50. Not a hero

Walang buhay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang sa pamamagitan pa lang ng tingin, nagkakaintindihan na kami ni Selene.

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko nagawang makakibo. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasara ng kamao ko at tuluyan akong nawalan ng ekspresyon.

Her words snapped me back to reality. It made me realized that. . . we're not really different.

Napakurap-kurap ako at mariing napakagat sa ibabang labi. Napayuko ako at hindi ko magawang harapin siya nang makaramdam ako ng marahan na paghawak sa balikat ko.

Even if I'm not looking, I already know who it is.

"Woi, you don't need to think about it too much. After all, all of us here are killers," malamig na sambit ni Chain.

Napaismid ako at narinig ko ang pagtawa ng batang babaeng kaharap namin.

"Judging by what you've said, I guess you're not going to help us, aren't you?" pagsali ni Hemera sa usapan. Elegante siyang nakatayo at nakakurba ang labi sa isang ngiti at nakapikit.

The Joker chuckled. "Of course, I won't," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Rinig ko ang pag-ismid nina Acel at Drine.

"Bakit? Dahil ba tapat na aso ka rin ni Andina?" giit ni Chain.

Napunta ang tingin sa kaniya ni Selene na may subo-subong lollipop. Tinapunan niya ng mapang-asar na tingin si Chain na nakakurba ang labi sa isang ngisi.

"Sort of. Pero hindi lang dahil do'n." sagot niya.

Kaswal niya kaming tinalikuran para lumapit sa isa sa mga lamesa niyang napupuno ng mga kung ano-anong mga gamit. Kinagat niya ang lollipop na subo-subo at iniluwa ang stick.

"I'm not really into powers or authority stuff. Ang rason kung bakit ako nandito ay hindi dahil may pangarap ako para sa mundo katulad nila."

Kumuha siya ng isang tube na may lamang itim na likido at inikot-ikot ito bago kami muling tapunan ng tingin.

"I just wanted to have fun." She smiled.

"At hinahayaan ako ni Andina gawin ang lahat ng gusto ko. Mula sa mga kakaibang eksperimento, mga bagay na makasisira ng pagkatao ng isang indibiduwal, at kung ano-ano pa."

"In short, you're a psychopath, just like them," pagsingit ni Nyx.

Nakangising napailing ang batang kaharap namin.

"No, I'm a genius."

Kumuha siya ng panibagong tube na may puting likido at pinaghalo niya ang itim at puti sa iisang tube na walang laman.

"You won't understand our point of views. Dahil para sa inyo, kayo ang tama." Biglaang nagbago ang ekspresyon ni Selene. Walang kaemo-emosyon niya kaming tinignan ulit. "Fucking brats, for me, you're the psychopaths."

Nang paghaluin niya ang dalawang likido ay imbis na maghalo ang mga kulay, parang kalawang itong namuo sa tube. Napaismid si Selene bago nakasimangot at iritadong napaupo ulit sa swiveling chair.

"Anyways, I only want to have fun. Iyong may napapala ako. Mas mabuti sana kung espesyal ang kaso mo. . . para nga lang sa iba, kaso para sa 'kin, alam ko na 'yan." She looked at me with a lazy look. "I don't care what will happen, it's your fault to begin with."

I was taken aback by what she said. Parang may kung anong tumusok sa akin at nawalan ako ng lakas ng loob para sumagot sa kaniya.

"Woi, that's enough. Even if you're a girl, I won't tolerate that kind of behavior," pagsingit ni Chain.

The Joker didn't even bothered to look at my reaction and she just continued doing her research or experiment.

Mariin akong napakagat sa ngipin bago desididong nagsalita.

"J-Just tell me how... how can I stop it from coming back. Kung paano ko papatayin ang sarili ko. Kung paano ko maliligtas-"

"Maliligtas?" paghinto sa akin ni Selene.

Natigilan ako sa sinabi niya. Walang gana siyang lumingon sa akin.

"Sinong ililigtas mo?" muling pag-uulit niya.

"Itong mund-"

"Mundo? Pft. What are you, a hero?" sarkastikong sagot niya.

"Woi-"

"Ano bang pinunta mo rito? Kung paano mo magagawang patayin ang sarili mo?" dagdag ni Selene.

Parang natuyo ang lalamunan ko pero pinilit ko pa ring sumagot.

"Kung 'yon lang ang paraan-"

"Paraan para mawala 'yang nararamdaman mo," muling pagputol niya sa akin. "The guilt that is slowly eating you from the inside."

"What? Sa tingin mo ay mawawala na ang lahat ng kasalanan mo kapag nagawa mo ngang patayin ang sarili mo?"

I can't utter a word. Tanging pagtitig lang pabalik ang nagawa ko sa batang babaeng kaharap ko.

"You can't die and take your sins with you. You can't save anyone. You're not a hero."

Napako ako sa kintatayuan ko at hindi ko alam ang magiging sagot ko sa sinabi niya. Parang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko nang mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.

Ito na ba 'yon?

Wala siyang balak na tulungan kami. . . siya na lang ang nag-iisang pag-asa ko.

Paano na si Rouge-

Si Rouge nga ba? Ang mundo nga ba kung saan siya nakatira ang iniisip kong protektahan?

Parang umiikot ang mundo ko at nawalan ng kulay. Nahihirapang iproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Ano nga ba ang gusto kong gawin? Iparating?

