim niya 'kong tinignan. "Sige, sagot pa. Lilipad 'tong kawali sa mukha mo."

Kusa akong napatikom ng bibig. "Dali na kasi-"

"Hep, hep! Tama na, Red. Hindi mo gugustuhin sumali sa gano'ng klase ng guild, maniwala ka." Nagseryoso ang tono niya ng pananalita. "Maraming may gustong kumuha ng ulo ko dahil sa mga pinaggagagawa ko sa mga guild. Ayokong maranasan mo rin 'yon."

Hindi ko na nagawang makasagot sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin at pasimpleng napaismid.

That's the point. . . I just can't let you risk your life in a Dark Guild for us.

And. . . I also want to be with you, even if Chain and I are already in the right age to live on our own.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa balat ko. Nasa ilalim kami ng puno ni Rouge kasama si Chain na busy sa paglalaro ng sarili niyang dugo.

Rouge is laughing while watching him, and I'm smiling while watching her.

I'm already 17, she's 24, and Chain is 11.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang kusang bumuka ang bibig ko at lumabas ang mga salita.

"I love you, Rouge." Sumabay sa hangin ang boses ko.

Nahinto sa pagtawa ang babaeng tinitignan ko at napalingon siya sa akin. Her eyebrows rose, but she doesn't look surprised at all. Instead, she showed a smile, even her eyes are smiling.

"I love you too, Red! You and Chain! I love the both of you!" masigla niyang sambit.

Mapait akong napangiti. Inaasahan ko na ang sagot niyang 'yon.

She doesn't love me that way, the same as I do.

Hindi ko alam kung dahil siguro bata pa 'ko, o baka siguro kasi siya lang ang babaeng nagparamdam sa akin nang ganito, o dahil siguro sabik ako sa pagmamahal?

Hindi ko alam. . .

All I know is that. . . Chain is not the only important person for me from now on.

We might be chained by blood, but my heart belongs to someone else.

Years passed, nasa tamang edad na si Chain para pumasok sa isang Academy. He's already 15 years old, I'm 21, and Rouge's 28.

We chose different paths, but still, no matter what, we're still brothers.

"Paano ba 'yan, Rouge? Lagi ka lang dapat sa tabi ko, ha?" nakangiting sambit ko sa babaeng kasama ko.

Natatawa siyang napakamot sa ulo. "Eh ano pa ba ang magagawa ko? Nangako na 'ko kay Chain. At isa pa, para ko na kayong mga kapatid. Hindi ko kayo hahayaan na mapahamak."

Naglaho ang ngiti ko sa narinig. Pilit na lang akong ngumiti nang tignan niya 'ko.

Years passed, my feelings didn't changed. . . and so as hers.

₪₪₪₪₪₪₪₪

Pabalik na 'ko sa guild ngayon at ako lang ang mag-isa. Galing ako sa Solar Academy para magbigay ng impormasyon kay Principal Bora.

I'm a spy, I guess. Isa akong Guild's master ng mga spiders, at isa rin akong myembro ng guild sa Academy, ang mga Sins—a double agent. Dalawang taon na ang lumipas nang mabuo ko ang Spiders, at naging estudyante si Chain sa Solar.

I may be from a Dark Guild, but I can't let Chain be. Kailangan ko pa rin siyang suportahan, kahit sa dilim. Ang mahalaga lang sa akin ngayon, natutulungan ko si Chain at kasama ko si Rouge.

Nothing's going to change. I'll protect them-

Natigilan ako sa paglalakad sa gitna ng gubat nang makaramdam ako ng pagtusok sa akin ng kung ano. Sobrang bilis at liit nito dahilan ng hindi ko ito napansin kaagad.

Napaismid akong kinuha ang maliit na karayom na tumama sa akin. Fuck, what is this-

"Ikaw lang mag-isa?" biglaang sambit ng malalim na boses.

Umangat ang tingin ko at namimilog ang mga mata ko nang tumama ang tingin ko sa isang malaking lalaki. Walang buhay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Bahala na, magagamit ka pa rin naman namin," walang gana niyang sambit.

Mariin akong napakagat sa ibabang ngipin at napaismid. "Fucker, you don't know who-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hindi ko naramdaman ang pagbabago ng mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napakurap-kurap.

Huh?

"Just shut up and sleep, Red."

Huli ko na lang nakita ang makapal at gawa sa bakal na baseball bat na malakas na tumama sa ulo ko bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako nang nakaramdam ako ng malamig na tubig na tumama sa balat ko. Nahihirapang mag-adjust ang mga mata ko nang dahan-dahan ko itong minulat.

What the fuck happened-

"Gising ka na? Nako, malilintikan kami kay Andina kapag may nangyari sa 'yo. Baliw na baliw pa naman 'yon na makuha ka," sambit ng isang lalaking nasa harapan ko.

May suot-suot siyang dilaw na salamin at may hikaw siya sa bibig. Kulay asul din ang buhok niya na inakala niyang ikinaangas niya. Mukha siyang tanga.

Pinili kong hindi sumagot. Nakatali ako sa isang upuan, kamay at paa. Mas gugustuhin kong ipunin muna ang lakas ko ngayon. Specially now. . . I can't fucking use my gift.

"'Wag mong masamain, Red, ha? Hindi ka naman talaga namin balak saktan," muling sambit ng kaharap ko. "Labas ka sana rito, myembro mo lang ang habol namin."

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko. Matalim ko siyang tinignan habang madiin at simpleng nagpupumiglas ang kamay ko sa tali.

"Anong pinagsasabi mo? Kung tungkol 'to sa guild ko, natural na kasama ako. Papatayin kita kapag may ginalaw ka sa isa sa kanila," madiin na pagbabanta ko.

Hindi siya natinag sa sinabi ko. Bagkus ay nagsitawanan pa silang lahat na nandito sa silid.

"Baliw, baliw. Naniningil lang ako ng utang, Red. Sigurado akong bata ka pa no'n at wala kang alam. . ."

"Pero 'yong babaeng kayang kumontrol ng hangin. Malaki ang utang sa akin no'n."

₪₪₪₪₪₪₪₪

13 days.

I was kidnapped for 13 days. I'm breathing heavily, I survived without food and only a bucket of water, 'yong hinahagis pa nila sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangisi. Patibayan kami rito.

They're using me to lure my guild members, to lure Rouge.

But too bad, they won't be able to do that. Iyon ang una kong rule sa guild, kahit anong mangyari, kahit pa ang buhay ko ang nakataya, poprotektahan nila ang mga sarili nila.

I flashed a smirk.

Yes. . . we got each other's back. Because we're family. It's okay for me to die here, as long as they're safe. . . she's safe.

But then I forgot. . .

Hindi lang ang mga myembro sa guild ang pamilyang meron ako.

On the 13th day, someone came to take me in exchange of Rouge's life.

It felt like I also died that day. My world stopped, everything became black and white.

Chain is in front of me, covered with blood. Not his. . .

Nagtama ang mga mata naming parehong walang mga buhay. Bumababa ang tingin niya sa akin.

You're kidding me, right?

I gave you everything. . . why would you take the only one I have left?

"I came here for my brother. Kagaya nang napag-usapan, i-test niyo ang dugo, sa kaniya 'to—sa babaeng pinapapatay niyo."

"Rouge is dead. I, Chain El diablo, killed her."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top