Ito na ba-

"Woi, shut your mouth. Kung wala kang balak na tumulong, hindi mo na kailangang magsalita ng kung ano-ano."

Muli akong bumalik sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Chain. Punong-puno ng emosyon ang mga mata kong napatingin sa direksyon niya.

"If you won't help us, we'll find another way instead," dagdag niya.

"Hehe, 'yon naman talaga ang kailangan nating gawin," pagsali ni Kris.

"Looks like we'll need to find another lead," kumento pa ni Nyx.

Seryosong humarap sa akin si Chain na bakas sa mukha ang pagkairita dahil sa mga narinig.

"Let's go, kitten." Paghawak niya sa braso ko. "Tsk, and how many times do I have to tell you that I'm the one who's going to kill you," dagdag niya na nagpabalik sa akin sa dati.

Agad akong natauhan at napaismid na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Fuck off, sadist."

He chuckled that made my forehead furrowed. Bakas ang pagkadismaya sa mga kasama ko pero wala kaming magagawa kung hindi bumalik muna sa ngayon.

We need Joker's gift. If she won't help-

"Too bad. If you brought her with you, I would've changed my mind," biglaang sambit ng batang babae.

Pare-pareho kaming nahinto sa pagkilos. Sabay-sabay kaming napatingin sa batang nakapalumbaba sa lamesa at walang ganang binubuo ang isang 6x6 rubik's cube gamit ang isang kamay.

"If she's here, I would've help you."

Nakuha niya ang lahat ng atensyon namin. Umangat ang dalawang kilay ko at hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"H-Her?"

The Joker flashed a smile. "Yeah, her. I'm her biggest fan."

She finished the rubik's cube in seconds using one hand. Nagmamalaki siyang tumingin sa direksyon namin na may ngiti sa labi.

"The only gifted I truly admire and caught my attention. The only individual in the universe who I'm curious with, and who I have many questions with."

"The gifted who never gets old, Helena."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Lahat kami ay natigilan at hindi inaasahan ang sinagot niya

Helena?

I've heard that name many times before.

"H-Helena?" Even Nyx was caught off guard. Kahit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya ay bakas pa rin sa mukha niya ang hindi makapaniwala.

Selene chuckled before changing the rubik's once again.

"Yeah, but she's not here... so..."

"Hey! What do you mean by Helena?!" giit ni Drine.

Malalim na napabuntong-hininga si Selene bago binitawan ang rubik's at humarap sa amin.

"Are you deaf or stupid?" iritado niyang sambit. "Kung dinala niyo rito o kasama niyo si Helena, e 'di tutulungan ko kayo."

"Why her?" kalmadong tanong ni Acel.

"Why? It's because I'm her biggest fan!"

Masiglang napatayo ang kaharap namin sa swiveling chair.

"I even studied how to stop my aging, dyed my hair, and even tried to revive the dinosaurs... tsk, Barabbas didn't allowed me."

"But yeah, I'm her biggest fan. And for her, I'm even willing to leave Andina."

Nagkaroon ako ng pag-asa sa narinig. Punong-puno ako ng pag-asang nagsalita at humakbang sa kaniya.

"S-So, what if we bring you to her? Will you help us?" desididong sagot ko.

Tila nagbago ang ekspresyon ni Selene. Kusang nawala ang ngiti niya sa labi at nawalan ng buhay ang mga mata niya nang tignan niya 'ko.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? KUNG sinama niyo sana siya rito," mariin at may tono na sagot niya.

I looked at her, dumbfounded. "H-Huh?"

"If ONLY you brought her with you, I would've help you. But no, she's not here."

"Then we'll just bring you to her!-"

"Imbecile," pagputol niya sa akin na kinatigil ko.

Walang kaemo-emosyon niyang tinuro ang pintuan na nasa likuran namin.

"Maliban sa hindi niyo na magagawang maka-alis dito ng buhay, hindi ko rin magagawang makalabas dito."

Nakuha ng sinabi niya ang lahat ng atensyon namin. Naguguluhan akong nakatingin sa kaniya.

What?-

"Sa oras na tumapak ako sa labas ng isla. . . boom!" Ibinuka ni Selene ang kamao niya na parang may sumabog. "Sasabog ako."

She chuckled.

"I'm under Andina's gift. I can't leave here. She owns me. . . to be exact, she's my God."

Natatawa siyang tumalikod sa amin. Habang ako ay napayuko at unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.

"You had your chance. Now, you can't-"

"But if we bring you to her, you'll help us, right?" mariing tanong ko.

Nahinto si Selene at kunot noong humarap sa akin. "Tsk, hindi mo ba narinig-"

"T-Tutulungan mo kami, hindi ba?!"

Rinig ko ang pag-ismid niya sa pagtaas ng boses ko bago sumagot. "Oo! Pero hindi nga mangyayari 'yon dahil nasa ilalim ako ng gift-"

"That's all I need," pagputol ko sa sasabihin niya.

It felt like time slowed down as I rush towards her. Mariin ko siyang kinuwelyuhan at nagtama ang mga mata namin.

I felt my eyes changed.

Unti-unting namilog ang mga mata ni Selene nang mapatitig siya pula kong mata.

My fifth commandment. . .

"You're not under a gift anymore. . ."

"For I am God, and thou shall have no other God before me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top